Birthday Party (part 1)
"Oh, my Ate Cassy, Wow." namimilog na mga mata ni Astarte na nakatingin sa akin.
Katabi niya si Abby na abot-teynga ang ngiti.
"Ang torpe kasi ni Kuya eh," palatak pa niya habang papalapit sa akin. Maingat akong niyakap para hindi masira ang gown ko. "Maganda ka gwapo siya sayang ang hina kasi eh."
"Ikaw talaga." Natatawa kung turan. "Hindi naman torpe ang kuya mo."
Namimilog ulit ang kanyang mga mata. May gusto pa sana siyang sabihin. She gave a questionable glare. And a mysterious smile that I can't explain.
"You're beautiful, Mommy." Si Abby.
She's wearing a twinnie gown like mine—sleeping beauty-inspired gown with modern style on it. And even our shoes are the same. But my dress and shoes have garnet stones because I was born in January my birth month, she's has aquamarine birthstone of August.
"You're more beautiful, baby." Pinisil ko ang tungki ng ilong niya. Yes, she's more beautiful than me and way smarter. "It's your birthday hija so you're the most of all."
"Nagbolahan pa ang dalawa," nakangiti pero maasim ang mukha ni Astarte. "Gutom na ako oy maawa kayo sa akin."
Medyo naawa ako dito. Galing pa ito sa Singapore at dahil walang magluluto sa kanya sa resort. Dumiretso ito sa mansion dahil nandito si Alejandro.
"Hinahanap na ng panlasa ko ang luto ni Kuya, kaya dalian n'yo na." Mangiyak-ngiyak na talaga ito at hindi pa nakuntento nag-puppy eyes pa. Habang umu-upo sa gilid ng kama ko.
"Come here,anak." Kinuha ko sa mesa ang fresh flower na ginawang head dress niya. It is Gladiolus her month flower from Mama's garden. "Thank you, Mom." she giggled.
Kitang-kit sa mukha ni Abby ang saya.
"Special delivery."
May biglang kumatok sa silid.
Pumasok ang isang Adonis. My sparkling best friend pala.
Makatulo laway sa ka-gwapuhan he's wearing a tuxedo with a red tie. Na bumagay sa kanyang meztisong kulay. Newly cut hair at mamula-mulang labi na ni hindi nabahiran ng sigarilyo. His powerful at makapal na eyebrows na bumagay sa gray eyes. At nang maghinang ang aming mga titig ay parang sumipa ang aking sikmura at dumagondong ang aking puso.
At sa klase ng kanyang titig niya sa akin damang-dama ko ang kanyang pagtangi. Woah, namula yata ako bigla. Napadami yata ang blush-on na nalagay sa akin.
Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis.
Nagbeso sila ni Astarte. At may dinukot siya sa bulsa ng kanyang pants.
"Happy birthday, my princess," he opened a gold box gladiolus flower pendant with a stone of aquamarine at the center.
My God... naibulalas ko sa isip. It is customized set of Glamour Jewelry. A jewelry shop that is known of its uniqueness and customized jewelries. And knowing their price.
Gosh
Iniabot ni Allie sa akin ang box at I signed na tumalikod sa akin si Abby. Nakita ko ang ngiti sa mga labi ni Abby at sa kanyang mga mata.
"Thank you, Dad, Mom," sabay yakap sa aming dalawa ni Allie.
"So, are we set now?" untag ni Astarte.
Nagpatiuna na ito. Ngunit hinabol ng yakap ni Abby si Astarte. "Thank you Tita you're the best."
Paglalambing nito kay Astarte.
"Nah, it's my gift to you Princess Abby." Malumanay na sagot ni Astarte.
Ang tinutukoy nitong gift at ang Twinnie gown naming mag-ina. Pinagawa kasi niya ito sa Singapore. Sa isang Singaporean designer.
"Thank you talaga Astarte." nakangiti kong turan sa kanya.
"Your welcome sister-in-law." ang sigaw niya sa akin bago kami lumabas ni Alejandro sa silid ko.
"Your beautiful," mahina at halos bulong ni Allie sa akin.
Nasa hallway na kami ng mansion ngayon pababa sa hagdan.
Medyo uminit ang pisngi ko.
"Tita Amy's jewelry fits you." He gave me his usual stares. Full of adoration.
Hindi kami magkahawak-kamay but I can feel his warm stares at me.
