๊ณต์œ 

258

์ž‘๊ฐ€: RIDA Writes
last update ์ตœ์‹  ์—…๋ฐ์ดํŠธ: 2025-06-08 23:22:31

DALAWANG araw na ang lumipas pero ganoon pa rin ang kalagayan ni Reynaldo. Wala pa ring pag-unlad. Malungkot na nakatunghay si Jena sa unang lalaking minahal, hawak ang malamig nitong kamay, umaasang magising ito.

"Reynaldo, isang linggo ka nang nasa ospital. Naghihintay pa rin kami ng anak mo... Ako. Gumising ka na naman, Reynaldo... kailangan ka namin," umiiyak na usal ni Jena, halos pabulong pero punรด ng pagmamakaawa.

Sa pagkawala ni Reynaldo, parang unti-unting kinukuha ni Renan ang lahatโ€”ang mansyon, ang kompanya, pati ang katahimikan niya. Ayaw na ayaw na niyang umuwi. Isang saglit lang na magkita sila ni Carlita, baka hindi na niya mapigil ang sarili.

Atat na atat na ang mag-asawang 'yon na mapaalis siya sa mansyon. Pero hindi siya aalis. Hindi pa.

Aalis siya, pero sa mismong araw na magising si Reynaldo. Hindi habang nakaratay pa ito.

"Maโ€™am, may tawag po kayo sa telepono..." Napalingon si Jena nang marinig ang tawag ng nurse mula sa may pinto.

Mabilis niyang pinunasan a
์ด ์ฑ…์„ ๊ณ„์† ๋ฌด๋ฃŒ๋กœ ์ฝ์–ด๋ณด์„ธ์š”.
QR ์ฝ”๋“œ๋ฅผ ์Šค์บ”ํ•˜์—ฌ ์•ฑ์„ ๋‹ค์šด๋กœ๋“œํ•˜์„ธ์š”
์ž ๊ธด ์ฑ•ํ„ฐ
๋Œ“๊ธ€ (4)
goodnovel comment avatar
RIDA Writes
skip na lang po, hindi naman po namimilit.. Salamat po sa pagbabasa ๐Ÿซถ
goodnovel comment avatar
Anna Liza
walang kwentang kwento,or sabihin wslang kwenta ang writer
goodnovel comment avatar
Lucinie Maido Solis
tindi naman ng kwento n to
๋Œ“๊ธ€ ๋ชจ๋‘ ๋ณด๊ธฐ

์ตœ์‹  ์ฑ•ํ„ฐ

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)ย ย ย 272

    Mabilis ang bawat galaw ni Carlita habang nag-eempake ng kanyang mga damit. Nanginginig ang kanyang mga kamay sa kaba, at tila bawat segundo ay isang banta. "Renan, huwag mo akong idadamay sa ginawa mong guloโ€ฆ" bulong niya habang sinasara ang maleta. โ€œHindi ako sasama sa pagkakaladkad mo sa kulungan.โ€ Kanina lang, natanggap niya ang balitang hinuli na si Renan ng mga pulis. Si Braganza naman ay nakakulong na rin. Parang gumuho ang mundo niya sa isang iglap. Ang plano nilang dalawa ay tuluyan nang nasira, at alam ni Carlita na siya na ang susunod kung hindi siya kikilos. Pagkasara ng kanyang maleta, mabilis niyang tinungo ang isang bahagi ng dingding sa loob ng kwarto. Doon, lihim na nakatago ang vault na si Renan mismo ang nagpahanap at nagpabitbit ilang buwan na ang nakaraan. Dito rin itinatago ni Renan ang perang kinukuha mula sa kumpanya ng kapatid. "Hindi mo na 'to magagamit," madiin niyang sabi habang ikinokonekta ang fingerprint niya sa sensor. Bumukas ang vault kasabay ng m

