Birthday Party (part 2)
At seventeen I'm already a mother. Salamat sa Diyos at hindi ako iniwan ni Papa lalo na ni Alejandro. To stop the rumors because I’m underage. Alejandro gave his name to Abby and signed her birth certificate as her father.
Nilingon ko siya. Mahal niya talaga anak ko. He looks a proud father to her.
Kunsabagay, siya naman ang talaga ang naging ama ni Abby. He's disciplinarian and the same time cool Dad. And I'm the strict mother to her. All I want is to protect her. Ayaw kong mangyari sa kanya ang nangyari sa akin. Nakikinig naman siya pero mas nakikinig siya kay Alejandro. Nakakaselos minsan pero ok lang.
Inalalayan siya ni Papa habang lumalakad papunta sa kinatatayuan namin ni Allie.
"Thank you po, Grandpa," ngumiti siya kay Papa. "Mom, can I?"
Hininhingi niya ang mic sa akin na agad kong binigay. She confidently smiles at nilibot ang kanyang mga mata sa mga bisita.
"Thank you po sa lahat ng dumating. Sa mga kapamilya. Tita Astarte, Tito Marco, Doki Cyril, Tita Ninang, Nanay Erma, Nanay Elsa, sa lahat ng bisita at sa mga tauhan sa farm ni Grandpa Cornelio para sa pagpahiram ng garden ni Grandma Cecile. "Lumingon pa ito kay Papa. "At kay Lolo Arnolfo din po mabuti at nakarating kayo. Sa mga kaibigan nina Mommy at Daddy. Uli po salamat sa inyong pagdalo. Malaking bagay po para sa akin at sa aking pamilya. Sana mag-enjoy po kayo sa gabing ito and prepare for more surprises."
Ang haba ng speech ng anak ko. Hehehe. Siguro ang tinutukoy ng batang ito ang firework display para sa finale ng party.
Sumenyas na si Alejandro sa mga tauhan na i-open na ang mga food warmer at i-serve ang mga pagkain. Pero bago ang lahat we pray sa pamumuno ni Papa. It was our tradition every party.
Nagsimula na ang kainan.Tumayo ako sa likod ni Papa at dinala siya sa long table kung saan nandoon din sina Astarte at Marco naka-upo. Pati na sina Kuya Cyril at Sonya kasama si Damulag na Cairo.
Nasa mesa na rin ang Papa ni Alejandro katabi naman niya ang dalawang kasama nito. It is a long table twelve setter actually. Pinasadya dahil marami kami. Other guests have smaller round table good for four to six persons. Baby blue ang kulay ng mga mantle with pink sequence sa gilid ang ginamit. At may food na rin ang naka-serve sa bawat mesa. Meron din sa mahabang mesa nakahilera ang mga pagkain na nasa mga food warmer at pati na ang mga dessert. The flower arrangement sa lahat ng mesa at sa party ay galing sa garden ni Mama.
Nagsimula nang kumain ng mga guest. I heard them complementing the food. Parang fiesta ang peg ng mga decoration. Naka-hang na balls na may ilaw sa loob ang nagsisilbing ilaw sa bong lugar. Nakapaligid din ang malalaking puno ng narra. Sa di kalayuan ay mga puno ng mangga kung saan may mga mesa din doon para sa mga tauhan ng Mango Farm. Kung ano ang pagkain sa party ganun din ang binibigay sa mga taong nagsasaya doon.
Sinalubong kami ni Papa Arnolfo.
Tango lang ang sagot ni Alejandro dito. Alam naman ng mga nandito sa mesa na may tension ang mag-ama. Except Abegail, Alejandro tried to be civil ayaw niya ng eskandalo as much as possible.
"Buti po at nakarating kayo sa birthday ko." Si Abby habang nagmamano sa lolo niya.
"Yes, it's mandatory daw apo." Nakangiting sabi ng General.
Kung titingnan mo ang Heneral at si Alejandro parang hindi sila mag-ama. Hindi kasi nakuha ni Alejandro ang kayumangging kulay ng Ama, mas nakuha nito ang Spanish feature ng Ina. Maliban sa tangkad na namana niya dito at body built wala nang pagkakahawig ng dalawa. Natural kasing macho at maganda ang katawan ni Alejandro kahit hindi pa magwowork-out. Hands on kasi siya sa palaisdaan kaya nagbubuhat siya ng mabibigat.
