2005
Kinse anyos na ako.
Simula nang tumira kami kay Manang Inday ay naging matapang na ako. Sila ni Nanay Lucia ang naging inspirasyon ko. Natuto ako kay Manang Inday na wag magpapadaig sa mga taong mapangmata sa kapwa. Natuto din akong lumaban pag inaapi ako. Kung dati ay wala akong kaibigan ngayon ay may mga kaibigan na akong maituturing. Kaibigan na kapareho ko ay nilalait din dahil pangit, maitim o may kapansanan.
Natuto na din akong mag-ayos dahil kikay si Manang Inday. Binibilhan ako ng gamit pampaganda at mga ipit. Ang ipit ang hindi ko nagagamit dahil makapal at kulot ang aking buhok. Ang ginagawa ko na lamang ay purong niyog ang ginagamit ko para itim na itim at malambot pa rin pag hinawakan. Niyog din ang ginagamit kong panligo kaya kahit maitim ang aking balat ay pantay ang kulay at kumikinang kinang. Nagkaroon na rin ako ng tiwala sa sarili kaya iba na ang dating ko sa tao.
‘Pag wala din akong ginagawa at walang pasok ay tumutulong ako sa pwesto sa palaisdaan. Nagtitinda ako at ginagaya si Manang Inday. Si Nanay Lucia ko naman ay nakangiti lang dahil medyo tahimik at mahiyain talaga ang Nanay Lucia ko.
Unang araw ngayon namin sa paaralan. 4th Year High School na ako sa paaralan ng Santa Barbara Comprehensive School. Kahit mahal ang matrikula ay nakakaya naman ni Nanay Lucia at Manang Inday na pag-aralin ako dahil malakas ang kita sa palaisdaan dahil magaling mambola si Manang Inday ng mamimili. Nang tumuntong ako ng high school ay bigla din akong tumangkad. Kahit dalagita pa lamang ay nasa 5'7 na ang aking tangkad. Siguro nagmana ako sa nakabuntis sa Nanay Lucia kasi ang tangkad ko. Ang aking katawan ay hinog na din katulad sa ibang kadalagahan. Payat ako na sakto lang ang dibdib at sobrang liit ang bewang na malaki ang balakang at bilugan ang aking puwet kagaya ng sa mga Africana na magaganda ang katawan. Kaya nga sabi ng mga kaibigan at kaklase kong si Julia at Miana na pwedeng pwede daw akong sumali sa mga pageant sa bayan para magkapera kasi may premyo daw ‘yon o pwede din daw akong maging modelo sa tangkad at ganda ng aking katawan. Pangarap ko din ang sumali sa pageant o maging modelo kaso wala namang may napapadpad sa amin na mga Manager o Agent ba ‘yon para madiscover.
Pagkatapos ng Flag Ceremony ay diretso na kami sa Bulletin Board para hanapin kung anong section kami.
Anaya Vijar...
Anaya Vijar...
Ayon nakita ko na. 4th Year Section 2 pala ako. Tingnan ko nga kung…
"Ay! Aray!" muntik na akong matumba ng may tumabig sa akin mula sa likuran.
"Excuse me! Excuse me, Kuya! hindi ka ba marunong mag-antay," kinalabit ko ang isang estudyanteng lalaki na ngayon ay nakatalikod sa akin at mukhang hinahanap ang kanyang pangalan sa Bulletin Board.
"Excuse me," kinalabit ko ulit ang lalaki at napahalukipkip ako.
"Oppsss. I-m so s-sorry Miss," kasabay ng pagharap nito ay hinawakan kaagad ako sa braso kung nasaktan ba ako. Napapiksi ako sa gulat. Ang cute niyang magsalita. American accent. Mukhang bagong estudyante 'ata sa school namin 'to.
"I was in a hurry and I didn't mean to hurt you. I'm a transferee here. Would you mind helping me. I cannot find my name here on the list," dugtong nito at ngumiti sa akin.
"Ah... ah... eh... Me-e?" wala akong maapuhap na sagot. Bigla akong natameme. Hindi ako sanay magsalita ng English. Nakakaintindi at nakakapagsulat siguro, oo, pero iba pala pag may kausap ka nang magaling sa English-an. Ave Maria. Napakagwapo naman ng kaharap ko. Matangkad ang lalaki. Siguro mga nasa 5'10 ito. Bughaw ang mata at katamtaman lamang ang laki ng katawan. Nawala ang galit ko sa pagtabig niya sa akin kanina. Napalitan iyon ng paghanga.
