LOGINKUYOM-KUYOM ang mga palad nang lumabas si Eunice ng silid. Ano ba ang akala ng lalaking iyon? Na siya ay isang hangal? Akalain siguro nitong may pagnanasa siya sa katawan nito.
Napahinto siya sa paglalakad nang muling maalala ang kabuuan ng binata. Oo, aaminin niya na maganda ang hubog ng katawan nito, guwapo, at sa tuwing ngingiti ito ay may kakaibang karisma na dala si Xander na kahit sinong babae ay malalaglag ang panty dahil sa kaguwapuhan nito. Pero, hindi siya dapat maakit sa binata. Bakit ba ang bilis ng kabog ng dibdib niya nang makita niya ang binata? Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan at tinapik-tapik ang pisngi upang magising ang sariling diwa. Ang misyon niya ay pagbayarin ang mga Montes at hindi ang maakit sa isang Xander Montes. Agad siyang bumalik sa kusina upang tumulong sa ibang gawain. Maghuhugas sana siya ng pinggan ngunit agad siyang pinigilan ng isa sa mga kasambahay—si Annie. “Ako na ang bahala diyan. Pinatawag ka ni Madam Lucia sa kanyang opisina.” “Ha? Eh bakit daw?” “Hindi ko alam. Pero siguro may kinalaman ito kay Señorito Xander,” sabi nito. “Gano’n ba?” Sumagi sa isip niya ang nangyari kanina. Nagsumbong ba ito sa mayordoma sa pag-aakalang interesado siya sa binata? “Dumiretso ka sa koridor; sa bandang dulo ang opisina niya,” ani Annie. Hinubad niya ang suot na apron bago pumunta sa opisina ng mayordoma. “Sige, pupunta na ako.” Kunot-noong pinagmasdan siya ni Annie. Bahagyang lumapit pa ito sa kanya at tinitigan siya na parang may dumi sa mukha niya. “Gano’n lang ‘yon? Hindi ka ba nangangamba?” Napatawa siya nang mahina at umiling. “Wala naman akong ginawang masama para ikatakot ko,” ani niya. “Ikaw ang pansamantalang magiging alalay ni Señorito habang wala si Mary. Ang sabi ni Mary ay sobrang sungit at sama ng ugali ni Señorito Xander, kaya mag-iingat ka,” ani ni Annie. “Okay lang, sanay na naman ako.” Isang matipid na ngiti ang binigay niya kay Annie bago siya lumabas ng kusina. Sa totoo lang, hindi na niya ikinagulat ang sinabi ng dalaga. Noon pa man, nasa dugo na ng pamilyang Montes ang pagiging masama ang ugali. Nanalaytay na sa dugo nito ang masamang pag-uugali, ang kasakiman, at pagiging mapagsamantala sa kapwa. Tinahak niya ang daan patungo sa opisina ng mayordoma. Ilang sandali lang ay nasa tapat na siya ng pinto. Sunod-sunod na mahinang katok ang ginawa niya, at nang naulinigan ang boses ng mayordoma ay tsaka lang siya pumasok. “Madam, pinapatawag niyo daw po ako.” Bahagya siyang yumukod, ngunit ang kanyang mga mata ay umiikot sa bawat sulok ng kuwarto. Inilapag ng mayordoma ang puting paper bag sa mesa bago nagsalita. “Simula sa araw na ‘to, ikaw na ang magiging personal na katulong ni Señorito Xander. Lahat ng iuutos niya at hihilingin ay kailangan mong sundin,” saad ng mayordoma. Ang bawat salita ay may diin; maawtoridad ang bawat salitang binibitawan. Kinuha niya ang paper bag at tiningnan ang laman nito: isang maong at T-shirt. “Ayan ang susuotin mo papunta sa hacienda. Ayaw ni Señorito na magsuot ka ng ganyang pananamit kapag isasama ka sa hacienda,” dagdag pa ng matanda. Tiningnan niya ang sarili kung ano ang mali sa suot niya. Naka-uniporme naman siya bilang isang kasambahay at halos lahat ng kasambahay sa loob ng mansyon ay katulad din ng suot niya. Tumango na lamang siya at binitbit ang paper bag. “Wala pong problema,” ani niya. “Magbihis ka na, maya-maya lang ay aalis na kayo at ayaw ni Señorito Xander na babagal-bagal kumilos,” patuloy na lintaya ng mayordoma. “Opo.” “Ayusin mo ang trabaho mo kung gusto mong magtagal dito,” saad ng mayordoma na nanlilisik ang mata. Tumango