Nahuli ko si Alejandro he wants to say something pero pinigilan ko sa pamamagitan ng holding hands.
"Your Grandpa told me, at pinadalhan ako ng invitation ng Mommy at Daddy mo." Nilingon pa kami ng general at ngumiti. "I'm sorry apo busy lagi si Lolo. By the way."
Lumingon ito sa mga kasama.
"Meet your cousin Bryan and his Mom Tita Sandra."
"Hi cousin. Happy Birthday." Nahihiyang bati ng binatilyo at inabot ang regalong dala nito.
Masasabi kong matangkad din ang binatilyo. He has a lean body. Medyo may pagkakahawig ito sa heneral.
"Thank you." Matipid na sagot ni Abby.
"Happy Birthday, hija." Nakangiting bati ni Sandra. Titig na titig siya kay Abby na hindi ko alam ang kahulugan.
Lihim ko siyang pinag-aaralan. She's also beautiful but I smell something at her. The way she stare at my daughter and the way she looks at us.
"Where's your other son Lolo?" Parang may hinahanap si Abby sa likod ng abuelo.
"Oh he's in the camp hija susunod na lang daw siya. Alam mong he's a soldier responsible for our safety."
"OK." Tumango-tango ang anak ko. Habang umuupo sa tabi ko.
Nagsi-upo na din kami lahat.
I heard Alejandro smirked a little. Kaya hinigpitan ko ang hawak ko sa kanya. Holding hands kaming umupo. I need to calm him down. He was pissed off whenever pinagmamalaki ng Papa nito na sundalo ang isa nitong anak sa ibang babae.
Gusto kasi nito na magsundalo si Alejandro pero di niya sinunod dahil hindi niya kayang iwan si Astarte mag-isa at ang Mama nila. Mas pinili niyang kumuha ng Aqua Culture at Bussiness Administration para mas palaguin ang negosyo ni Tita Aurora.
At nag-aral din siya para maging chef at tinutukan ang resort. Hindi man siya naging sundalo naging mas matapang naman siya sa pagtaguyod sa kanyang pamilya kahit maagang nawala ang mama nila. Napanindigan niya ng mahusay ang kanyang responsibilidad at obligasyon hindi lang kay Astarte pati na rin sa amin ni Abby. That's why I'm very proud of him. And I care for him and will support him no matter what.
Walang nagsalita kahit isa sa amin. Ayaw kong may mangyaring hindi maganda sa birthday party ng anak ko. Each one of us feel the tension between them. I bet hindi aware ang mag-inang ito. And ayaw kong maapektuhan si Abby sa tension sa pagitan ng dalawa. Dahil Alam kong sina Astarte at Marco maging ang mag-asawa ay naka-alerto na rin kahit si Papa.
Alejandro remain civil as he can kaya iyon din ang ginawa ko. Holding his hand is one of my ways to make him easy and chill.
Narinig ko ang mga compliment sa luto ni Allie. He must be tired so pinagsilbihan ko siya at si Abby. Ako na ang naglagay ng kanin at ulam sa plato nina Allie at Abby. Allie just smiled at me and started to eat. Nakaka-awa kong bestfriend buong araw nasa kusina ng mansyon. Bago ang adult party mas nauna na ang children's party na inorganisa nila Kuya Cyril at Sonya.
Bilang huling children's party ni Abby kasi dalaga na siya. Kabilang sa mga dumalo ang mga anak ng mga trabahador ng hacienda at mga trabahador sa hatchery at palaisdaan. Pati mga anak ng mga staff sa mall at resort. Kulang na lang gawing holiday ng Mayor ng Sta. Fe ang birthday ni Abby. It so happened Marco was the mayor, my cousin.
Abby is one of Sta. Fe's pride dahil ilang beses na siyang nagkamit ng medalya sa taekwondo para sa probinsya. Kaya maraming dumalo sa party niya. Pala-kaibigan din kasi ito at mabait na bata. Kaya kasundo niya ang lahat. Hindi rin siya madamot sa mga laruan. Nagshi-share din siya sa kapwa-bata.
Hindi kami mahilig ni Allie sa pag-i-spoil sa kanya.
Pero binibigay namin ang mga bagay na nakakapagpasaya sa kanya.
