Share

EXOTIC GIRL 19

Sa loob ng police station ay pinagkasundo na lang kami nina Ronila. Kinunan din sila ng police blotter report. Habang nagbibigay sila ng kanilang salaysay ay patuloy lamang ang pananangis ko sa gilid ng police station. Si Ronnie na parang nahismasan na ay hindi na makatingin sa akin. Sising sisi sa ginawa sa akin. Hindi lang eto makalapit dahil nakabantay si Ronila at pinandidilatan siya tuwing nakatingin sa akin. Napansin ko din na bahagyang namula at may konting dugo sa kaliwa niyang mata. Eto siguro ang napuruhan ko nang tinusok ko siya. Kulang pang kabayaran ang pag tusok ko sa mata niya dahil sa pananamantalang ginawa niya sa akin.

Nang matapos na ang blotter report ay hinatid pa sila pabalik sa beach resort. Samantalang ako ay nakasuot ng isang itim na oversized tshirt na binigay ng police officer kaninang madaling araw at wala pang tsinelas. Awang awa ako sa sarili ko dahil ako na nga ang nadehado tapos ako pa ngayon ang lumabas na masama. Habang patuloy sa paglandas ng luha s
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status