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)ย ย ย 271

    BIGLANG bumukas ang pinto at pumasok si Dewei na tulak-tulak ang wheelchair, nakaupo roon si Reynaldo. Nanlaki ang mga mata ng mga taong nasa loob ng conference room, lalo na si Renan. Maging si Tony ay napatulala. "T-Tito Reynaldo?" Nasambit ni Tony. "Yes. I'm alive... hindi pa ako patay. Thanks to my son and his friend, Dewei," sabi ni Reynaldo. Parang umiksi ang dila ni Renan na hindi na nakapagsalita. Nabato balani siya sa kanyang nakikita. Hindi makapaniwala si Renan. Nanlamig ang buong katawan niya, parang binuhusan ng malamig na tubig. Gusto niyang tumayo at lumabas, pero nanigas ang kanyang mga tuhod. Lumapit pa si Reynaldo sa lamesa, pinigilan ng anak ang pag-ikot ng wheelchair para humarap siya sa lahat. "Akala ko baโ€”" putol-putol ang tanong ni Tony. "Akala n'yong patay na ako?" singit ni Reynaldo, malamig ang boses. "โ€™Yan ang plano mo, Renan, hindi ba? Patayin ako, o kaya'y palabasing wala na ako para makuha mo ang lahat ng ari arian ko at itong kompanya. Pati sina

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)ย ย ย 270

    "ILABAS mo ang sinasabi mo!" mariing sigaw ni Renan, nanlilisik ang mga mata habang matalim ang tingin sa kanyang pamangkin. Nilapitan ni Tony si Jai, may halong kaba at pagtataka sa mukha. "May iba ka pa bang pruweba para pabagsakin si Daddy?" mahinang tanong niya. Ang alam lang niya ay ang mga dokumentong kanina pa nila hawak, at sa tingin niya, kulang pa iyon para pilitin ang ama nilang umamin. Ngumisi si Jai, mabigat at puno ng kumpiyansa. Saka siya tumango-tango, waring may tinatago pa. "Huwag kang masyadong nagmamadali, Tito Renan," aniya. "Baka hindi mo kayanin ang mga susunod kong ilalabas." Napatingin si Tony sa kanya, habang si Renan ay tahimik pero halatang naiinip at naiirita. Tumalikod si Jai saglit, saka tumango sa lalaking naghihintay sa labas ng conference room. Pumasok ang isang matandang lalaki na naka-itim na amerikana, bitbit ang ilang folder. "Meet Atty. Emilio Dominguez," sabi ni Jai habang pormal na pinakikilala ang bagong dating. "Siya ang totoong a

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)ย ย ย 269

    MABIGAT ang bawat hakbang ni Jai habang papalapit sa gusali ng kompanya. Sa dibdib niyaโ€™y kumakabog ang kaba, pero mas malakas ang sigaw ng konsensiya. Wala nang atrasan, kailangan nang malaman ng lahat ang totoo. Tinapik siya ni Dewei sa balikat. "Sigurado ka na ba rito?" tanong nito. Marahang tumango si Jai at itinuro ang tingin kay Tony, ang pinsang seryosong nakamasid. "Kailangan kong gawin 'to para kay Tatay Rey, at para sa buong pamilya ko." Wala nang sinayang na segundo si Jai. Matapang siyang naglakad papasok sa gusali ng kompanya ng Tito Renan niya. Tila tumigil ang oras nang bumukas ang pintuan ng opisina ng Board Room kung saan kasalukuyang may meeting. Lahat ng mata ay agad tumuon sa kaniya. "Anong ginagawa mo rito, Jai?" masungit na tanong ni Renan, kita ang pagkabigla at iritasyon sa mukha nito. Hindi na siya nagpaliguy-ligoy. Matalim ang tingin niyang hinarap ang tiyuhin. "Narito ako para ilabas ang katotohanan, lahat ng ginawa mong panlilinlang laban kay Tatay."

