Share

250

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-06-03 23:04:52

MADALING araw na wala pa rin si Jai. Kanina pa palakad-lakad si Aster, hindi siya mapakali at 'di rin siya dalawin ng antok. Sobrang iniisip niya ang kaninang senaryo sa labas ng mansyon.

Biglang bumukas ang pinto na ikinatigil ni Aster. Nakita niya si Jai na napaupo sa gilid ng kama. Agad niyang nilapitan ang asawa.

"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya kay Jai.

Napatunghay si Jai kay Aster. "Kamuntikan ng mawala si Tatay kanina. Maigi na lang magagaling ang doktor niya at narevive siya." Sagot niya saka unti-unting pumatak ang luha sa mata. "Sobra-sobra ang takot ko noong nakita ko si Tatay na parang hindi na humihinga. I saw the monitor, it was a flat line."

Humagulhol na ng iyak si Jai. Hinagod naman ni Aster ang likod ng kanyang asawa. Pinunasan ni Jai ang mga luha niya saka tumingin kay Aster.

"Iba pala pakiramdam kapag nasa ganoong sitwasyon. Pati ako halos hindi makahinga. 'Di ko pa pala kaya na mawawala ang Tatay ko sa amin."

Niyakap na ni Aster ang asawa at
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Cecille Villanueva
haysst nkakalongkot mukhang magkakasira na nman sila jai at aster. Dami lagi palakid,. bahala bka skip ko muna magbasa nkaka stress pag lagi Dami probs ng binabasa
goodnovel comment avatar
Amhie Banares
Sabihin mna aster Wala k nmn kasalanan nkita m lng c Sandro Jan s labas ng gate nio marami din nkakita c Anya at c guard tps jn din c MMA Wendy Wala k dpt ikatakot unang una dmo nmn pinapasok s bhay
goodnovel comment avatar
rea oliver manzano
naku tanga mo aster d mo p sinabi uunahan k n ng renan n strain ka ky jai napa simple lng savhin hirap mo sabhin bhla k nga mag dusa k s kaggawn mo din
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   254

    NAGHIHINTAY si Aster sa muling pagtawag ni Dewei. Naibalita nitong lasing na lasing daw si Jai. Hindi na raw ito makalakad sa sobrang kalasingan kaya si Dewei na ang maghahatid pauwi. Napatayo si Aster nang mag-ring ang kanyang cellphone. Kasama niya si Anya sa sala. Kaagad niyang sinagot ang tawag at itinapat ang phone sa kanyang tenga. “I’m here already, Aster,” bungad ni Dewei. “Sige. Andito kami ni Anya sa sala...” sagot niya bago agad pinatay ang tawag. Nagpalakad-lakad si Aster sa sala, nag-aalala para kay Jai. May usapan silang lalabas ngayong gabi, pero bigla na lamang itong nag-inom nang hindi niya alam kung bakit. Hindi naman niya naramdamang may problema ito buong araw. Napatigil siya nang marinig ang pagbukas ng gate. Napalingon siya sa pintuan. Papasok si Dewei habang nakaakbay kay Jai na pasuray-suray ang lakad at tila wala sa sarili. Napabaling siya sa kanyang private nurse. “Anya, puwede ka bang maghanda ng tubig at face towel? Pakidala na lang sa kuwarto namin

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   253

    KUMPLETO na sila sa loob ng conference room. Naroon ang mag-asawang sina Carlita at Renan. Katapat ni Jai sa upuan ang kanyang tiyuhin, habang ang iba pang may mahahalagang posisyon sa kompanya ay nakaupo na rin sa kani-kanilang puwesto. Napalingon si Jai sa direksyon ng pinto nang may pumasok na isang lalaki na tila kasing-edad lang niya. Nakasalamin ito at maayos ang bihis, pormal at propesyonal. Parang siya ang abogado ng kanyang ama. "Atty. Braganza," sabi ni Renan habang tumatayo at nilalapitan ang bagong dating. "Renan Bautista. Long time no see," nakangiting tugon ng lalaki na kinilalang si Leo Braganza, ang private lawyer ni Reynaldo. "I'm saddened by what happened to Mr. Reynaldo." Tumango si Renan bilang tugon, saka inilapit si Jai. "Ito nga pala ang pamangkin ko, si Jai Bautista, anak ni Kuya Reynaldo," pakilala ni Renan. Bahagyang ngumiti si Leo at iniabot ang kamay kay Jai. "So you're Jai. Your father spoke about you a few times. I'm Atty. Leo Braganza, your father

