MAAGA pa ay nasa ospital na si Jai. Siniguro naman niyang maayos si Aster at kasama ang Mama nito, saka ang private nurse niya. Natuwa siya sa ibinalitang progress ng ina. Maayos na ang lahat ng vital signs nito at nihintay na lang nila itong magising. “Tay, umuwi na po kayo. Ako na ang bahala kay Nanay…” mahinahong sabi ni Jai sa ama habang nakaupo sa gilid ng kama ng ina. Umiling si Rey. “It’s okay. Nakatulog naman ako nang komportable. Kaya hindi na kailangan. Gusto kong makita si Jena na magising… sa wakas.” Tahimik si Jai sandali, bago siya muling nagsalita. “Mahal n’yo po talaga si Nanay,” aniya, bahagyang ngumiti habang nakatingin sa ama. Ngumiti rin si Rey, may halong pag-aalangan. “Pinangarap ko noon na siya ang makasama ko habangbuhay. Pero hindi ibinigay sa akin. Hindi ko nga alam na may anak kami. Nalaman ko na lang na may anak kami ni Jena dahil kay Marlon. Dahil sa sobrang pagkagahaman sa pera ng tatay-tatayan mo.” Napalunok si Jai. Alam niya ang bahaging iyon ng kw
HINDI umalis si Reynaldo sa tabi ni Jena. Pinauwi na muna niya ang anak nilang si Jai sa mansyon. Mag-aalala rin si Jai para kay Aster, lalo't buntis ito. Kailangan din ng asawa nito ang kalinga at bantay sa ngayon. Napatingin siya kay Jena, ang nag-iisang babaeng minahal niya nang lubos. Hindi na siya muling nagmahal, simula nang iwan siya nito para kay Marlon. Masakit alalahanin na naibigay niya ang lahat, buong puso’t pagkatao niya, pero hindi pa rin pala iyon sapat. Napabuntong-hininga na lang si Reynaldo habang lumulubog sa mga alaala ng kahapon. Nanlaki ang kanyang mga mata nang biglang gumalaw ang daliri ni Jena. Kinusot niya ang kanyang mga mata, baka namamalik-mata lang siya. “J-Jena... gising ka na ba?” nanginginig ang boses niyang tanong habang biglang tumayo mula sa pagkakaupo. Mahinang ungol lang ang tugon ni Jena, pero sapat na iyon para mapasigaw siya sa tuwa at kaba. Sa sobrang taranta, napatakbo siya palabas ng kuwarto, deretso sa nurse station. "Miss Nurse, si
NAPASUGOD si Jai sa ospital. Hindi pumayag si Tatay Rey na 'di sumama sa kanya. Nag-aalala rin ito sa kalagayan ng Nanay niya. Napahinto si Jai nang matapat sa pintuan at masilip ang ina na nakaratay sa kama ng ospital. Kalunos-lunos ang sinapit ng kanyang ina. Nanghihina ang kanyang tuhod habang nakatitig dito na nakahiga ag walang malay Naramdaman ni Jai ang pagtapik ng ama sa balikat niya. Parang bang ipinaparamdam na may kasama siya. "Nay..." sambit ni Jai, saka napalingon sa babaeng nasa loob ng kuwarto ng ina. Napatigil siya sa paghinga nang masilayan ang itsura ng kanyang ina, namumutla, halos hindi makagalaw, at tila nawalan ng sigla. "What happened to my mom?" tanong niya sa nanginginig na tinig habang marahang hinawakan ang kamay ng ina. Nanlumo siya nang makita nang malapitan ang mga pinsala sa katawan ng may-edad na ina. Marami itong pasa sa mukha, may hiwa sa may sentido, at may benda ang balikat. Parang biglang bumigat ang buong katawan ni Jai. "Anak po kayo ni M
"ANONG ginagawa mo, wife?" Untag ni Jai, kauuwi lang niya galing sa restaurant. Pansin niya na parang okupado ang isip ng kanyang asawa. Ni hindi napansin ang kanyang pagpasok sa loob ng kuwarto. Naibaba ni Aster ang hawak na ballpen at notebook. Dahan-dahan siyang bumaba sa kama at nilapitan ang asawa. Napatulala si Jai nang bigla siyang halikan ni Aster sa labi. "Gumagawa ng posibleng pangalan ng baby natin..." Napangiti si Jai, binuksan niya ang mga butones ng kanyang suot na polo. "Gumagawa ka na ng name ng baby natin? Hindi mo pa nga alam kung anong gender niya." Turan niya na napapailing. "E, di unisex ang pagpipilian kong name. Puwede sa babae at lalaki." "Yeah. Maybe Jazz or Jody. Puwede sila sa boy at girl, di ba?" tanong ni Jai habang isinusuot ang kanyang pajama. Napaisip si Aster saka tumango-tango. "Puwede..." pagkatapos ay isinulat niya iyon sa notebook. Napangiti si Jai. Pinagmamasdan niya si Aster na seryoso sa ginagawa. "Do you want to eat? Let's go to the ki
PANAKA-NAKA ay napapatingin si Aster sa gawi ni Jai. Wala itong imik at seryoso lang ang tingin sa daan. Rinig din niya ang pagbuntong-hininga ng asawa. "Ang lalim naman ng iniisip mo..." basag ni Aster sa katahimikan nila ni Jai. Saglit na napabaling ng tingin si Jai sa gawi ng asawa at muling itinutok ang mga mata sa daan. "Wala. Naiisip ko lang si Nanay. Mahabang panahon na siyang nagtitiis sa piling ni Tatay Marlon. Hanggang ngayon umaasa siya na magbabago ang ugali nun. Nakapag-asawa na ako, pero ang pananakit niya kay Nanay lalong atang lumalala." Ayaw na niya sanang makialam pero hindi niya matiis na makitang ginagawang punching bag ni Tatay Marlon ang sariling ina. Nakakadurog ng puso na makita itong nasasaktan. Samantalang, buong buhay niya ay pinapangarap niya itong maiahon sa kahirapan. "Intindihin mo na lang muna at palagi mong bantayan si Nanay Jena," sabi ni Aster. "Nahahati ako sa gitna. Gusto kong makasama ang totoong tatay ko. Simula pagkabata, hindi ko naman na
INIHATID ni Jena ang mag-asawa sa kotse. Pauwi na ang mga ito sa mansyon ni Reynaldo. Sinekretohan na siya ni Jai ng pera para sa kanyang panggastos. Pero hindi pa rin nawawala sa anak niya ang kagustuhang kumbinsihin siyang umalis at iwanan ang asawa niyang si Marlon. Hindi na rin niya napansin si Marlon kung saan ito nagpunta. May sinumpaan sila sa harap ng Diyos at ng maraming tao, na magsasama sila sa hirap at ginhawa, habang buhay. Gaano man kasama ang ugali ni Marlon, hindi pa rin niya kayang iwan ito. "Nay, please lang po. Kung may problema kayo, tawagan n'yo agad ako. 'Wag n'yong sarilinin. Mas maganda sana kung sumama na lang kayo sa amin ni Aster sa mansyon. O kung ayaw n'yong kasama si Tatay Rey, puwede ko kayong ipagpatayo ng bagong bahay," pangungumbinsi pa ni Jai sa ina. Pero desidido talaga itong hindi umalis sa poder ng asawa. Ngumiti ng pilit si Jena. "Alam mo naman palagi ang sagot ko. Mahal ko ang Tatay Marlon mo," sagot niya, saka napatingin kay Aster. "Dapat al