LOGIN“SIGURADO ka ba na ikaw ang pinadala ng ahensya?” tanong ng matandang babae. Tinanggal nito ang salamin at inilapit ang mukha kay Eunice. Inikot-ikot siya nito, tila sinisipat ang bawat detalye ng kanyang itsura.
“Hmm.” Muling isinuot ng matanda ang salamin at pinagmasdan siya. Nasa edad singkwenta anyos ito—si Madam Lucia, ang mayordoma. “Bueno... kung ikaw talaga ang ipinadala, wala na akong magagawa,” sabi nito, bagamat halata sa boses ang pagdududa. “Mukha kasi wala kang alam na gawain at baka pagbubulakbol lang ang gagawin mo dito,” dagdag pa nito. Hindi niya masisisi ang matanda. Sa tindig, kutis, at ganda, talagang hindi siya bagay maging katulong. Inilahad niya ang kamay at ngumiti. “Ako po si Eunice. Marunong po akong magluto, maglinis, at mag-alaga. Kahit bata, aso, o kahit kabayo po, kaya ko,” sagot niya nang may kumpiyansa. “Hay, ang dami mong sinasabi. Sumunod ka sa akin—marami kang gagawin,” naiiritang sabi ng mayordoma. Sumunod siya patungo sa maid’s quarters. Napangiti siya, ngunit may kirot sa puso nang masilayan ang mansyon. Walang pinagbago; ganoon pa rin ang ayos, maliban na lang sa bagong pintura at ilang renovation. Nang makita ang malaking puno ng mangga, tila bumalik ang nakaraan. Doon siya madalas maglaro noong bata pa, doon siya nakaupo at nakikipagkwentuhan sa kanyang Yaya noon. Parang rewind ang lahat ng masasayang alaala sa isip niya. Hindi niya namalayang nakangiti na pala siya at nakatitig lang sa puno, hanggang sa mapansin niyang nakatingin na pala sa kanya ang mayordoma. “Anong nginingiti-ngiti mo diyan?” bulyaw nito at sumulyap din sa puno. “Ah, wala po. Naalala ko lang po na may puno rin kami ng mangga sa probinsya namin,” palusot niya. “Naku, bawal mong pitasin ang mga bunga diyan ha—magagalit sa’yo si Don Federico.” Tila nanikip ang dibdib ni Eunice nang marinig ang pangalan ng kalaban. “Ano? Tatayo ka na lang ba diyan?” nanlilisik ang mata nito. Nagkibit-balikat na lang siya at sumunod sa loob. “Ito ang magiging silid mo. Makakasama mo dito si Mary, pero umuwi siya ng probinsya ngayon. Ikaw muna ang gagawa ng trabaho niya: linisin ang silid ni Señorito Xander, ayusin ang gamit, at ihanda ang pagkain niya,” mabilis na utos ng mayordoma. Gumuhit ang ngiti sa labi ni Eunice nang marinig ang pangalan ni Xander—siya ang magiging personal na katulong nito. “Naiintindihan mo ba?” baling sa kanya ng mayordoma. “Opo.” “Mabuti. Magpalit ka na ng damit. Kailangan bago mag-alas-otso ay nakahanda na ang almusal ni Señorito Xander.” “Ah... may ibang kasama po ba si Señorito Xander?” tanong niya. “At bakit?” kunot-noong tanong ng mayordoma. “I just wanted to... ah, ang ibig ko pong sabihin—” Natigilan siya sa pagsasalita nang makita ang itsura ng matanda. Tumaas ang kilay ng mayordoma at tinalikuran siya nito, ngunit gayunpaman ay sinagot rin nito ang tanong niya. “Madalas siya lang mag-isa. Minsan lang bumisita ang kapatid niyang babae at ang kanyang mga magulang. Kaya ikaw, umayos ka ng trabaho mo kapag nandito ang buong pamilya.” Lihim na napangiti si Eunice sa nalaman. Hindi na siya mahihirapang sadyain ang pamilyang Montes para lang makita sila. Ang pamilya Montes na ang lumalapit sa kanya. Simula pa lang ito ng kanyang plano; wawasakin niya ang mundo ng mga Montes—katulad ng pagwasak nito sa buhay nila. “Ano pa ang tinatayo-tayo mo diyan?” bulyaw ng mayordoma. “Pasensiya na po, kikilos na po ako.” “Bilisan mo. Pagkatapos mong magpalit, sumunod ka sa kusina.” Tumango lang siya at