"You more, anak?" Tanong ko kay Abby.
"Yes, Mom kunti lang po." Sabay tango niya sa akin.
She loves kare-kare and everything na niluluto ni Alejandro. Huwag lang ampalaya dahil nagmana siya akin takot sa mapapait na pagkain. Lahat ng ulam inihanda namin ay Filipino food pati panghimagas. Lahat favorite ni Abby.
"Dear, can you pass me the lechon?" Malambing na utos ni Allie.
Dahil ako ang mas malapit sa bandehado ng chopped lechon kaya ako ang napag-utosan ni Alejandro. Tumango ako at nilagyan ang plato niya ng lechon. Nilakihan ko na ang hiwang kinuha niya. Hehehe alam ko kasi malakas kumain ito kapag pagod. Hindi nga lang hatalang pagod na ito dahil masayang-masaya ang awra niya.
"Thanks." At nagsimula na itong sumubo ulit.
Nilingon ko si Papa na nasa tabi ni Abby nasa kaliwang side ito ni Abby. Tiningnan ko kung ang mga bawal ang nasa plato niya. Steamed fish lang ang nasa plato nito. Dahil ito ang required na dish sa kanya ng doktor. Pero alam kong kumain din 'yan ng bawal matigas din kasi ang ulo ng tatay ko.
Pero kahit papano nakikikinig ito kaya puro fruits and vegetables ang diet nito. Minsan pinapayagan ko siyang kainin ang mga bawal. Naawa din kasi ako sa kanya.
"Papa, ok lang po kayong kumain ng lechon pero small amount lang po hah."
Nilingon niya ako at ngumiti. Tumango lang ito at muling binalingan ang Papa ni Alejandro.
Importante siguro ang pinag-uusapan ng mga ito. Si Papa pa rin ang nag-ma-manage ng mango farm. At dahil malapit kami sa bundok may ilang concern siya sa mga hangganan ng mga lupa. Minsan na kasing ninakawan kami sa dulo ng mga good for harvest na limang puno ng mangga at lima ding alagang baka last month. Kaya hindi maiwasan yun ang pinag-uusapan ng dalawa.
ALEXANDER’S PLAN Nalunod ako sa malalim na pag-alaala sa nakaraan. Habang nakatitig sa larawan ng ina ni Alejandro. “Maam Maureen sana mapatawad mo ang nanay ko sa mga naging kasalanan niya. Nagmahal lang po siya.” Usal ko sa aking isip. Ilang beses akong humingi ng tawad sa Mama ni Alejandro sa aking mga dasal. Dala-dala ko ang bigat sa aking dibdib nang malaman kong namatay si Maam Maureen nang may galit sa aking ina at maging sa amin na anak nito. Hindi naging maganda ang resulta ng lahat. Nasa piling ni Alejandro ang babaeng pinakamamahal ko. Minsan ang nagsu-suffer ng kasalanan ng mga magulang ay ang mga anak. Gusto ko lang makasama si Cass at ang anak ko. Ngunit kung gaano sila kalapit, ay siya ring nilang layo sa akin. Ang hirap abutin. Sa bawat ngiti at masayang halakhakan nila ay nagsusumidhi ang aking damdamin. Nagngingitngit ang kalooban ko sa mga nakikita ko ngayon. Gusto ko nang umalis. Pero biglang may humarang sa daraanan ko.