"You too, you look good." I sweetly smile at him. Inayos ko ang tie niya.
I'm wearing Mama's jewelry set. A garnet set of diamond na bumagay sa gown ko.
He held my hand when we were on the stairs.
Medyo napailing ako nang matamaan ng liwanag ng camera ang mga mata ko. Naka-alalay naman siya sa akin. Agad naman akong nasanay sa mga flashing lights ng mga ito. Todo ngiti ako I know Allie he hired them. And as expected nasa headline na naman kami sa business section ng Sta. Fe.
And this handsome man beside me is the most supportive best friend of all time.
I uttered Thank you when we reached the last step.
Pinulupot ko ang aking kamay sa kanyang braso at magiliw'ng ngumiti.Oh my he smile at me. There's something in his smile that I can't explain. All I see is his very happy but parang may something. Totally his mysterious this time.
Nagkibit-balikat ako.
This is Abby's birthday party. And her happy moments.
Papa Cornelio welcomed us. His smiling at us. Kahit pa nakakalungkot na nakakulong sa wheelchair ang isa sa mga kilalang tao ng Stay. Fe. The great Cornelio Montejar the mango magnate of the province. Ang istrikto nitong personalidad at bumait nang dumating sa buhay namin si Abby. Papa was always amazed of his apo. And very proud of her.
Hawak na ni Papa ang microphone sa kanang kamay habang may wine glass sa kaliwa.
"Papa, bawal 'yan sa'yo." puna ko sa kanya.
Ngumiti ito.
"Pwede naman ako sa wine hija di'ba, Alejandro."
Nagpakampi pa talaga.
"Pumayag din so Doc Cyril." Tiningnan pa ang gawi kung saan ang table nina Cyril at Sonya na nakalaang table din namin.
Sinundan ko ang tinitingnan niya at tumango si Doc Cyril sa akin.
"Fine." Pagsang-ayon ko na lang dahil alam kong wala din akong magagawa. Lalo pa't nagkampihan na ang tatlo.
"Let's start the party."
Si Astarte pagkababa ng hagdan. "She's on her way."
Nagsitanguan kami.
Mismong si Papa ang nag-opening. Nasa tabi ko si Alejandro. Dito sa terrace na nakaharap sa garden ito kasi ang ginawang mini stage namin. Tanaw kasi mula dito ang buong garden ng mansion.
"Hello mic test Hello..." testing ni Papa sa microphone.
Agad namang napatuon ang tingin ng mga tao sa terasa na ngayon ay stage muna. Tanging ang ilaw na nakatuon sa stage ang umiilaw.
"Good evening sa lahat ng nandito. Nagpapasalamat ako behalf of my family. Matiwasay kayong nakarating sa aming munting tahanan at sa pagdalo sa kaarawan ng aking apo."
Nakangiti ang aking ama. It seems na naka-move on na siya sa trahedyang nangyari. He even insisted na sa mansion gagawin ang party na usually sa resort namin sini-celebrate.
"Ibibigay ko ang pagpapakilala sa aking anak, Cassandra."
Sinenyasan ako ni Papa at binigay ang mic sa akin. Nanginginig ang kamay na inabot ko ang mic sa kanya.
"Thank you, Papa."
Bigla yata akong kinabahan. Marami pala kaming bisita. Mga bisitang hindi ako na-inform. Ang Sta. Fe Business Guild at ilang VIP ng hotel at mall. Close friends, nandoon din sina Nanay Erma at Nanay Elsa, si Nanay Erma ay ang mayordoma sa villa nila Alejandro. Si Marco ang pinsan ko kasama si Astarte parang may diskusyon ang dalawa. Sina Doc Cyril at Sonya na kasama si Cairo sa mesa. Nilibot ko pa ang mga mata ko. Nandoon din ang Papa ni Alejandro may kasama siyang babaeng hindi ko kilala makapal ang make-up nito at isang binatilyo pero ngumiti pa rin ako sa kanila. After all, his Alejandro's father.
Tumikhim muna ako.
"Like as my father said earlier. We're very thankful to have you here and celebrate with us. The thirteenth birthday of our one and only daughter."
May malaking screen sa gilid ng stage. Pinalabas dito ang mga picture ni Abby since a Month old.
First birthday.
Second birthday we're natuto siyang lumangoy kasama ko sa pool.