pinagmasdan ang masungit na mayordoma habang lumalabas ng kuwarto. Matapos magbihis, mabilis siyang pumunta sa kusina. Doon ay nakita niya ang mayordoma na kasama ang isa pang kasambahay, na magkasabay na nagluluto ng iba’t ibang pagkain para sa almusal. Agad siyang inutusan na kumuha ng malaking plato at ilagay ang mga handa nang pagkain: fried egg, crispy bacon, bread with cheese and butter, at isang tasa ng mainit na kape. “Dito ka magdadala ng almusal sa silid ng señorito,” utos ng mayordoma habang itinuturo ang isang malaking tray. “Buksan mo nang dahan-dahan ang pinto. Madalas pa rin siyang natutulog hanggang alas-otso, pero kailangan niyang maabutan ng mainit ang pagkain.” Tumango lamang siya, binitbit ang tray, at tahimik na nagtungo sa ikalawang palapag ng mansyon. Parang may bigat na nakadagan sa kanyang dibdib habang naglalakad sa mga koridor. Dahan-dahan ang kanyang paghakbang, at bawat yapak ay lalong nararamdaman niya ang bigat dahil bumabalik sa kanyang isipan ang mga alaala noong sila pa ang tunay na nagmamay-ari ng buong mansyon. Huminto siya sa paghakbang at nilibot ng tingin ang paligid. Katulad pa rin ng dati ang lahat: ang master’s bedroom, ang library na puno ng mga aklat, at ang terrace na madalas niyang puntahan. Ang tanging pagkakaiba ay ang mga bagong pintura, bagong disenyo, at ang mamahaling chandelier na nakasabit sa itaas ng kisame. Nagsalubong ang kanyang mga kilay nang makarating siya sa harap ng pinto ng silid ni Xander. Kung kanina lamang ay mabigat ang naramdaman niya, ngayon ay parang sasabog na ang dibdib niya sa poot na matagal na niyang pinipigilan. Ang dati niyang silid ay si Xander na ang nagmamay-ari ngayon, na lalong nagpapalakas ng kanyang galit. Kaya naman huminga siya ng malalim at pikit-matang pinakalma ang sarili. Tatlong mahinang katok ang kanyang ginawa, ngunit walang sumagot. Muli siyang kumatok, mas malakas; katulad kanina, walang sumasagot mula sa loob. Hinawakan niya ang doorknob at dahan-dahan niyang binuksan ang pinto, saka maingat na isinara. “What are you doing here?” Tinig mula sa likuran. May kakaibang kilabot siyang naramdaman sa kanyang leeg, na parang tumatayo ang balahibo sa batok. Mababa ang boses na tila bawat salita nito ay may awtoridad. Dahan-dahan siyang humarap, hawak ang tray ng pagkain. Napakurap siya ng mata nang makita sa kanyang harapan ang binata. Para itong Adonis dahil sa guwapong mukha, mapupungay ang mga mata, at ang labi nito na parang nangungusap kung pagmamasdan. Aaminin niyang lumakas ang kabog ng kanyang dibdib dahil sa kaba. Pakiramdam niya ay mauubusan siya ng hininga nang tinitigan siya nito, mula ulo hanggang paa. “I said, what are you doing here?” ulit nito. Isang malalim na hininga ang kanyang pinakawalan at sinalubong niya ng tingin si Xander, na labis naman na ipinagtaka ng binata. “What's that look?” May pagtataka sa mukha nito. Hindi niya sinagot ang binata. Umayos siya ng tindig at inilapag ang tray sa bedside table at muling humarap sa binata. “Breakfast po, Señorito.” Isang matalim lamang na tingin ang sagot ng binata at sinulyapan ang tray ng pagkain. “May pag-uutos pa ba kayo, Señorito?” Parang may bara sa kanyang lalamunan nang sabihin niya iyon. Hindi niya lubos na maisip na magiging isang katulong siya ng mga Montes. Mabigat man sa loob niya ay ginawa niya ito para maging malapit sa pamilya. Sa tuwing tinititigan niya ang mukha ni Xander ay paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang gabing pinalayas