Share

Chapter 1

Chapter 1

Dream Adelone Cortes

14 MONTHS later...

Sumiksik ako sa kumpulan ng mga tao sa gitna ng Emergency Room. Napalunok ako nang tumambad sa akin ang nagwawalang pasyente na may sugat ang braso. May hawak syang scalpel at syringe sa magkabilang kamay. Galit na iwinawasiwas nya ang mga braso nya habang panay ang hiyaw.

“MAMAMATAY NA RIN LANG AKO, UUNAHIN KO NA KAYO! MAGSASAMA-SAMA TAYO SA IMPYERNO!”

Napakamot ako ng leeg saka napalunok. Bakit ba may mga pasyente na OA magreact at may mga pasyente na ang hirap ispelingin? Alam kong mahirap ang pinagdadaanan nya, syempre isa sya sa pasyente ko kanina na kadarating lang at napag-alaman naming mayroon syang stomach cancer. Mahirap talagang magkacancer pero tinutulungan naman namin sya kaya hindi ko maintindihan kung bakit nagwawala pa sya.

“ILABAS NYO ANG PINAKAMAGALING NA DOKTOR! PAGALINGIN NYO AKO!” muli nya pang sigaw.

“Nakakaimbyerna naman 'yang pasyente mo, Dream, nahawa na yata sa kabaliwan mo.” bulong sakin ni Kit na dumating kasabay ni Yannie.

Tiningnan ko ng masama si Kit. “Ewan ko sayo ha. Awatin mo nalang kaya sya, sayang ang laki ng katawan mo.”

Inirapan nya ako ng bonggang-bongga. “Duh! Masugatan pa feslak ko dyan e.”

“IKAW!”

Napaigtad ako nang sumigaw 'yung nagwawalang lalaki. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong sa akin sya nakatingin.

“IKAW 'YUNG NARS KANINA! PAGALINGIN MO AKO NGAYON DIN!” sigaw nya pa sakin.

Napangiwi ako. Anong tingin nya sakin magician? Saka nurse nga ako, hindi ako doktor.

“PAGALINGIN MO AKO SABI!” sigaw nya saka ako sinugod.

Umatras ako sa nerbyos at akmang tatakbo na nang mahablot ng lalaki ang braso ko.

“AHHH!”

“DREAM!”

Napasigaw ako kasabay ng hiyaw rin ng mga tao at nina Yannie at Kit. Halos pigil ko ang hininga ko nang ipulupot sa akin ng lalaki ang braso nya at itinutok sa leeg ko ang scalpel. Oh my gosh!

“ILABAS NYO ANG PINAKAMAGALING NA DOKTOR KUNDI PAPATAYIN KO ANG BABAENG 'TO!”

Mariin akong pumikit at taimtim na nagdasal.

“Ako ang pinakamagaling na doktor dito.”

Mabilis akong nagmulat ng mata at napatulala sa isang gwapong lalaking naka lab gown. Matangkad sya at nakasuot ng salamin na bumagay sa kanya ng sobra. Seryoso ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin.

“Ikaw? Ikaw ang pinakamagaling na doktor dito? Magagamot mo ba ang kanser ko?!” singhal ng lalaki sa kanya.

Napalunok ako. Sinulyapan ako ng hindi pamilyar na doktor saka muling tiningnan ang lalaking may hawak sa akin.

“Hindi pero bilang ko ang buto sa katawan mo, gusto mong hugutin ko lahat ng buto mo?” seryosong tanong ng doktor.

Napasinghap ako. Anong ginagawa nya? Gusto nya bang mamatay ako dito?

“Ang yabang mo ah! Sino ka ba sa tingin mo?!” singhal ng lalaki sa likuran ko.

Sinulyapan ulit ako ng lalaking doktor. Mukhang may gusto syang sabihin na hindi ko makuha kung ano.

“I'm Reeve Demarco. An Orthopedic surgeon.”

Napatulala ako sa lalaking doktor. Sya 'yung nabanggit ni Yannie kanina na bagong Ortho.

“WAG MO KONG INGLESIN—AAAAHHHH!”