lamang siya at mabilis na lumabas ng silid. Agad siyang nagpalit ng damit. Isang T-shirt na kulay abo at fitted pants ang laman ng paper bag. Hinubad niya ang suot na sapin sa paa na doll shoes at pinalitan ito ng sneakers. Sa labas ng mansyon siya naghintay sa paglabas ni Xander. Nandoon din ang driver nito na tila naiinip na sa paghihintay. Lumapit siya sa lalaking parang kasing-edad niya rin. “Excuse me, ahm... ako nga pala si Eunice, ang bagong katulong dito sa mansyon,” pagpakilala niya sa sarili. Tinitigan siya nito ng makailang beses bago nagsalita. “Sigurado ka bang katulong ang trabaho mo dito?” ani nito. Kitang-kita sa mga mata ng lalaki ang paghanga sa kanya. Tumango lamang siya at malapad na ngumiti. “Bakit hindi ka na lang maghanap ng ibang trabaho? Hindi ka bagay dito, at isa pa, ang amo natin ay ubod ng sungit at masama ang ugali,” bulong nito. May sasabihin pa sana ang lalaki ngunit hindi na natuloy dahil sa pagdating ni Xander. Agad na kumilos si Ramon at binuksan ang pinto ng sasakyan. Isang matalim na titig ang pinukol niya sa binata, sinusuri ang bawat kilos nito na tila binibilang ang bawat hakbang at pinakikinggan ang bawat paghinga. Suot ni Xander ang isang blue tainted shirt at itim na pantalon na bagay na bagay sa hugis ng katawan nito, na kapares ng kanyang cowboy boots. Tunay na mukhang lalaking namumuhay sa hacienda. Hindi niya maipagkaila ang taglay nitong kaguwapuhan. Matangkad, guwapo, at maputi ang balat—perpekto ang itsura na kahit sinong babae ay mahuhumaling. Ngunit sa likod ng perpektong anyong iyon, alam ni Eunice ang itim na kaluluwang taglay nito. Dugong bughaw man ang dumadaloy sa mga ugat nito, para sa kanya ay wala itong pinagkaiba sa dumi na kanyang tinatapakan. “Anong tinititigan mo?” basag ng binata sa katahimikan. Nanatili ang kamay nito sa pinto, tila handang isara ito anumang oras. “Wala po, Señorito,” mabilis niyang sagot at yumuko upang itago ang ningas ng galit sa kanyang mga mata. “Get in the car,” utos ni Xander. Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan at tinapunan pa niya ng tingin ang binata bago sumakay. Kung hindi lang dahil sa misyon, hinding-hindi siya susunod sa lalaking iyon. Kailangan niyang magpakumbaba at magpakababa upang maisakatuparan ang kanyang plano. Mahigit kalahating oras ang biyahe bago marating ang hacienda. Sa bawat minutong lumilipas, hindi maiwasan ni Eunice ang maramdamang halo-halong emosyon—may halong kaba at pananabik na muling masilayan ang lugar na iyon. Pagbaba nila ng sasakyan, sinalubong sila ng mainit na hangin at amoy ng lupa. Sa di-kalayuan ay tanaw niya ang malawak na lupain. Pigil-pigil niya ang luha sa kanyang mga mata habang muli siyang tumatapak sa bakuran ng hacienda. “Wala pa ring pinagbago,” bulong niya. Suminghap siya at nilanghap ang hangin, na parang unang beses niyang naramdaman nang lubusan ang init at liwanag ng araw. Napapikit pa siya habang dinadama iyon. Bigla ay may narinig siyang tinig mula sa likuran. “What are you doing?” ang boses ni Xander. Napadilat siya at dahan-dahang nilingon ang binata. Kunot-noo itong nakatitig sa kanya at seryoso ang mukha, ngunit dala pa rin nito ang taglay na kagwapuhan. “Ah, eh—” Hindi siya pinatapos magsalita; agad itong tumalikod at nagsalita nang may awtoridad. “Follow me,” saad ng binata. Inis na sinundan niya ito ng tingin bago sumunod. Sa kulungan ng mga kabayo ito nagtungo. Habang abala ang binata sa paghimas sa isa sa mga ito, sinamantala niya ang pagkakataon upang igala ang tingin sa buong hacienda. Napasinghap siya habang pinagmamasdan ang buong lupain. Nanunuot sa kanyang