sila ng ama nito sa sariling tahanan. “Are you new here?” tanong ng binata. Sinundan niya ng tingin ang binata dahil sa malikot na kilos nito. Hindi niya mabilang kung ilang beses na itong nagpalakad-lakad sa harapan niya, na tila sinusuri ang kanyang pagkatao. “Opo,” nauutal niyang sagot. Hindi na muling nagsalita ang binata. Tumayo ito sa harapan niya at hinubad ang suot na sando; tanging boxer short lang ang naiwan. Namimintog ang mga muscles nito sa braso at litaw na litaw ang abs sa tiyan. Napalunok siya nang makita ang bandang ibaba nito dahil sa bumubukol na tila gustong kumawala sa suot nito. Sunod-sunod na paglunok ng sariling laway ang kanyang ginawa nang muli itong tumingin sa kanya. Nagbaba siya ng tingin at pilit na iniwas ang mga mata sa kabuuan ni Xander. Ngunit parang nanadya ang binata; lumapit ito sa kanya at mapanuksong ngumiti. Hindi siya kumilos sa kinatatayuan kahit na gusto niyang suntukin ang mukha nito. Hindi siya madadala sa guwapong mukha at matipunong katawan ng binata. Ang tanging gagawin niya ay magpakababa sa tingin ng mga Montes at magpa-alipin. “Why are you still here?” nang-uuyam na tanong nito. “What... I mean, ahm... ang ibig ko pong sabihin, baka po meron pa kayong ipag-uutos,” sagot niya. “Ah! There is one thing I need you to do,” seryosong saad nito. Mas lalo siyang naging alerto dahil nararamdaman niyang may balak itong hindi maganda. Mas inilapit nito ang katawan sa kanya at idinampi ang bibig sa kanyang tenga saka bumulong. “Lock the door,” bulong ng binata. Nanlaki ang kanyang mata sa sinabi. Ramdam niya ang init ng hininga nito na gumagapang pababa sa kanyang leeg, parang may malakas na boltahe na dumadaloy. Biglang uminit ang kanyang pisngi, na tila gumagapang sa buo niyang katawan. Mabilis siyang umatras at matalim na tiningnan ang binata. Sinalubong nito ang kanyang tingin at pilyong ngumiti. Muli nitong dinikit ang mga labi sa kanyang tenga. “Leave,” bulong nito at sabay kumawala ang nang-uuyam na ngiti. Napaawang ang kanyang labi at napatitig sa mukha ng binata, ngunit agad naman niyang iniwas ang tingin at tumalikod. Mabilis siyang lumabas ng silid, sapo-sapo ang dibdib dahil hindi tumitigil ang bilis ng pagtibok ng puso niya. “What are you doing, Eunice? Hindi ka dapat nagpapadala sa lalaking iyon,” usal niya sa sarili, tila sinisisi ang kanyang sarili. “Damn!” sambit niya nang may inis. Hindi siya maaaring magpatalo sa lalaking iyon. Kailangan niyang mag-focus—ang kanyang misyon ay maghiganti sa pamilyang Montes, hindi magpa-akit sa isang Xander Montes. Pilit niyang ibinabalik sa isipan ang dahilan kung bakit siya nandiyan. Ang sakit, ang paghihirap, at ang kahihiyan na dinanas ng pamilya niya. Iyon ang dapat niyang gantihan. Ngunit kahit anong pilit niya, hindi mawala-wala sa isip niya ang imahe ni Xander—ang hubog ng katawan nito, ang matatalim nitong mata, at ang paraan ng pagbulong nito sa kanya. Damn it, Eunice. Magising ka! sigaw niya sa sarili.SAKAY ng itim na kabayo ay nagpasya si Xander na libutin ang buong hacienda kasama ang isa sa pinagkakatiwalaang tauhan na si Jasper, na halos kasing-edad niya lang. Gusto sanang sumunod ni Eunice sa binata, ngunit nagpasya siyang manatili na lang dahil ayaw niyang malaman ni Xander na may alam siya sa pagsakay ng kabayo. She will play dumb so no one could notice that she knew enough—more than enough that everyone could know.Naupo siya sa nakatambak na dayami at pinagmasdan ang buong paligid. Sa di-kalayuan ay nahagip ng kanyang tingin si Ramon—ang driver ni Xander—na nakikipagkuwentuhan sa mga tauhan ng hacienda. Lumapit siya dito upang makisali sa kanilang usapan."Hi," bati niya."Oh, Eunice, hindi ka ba sumama kay Señorito sa pag-iikot sa buong hacienda?" tanong ni Ramon habang inaayos ang hawak na tabako."Ah, hindi, pinaiwan niya ako dito at dito na lang daw maghintay," ani niya sabay upo sa tabi nito.Natawa nang mahina si Ramon. "Buti ka pa nga at nakapagpahinga. Alam mo ba,