Hindi naituloy ng lalaki ang sinasabi nya dahil umigkas ang paa ko at pinuntirya ang pagitan ng hita nya. Agad din akong tumakbo at sa sobrang taranta ay nabunggo ko si Doc Demarco. Nahawakan nya ang baywang ko bilang suporta para hindi ako matumba. Agad namang hinuli ng security ang nagwawalang pasyente.

Napatingin ako sa lalaking may hawak sa akin. Para akong nalulunod sa titig nya kaya natulala ako sa mukha nya.

“Hoy 'te, bitaw na, abusado ka.” puna ni Kit.

Mabilis akong napaatras at lumunok. Nagkamot ako ng leeg. “S-Sorry po, doc.”

Tumango lang si Doc Demarco saka tumalikod at naglakad na palayo.

“Dream, ayos ka lang?” tanong ni Yannie habang iniinspeksyon ang katawan ko.

Nginitian ko sya. “Okay lang ako.”

“Okay na okay ka nga talaga e kung makalingkis ka kay doc e.” tatawa-tawang sabi ni Kit.

Inismiran ko sya nang bigla nyang ilapit sakin ang mukha nya at pabulong na nagtanong. “Mabango ba, 'te?”

Hinampas ni Yannie ang braso ni Kit. “Hoy, bakla, ang harot harot mo talaga. Mukha bang papatusin nyan si Doc e patay na patay 'yan kay Blaze Villacorta, the ex-playboy.”

Parang tangang napangisi ako nang banggitin ni Yannie ang pangalan nya. It's been 1 year and 2 months mula noong una ko syang makita pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang gwapong mukha nya. Ni katiting na detalye ay wala akong nakakalimutan. Ang pagbuka ng bibig nya, ang pagbuga ng hangin, maging ang pagkurap ng kanyang mga mata at paghagod ng buhok, lalong-lalo na ang pagkunot ng kanyang noo. Ang gwapo-gwapo nya!

“Hoy! Nangangarap ka nanaman ng gising, ateng Dream.” tinapik ni Yannie ang pisngi ko kaya sinimangutan ko sya.

“Talaga bang na love at first sight ka sa ex-playboy na 'yon, 'te?” seryosong tanong ni Kit.

Ngumiti ako. “Oo yata e. Ewan ko ba. Gwapong gwapo kasi ako sa kanya.”

Naalala ko nanaman ang gwapong mukha nya. Ang pagkunot ng kanyang noo at pagsigaw noon. Kahit galit sya ay sobrang gwapo nya. Ano bang nangyayari sakin? Nababaliw na yata ako.

“Naku!” napatingin ako kay Yannie nang pumalatak sya.

“Bakit?” takang tanong ko.

Nginisihan ako ni Yannie. “Libog lang 'yan, girl.”

Nanlaki ang mga mata ko. “Grabe ka!”

“Totoo naman e. Try mong makipag one night stand sa kanya mawawala 'yang nararamdaman mo.”

Walang preno talaga ang bunganga ni Yannie. Ngumiwi ako. “Ang halay mo talaga!”

Napangiwi ako nang tampalin ni Kit ang braso ko. “Try mo kasing makipag momol nang mawala 'yang kainosentehan mo 'no!”

“Anong momol?”

“Make out make out lang!” sabay na sagot nina Yannie at Kit.

Napailing ako. “Ewan ko sa inyong dalawa. Hindi ako kasing liberated nyo 'no! Saka gusto kong ibigay ang sarili ko sa lalaking pakakasalan ko.”

Humalakhak si Yannie. “Girl, 2021 na! Bago na ang panahon ngayon. Uso na ngayon ang kinakasal na buntis.”

“Nakakaloka ka talaga, Dream. Naiwan ka talaga sa panahon ni Maria Clara. Sana lang mapanindigan mo 'yang sinasabi mo 'no kasi sigurado ako, kapag nagkita kayo ni Blaze Villacorta, hindi na magkakandaugaga 'yang kipay mo!” mataray na sabi ni Kit.