"A-ae-ng s-sabiy k-ow, w-would you mind helping me," inulit ng lalaki ang sinabi niya kanina. Nakakatuwa pakinggan ang tagalog niya dahil slang. Pero dahil hindi ako sanay magsalita ng English ay pautal utal ako.
“Aahh… ehh…. wha-at is your name?” antigas ng dila ko. Pinagtawanan ako ng lalaki. Lalo siyang naging cute sa paningin ko.
“You’re attractive and charming. By the way my name is Johnson Smith. What is your name pretty lady?” yumukod pa ito sa harap ko. Alam kong pulang pula ang mukha ko dahil sa sinabi niya. At ngayon ko lang din napansin na lahat ng estudyante ay nakatingin na sa amin.
“Oyyy….” tinutukso na kami ng mga kapwa namin estudyante.
“Wow…sagutin mo na ‘yan…” narinig ko pang sabi ng isang grupo at nagtatawanang umalis.
Nakakahiya. Umagang-umaga agaw eksena kami ni American Boy este Johnson pala.
“M-my name is A-anaya Vi…” naputol bigla ang pagpapakilala ko.
“Well, well, well, well,” kasabay ng pagpalakpak ng kamay ay may nagsalita.
“Good morning everyone, it seems that we have a new student here in Santa Barbara Comprehensive School. Hi, I’m Ronila Capili,” bumaling ito sa bagong estudyante, “mind if I help you? She seems to be having trouble talking to you.” ngumiti ito nang pagkatamis tamis sabay abot ng kamay sa bagong estudyante.
Biglang nagpulasan ang ibang estudyante nang dumating si Ronila at ang grupo nito. Kami na lang ang naiwan sa harap ng Bulletin Board.
“I’m Johnson Smith,” inabot nito ang kamay ni Ronila at hinalikan. Kinilig kilig naman si Ronila pati na ang mga kaibigan niya. Napaismid na lamang ako at parang nag-iba ang tingin ko kay American Boy. Presko.
“I’m looking for my class. I’m a transferee student here.” Sa sobrang bilis ng salita ng bagong estudyante ay hindi naproseso ng utak ko ang kanyang sinabi.
“Don’t worry, my Dad owns this school. I can help you find your class. Come, we will go to the Admin office.” Walang lingon-lingon na umalis na sila Ronila, ang kanyang mga kaibigan at ang bagong estudyante. Naiwan akong nakatungaga.
“H’wag kasing ambisyosa. Hindi kayo bagay ng bagong estudyante,” narinig kong sabi ng isang estudyanteng napadaan.
“Ang kapal ng mukha ha. Akala siguro magugustuhan siya ni Am-boy,” rinig kong gatung ng isa pa.
Inismiran ko na lang ang mga estudyanteng nagparinig sa akin. Hindi ako magpapaapekto tutal hindi ko pa naman lubos na kilala ang lalaking ‘yon. Umalis na lang ako at hinanap na ang aking section, 4th year section 2, 4-2. Mas uunahin ko pa ang mag-aral nang mabuti kesa ang makipagharutan doon.