ALEXANDER’S CHILDHOOD Kailangan ko nang makuha ang sample na kakailanganin ko para sa DNA testing namin ni Abby. Ngunit sadyang hindi ko magawa masyadong maraming mata sa pagsasalong ito. Lahat ng mga dumalo ay malalapit na mga kaibigan nila Cassandra at Alejandro. May mga CCTV na rin ang buong paligid ng villa at maging sa loob nito. Iniba na rin ang ilang bahagi ng villa. Sa mahabang mesa ng mga larawan ng pamilya. Ay may nakalagay nang wedding picture sila Alejandro at Cassandra. Lahat halos ng dumalo ay malalapit na kamag-anak lamang at iilang malalapit na kaibigan. Parang intimate welcome party para sa pamilya ang inihanda nila. Ganoon pa rin kahit pa magtagal ako ay may tension pa rin sa pagitan ng aming ama at si Alejandro. Ito kasi ang pinaka-naapektuhan sa lahat ng pagtataksil ni Papa sa kanyang ina. Sa totoo lang hindi ko siya masisisi sa kanyang nararamdaman tungkol sa bagay na iyon. Noon pa man walang pakialam ang aming ama sa mga nararamdaman ng kanyang mga a
ALEXANDER’S PLAN Magdadalawang buwan ng wala sina Cassandra at Alejandro para sa kanilang honeymoon. Dalawang buwan ko na rin hinihintay ang pagbabalik ng dalawa. Kasama nila si Abegail, hindi nila ito iniwan dito sa isla. Inagaw na nang tuluyan ni Alejadro ang aking mag-ina. Ayon sa aking source umuwi na lang ng isla ang dalawa mula Maynila na may bata na silang dala-dala at iyon ay si Abby. Walang nakakaalam sa mga taga-dito kung ano talaga ang nangyari sa Maynila. Ipinakilala din ang bata na anak ng dalawa at dinadala ang apelyido ni Alejandro. Sadyang walang impormasyon ang lumabas mula sa dalawang pamilya. At nakarehistro ang pangalan ni Crissa Abegail Montejar Arevalo sa birth certificate niya. Ipinanganak sa isang pribadong ospital sa Maynila. Malinis ang record na nagpapatunay na anak siya ni Alejandro pero alam ko sa sarili ko na anak ko si Abby. Buntis na si Cass nang umalis siya at biglang naglaho, iniwan niya ang pregnancy test na kasama ng cellphone na biniga
ALEXANDER POV “Masokista ka ba o ano?” tanong sa akin nang taong nasa tabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Kaibigan ko ang taong ito pero medyo may pagkamatabil talaga. Nasa chapel kami ngayon. Kung saan ginaganap ang kasal ni Alejandro at Cassandra. Simpleng kasal ang pinili nila naging maid of honor ang bunsong kapatid ni Alejandro si Astarte na kapatid ko din a ama. At naging ring bearer ang anak ng doctor nitong pinsan. Merong flower girl’s din. Maraming dumalo sa kasal nila. Halos lahat ng kilalang tao ng Sta. Fe nasa kasal na iyon. Maraming VIP ang kasal na ito. Halatang pinaghandaan at ginastusan ni Alejandro ang kasal nila. Hindi pa dumadating ang bride. Ngunit lahat ng principal sponsors ay nandito na. Lahat ng tao ay excited sa kasalang ito. Maliit lamang ang kapilya kaya nilukop ito ng mga malalapit kapamilya ng mga ikakasal at mga principal sponsor. Nagkasya na lang sa labas ng chapel ang iba pang dumalo sa kasal. Mayroon pang ikinalat na mga upuan sa
Reunion Party Maraming palamuti sa hardin ng Castillo de Aguzar. May nakahilerang mga mesa at upuan. Naka-serve sa isang mahabang mesa ang mga pagkaing Espanyol at Pilipino. Ang nakakatuwa may lechon doon at sadya yatang ito ang best seller dahil sa nangangalahati na ito. Sa katabing mesa naman ang mga wine na mismong gawa sa winery ng hacienda. Pumapailanlang ang isang masayang musika sa paligid. May mga tawanan sa bawat gilid ng hardin. Meron ding mga batang malayang tumatakbo sa paligid. Katabi ko si Sonia habang tinitingnan sa Cairo kung saan ito papunta. Si Abby naman kasama ang mga kaedad niya sa isang mesa at masayang nakikipag-usap sa mga ito. Lahat ng mga taong nasa party ay mga kamag-anak nila Alejandro. Ginagawa ang pagtitipong ito kada taon para magkaroon ng reunion. Para itong celebration ng lahat ng birthdays ng bawat isa, wedding anniversaries at mga mahahalagang araw ng bawat isa sa kanilang pamilya.pwede din itong tawaging Thanksgiving party pasasalamat sa lahat