Third birthday ni-regaluhan namin siya ng bike.
Forth birthday we're biking at the park. At we held a fan run. Kaming tatlo ang NASA picture.
Sixth birthday she plays football.
Seventh birthday she got her red belt for Taekwando.
Eight birthday she's competing Taekwando in Hongkong so we celebrate it in Hongkong Disneyland. Naka-Mickey Mouse t-shirt kami.
Ninth birthday nasa resort kami nagsisimula pa lang ang construction at nakikialam siya sa pagpipintura sa mga cottages at suites. Puro pa nga kami pintura ang mga damit namin.
Tenth birthday sa resort pa rin at little mermaid ang theme sabay sa opening ng resort.
Eleven'th birthday kasabay sa pagbukas ng mall. Siya ang nag-opening sa mall.
Because the two businesses are a joint venture namin ni Alejandro. We have equal share sa negosyo, to prepare Abby's future.
Twelve'th birthday she wants to have picnic sa mango orchard kasama ang mga anak ng mga trabahador at mga classmate niya.
Mga stolen shots niya na ako ang kumuha. At shots niya sa photoshoots niya para sa thirteenth birthday party niya.
"Ladies and Gentlemen, please welcome our daughter Carissa Abegail Montejar-Arevalo."
Bumaba si Abby sa hagdan walang patid ang kanyang ngiti.
Pumalakpak ang lahat ng tao.
She's like a princess to me. Alejandro call her sometimes miracle baby. She survived in my womb for nine months. Even I was in lying in the hospital bed and unconscious.
Yes, I'm in coma for almost a year. And luckily, we're both safe. Alejandro didn't know how it happens I survived from that accident. And how and why I experience it wala din siyang maisagot dahil natagpuan nalang niya ako sa gitna ng daan, duguan at walang malay.
That's the time he and my parents are looking for me. Nawala akong parang bola for almost two months. And when I wake up wala akong maalala ni isang detalye.
Tulala pa nga ako at nanlalaki ang mga matang tumitig sa batang karga-karga ni Alejandro nang makabawi ako mula sa coma state ko. Kung hindi ko pa kinumpirma sa aking sarili na nanganak ako through caesarian section ay hindi ako naniniwala. Katibayan nito ang bikini style cut sa baba ng puson ko.
ALEXANDER’S PLAN Nalunod ako sa malalim na pag-alaala sa nakaraan. Habang nakatitig sa larawan ng ina ni Alejandro. “Maam Maureen sana mapatawad mo ang nanay ko sa mga naging kasalanan niya. Nagmahal lang po siya.” Usal ko sa aking isip. Ilang beses akong humingi ng tawad sa Mama ni Alejandro sa aking mga dasal. Dala-dala ko ang bigat sa aking dibdib nang malaman kong namatay si Maam Maureen nang may galit sa aking ina at maging sa amin na anak nito. Hindi naging maganda ang resulta ng lahat. Nasa piling ni Alejandro ang babaeng pinakamamahal ko. Minsan ang nagsu-suffer ng kasalanan ng mga magulang ay ang mga anak. Gusto ko lang makasama si Cass at ang anak ko. Ngunit kung gaano sila kalapit, ay siya ring nilang layo sa akin. Ang hirap abutin. Sa bawat ngiti at masayang halakhakan nila ay nagsusumidhi ang aking damdamin. Nagngingitngit ang kalooban ko sa mga nakikita ko ngayon. Gusto ko nang umalis. Pero biglang may humarang sa daraanan ko.