Binatukan ko sya dahil sa sinabi nya. “Ang bastos ng bunganga mo, bakla!”

Humalakhak lang sya at nag apir sila ni Yannie. Napailing nalang ako. Magkaro'n ka ba naman ng mga kaibigang baliw.

“Bahala kayo d'yan. Mag-iikot muna ako sa ER.” paalam ko saka iniwan silang dalawa.

Tiningnan ko ang mga pasyente na nasa ER pa. Kinumusta sila at tinanonga ng mga kailangan. Puno kasi ang ward ng hospital pati ang mga private rooms.

“Mama, kailan po ako gagaling?”

Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa batang nagtanong. Nakahiga sya sa hospital bed habang nakaupo sa gilid nya ang nanay nya. Dinala sya dito kagabi dahil inatake sya ng asthma at kaninang umaga ay inatake nanaman sya. Naaawa ako sa kanya kasi anim na taon palang sya pero nahihirapan na sya sa sakit nya.

“E diba wala ka nang nararamdaman? Ibig sabihin, magaling ka na.” nakangiting sagot ng ina ng bata.

Lumapit ako sa kanila saka inilabas ang lollipop sa bulsa ng damit ko. Iniabot ko 'yon sa bata na agad napatingin sa akin.

I smiled at her. “Masarap 'to. Paborito ko 'to e.”

Ngumiti ng malaki ang batang babae saka kinuha sakin ang lollipop. “Salamat po.”

Marahan kong ginulo ang buhok nya. “Walang anuman.”

Lumabas ako ng emergency room matapos tingnan ang mga pasyente. Nagbukas ako ng isang lollipop saka isinubo. Nilapitan ko si Kit na nag iinventory. Isinandal ko ang baywang ko sa information desk sa harapan nya saka kinuha ang cellphone ko.

Agad kong napansin ang text ni dad kaya binuksan ko 'yon. 'Go home tonight, we'll talk about something important.'

Umikot ang mata ko. Something important. Tsk! If I know irereto nanaman nya ako sa anak ng mga business partners nya lalong-lalo na doon sa CEO ng S&G Corporation na hindi ko pa manlang nakikita o nakikilala. Halos apat na buwan na rin nya akong kinukulit tungkol sa pakikipagdate sa kung sino mang lalaki 'yon kahit prinangka ko na sya na may nagugustuhan na ako.

“Ano nanamang nangyari at tumitirik nanaman ang mata mo?” puna ni Kit.

Ngumuso ako saka inalis ang lollipop sa bibig ko. “Dad texted me, pinauuwi nya ako dahil may pag-uusapan daw kaming importante.”

“E baka naman importante talaga.”

Mahina akong tumawa ng sarkastiko. “Siguradong ipagtutulakan nanaman nya ako sa pag-aasawa.”

Alam ko namang tumatanda na ako pero ano namang magagawa ko kung hindi ko na nahahanap ang mapapangasawa ko?

“Bente sais ka na, girl, malamang matatakot ang pudra mo na tumanda kang dalaga. Bakit kasi umaasa ka pa rin kay Blaze Villacorta e may nagmamay-ari na sa puso nung tao. Ex-playboy na nga diba!”

Sumimangot ako. “Masama bang pangarapin ko? Gustong-gusto ko sya e. Alam mo kapag nagkita ulit kami haharutin ko talaga sya.”

Humalakhak si Kit. “Harot mo fes mo! Baka kapag kaharap mo na matameme ka, bruha ka! Baka nakakalimutan mo, Maria Clara ka, girl!”

Tumawa lang ako. That, I'm not really sure. Noong unang beses ko nga syang nakita ay natulala na agad ako, paano pa pag muli ko syang nakaharap diba. Saka tama si Kit, Mala- Maria Clara nga ako.

“Pero girl, ingatan mo ang puso ha. Balitang balita na inlove pa rin 'yon sa ex nya.”

Tiningnan ko si Kit ng seryoso. “Sino ba 'yung ex nya?”

Nagkibit balikat si Kit. “Walang nakakaalam. Masyado naman kasing misteryoso 'yang si Blaze Villacorta na 'yan. Ang alam lang ng madlang people ay ex-playboy sya at isang hot businessman.”

