Share

257

Penulis: RIDA Writes
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-07 23:34:48

"ANONG ginagawa na naman ni Sandro rito? Bakit ba palagi mong sinusuway ang lahat ng gusto ko?" mga tanong ni Jai kay Aster. Hindi siya galit, nagtatanong lang. Pero ramdam ang paninikip ng kanyang dibdib, lalo na't ilang beses na niya itong pinaalala.

"W-Wala talaga akong alam paano niya nalaman kung saan tayo nakatira. Nakita ko siya pinapasok na ng katulong. Saka, hindi ko alam kung paano siya nakakapasok sa subdivision. Mahigpit ang mga bantay sa pinaka-gate," sagot ni Aster, bahagyang nanginginig ang tinig niya. Hinahanap niya ang tamang paliwanag, pero ni siya mismo'y litong-lito.

"Kahit na, Aster. Dapat hindi mo ini-entertain si Sandro," madiin ang boses ni Jai pero kontrolado pa rin. "Nakita mo na ang nangyari. Hina-harass ka na niya. Anong kailangan niya sa'yo? Bakit kinakausap ka pa rin niya?"

Napayuko si Aster. Hindi makatingin kay Jai. May gustong sabihin ang kanyang bibig pero mas mabilis ang kaba sa kanyang dibdib.

"Jai, wala akong contact sa kanya. Binigyan niya ako
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Amhie Banares
ay Ewan ...
goodnovel comment avatar
rea oliver manzano
ingat kyo jai at aster dami ahas s paligid nyo tatay mo bantayan nyo ng mabuti
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   257

    "ANONG ginagawa na naman ni Sandro rito? Bakit ba palagi mong sinusuway ang lahat ng gusto ko?" mga tanong ni Jai kay Aster. Hindi siya galit, nagtatanong lang. Pero ramdam ang paninikip ng kanyang dibdib, lalo na't ilang beses na niya itong pinaalala. "W-Wala talaga akong alam paano niya nalaman kung saan tayo nakatira. Nakita ko siya pinapasok na ng katulong. Saka, hindi ko alam kung paano siya nakakapasok sa subdivision. Mahigpit ang mga bantay sa pinaka-gate," sagot ni Aster, bahagyang nanginginig ang tinig niya. Hinahanap niya ang tamang paliwanag, pero ni siya mismo'y litong-lito. "Kahit na, Aster. Dapat hindi mo ini-entertain si Sandro," madiin ang boses ni Jai pero kontrolado pa rin. "Nakita mo na ang nangyari. Hina-harass ka na niya. Anong kailangan niya sa'yo? Bakit kinakausap ka pa rin niya?" Napayuko si Aster. Hindi makatingin kay Jai. May gustong sabihin ang kanyang bibig pero mas mabilis ang kaba sa kanyang dibdib. "Jai, wala akong contact sa kanya. Binigyan niya ako

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   256

    BIGLANG tumayo si Jai. Marahas siyang napabuntong-hininga at napasuklay ng buhok. Napatunghay si Jena sa kanyang anak. "Bago ka gumawa ng hakbang tanungin mo muna ang asawa mo kung totoo ang litrato na nakita mo. Sa maikling panahon na nakasama ko si Aster, alam ko na hindi niya magagawa ang lokohin ka..." Nakapameywang na tumingin si Jai sa pinto ng kuwarto ng kanyang ama. Saglit siyang natahimik. Saka muling bumaling sa nanay niya. "May tiwala po ako kay Aster pero sa lalaking 'yon... wala." "Kaya nga huminahon ka," pang-aalo ni Jena sa anak. Napatigil saglit si Jai. "Nay, dito lang po muna kayo. May pupuntahan lang po ako. 'Wag n'yo pong iwanan si Tatay," paalam niya at bilin sa ina. Saka, nagmamadaling umalis. Napatayo na rin si Jena. "Saan ka pupunta?" "May aasikasuhin lang po ako..." Hindi na dinugtungan ni Jena ang sinabi ni Jai. Kung anuman ang gagawin ng anak niya ay alam niyang para iyon sa ikabubuti nilang mag-asawa. Lulan si Jai ng kanyang sasakyan. Kin