ALEXANDER’S CHILDHOOD Kailangan ko nang makuha ang sample na kakailanganin ko para sa DNA testing namin ni Abby. Ngunit sadyang hindi ko magawa masyadong maraming mata sa pagsasalong ito. Lahat ng mga dumalo ay malalapit na mga kaibigan nila Cassandra at Alejandro. May mga CCTV na rin ang buong paligid ng villa at maging sa loob nito. Iniba na rin ang ilang bahagi ng villa. Sa mahabang mesa ng mga larawan ng pamilya. Ay may nakalagay nang wedding picture sila Alejandro at Cassandra. Lahat halos ng dumalo ay malalapit na kamag-anak lamang at iilang malalapit na kaibigan. Parang intimate welcome party para sa pamilya ang inihanda nila. Ganoon pa rin kahit pa magtagal ako ay may tension pa rin sa pagitan ng aming ama at si Alejandro. Ito kasi ang pinaka-naapektuhan sa lahat ng pagtataksil ni Papa sa kanyang ina. Sa totoo lang hindi ko siya masisisi sa kanyang nararamdaman tungkol sa bagay na iyon. Noon pa man walang pakialam ang aming ama sa mga nararamdaman ng kanyang mga a
ALEXANDER’S PLAN Magdadalawang buwan ng wala sina Cassandra at Alejandro para sa kanilang honeymoon. Dalawang buwan ko na rin hinihintay ang pagbabalik ng dalawa. Kasama nila si Abegail, hindi nila ito iniwan dito sa isla. Inagaw na nang tuluyan ni Alejadro ang aking mag-ina. Ayon sa aking source umuwi na lang ng isla ang dalawa mula Maynila na may bata na silang dala-dala at iyon ay si Abby. Walang nakakaalam sa mga taga-dito kung ano talaga ang nangyari sa Maynila. Ipinakilala din ang bata na anak ng dalawa at dinadala ang apelyido ni Alejandro. Sadyang walang impormasyon ang lumabas mula sa dalawang pamilya. At nakarehistro ang pangalan ni Crissa Abegail Montejar Arevalo sa birth certificate niya. Ipinanganak sa isang pribadong ospital sa Maynila. Malinis ang record na nagpapatunay na anak siya ni Alejandro pero alam ko sa sarili ko na anak ko si Abby. Buntis na si Cass nang umalis siya at biglang naglaho, iniwan niya ang pregnancy test na kasama ng cellphone na biniga
ALEXANDER POV “Masokista ka ba o ano?” tanong sa akin nang taong nasa tabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Kaibigan ko ang taong ito pero medyo may pagkamatabil talaga. Nasa chapel kami ngayon. Kung saan ginaganap ang kasal ni Alejandro at Cassandra. Simpleng kasal ang pinili nila naging maid of honor ang bunsong kapatid ni Alejandro si Astarte na kapatid ko din a ama. At naging ring bearer ang anak ng doctor nitong pinsan. Merong flower girl’s din. Maraming dumalo sa kasal nila. Halos lahat ng kilalang tao ng Sta. Fe nasa kasal na iyon. Maraming VIP ang kasal na ito. Halatang pinaghandaan at ginastusan ni Alejandro ang kasal nila. Hindi pa dumadating ang bride. Ngunit lahat ng principal sponsors ay nandito na. Lahat ng tao ay excited sa kasalang ito. Maliit lamang ang kapilya kaya nilukop ito ng mga malalapit kapamilya ng mga ikakasal at mga principal sponsor. Nagkasya na lang sa labas ng chapel ang iba pang dumalo sa kasal. Mayroon pang ikinalat na mga upuan sa
Reunion Party Maraming palamuti sa hardin ng Castillo de Aguzar. May nakahilerang mga mesa at upuan. Naka-serve sa isang mahabang mesa ang mga pagkaing Espanyol at Pilipino. Ang nakakatuwa may lechon doon at sadya yatang ito ang best seller dahil sa nangangalahati na ito. Sa katabing mesa naman ang mga wine na mismong gawa sa winery ng hacienda. Pumapailanlang ang isang masayang musika sa paligid. May mga tawanan sa bawat gilid ng hardin. Meron ding mga batang malayang tumatakbo sa paligid. Katabi ko si Sonia habang tinitingnan sa Cairo kung saan ito papunta. Si Abby naman kasama ang mga kaedad niya sa isang mesa at masayang nakikipag-usap sa mga ito. Lahat ng mga taong nasa party ay mga kamag-anak nila Alejandro. Ginagawa ang pagtitipong ito kada taon para magkaroon ng reunion. Para itong celebration ng lahat ng birthdays ng bawat isa, wedding anniversaries at mga mahahalagang araw ng bawat isa sa kanilang pamilya.pwede din itong tawaging Thanksgiving party pasasalamat sa lahat