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   252

    "SORRY, wife. Gabing-gabi na naman ako nakauwi," agad na hingi ng paumanhin ni Jai sa asawa. Pinagpapahinga niya muna ang ina bago siya umalis ng ospital. "Okay lang. Walang problema..." tanging nasagot ni Aster. Nilapitan siya ng asawa at hinalikan sa labi. Napasinghap naman si Aster sa ginawa ni Jai. "Oh, why? Is it my first time to kiss you on the lips?" Nag-init bigla ang pisngi niya. "H-Hindi... hindi lang ako sanay na sa labi mo ako hinahalikan." "Asawa naman kita. Kaya wala sigurong masama," tudyo ni Jai na nangingiti dahil sa pamumula ng mukha ni Aster. "Shower lang ako..." paalam niya pa saka iniwan ang asawa at dumiretso sa banyo. Pagkapasok sa loob ng banyo ni Jai ay naupo siya sa gilid ng kama. Tumitiyempo siya para kausapin ang asawa. May appointment siya bukas sa ospital. Check up nila ni baby. Hinaplos ni Aster ang tiyan niya habang bahagyang nakayuko. Marahang nag-inhale at exhale, pinipigilan ang kaba. “Paano ko kaya sasabihin kay Jai?” mahina niyang usal sa s

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   251

    NAKATAYO si Aster sa bintana ng kuwarto nila ni Jai. Haplos niya ang may kalakihan niyang tiyan. Maagang umalis ang asawa niya para samahang magbantay ang ina nito sa ospital. Bumukas ang pinto ng kuwarto niya. Si Anya ang nakita niyang pumasok dala ang tray. "Ma'am Aster, kumain na po kayo. Naibilin po ni Sir Jai na nakakain kayo ng almusal n'yo," sabi nito habang ibinababa ang tray sa maliit na lamesa. "Salamat, Anya..." walang gana na sagot ni Aster. "Si Mama, bumaba ba siya para kumain?" "Hindi ko po napansin. Pero pupuntahan ko po sa kuwarto niya para tanungin." Sagot ni Anya. "Maraming salamat ulit, Anya, sa tulong mo," sabi ni Aster na naglakad palapit sa kanyang pagkain. Nagsimula na siyang kumain kahit na parang ayaw tanggapin ang pagkain ng kanyang sikmura. "Labas po muna ako, Ma'am Aster," paalam ni Anya na ikinatunghay niya. Tumango na lamang siya bilang tugon. Tumalikod na ito at lumabas ng kuwarto nilang mag-asawa. Pagkatapos na mag-almusal ni Aster ay tumayo na s

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   250

    MADALING araw na wala pa rin si Jai. Kanina pa palakad-lakad si Aster, hindi siya mapakali at 'di rin siya dalawin ng antok. Sobrang iniisip niya ang kaninang senaryo sa labas ng mansyon. Biglang bumukas ang pinto na ikinatigil ni Aster. Nakita niya si Jai na napaupo sa gilid ng kama. Agad niyang nilapitan ang asawa. "Anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya kay Jai. Napatunghay si Jai kay Aster. "Kamuntikan ng mawala si Tatay kanina. Maigi na lang magagaling ang doktor niya at narevive siya." Sagot niya saka unti-unting pumatak ang luha sa mata. "Sobra-sobra ang takot ko noong nakita ko si Tatay na parang hindi na humihinga. I saw the monitor, it was a flat line." Humagulhol na ng iyak si Jai. Hinagod naman ni Aster ang likod ng kanyang asawa. Pinunasan ni Jai ang mga luha niya saka tumingin kay Aster. "Iba pala pakiramdam kapag nasa ganoong sitwasyon. Pati ako halos hindi makahinga. 'Di ko pa pala kaya na mawawala ang Tatay ko sa amin." Niyakap na ni Aster ang asawa at

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   249

    "ANONG ginagawa mo dito, Sandro?" tanong ni Aster, agad na tinakpan ang tiyan niya na para bang instinct na protektahan ang kanyang dinadala. "Baka makita ka ng asawa ko. Alam mo namang galit siya sa'yo. Lalo mo lang akong inilalagay sa alanganin." Nag-aalangan siya kung haharapin pa ba ito o agad na lalakad palayo. Nakamasid si Wendy mula sa veranda. Hindi siya lumalapit, pero nakatutok ang mga mata sa dalawa. Tahimik siyang nanonood habang kumakabog ang dibdib sa pagdududa. "Maniwala ka, Aster," sagot ni Sandro, pinipilit ang bahagyang ngiti. "Napadpad lang ako rito. Nakita kita mula sa malayo. Hindi ako nagkamali, ikaw nga. Kaya nilapitan kita." Nagtaas ng kilay si Aster, halatang hindi kumbinsido. "Napadpad ka sa exclusive subdivision?" sarkastikong tanong niya. "Alam mong hindi basta-basta ang makapasok dito, Sandro. Anong totoong dahilan mo?" Sandaling tumahimik si Sandro. Sa likod ng pilit na ngiti, may lungkot sa kanyang mga mata. "Wala, Aster. Gusto lang kitang makita.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status