공유

202

작가: RIDA Writes
last update 최신 업데이트: 2025-05-15 00:02:04

NAGLALAKAD si Jai patungo sa lamesa nina Sandro at Aster. Matigas ang panga, seryoso ang mga mata. Hindi alintana ang mga tauhan na bumabati o napapalingon sa kanya at diretso lang ang lakad niya.

Nagtaka naman ang mga tauhan sa hindi pagpansin ng amo sa kanila. Kilala nilang pabati si Jai sa lahat ng mga tauhan, anuman ang mga posisyon nila.

Nakita kaagad ni Jai si Aster. Nakaupo itong kumakain kasabay si Sandro. Nasa ibabaw ng lamesa ang bouquet ng bulaklak na ibinigay ng lalaki.

Ang isang ipinuputok ng kanyang butsi ay ngiting-ngiti sila sa isa't isa, animo'y sila lamang ni Sandro ang tao sa buong restaurant.

"Aster!" Tila umalingawngaw ang malakas na boses ni Jai sa buong restaurant.

Napalingon si Aster sa pamilyar na boses na tumawag sa kanya. Saglit na nanlaki ang mga mata niya at halatang nabigla.

"J-Jai?"

Dumating na nga ang asawa niya. Biglang kumabog ang dibdib niya sa kaba at sa takot. Kita-kita niya ang galit sa mukha ni Jai. Tila akala mo ay pupunta sa isang laba
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (4)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
my kasalan k dn aster..
goodnovel comment avatar
Lhyn Ramos Pelemiano
galit na galit hustong manakit jai..sige pa aster pagselosin mo pa c jai ang lumabas ang totoong nararamdaman sayo ng asawa mo.
goodnovel comment avatar
Amhie Banares
hayy Jai Ewan k sau
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   316

    "CONTRACT husband?" ulit ni Zander na napakunot ang noo. "Vanna, seryoso ka ba sa sinasabi?" "Oo. Alam kong ang hirap paniwalaan para sa'yo, pero kailangan ko lang talaga. Sa sitwasyon ko ngayon, hindi na sapat 'yong manahimik lang ako. Kailangan kong may ipakitang hindi sa matandang 'yon na hindi na niya ako dapat guluhin dahil pag-aari na ako ng iba. Iyon lang ang naiisip kong paraan para hindi na ako guluhin ni Mayor Oscar." Mahabang paliwanag ni Vanna, sabay tango saka umiwas ng tingin. "At ako ang naisip mong kunin bilang contract husband mo?" tanong ni Zander na may bahid ng gulat. "Ikaw lang ang taong alam kong mapagkakatiwalaan ko, Kuya Zander." Muling sagot niya, ngayon ay tumingin na kay Zander. "Kapag nalaman ng tao na may asawa ako, malaki ang tsansang umatras si Mayor Oscar. Ayaw ko ng gulo at lalong ayaw ko sa matandang 'yon." Napalunok si Zander. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o lalong mape-pressure sa mga rason ni Vanna. Parang mahirap iyong naisip ng dalag

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   315

    "KUMAIN ka na ba, Zander?" Untag ni Len sa anak. "Tapos na po," sagot ng binata na ang mata ay na kay Vanna. "Halika at magkape. Ipagtitimpla kita, Zander. Gusto mo ba?" "Ah, Ate Len, ako na lang po," sabat na prisinta ni Vanna. Napangiti si Len. May kakaibang kislap ang kanyang mga mata na napatingin sa kanyang nag-iisang anak. "Sige, Vanna. Ikaw na ang magtimpla para sa Kuya Zander mo. No sugar at no cream ang gusto niya sa kape..." sagot ni Len na tinanguan ng dalaga. "Oh, siya. Maiwan ko na kayong dalawa rito. Ako'y matutulog na." Maya-maya'y nagpaalam na si Len sa dalawa. Pagkaalis ni Len ay saglit na natahimik sina Vanna at Zander. Kumuha ng tasa ang dalaga at nagsalin ng mainit na tubig sa baso habang kinukuha rin ang garapon ng kape. Ramdam ni Zander ang bahagyang paninikip ng dibdib habang pinagmamasdan ang bawat kilos ng babae. "Na-miss ko ang bahay na 'to," biglang nasambit ni Vanna na hindi lumilingon kay Zander habang hinahalo ang kape. "Lalo na siguro ‘yong inga