ilong ang simoy ng hangin, na nagbabalik ng mga alaala ng kahapon. Ang mabangong amoy ng mga prutas, ang preskong hangin, at ang mga tawanan ng mga tauhan ng hacienda—mga bagay na nakaukit na sa kanyang isipan, ngunit ngayon ay tila nagbago na ang lahat. Kanina, nang madaanan niya ang mga tauhan, may kakaibang takot na napansin niya sa kanilang mga mata. Agad silang nagbaba ng tingin nang makita si Xander. Ang dating masasayahin at palangiti ay napalitan ng takot at pananahimik. May mali sa nangyayari, at kailangan niyang alamin kung ano ito. Bumaling siya ng tingin kay Xander na abala pa rin sa paghimas sa kabayo. Lumapit siya sa isa sa mga ito at marahang hinaplos ang balahibo. Naalala niya ang kanyang sariling kabayo na pinangalanan niyang Jump—regalo iyon ng kanyang Papa noong nag-twelve years old siya. Iniisip niya kung nasaan na ito ngayon. Nang pinalayas sila sa mansyon ay hindi na niya nagawang balikan pa ang lugar kaya’t hindi niya alam ang nangyari rito. Napansin naman siya ng binata kung kaya’t nilapitan siya nito. “Alam mo bang humawak ng kabayo?” tanong nito nang may halong pang-aalipusta. Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa, tila sinisiguradong kaya ba ng mga kamay niyang humawak ng tali at hindi lang ng basahan. "Opo, señorito." Isang nauuyam na ngiti ang kumawala sa mga labi ng binata. Hinagis nito ang kalaykay sa kanyang harapan. "Don't you dare to touch my horse," masungit na sabi nito. "Mas magandang linisin mo ang kuwadra ng mga kabayo at ayusin ang nagkalat na mga dayami," utos ni Xander. "Opo." Mahinahon niyang sagot, ngunit sa loob-loob niya ay gusto na niyang patikimin ito ng isang sipa sa tagiliran at malakas na suntok sa mukha. Kinuha niya ang timba na may tubig at walis upang linisin ang kuwadra. Kung alam lang ni Xander na mas alam pa siya sa paghawak ng kabayo ay baka ikagulat ito ng binata. Sa loob ng maraming taon ng pamumuhay niya sa hacienda ay higit pa sa paghawak ng kabayo ang kanyang alam. Habang abala siya sa paglilinis ng kuwadra ay hindi niya maiwasan ang napatingin sa labas. Napansin niya ang mga tauhan ng hacienda mula sa malayo. Kitang-kita niya na sumusulyap ito ng tingin sa kinatatayuan ni Xander ngunit agad ring umiiwas ng tingin kapag napapalingon ang binata. Parang mga anino lang sila na gumagalaw—walang boses, walang ngiti, at puno ng takot. What did you do to them, Xander? tanong niya sa sarili. Anong klaseng amo ka para takutin ang mga taong dati’y puno ng buhay? "Anong tinatayo-tayo mo? Hindi kita binabayaran para tumunganga lang!" Singhal ni Xander sa kanya. Nagulantang siya nang marinig ang boses ng binata na nasa likuran na pala niya. Masyado siyang naging abala sa kanyang iniisip at hindi namalayang nakalapit na pala ito. “Ah... wala po, Señorito. Halos tapos na po,” mabilis niyang sagot at mas binilisan ang kilos. Lumapit sa Xander sa kanya at sinipat ng tingin ang kuwadra, sinusuri kung malinis niya na ito ng mabuti. Tumingin ito sa kanya at seryosong nagsalita, “Tandaan mo, dito sa hacienda ko ang batas. Kung ano ang sabihin ko, ‘yun ang susundin. Walang tanong-tanong. Naiintindihan mo?” Tinitigan ni Eunice ang mga mata nito. Sa likod ng gwapong mukha ay may pag-uugali ng isang taong walang malasakit sa mga tao at masamang pag-uugali. “Opo, Señorito. Naiintindihan ko po,” sagot niya, ngunit sa kanyang isipan ay isa lang ang sigurado: Hindi lang lupain ang gusto niyang mabawi. Babawiin din niya ang takot na pinalitan ng saya at pag-asa sa lugar na ito. At sisimulan niya iyon... sa pamamagitan ng pananatili sa mga Montes at mapalapit kay Xander — ang gagawin niyang alas