Napakurap-kurap ako. Businessman nga pala sya. Kilala kaya nya si dad? Wait, baka naman isa sya sa gustong ireto sakin ni dad? Nakaramdam ako ng kilig. Dahan-dahan kong isinubo ang lollipop ko saka napangisi.

“Hoy!”

“Aray!” inis na d***g ko nang tapikin ni Kit ang noo ko.

Nginiwian nya ako. “Ang halay ng fes mo, girl, para kang nagbbj sa hitsura mo. Saka ano 'yan, nangangarap ka? Kaloka 'to! Bagay na bagay talaga sayo ang pangalan mo.”

Nalukot ang mukha ko. Bastos na bunganga!

Hindi ko nalang pinansin ang pagtatalak nya. Nagpatuloy din naman sya sa ginagawa nya habang ako ay napapatulala habang iniisip si Blaze.

***

7 PM NANG MAKARATING ako sa bahay ng daddy ko. Sinalubong ako ng maid na agad kong nginitian. “Si dad?”

“Nasa kusina na po, ma'am. Hinihintay kayo.”

Tumango ako at dumiretso sa kusina. Dire-diretso kong nilapitan si dad na nasa island counter habang kumukuha ng alak at baso. “Dad, ano bang pag-uusapan natin? Kung tungkol 'yan sa pag-aasawa ko, hindi mo 'ko mapapapayag na makasal sa lalaking hindi Blaze Villacorta ang pangalan.”

Tiningnan ako ni dad na naniningkit ang mga mata. “Where are your manners, Dream Adelone? We have visitors here.”

Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran ni dad. Visitor? Wala naman akong nakitang bisita nya ah.

Dahan-dahan akong humarap sa dining table. Gano'n nalang ang gulat ko nang makitang may bisita nga kami. Dalawang lalaki na gulat na nakatingin sa akin. Ang isa ay kasing edad siguro ni dad at ang isa ay mas bata.

Umawang ang labi ko habang nakatitig sa lalaking kahawig ng nagmamay-ari ng pangalang binanggit ko kanina.

Suminghap ko. S-Sino sila?

Nilagpasan ako ni dad. Umupo sya sa harapan ng dalawang lalaki habang bitbit ang alak. “Pagpasensyahan nyo na ang kapangahasan ng anak ko. Tumatanda na kasi 'yan kaya ganyan na ang kilos.”

Gusto kong sawayin si dad pero hindi ako makakilos at makapagsalita dahil sa labis na kahihiyan.

Nilingon ako ni dad. “By the way, Dream Adelone, tama ka na pag-aasawa mo ang gusto kong pag-usapan natin ngayon. Gusto kong ma-engage ka sa anak ng kaibigan kong si Erold.”

Kumurap-kurap ako at tiningnan si dad. Engage? Sa lalaking kasama ng kaibigan nya?

Tiningnan ko ulit ang lalaki. Kahawig sya ni Blaze pero si Blaze pa rin ang gusto ko.

“Come here, Dream Adelone.” tawag ni dad sakin sa seryosong boses.

Sa kagustuhang hindi na mapahiya ulit ay sumunod ako sa utos nya. Naupo ako sa tabi ni dad, sa harapan ng lalaking kahawig ni Blaze. Sino ba ang lalaking 'to na nakangisi sa akin? Bakit kamukha sya ni Blaze?

“This is Dream Adelone, my only daughter,” tiningnan ako ni dad. “Dream, si Erold Villacorta, kaibigan ko, at Blast Villacorta, bunsong anak nya.”

Suminghap ako at nanlaki ang mga mata. Napatitig ako kay dad habang palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko. V-Villacorta? Kaano-ano nila si Blaze?

Biglang ngumisi ng pang-asar si dad. “Sila ang ama at kapatid ng lalaking gusto mong mapang-asawa.”

Oh, mama! Kainin na sana ako ng lupa!

TO BE CONTINUED...

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Vermie M. Perez
mag asawa k n dream haha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status