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)ย ย ย 268

    MALAKI ang pagtataka ni Aster. Pumayag siya kagabi sa sinabi ni Jai tungkol sa bakasyon, pero ang hindi niya inaasahan ay ngayon na agad iyon. Nag-eempake na ang Mama niya ng mga damit nila para sa pag-alis, kasama si Nanay Jena. Iyon ang sabi ng kanyang asawa. "Ano bang pumasok sa isip ng asawa mo at bigla-bigla tayong gustong magbakasyon, ha, Aster?" tanong ni Wendy, halatang litรณ. Naguguluhan siya sa inaakto ng manugang. Kababalik pa lang nila sa condo, tapos aalis na naman, at para sa bakasyon pa. "Ma, nagtataka rin po ako. Wala naman po siyang ibang sinabi kundi magbakasyon daw ako. Mas mabuti raw na magpahinga muna ako. Hindi ko na rin po alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng asawa ko," sagot ni Aster, sabay hawak sa tiyan. "Sinong maghahatid sa atin?" "Si Jai po, Ma. Pinuntahan po niya si Nanay Jena para sabay-sabay na tayong bumiyahe papunta sa private resort," sagot ni Aster. "Hindi ko nga rin po alam kung saang resort kami pupunta. Basta ang sabi niya, sa probinsya ra

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)ย ย ย 267

    "GABING-GABI ka na nakauwi, Jai. Ano bang pinagkakaabalahan n'yo sa restaurant? Pansin ko na palaging gabing-gabi ka na umuuwi, ah. Wala ka namang sinasabi. Hindi ko alam kung sa restaurant ka ba talaga pumupunta," bungad ni Aster sa asawa na kapapasok lang ng kuwarto nila. Tumayo siya at napahaplos sa kanyang tiyan na lumalapit kay Jai. Tinignan lang siya ng asawa at walang reaksiyon ang mukha. Mataman niyang tinitigan ang asawa. "May b-babae ka ba?" Nahihirapan na tanong ni Aster. Parang may bumara sa lalamunan niya. Biglang nangilid ang mga luha niya sa mata. "Sabihin mo lang sa akin kung may b-babae ka. Hindi kita pipigilan kung may nakita kang mas higit sa akin. Alam ko naman kung paano tayo nagsimula. Alam ko rin na hindi ganoon kalakas ang nararamdaman mo para sa akin." Marahas na napabuntong-hininga si Jai. "Kararating ko lang ang dami mo nang sinabi, wife. At, bakit ka nag-iisip ng ganyan? Wala akong babae. Nagtatrabaho ako ng maayos. Sobra lang akong abala kaya nitong mg

๋”๋ณด๊ธฐ
์ข‹์€ ์†Œ์„ค์„ ๋ฌด๋ฃŒ๋กœ ์ฐพ์•„ ์ฝ์–ด๋ณด์„ธ์š”
GoodNovel ์•ฑ์—์„œ ์ˆ˜๋งŽ์€ ์ธ๊ธฐ ์†Œ์„ค์„ ๋ฌด๋ฃŒ๋กœ ์ฆ๊ธฐ์„ธ์š”! ๋งˆ์Œ์— ๋“œ๋Š” ์ฑ…์„ ๋‹ค์šด๋กœ๋“œํ•˜๊ณ , ์–ธ์ œ ์–ด๋””์„œ๋‚˜ ํŽธํ•˜๊ฒŒ ์ฝ์„ ์ˆ˜ ์žˆ์Šต๋‹ˆ๋‹ค
์•ฑ์—์„œ ์ฑ…์„ ๋ฌด๋ฃŒ๋กœ ์ฝ์–ด๋ณด์„ธ์š”
์•ฑ์—์„œ ์ฝ์œผ๋ ค๋ฉด QR ์ฝ”๋“œ๋ฅผ ์Šค์บ”ํ•˜์„ธ์š”.
DMCA.com Protection Status