Dito sa Santa Barbara Comprehensive School kilala si Ronnie at Ronila Capili dahil isa si Senyor Roberto sa Director ng eskwelahan. Nag-iisang exclusive school eto sa bayan ng Santa Barbara kaya maraming mayayaman at kilalang pamilya na dito nag-aaral ang kanilang mga anak. Kilala din ang kambal na mahilig mam-bully sa kapwa estudyante lalo na kung trip nila. Wala ding may magtangkang bumangga sa kanila dahil takot mapatalsik sa eskwelahan. Kung si Ronila ay kabi-kabila ang nobyo. Si Ronnie ay ganun din. Paiba- iba din eto ng nobya bawat buwan. Hindi pa rin sila nagbabago dahil tuwing nakikita nila ako ay inaalipusta at pinapahiya pa rin nila ako na dati nila akong katulong at ang Nanay Lucia ko. Pero kapag walang tao ay sinasabi din ni Ronnie na gusto niya akong maging nobya. Patago nga lang ang pagkakasabi niya dahil baka makantiyawan siya. May hitsura din naman si Ronnie. Matangkad, gwapo at maputi 'yon nga lang nagmana din kay Senyor Roberto ang pagkapalikero. Alam kong katawan k
Inaasahan ko nang ipapatawag kami sa Principal dahil sa nangyaring kaguluhan sa gym pero lumipas na ang ilang araw ay walang guro, officer, o kaklase namin ang may nagsabi sa akin na pinapatawag kami. Simula din ng mangyari ang sabunutan sa gym ay hindi na lumalapit sa akin si Johnson. Hanggang tingin na lang siya. Pero hindi ko na rin sila nakikitang nag-uusap ni Ronila.Kasalukuyan kaming nasa lilim ng punong acacia sa malawak na field. Ako, si Julia at Miana. Tanghalian ngayon at kalimitan ang mga estudyante ay kumakain at nagpapahinga dahil magsisimula ang klase sa hapon ng ala-una."Hindi niyo ba narinig na malapit na ang Miss Santa Barbara Comprehensive School 2005. Sa 2nd week ng August, Biernes daw gaganapin para kinabukasan ay Sabado, walang pasok. Di ba July na ngayon, malapit na." excited si Julia. "Naku, Anaya baka ikaw ang kuning representative sa atin. Ikaw kasi ang pinakamaganda at seksi. Kaso sa Q & A medyo sablay ka dun," nagtawanan kaming tatlo sa sinabi ni Miana ka
"Anaya, sige pa. Kembot. Kembot. Napakatigas ng katawan mo. Mabuti pala at maaga akong kinausap ni Manang Inday na sasali ka sa pageant sa school niyo." Pinagpapalo na ni Mama Baby Mara ang aking tagiliran. "Ganito, gayahin mo ako." at kumendeng kendeng na ang kilalang bakla sa amin. Kilala si Baby Mara sa amin dahil noong kabataan niya ay suki siya ng mga Gay Pageants at lagi siyang nanalo. Kapitbahay at kaibigan siya ni Manang Inday dahil magkaedaran lang silang dalawa. " Oh , ikaw na Anaya.""Okay! Iyong lakad lang muna ngayong araw ha. Sa susunod ang tamang pag pose naman. Tapos sa susunod ay talent. Sa ganda at tindig mo Anaya bagay sa 'yo ang belly dancing o fire dance. Ako din ang magtuturo sa 'yo kaya dapat lahat nang 'yan kailangan gawin mo. Tamang posture. Ha. Entiendes. " istrikto pa nitong paalala sa akin. Pag nasa eskwelahan naman ay pinapraktis ko ang tamang tindig at postura kagaya nang sabi ni Mama Baby. May praktis din kami sa auditorium sa aming rampa at productio
“Rodolfo, hijo, I’m glad na bumisita ka dito. Ilang beses na kitang inimbitan na magbakasyon dito,” turan ni Senyor Roberto kay Rodolfo.Nasa hapagkainan silang lahat at naghahapunan. Si Madam Carmina ay tensiyonado habang kumakain. Si Ronnie at Ronila naman ay nagtataka kung sino ang lalaking kasalo nila sa malaking hapagkainan.“Papa, who’s he?” si Ronila ang naunang nagtanong kay Senyor Roberto. Hindi mapigilan ang kuryusidad. Hindi sila basta basta nagpapasabay sa hapagkainan tuwing kakain sila. Tiningnan nito ang lalaki na naka puwesto sa kanyang harap.Tiningnan din siya ng matiim ng lalaki. Hindi niya nakayanan at umiwas na lamang siya.“Ronnie, Ronila.. Uhm.. Eto na siguro ang tamang panahon para malaman niyo ang totoo. Si Rodolfo ay anak ko. Siya ang panganay kong anak sa una kong asawa, si Venus Villarica. Hindi ko lamang nasabi sa inyo dahil nagkalayo din kami matapos mamatay sa aksidente ang kanyang Mama. Let's say na hindi maganda ang aming relasyon dati. But eventually h