para alamin ang lahat.KINABUKASAN, agad na nagtungo sina Arthur at Eunice sa probinsiya kung saan nakatira ang pamilya ni Mary. Tatlong oras rin ang kanilang biyahe patungo roon. Sa pagdating nila sa lugar ay hindi naman sila nahirapang hanapin ang bahay ni Mary dahil kilala ang pamilya nito roon.Ilang kilometro din ang kanilang nilakad bago marating ang tirahan ni Mary. Nang makita ang maliit na tahanan ng dalaga ay napahinto si Eunice at pinagmasdan ang buong paligid. Maliit ang bahay na yari sa yero ang dingding at manipis na plywood.Dahan-dahang humakbang si Arthur palapit sa nakabukas na tarangkahan, habang hindi maalis ang tingin ni Eunice sa maliit na bahay. Nakaramdam siya ng matinding awa dahil sa kahirapan ng buhay ng pamilya ng dalaga.Nag-agaw-pansin sa kanya ang isang batang babae — sa tingin niya ay nasa sampung taong gulang — na may dalang galon ng tubig. Lumapit ito kina Arthur at ngumiti sa kanila."Hi, magandang umaga," nakangiting bati ni Eunice.Yumuko ang batang babae at nag-atubilin
SINIMSIM ni Eunice ang alak habang pinagmamasdan ang labas ng rest house. Bumabalik sa kanyang isipan ang huling pag-uusap nila ni Xander. Noong mga oras na iyon, akala niya ay mahuhuli na siya nito—na siya ay isang impostor na nagpapanggap lamang na katulong, na walang alam at naghihirap sa buhay.Mabuti na lang at mabilis siyang nakaisip ng paraan upang malusutan ang paghihinala ni Xander. Ngunit kahit nakaligtas na siya sa pagkakataong iyon, hindi nawala ang bigat na nakadagan sa kanyang dibdib. Alam niyang hindi iyon ang huling pagkakataon na magtatanong ito.Xander is brilliant. Sa maikling pananatili niya sa mansyon, naobserbahan na niya ang tunay na pag-uugali nito. Katulad ito ng ugali ni Don Federico—matalino at mapagmatyag; walang sinuman ang mas hihigit sa kanila.Itinaas niya ang baso at inubos ang natitirang laman nito sa isang lagukan.“Wala nang atrasan ito,” bulong niya sa sarili habang ibinababa nang malakas ang baso sa mesa. “Kailangan kong tapusin ang sinimulan ko.
NANLAKI ang mga mata ni Eunice sa gulat at sakit. Ang init ng sampal ay tila kumalat sa buong mukha niya, ngunit higit pa rito ang galit na nararamdaman na parang gustong sumabog ng kanyang dibdib. Masyado nang umaabuso ang babaeng ito sa pananakit sa kanya, ani niya sa kanyang sarili. Napakuyom ang kanyang kamao dahil sa gigil. Paano kaya kung patikimin niya ito ng isang malakas na suntok? Tiyak na sabog ang mukha nito at masasayang lahat ang mga produktong pampaganda na ginagamit nito sa mukha.“Sinadya mong hindi iuwi si Xander dahil gusto mong masolo siya at akitin! Hindi ba?” sigaw ni Vida. Namumula ang mukha nito dahil sa galit."Hindi ko gagawin ang binibintang mo. Ginagawa ko lang ang trabaho ko wala ng iba," sagot niya."Liar!" Sigaw ni Vida, na halos lumabas na ang litid sa leeg. Akmang susugod pa sana ito, ngunit mabilis na hinawakan ni Xander ang kamay nito upang pigilan.“That’s enough, Vida. You don’t know what you are talking about,” saad ni Xander nang mahinahon nguni
"DON'T worry, Eunice. Xander will never see us," saad ni Ren habang hinihigop ang kape."So, what's the plan? Anong gagawin ninyo para hindi kayo makita ni Xander?" sabay tingin niya sa pinto ng silid ng binata."Relax," natatawang saad ng kaibigan."Huwag mo akong tawanan, Ren! At ikaw din!" sabay baling niya kay Arthur na natatawa rin."Hey, huwag kang mataranta, okay? We will never let your plans get ruined," sabi ni Arthur na hindi pa rin maalis ang ngiti na parang nang-uuyam."Good. I don’t want this to turn into nothing. Ang laki na ng sakripisyo ko, ha?""I told you. You don’t need to work as a housemaid in the Montes family," paalala ni Arthur sa kanya.Napasandal na lang siya sa upuan at hinigop ang kape. Ngayon pa ba siya magsisisi kung kailan malapit na niyang makuha ang tiwala ni Xander? Sa totoo lang, may ikinabuti ring nadulot ang masamang nangyari sa binata at ang pagkaka-stranded nila sa gitna ng malakas na ulan. Kung hindi dahil doon, hindi niya makukuha ang tiwala ng
