LOGIN"KASAL?" sambit ni Eunice at napatawa nang mahina.Bumangon siya sa pagkahiga at naupo sa gilid ng kama. Rumerehistro sa isipan niya ang ginawa ni Vida sa kanya kanina—ang pagmamaliit nito sa kanya at kung paano siya tingnan na parang nililibak ang kanyang pagkatao.Pero hindi siya maaaring magpaapekto kay Vida. Ang tanging nasa isip niya ngayon ay kung paano niya magagamit si Vida sa kanyang paghihiganti sa mga Montes. Alam niya ang ugali ng mga babaeng katulad ni Vida—mapagmataas, selosa, at madaling kapitan ng inis. Perpektong sandata iyon para wasakin ang tiwala at buhay ni Xander.Kinuha niya ang kanyang cellphone at mabilis na idinial ang numero ni Arthur. "Hello Arthur, it's me, Eunice. May ipapagawa ako sa'yo." "Tell me, what is it?" tanong ni Arthur mula sa kabilang linya. "I want you to look into the personal information of Vida Legaspi," saad niya na may awtoridad ang boses. "No problem." "I want the details as soon as possible." "Makakaasa ka," sabi ng kaibigan na bu
PAGBALIK sa mansyon, nabungaran ni Xander si Vida na naghihintay sa living room. Halata sa mukha nito ang pagkainip at siguradong kanina pa nito hinihintay ang binata. Mabilis itong tumayo sa sofa nang masilayan ang anino ni Xander. "Xander, finally you're back," saad nito na may himig na pagtatampo. "Oh, I never knew that you were coming here," ani Xander. "Don't you remember? Ilang linggo na natin itong pinag-usapan, 'di ba?" inis na turan nito sabay pag-cross ng braso sa dibdib. "I'm sorry. Hindi ko matandaan," matamlay na sabi ng binata at saka umupo nang padabog sa mahabang sofa. Umupo naman si Vida sa tabi nito at idinantay ang binti sa hita ni Xander bago masuyong hinalikan ang labi nito. Wala itong pakialam kahit makita pa sila ng mga katulong o kahit pa masilayan sila ni Eunice na nakatayo sa di-kalayuan at pinagmamasdan ang kanilang mga kilos. Gumanti naman ng halik si Xander, dala ng init ng kapusukan ni Vida. Sandaling bumitiw ito sa mga labi ng dalaga nang mapansin
SAKAY ng itim na kabayo ay nagpasya si Xander na libutin ang buong hacienda kasama ang isa sa pinagkakatiwalaang tauhan na si Jasper, na halos kasing-edad niya lang. Gusto sanang sumunod ni Eunice sa binata, ngunit nagpasya siyang manatili na lang dahil ayaw niyang malaman ni Xander na may alam siya sa pagsakay ng kabayo. She will play dumb so no one could notice that she knew enough—more than enough that everyone could know. Naupo siya sa nakatambak na dayami at pinagmasdan ang buong paligid. Sa di-kalayuan ay nahagip ng kanyang tingin si Ramon—ang driver ni Xander—na nakikipagkuwentuhan sa mga tauhan ng hacienda. Lumapit siya dito upang makisali sa kanilang usapan. "Hi," bati niya. "Oh, Eunice, hindi ka ba sumama kay Señorito sa pag-iikot sa buong hacienda?" tanong ni Ramon habang inaayos ang hawak na tabako. "Ah, hindi, pinaiwan niya ako dito at dito na lang daw maghintay," ani niya sabay upo sa tabi nito. Natawa nang mahina si Ramon. "Buti ka pa nga at nakapagpahinga. Ala
KUYOM-KUYOM ang mga palad nang lumabas si Eunice ng silid. Ano ba ang akala ng lalaking iyon? Na siya ay isang hangal? Akalain siguro nitong may pagnanasa siya sa katawan nito.Napahinto siya sa paglalakad nang muling maalala ang kabuuan ng binata. Oo, aaminin niya na maganda ang hubog ng katawan nito, guwapo, at sa tuwing ngingiti ito ay may kakaibang karisma na dala si Xander na kahit sinong babae ay malalaglag ang panty dahil sa kaguwapuhan nito. Pero, hindi siya dapat maakit sa binata. Bakit ba ang bilis ng kabog ng dibdib niya nang makita niya ang binata?Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan at tinapik-tapik ang pisngi upang magising ang sariling diwa. Ang misyon niya ay pagbayarin ang mga Montes at hindi ang maakit sa isang Xander Montes.Agad siyang bumalik sa kusina upang tumulong sa ibang gawain. Maghuhugas sana siya ng pinggan ngunit agad siyang pinigilan ng isa sa mga kasambahay—si Annie.“Ako na ang bahala diyan. Pinatawag ka ni Madam Lucia sa kanyang o
“SIGURADO ka ba na ikaw ang pinadala ng ahensya?” tanong ng matandang babae. Tinanggal nito ang salamin at inilapit ang mukha kay Eunice. Inikot-ikot siya nito, tila sinisipat ang bawat detalye ng kanyang itsura. “Hmm.”Muling isinuot ng matanda ang salamin at pinagmasdan siya. Nasa edad singkwenta anyos ito—si Madam Lucia, ang mayordoma.“Bueno... kung ikaw talaga ang ipinadala, wala na akong magagawa,” sabi nito, bagamat halata sa boses ang pagdududa. “Mukha kasi wala kang alam na gawain at baka pagbubulakbol lang ang gagawin mo dito,” dagdag pa nito.Hindi niya masisisi ang matanda. Sa tindig, kutis, at ganda, talagang hindi siya bagay maging katulong. Inilahad niya ang kamay at ngumiti.“Ako po si Eunice. Marunong po akong magluto, maglinis, at mag-alaga. Kahit bata, aso, o kahit kabayo po, kaya ko,” sagot niya nang may kumpiyansa.“Hay, ang dami mong sinasabi. Sumunod ka sa akin—marami kang gagawin,” naiiritang sabi ng mayordoma.Sumunod siya patungo sa maid’s quarters. Napangi
Habang lulan ng sasakyan, hindi maiwasan ni Eunice na mapatingin sa malawak na lupain ng pamilyang Montes. Ibinaba niya ang salamin ng pinto at sinuyod ng tingin ang tanawin. Nang makita ang pamilyar na lugar, isang mapait na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. Parang bumabalik sa kanyang alaala ang lahat ng pangyayari noon—isang bangungot na ayaw na niyang balikan.Pinagmamasdan niya ang lugar na minsan ay naging tahanan. Doon nabuo ang kanyang mga pangarap; doon namuhay nang masaya, tahimik, at sagana ang kanyang pamilya. Ngunit ang lahat ng iyon ay tila naging usok na lamang sa kanyang isipan—mga pangyayaring unti-unting nagwasak sa kanilang pagkatao at buong pamilya. Napakuyom ang kanyang mga kamay habang nakatingin sa malayo."Arthur, ihinto mo ang kotse!" utos niya.Agad na sumunod si Arthur at itinabi ang sasakyan sa ilalim ng malaking puno. Bumaba si Eunice at muling sinuyod ng tingin ang buong lugar. Tinanggal pa niya ang kanyang sunglasses upang mas malinaw na makita ang