CASSANDRA POV Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib. Malamig ang hangin sa bukang liwayway pinili ni Alejandro ang isang mataas na bahagi ng lupain upang pagtayuan ng villa. Napapalibutan ng mga halamang dito lang sa Spain makikita. Kitang-kita sa balkonahe ng aming silid ang pagsikat ng araw sa silangan. Nakatitig lang ako sa papasikat na araw. Ito ang bagong simula ng aming relasyon ni Alejandro. Kung noon hindi pa buo ang pagiging partner ko sa kanya sa ilang taong paghihintay ay nangyari din ang minsang pinangarap kong sana totoong ako ang kanyang kabiyak sa puso, sa kanyang katawan at sa isip. Pero ang lahat ng iyon ay sobra-sobra pa niyang tinupad. Ginawa ang lahat maibigay sa amin ng anak ko ang buhay na maalwan at puno ng pagmamahal. Wala na akong hihilingin pa sa aking napangasawa. Pero minsan may bigla-biglang pumapasok sa isip ko. Parang pabugso-bugsong sulyap ng mga alaala ng nakaraan. Wala naman akong makuhang sagot dahil hindi naman ulit ito bumabalik. B
THE SURPRISE GIFTCASSANDRA POV “Dear hahaha nakikiliti ako.” Napapasinghap na lamang ako sa ginagawa ni Alejandro. Paano ba naman at ke-aga-aga nangingiliti. “Wake up we have a flight to catch.” Habang hinahalikan niya ang aking leeg ko. “Okey, tatayo na.” Baka iba ang tatayo nito may flight pala kami. Agad na akong nauna sa bathroom at naligo. Nagbihis na din ako. Sumunod naman si Alejandro sa akin. Wala munang harutan sa ngayon baka malate kami sa fight. Mas nakaka-hassle iyon. Nakahanda na ang mga luggage namin. Naka-abot din kaagad kami sa airport. Sumakay na kami sa eroplano. Alejandro booked a business class seat papuntang Madrid,Spain. Pagkatapos ng apat na oras mahigit maayos na nakalapag ang eroplano sa Madrid airport. Lumabas na kami may tinawagan si Allie sa phone. Pumarada sa harapan namin ang isang black BMW M3 Sedan. May white flower arrangement ito sa unahan. Ngumiti sa amin ang bumaba doon. Kung hindi ako nagkakamali si Ra
ALEJANDRO POV Halos hindi magkamayaw ang mga papeles na pinipirmahan ko nakapatong sa desk. Naghihintay na rin ang mga General Managers sa conference room ng aking Greece hotel. Lahat ng mga General manager ay nandoon para sa monthly report. Nagkataong sa honeymoon namin ni Cassandra ito tumapat. At kahit pa personal kong buhay ang honeymoon, hindi ko pwedeng hindi daluhan ang meeting ng personal kahit pa may assistant ako. Hindi ko maaaring ipagpaliban ang meeting na ito. Kaya kahit ayaw kong iwan muna si Cassandra sa silid ay ginawa ko may mga security naman na nagbabantay sa lugar kaya safe siya. Nang matapos ko nang pirmahan ang mga papeles ay dumiretso na ako sa conference room. Mahigit tatlumpo ang nasa silid. Lahat ng hotels na kabilang sa Ybanez Group sa buong Europe. Hotels and restaurants located mostly sa mga pinakamayayamang bansa ng Europe at halos lahat ng mga dinadayo ng mga turista. Si Ace na ang namuno sa meeting he’s my Europe Assistant. Pinag-usapan na namin an
CASSANDRA POV Dalawang linggo na kaming out of the country. Sinusulit ang European tour na regalo ni Papa Cornelio para sa aming honeymoon. Nasa Paris si Abby at kasama si Astarte. Araw-araw ko silang tinatawagan at gabi-gabi, gumagana na naman ang pagka over thinker ko. Pero kahit ganoon na enjoy ko naman ang Europe. Okey lang ang climate at maganda ang sceneries. Nasa Greece kami ngayon. And Alejandro is booking a ticket papuntang Spain. Doon namin gugugulin ang natitirang two weeks namin. Ito na yata ang pinakamahabang out of the country namin ni Alejandro together. At siguradong marami pa ang susunod nito. Nagkakape kami sa balcony ng hotel room. May kinakausap lang si Alejandro sa phone. Nakabihis siya at paalis. Nasa penthouse suite kami ng hotel exclusively for the CEO and owner. Mahaba ang araw namin kanina nilibot namin ang mga sikat na pasyalan dito. Kaya heto napasabak kami sa lakaran. Medyo sumasakit ang aking mga paa kaya ipinatong ko ito sa kabilan