CASSANDRA POV Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib. Malamig ang hangin sa bukang liwayway pinili ni Alejandro ang isang mataas na bahagi ng lupain upang pagtayuan ng villa. Napapalibutan ng mga halamang dito lang sa Spain makikita. Kitang-kita sa balkonahe ng aming silid ang pagsikat ng araw sa silangan. Nakatitig lang ako sa papasikat na araw. Ito ang bagong simula ng aming relasyon ni Alejandro. Kung noon hindi pa buo ang pagiging partner ko sa kanya sa ilang taong paghihintay ay nangyari din ang minsang pinangarap kong sana totoong ako ang kanyang kabiyak sa puso, sa kanyang katawan at sa isip. Pero ang lahat ng iyon ay sobra-sobra pa niyang tinupad. Ginawa ang lahat maibigay sa amin ng anak ko ang buhay na maalwan at puno ng pagmamahal. Wala na akong hihilingin pa sa aking napangasawa. Pero minsan may bigla-biglang pumapasok sa isip ko. Parang pabugso-bugsong sulyap ng mga alaala ng nakaraan. Wala naman akong makuhang sagot dahil hindi naman ulit ito bumabalik. B
THE SURPRISE GIFTCASSANDRA POV “Dear hahaha nakikiliti ako.” Napapasinghap na lamang ako sa ginagawa ni Alejandro. Paano ba naman at ke-aga-aga nangingiliti. “Wake up we have a flight to catch.” Habang hinahalikan niya ang aking leeg ko. “Okey, tatayo na.” Baka iba ang tatayo nito may flight pala kami. Agad na akong nauna sa bathroom at naligo. Nagbihis na din ako. Sumunod naman si Alejandro sa akin. Wala munang harutan sa ngayon baka malate kami sa fight. Mas nakaka-hassle iyon. Nakahanda na ang mga luggage namin. Naka-abot din kaagad kami sa airport. Sumakay na kami sa eroplano. Alejandro booked a business class seat papuntang Madrid,Spain. Pagkatapos ng apat na oras mahigit maayos na nakalapag ang eroplano sa Madrid airport. Lumabas na kami may tinawagan si Allie sa phone. Pumarada sa harapan namin ang isang black BMW M3 Sedan. May white flower arrangement ito sa unahan. Ngumiti sa amin ang bumaba doon. Kung hindi ako nagkakamali si Ra
ALEJANDRO POV Halos hindi magkamayaw ang mga papeles na pinipirmahan ko nakapatong sa desk. Naghihintay na rin ang mga General Managers sa conference room ng aking Greece hotel. Lahat ng mga General manager ay nandoon para sa monthly report. Nagkataong sa honeymoon namin ni Cassandra ito tumapat. At kahit pa personal kong buhay ang honeymoon, hindi ko pwedeng hindi daluhan ang meeting ng personal kahit pa may assistant ako. Hindi ko maaaring ipagpaliban ang meeting na ito. Kaya kahit ayaw kong iwan muna si Cassandra sa silid ay ginawa ko may mga security naman na nagbabantay sa lugar kaya safe siya. Nang matapos ko nang pirmahan ang mga papeles ay dumiretso na ako sa conference room. Mahigit tatlumpo ang nasa silid. Lahat ng hotels na kabilang sa Ybanez Group sa buong Europe. Hotels and restaurants located mostly sa mga pinakamayayamang bansa ng Europe at halos lahat ng mga dinadayo ng mga turista. Si Ace na ang namuno sa meeting he’s my Europe Assistant. Pinag-usapan na namin an
CASSANDRA POV Dalawang linggo na kaming out of the country. Sinusulit ang European tour na regalo ni Papa Cornelio para sa aming honeymoon. Nasa Paris si Abby at kasama si Astarte. Araw-araw ko silang tinatawagan at gabi-gabi, gumagana na naman ang pagka over thinker ko. Pero kahit ganoon na enjoy ko naman ang Europe. Okey lang ang climate at maganda ang sceneries. Nasa Greece kami ngayon. And Alejandro is booking a ticket papuntang Spain. Doon namin gugugulin ang natitirang two weeks namin. Ito na yata ang pinakamahabang out of the country namin ni Alejandro together. At siguradong marami pa ang susunod nito. Nagkakape kami sa balcony ng hotel room. May kinakausap lang si Alejandro sa phone. Nakabihis siya at paalis. Nasa penthouse suite kami ng hotel exclusively for the CEO and owner. Mahaba ang araw namin kanina nilibot namin ang mga sikat na pasyalan dito. Kaya heto napasabak kami sa lakaran. Medyo sumasakit ang aking mga paa kaya ipinatong ko ito sa kabilan