Santa Barbara Comprehensive School (Pre-pageant)"Good morning Anaya." sabay na bati ni Julia at Miana."Good morning din Julia, Miana." balik na bati ko sa kanila."Excited ka na ba mamaya para sa Coronation Night. Manonood kami mamaya para suportahan ka." excited na talaga si Julia."Salamat sa inyong suporta. Mamaya pupunta din ang Nanay Lucia, si Manang Inday, Mama Baby Mara at iba kong kapitbahay para manood at sumuporta sa akin. Nakakatuwa lang talaga." nagagalak ako at may mga taong sumusuporta sa pagsali ko sa pageant."Pero dinig ko na baka ang papanalunin nila si Ronila. Alam mo naman Anaya na ang Papa nun ang isa sa may-ari ng SBCS." umandar na naman ang pagkatsismosa ni Julia."Wag ka namang nega, Julia." kontra ni Miana. "Totoo 'yon. Naririnig ko sa mga tauhan namin dahil alam mo naman ang mga tao dito. Kung tayo ay inaapi at nilalait dahil sa mukha natin, may iba din na walang magawa kundi bantayan ang buhay ng mga mayayaman at kilalang pamilya sa Santa Barbara at ang p
Pagbalik ko sa aming table ay Top 3 na.Emcee: It is really a tough fight between our 10 lovely candidates. From their Introduction Number, to Casual Wear, Talent Portion, Swimwear, and Evening Gown...Students of Santa Barbara Comprehensive School, who do you think will be included in our Top 3???No. 1..No. 3... No 5... No. 2No. 6...No. 2...Anaya.... Go! go!go! Anaya...No. 1...Ronila... Go! go! go! Ronila...No. 2....Emcee: It seems na maraming fans si Candidate No. 2. Okay guys, please settle down. I will announce our Top 3 .... In no particular order. Please step forward when I call your number, ladies. Okay....You are in.....Candidate No. 5..Miss Maria Nerissa de la Vega.. Congratulations..Please step forward Candidate No. 5. Thank you.Okay guys, our next contestant is.......Candidate No.???.... Candidate No. 6, Miss Mia Angelique Hernandez. Congratulations. Thank you Candidate No. 6, please step forward.And now, to complete our Top 3...Please step forward.. Candidate No.??
Pagdating sa likod ng library ay napasalampak kaagad ako sa lupa. Wala akong pakialam kesehodang madumihan ang gown ko. Napahagulgol ako ng iyak. Tinimpi ko lang kanina sa harap ng ibang tao ang aking nararamdam kahit na gusto ko nang bumunghalit ng iyak at magsusumigaw sa sama ng loob. Wala akong may nakikitang mali sa performance ko. Lahat binigay ko. Kahit hindi ako manalo. Kahit man lang sana sa Top 3. Kahit ang mga manonood ay humihiyaw sa aking pangalan kanina.Anaya..Anaya…Pero lahat nang ‘yon ay nawalan ng saysay. Ngayon ko napagtanto na ang hirap pala kalaban ang mga mayayaman at may koneksiyon sa lipunan. Kahit anong pagpupursige mo, may mga balakid sa iyong pangarap. Katulad ni Ronila, mas magaling at maganda ang performance ko pero dahil isa si Senyor Roberto sa may-ari ng eskwelahan ay siya ang nanalo.“Huhuhu…” sumisinok pa ako habang tumaas baba ang aking balikat sa pag iyak.Habang umiiyak ay pilit kong inaabot ang zipper ng aking suot na gown. Lalo akong pumalahaw
Pagdating ng Lunes ay mainit na usapin sa buong eskwelahan ng SBCS ang pagkapanalo ni Ronila. Mas marami ang hindi natuwa lalo na ang mga nakapanood. Sa isang banda ay naging maugong ang pangalan ni Anaya dahil sa ganda ng performance na ipinakita niya sa pageant.“Anaya, balita ko badtrip na badtrip si Ronila dahil kahit siya ang nanalo ay mas maugong ang pangalan mo. Hehe.” Tuwang tuwang pagbabalita ni Julia.“Oy! Balita din na binigyan ka ni Johnson ng bouquet of roses.” Kilig na kilig na sabi naman ni Miana.Andito kami ngayon sa canteen at kumakain. Tanghalian na naman. Punuan ang field dahil maraming mga extra curricular activities kaya hindi kami tumambay doon. May sarili kaming mga baon at nagseshare lagi kung anong meron kaya nakakakain din ako minsan ng mga masasarap na ulam.“Kaya pala blooming ka Anaya dahil may pa-bouquet pala si Johnson Amboy sa’yo. Pag nanligaw sa’yo sa Amboy, sagutin mo na. Ang gwapo gwapo nun tapos pantasya ng buong SBCS. Hehe.” kilig na kilig si Juli