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   314

    PUMASOK si Zander sa loob ng bahay nila. Hinanap kaagad ng kanyang mata ang ina. Ginabi na siya ng uwi, pero inaasahan pa rin naman siya ng ina na umuwi. "Ma..." tawag niya. Tumungo siya papunta sa kusina. Habang papalapit ay napangiti siya nang makita ang isang babae na abala sa ginagawa sa lababo. "Ma, andito lang po pala kayo. Kanina ko pa po kayo tinatawag. Bakit nasa kusina pa rin kayo? Alas nuebe na po ng gabi..." dire-diretsong sabi ni Zander. Nilapitan niya ang ina at agad hinalikan sa pisngi. Pero, bigla siyang natuod nang mapagtantong hindi iyon ang kanyang ina. Hinalikan pa naman ang pisngi nito, na ipinagdiwang na rin ng kanyang kalooban. Nanlalaki ang mga mata niyang tumitig sa babae, at sa isang iglap, parang tumigil ang lahat. "Vanna?" halos pabulong pero malinaw niyang nasambit. Ang babaeng matagal na gumulo sa kanyang isipan. Ang pinangarap niya noon. Anong ginagawa ni Vanna sa bahay nila? Ang alam niya ay hindi siya nito naalala. Bigla atang naalala nito ang

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   313

    "KUMUSTA ang Ate Velora mo?" tanong ni Len habang banayad na nakangiti. Kita sa mga mata niya ang sinserong interes. "Maayos naman po," sagot ni Vanna, sabay ayos ng pagkakaupo. "Apat na buwan pa lang mula noong manganak siya sa second baby nila ni Kuya Dewei. Babae po ang anak nila." Napangiti si Len. "Masaya ako para sa kanila ni Dewei. Mukhang naging maayos na talaga ang pagsasama nila. Tahimik na rin ang buhay nila ngayon sa Batangas… Hindi tulad dati." Tumango si Vanna. "Opo. Ang dami na pong nagbago. Nakakatuwa po silang panoorin, si Ate, laging abala sa mga bata, tapos si Kuya Dewei, mas hands-on na rin ngayon." Sandaling natahimik si Vanna bago muling nagsalita. "Puwede po kayong dumalaw sa bahay para makita n'yo si Ate at ang mga anak niya. Lagi po kayong nababanggit ni Ate Velora kapag nagkukuwentuhan kami." Napatingin si Len sa kanya, tila nabigla sa sinabi. Maya-maya’y ngumiti ito, may bahid ng lungkot at galak sa kanyang mga mata. "Talaga? Hindi ko akalaing naaalala

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   312

    PINAGMAMASDAN ni Vanna ang dating bahay na tinirhan nilang magkapatid noon. Ito ang bahay na tinuluyan nila matapos siyang gumaling sa malubhang sakit. Sandali lamang silang nanirahan dito, dahil makalipas ang ilang buwan ay dinala na sila ni Ate Velora sa poder ni Kuya Dewei, ang asawa ng kapatid niya. Parang kailan lang, pero ngayon, ang bahay ay pag-aari na ng pamilya nina Ate Len. Ang tahimik ng paligid, pero para kay Vanna, ang katahimikan ay may dalang bigat, mga alaala ng kahapon na hindi na maibabalik. Naalala niya ang dating tagapag-alaga nila. Parang nanay ang turing niya rito, siya na rin halos ang nagpalaki sa kanya sa mga taong sakitin siya. Mabait, maasikaso, at laging nariyan sa tabi niya. Tuwing may sakit siya, ito ang nagbabantay, naghahaplos sa likod niya, at nagdarasal nang mahina habang nakayuko sa paanan ng kama. Napabuntong-hininga si Vanna. Parang kahapon lang ang lahat. Pero ngayon, isa na lang itong alaala, tulad ng bahay na hindi na kanila. "Tao po... tao

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   311

    NAKARATING sa boarding house si Vanna nang matiwasay. Nakita niya agad si Lyca na naghihintay sa kanya sa sala. "Anong nangyari sa pag-uusap n'yo? Ang bilis mo namang nakauwi..." usisa ni Lyca sa kaibigan. Parang walang gana si Vanna na tumingin kay Lyca. "Binasted ko na si Tony..." sagot ni Vanna na ikinatahimik ng kaibigan. Kita pa rin sa dalaga ang labis na kalungkutan. "Halika nga at pag-usapan natin." Sabay hila ni Lyca sa kaibigan patungo sa sopa at naupo sila. "Nakokonsensiya ako. Napakabait ni Tony, e. Pero hindi ko naman kayang pilitin ang sarili ko. Mas maaga, mas madali sa kanya na move on. Di ba?" Nabakas na rin sa mga mata ni Lyca ang lamlam ng mga mata. "Desisyon mo 'yan. Dapat hindi ka nalulungkot. Desidido ka na ba sa plano mo?" "Lyca, kailangan. Puwede siguro ang naisip mong ideya para layuan ako ni Mayor Oscar. Baka sakali na mahalin ako ng Kuya Zander ko..." Napahinga ng malalim si Lyca. "Iyon ba talaga ang dahilan o ginagamit mo lang iyong dahilan para maku

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status