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   255

    "Nay, hindi ko po nakuha ang kompanya ni Tatay," balita ni Jai sa ina habang nasa waiting area sila sa labas ng private room ni Reynaldo. "Hayaan mo na, anak," mahinahong sagot ni Jena. "Mas sila naman ang may karapatan sa lahat ng iniwan ng Tatay mo. Masipag ka, at kaya mong tumayo sa sarili mong mga paa. Hindi mo kailangan ang yaman ng mga Bautista." Napayuko si Jai, pilit itinatago ang panghihinayang sa kanyang mga mata. "Pero Nay... hindi ko po maiwasang masaktan. Para bang hindi na nila ako kinilalang anak." Hinaplos ng ina ang kanyang likod at marahang pinisil ang balikat nito. "Anak, hindi kayamanan ang batayan ng pagkilala. Ang totoo, ikaw ang tunay na tagapagmana ng kabutihang loob ng Tatay mo. Huwag mong hayaang lamunin ka ng galit o lungkot. Mas mahalaga ang respeto mo sa sarili." Tumango si Jai, pinilit ngumiti kahit nangingilid na ang luha. "Opo, Nay. Pipilitin ko pong maging matatag. Para sa inyo. Para kay Tatay." Napabaling ang tingin ni Jena kay Reynaldo. Hangg

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   254

    NAGHIHINTAY si Aster sa muling pagtawag ni Dewei. Naibalita nitong lasing na lasing daw si Jai. Hindi na raw ito makalakad sa sobrang kalasingan kaya si Dewei na ang maghahatid pauwi. Napatayo si Aster nang mag-ring ang kanyang cellphone. Kasama niya si Anya sa sala. Kaagad niyang sinagot ang tawag at itinapat ang phone sa kanyang tenga. “I’m here already, Aster,” bungad ni Dewei. “Sige. Andito kami ni Anya sa sala...” sagot niya bago agad pinatay ang tawag. Nagpalakad-lakad si Aster sa sala, nag-aalala para kay Jai. May usapan silang lalabas ngayong gabi, pero bigla na lamang itong nag-inom nang hindi niya alam kung bakit. Hindi naman niya naramdamang may problema ito buong araw. Napatigil siya nang marinig ang pagbukas ng gate. Napalingon siya sa pintuan. Papasok si Dewei habang nakaakbay kay Jai na pasuray-suray ang lakad at tila wala sa sarili. Napabaling siya sa kanyang private nurse. “Anya, puwede ka bang maghanda ng tubig at face towel? Pakidala na lang sa kuwarto namin

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   253

    KUMPLETO na sila sa loob ng conference room. Naroon ang mag-asawang sina Carlita at Renan. Katapat ni Jai sa upuan ang kanyang tiyuhin, habang ang iba pang may mahahalagang posisyon sa kompanya ay nakaupo na rin sa kani-kanilang puwesto. Napalingon si Jai sa direksyon ng pinto nang may pumasok na isang lalaki na tila kasing-edad lang niya. Nakasalamin ito at maayos ang bihis, pormal at propesyonal. Parang siya ang abogado ng kanyang ama. "Atty. Braganza," sabi ni Renan habang tumatayo at nilalapitan ang bagong dating. "Renan Bautista. Long time no see," nakangiting tugon ng lalaki na kinilalang si Leo Braganza, ang private lawyer ni Reynaldo. "I'm saddened by what happened to Mr. Reynaldo." Tumango si Renan bilang tugon, saka inilapit si Jai. "Ito nga pala ang pamangkin ko, si Jai Bautista, anak ni Kuya Reynaldo," pakilala ni Renan. Bahagyang ngumiti si Leo at iniabot ang kamay kay Jai. "So you're Jai. Your father spoke about you a few times. I'm Atty. Leo Braganza, your father

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   252

    "SORRY, wife. Gabing-gabi na naman ako nakauwi," agad na hingi ng paumanhin ni Jai sa asawa. Pinagpapahinga niya muna ang ina bago siya umalis ng ospital. "Okay lang. Walang problema..." tanging nasagot ni Aster. Nilapitan siya ng asawa at hinalikan sa labi. Napasinghap naman si Aster sa ginawa ni Jai. "Oh, why? Is it my first time to kiss you on the lips?" Nag-init bigla ang pisngi niya. "H-Hindi... hindi lang ako sanay na sa labi mo ako hinahalikan." "Asawa naman kita. Kaya wala sigurong masama," tudyo ni Jai na nangingiti dahil sa pamumula ng mukha ni Aster. "Shower lang ako..." paalam niya pa saka iniwan ang asawa at dumiretso sa banyo. Pagkapasok sa loob ng banyo ni Jai ay naupo siya sa gilid ng kama. Tumitiyempo siya para kausapin ang asawa. May appointment siya bukas sa ospital. Check up nila ni baby. Hinaplos ni Aster ang tiyan niya habang bahagyang nakayuko. Marahang nag-inhale at exhale, pinipigilan ang kaba. “Paano ko kaya sasabihin kay Jai?” mahina niyang usal sa s

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status