KUYOM-KUYOM ang mga palad nang lumabas si Eunice ng silid. Ano ba ang akala ng lalaking iyon? Na siya ay isang hangal? Akalain siguro nitong may pagnanasa siya sa katawan nito.Napahinto siya sa paglalakad nang muling maalala ang kabuuan ng binata. Oo, aaminin niya na maganda ang hubog ng katawan nito, guwapo, at sa tuwing ngingiti ito ay may kakaibang karisma na dala si Xander na kahit sinong babae ay malalaglag ang panty dahil sa kaguwapuhan nito. Pero, hindi siya dapat maakit sa binata. Bakit ba ang bilis ng kabog ng dibdib niya nang makita niya ang binata?Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan at tinapik-tapik ang pisngi upang magising ang sariling diwa. Ang misyon niya ay pagbayarin ang mga Montes at hindi ang maakit sa isang Xander Montes.Agad siyang bumalik sa kusina upang tumulong sa ibang gawain. Maghuhugas sana siya ng pinggan ngunit agad siyang pinigilan ng isa sa mga kasambahay—si Annie.“Ako na ang bahala diyan. Pinatawag ka ni Madam Lucia sa kanyang o
“SIGURADO ka ba na ikaw ang pinadala ng ahensya?” tanong ng matandang babae. Tinanggal nito ang salamin at inilapit ang mukha kay Eunice. Inikot-ikot siya nito, tila sinisipat ang bawat detalye ng kanyang itsura. “Hmm.”Muling isinuot ng matanda ang salamin at pinagmasdan siya. Nasa edad singkwenta anyos ito—si Madam Lucia, ang mayordoma.“Bueno... kung ikaw talaga ang ipinadala, wala na akong magagawa,” sabi nito, bagamat halata sa boses ang pagdududa. “Mukha kasi wala kang alam na gawain at baka pagbubulakbol lang ang gagawin mo dito,” dagdag pa nito.Hindi niya masisisi ang matanda. Sa tindig, kutis, at ganda, talagang hindi siya bagay maging katulong. Inilahad niya ang kamay at ngumiti.“Ako po si Eunice. Marunong po akong magluto, maglinis, at mag-alaga. Kahit bata, aso, o kahit kabayo po, kaya ko,” sagot niya nang may kumpiyansa.“Hay, ang dami mong sinasabi. Sumunod ka sa akin—marami kang gagawin,” naiiritang sabi ng mayordoma.Sumunod siya patungo sa maid’s quarters. Napangi
Habang lulan ng sasakyan, hindi maiwasan ni Eunice na mapatingin sa malawak na lupain ng pamilyang Montes. Ibinaba niya ang salamin ng pinto at sinuyod ng tingin ang tanawin. Nang makita ang pamilyar na lugar, isang mapait na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. Parang bumabalik sa kanyang alaala ang lahat ng pangyayari noon—isang bangungot na ayaw na niyang balikan.Pinagmamasdan niya ang lugar na minsan ay naging tahanan. Doon nabuo ang kanyang mga pangarap; doon namuhay nang masaya, tahimik, at sagana ang kanyang pamilya. Ngunit ang lahat ng iyon ay tila naging usok na lamang sa kanyang isipan—mga pangyayaring unti-unting nagwasak sa kanilang pagkatao at buong pamilya. Napakuyom ang kanyang mga kamay habang nakatingin sa malayo."Arthur, ihinto mo ang kotse!" utos niya.Agad na sumunod si Arthur at itinabi ang sasakyan sa ilalim ng malaking puno. Bumaba si Eunice at muling sinuyod ng tingin ang buong lugar. Tinanggal pa niya ang kanyang sunglasses upang mas malinaw na makita ang