MABILIS na inalis ni Eunice ang mga kamay ni Xander sa kanyang baywang at humakbang palayo sa binata. Namumula ang kanyang mukha, na parang pinapaso ng init dahil sa mga titig ni Xander. "I'm sorry, hindi ko po sinasadya, Señorito. Tinitingnan ko lang kung bumaba na ang lagnat ninyo," pagpapaliwanag niya, habang nauutal. Nanatiling nakatitig si Xander sa kanya, dahilan upang lalong uminit ang pisngi ni Eunice. Pakiramdam niya ay nakakapaso ang mga tingin ng binata sa kanya, lalo pa't lalong lumalabas ang kaguwapuhan nito sa kabila ng maputlang kulay at benda sa noo. Dahan-dahang umupo si Xander sa kama, sinusuportahan ang sarili gamit ang isang kamay habang ang isa ay hawak ang kanyang noong may benda. "Dahan-dahan, Señorito," mabilis na umalalay si Eunice sa binata at inalalayan itong sumandal sa kama. "I'm fine. Don't worry about me," wika nito. Tumango lang si Eunice at lumayo sa binata, ngunit nanatili siyang nakatitig dito. Pakiramdam niya ay hindi siya maaaring kumurap, na
TUMAYO si Eunice nang mabilis at lumayo nang ilang hakbang, nakasandal sa basang dingding ng kubo habang hinahabol ang kanyang hininga. Napahawak siya sa kanyang labi, na hanggang ngayon ay tila nararamdaman pa rin niya ang lambot ng mga labi ni Xander at ang matipunong dibdib nito na tila nadarama pa rin ng kanyang mga daliri.Napapikit siya nang mariin at pilit na iniwaksi sa isipan ang nangyari. Hindi tama ang mga pangyayaring ito. Kaaway si Xander. Ang pamilya nito ang dahilan ng pagbagsak ng kanyang sariling angkan.“$h**!” Hinilot-hilot niya ang kanyang sintido at nagpakawala ng malalim na hininga.Nilingon niya muli si Xander; wala pa rin itong malay at kitang-kita ang panginginig ng katawan nito dulot ng lamig ng hangin. Kailangang makahanap siya ng paraan upang magamot ang binata.Pinagmasdan niya ang labas ng kubo. Gaya ng dati, hindi pa rin tumitigil ang malakas na ulan. Ang dagundong ng kulog at ang nagkikislapang kidlat sa kalangitan ang nagsisilbing tanging liwanag sa pa
PAGBALIK sa mansyon, nabungaran ni Xander si Vida na naghihintay sa living room. Halata sa mukha nito ang pagkainip at siguradong kanina pa nito hinihintay ang binata. Mabilis itong tumayo sa sofa nang masilayan ang anino ni Xander. "Xander, finally you're back," saad nito na may himig na pagtatam
SAKAY ng itim na kabayo ay nagpasya si Xander na libutin ang buong hacienda kasama ang isa sa pinagkakatiwalaang tauhan na si Jasper, na halos kasing-edad niya lang. Gusto sanang sumunod ni Eunice sa binata, ngunit nagpasya siyang manatili na lang dahil ayaw niyang malaman ni Xander na may alam siya
“SIGURADO ka ba na ikaw ang pinadala ng ahensya?” tanong ng matandang babae. Tinanggal nito ang salamin at inilapit ang mukha kay Eunice. Inikot-ikot siya nito, tila sinisipat ang bawat detalye ng kanyang itsura. “Hmm.” Muling isinuot ng matanda ang salamin at pinagmasdan siya. Nasa edad singkwent
Habang lulan ng sasakyan, hindi maiwasan ni Eunice na mapatingin sa malawak na lupain ng pamilyang Montes. Ibinaba niya ang salamin ng pinto at sinuyod ng tingin ang buong lugar. Nang makita ang pamilyar na lugar, isang mapait na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. Parang bumabalik sa kanyang ala







