/ Romance / Entangled with the Enemy / CHAPTER ONE THE RETURN OF HEIRESS

공유

Entangled with the Enemy
Entangled with the Enemy
작가: Miss Eryl

CHAPTER ONE THE RETURN OF HEIRESS

작가: Miss Eryl
last update 게시일: 2026-04-14 08:52:56

Habang lulan ng sasakyan, hindi maiwasan ni Eunice na mapatingin sa malawak na lupain ng pamilyang Montes. Ibinaba niya ang salamin ng pinto at sinuyod ng tingin ang buong lugar. Nang makita ang pamilyar na lugar, isang mapait na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. Parang bumabalik sa kanyang alaala ang lahat ng pangyayari noon—isang bangungot na ayaw na niyang balikan.

Pinagmamasdan niya ang lugar na minsan ay naging tahanan. Doon nabuo ang kanyang mga pangarap; doon namuhay nang masaya, tahimik, at sagana ang kanyang pamilya. Ngunit ang lahat ng iyon ay tila naging usok na lamang sa kanyang isipan—mga pangyayaring unti-unting nagwasak sa kanyang pagkatao at ng kanilang pamilya. Napakuyom ang kanyang mga kamay habang pinagmamasdan ang malawak na lupain.

"Arthur, ihinto mo ang kotse!" utos niya.

Agad na sumunod si Arthur at itinabi ang sasakyan sa ilalim ng malaking puno. Bumaba si Eunice at muling sinuyod ng tingin ang buong lugar. Tinanggal pa niya ang kanyang sunglasses upang mas malinaw na makita ang lawak ng lupain.

Napako ang kanyang tingin sa hacienda. Ang dating magagarang pintuan nito ay nanatili pa rin, bagamat kitang-kita na ang mga bakas ng panahon—ang mga pintura ay unti-unting kumukupas, at ang ilang bahagi ng bakal na disenyo ay may bahid na ng kalawang. Sa itaas ng tarangkahan ay nakaukit ang pangalang "MONTES"—isang bagay na lalong nagpasiklab ng poot sa kanyang dibdib.

"I'm finally back. Babawiin kita," bulong niya.

"What is your plan?" tanong ng binata mula sa kanyang likuran.

"Sa ngayon, wala pa," tugon niya.

Narinig niya ang mahinang tawa ni Arthur, na ngayon ay nakatayo na sa kanyang tabi.

"Why?" tanong niya nang kunot-noo.

"Nagpumilit kang pumunta dito, tapos sasabihin mong wala kang plano?"

"Darating din tayo diyan," saad niya habang nakatuon pa rin ang tingin sa hacienda. Ang lupain na dati'y pag-aari nila.

"Eunice, the table is yours now. You have money and power," ani ni Arthur.

"Alam ko." Napakuyom lalo ang kanyang mga kamay at matalim na tiningnan ang buong lugar. Bumalik sa kanyang isipan ang gabing pinalayas sila roon; ang gabing ipinakulong ni Don Federico Montes ang kanyang ama kahit inosente ito. Hindi kriminal ang kanyang Papa, at hindi rin ito magnanakaw katulad ng ibinintang ni Don Federico.

Simula ng gabing iyon, nagbago ang lahat. Nawala ang kanilang yaman—ang hacienda, ang mansyon, at ang pangalang iginagalang ng lahat ay tuluyan nang nadungisan.

Pumatak ang luha sa kanyang pisngi nang hindi niya namalayan. Agad na kumuha ng panyo si Arthur at inabot ito sa kanya. Tiningnan niya lang ang panyo sa kamay nito, saka pilit na ngumiti.

"I'm okay," sabi niya sabay pahid ng luha gamit ang sariling palad.

"Just remember, I'm here to help you—whatever your plan is," saad ng binata sabay tapik sa kanyang balikat.

"Yeah, of course. Sa haba ng pinagsamahan natin, ngayon mo pa ba ako iiwan?" Nagtawanan silang dalawa.

Si Arthur ay mabuting kaibigan. Nagkakilala sila sa Madrid, kung saan sila nanirahan ng kanyang Mama at Abuela. Siya ang anak ng matalik na kaibigan ng kanyang Papa na tumulong sa kanila upang muling makabangon—at siya ang kasangga ni Eunice sa lahat ng bagay.

Masakit balikan ang masasamang alaala sa lugar na ito, pero kailangan niyang ibaon muna ito pansamantala para sa kanyang gagawin. Naputol ang kanyang pagmumuni-muni nang magsalita muli si Arthur.

"Shall we go?" tanong nito.

Tumango lamang siya at naglakad pabalik sa kotse. Bago pa man siya makasakay, napansin niya ang isang Land Cruiser na papasok sa loob ng hacienda. Alam niyang isa sa mga Montes ang sakay noon. Pagbukas ng malaking gate, tumambad sa kanya ang mga security guard na nakapalibot sa bawat sulok. Ilang minutong nakatingin siya mula sa malayo, gustong malaman kung sino ang laman ng mamahaling sasakyan.

Nang matanawan kung sino ang lulan, doon lang siya sumakay. Si Xander—ang anak na lalaki ni Don Federico. Gumuhit ang pilyang ngiti sa kanyang labi nang may sumagi sa isip: ang pinakamabisang paraan upang mapalapit sa pamilya ay sa pamamagitan ng anak nito.

"Xander Montes," bulong niya habang nakasunod ang tingin sa papalayong sasakyan. "Perfect."

Napatingin si Arthur sa kanya, nakakaramdam ng kakaiba sa biglang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya. "I know what you are thinking," seryosong sabi nito.

"You know it from the very start. I guess you know him more than I do," sagot niya.

"Siya ba talaga ang target mo? Hindi ba ang ama?"

"I know what I'm doing, Arthur. Just drive."

Nagpatuloy sa pagmamaneho ang binata hanggang sa makarating sila sa rest house—isang lugar na sadyang binili niya malapit sa hacienda.

Malawak at matayog ang rest house na may apat na palapag, kung saan tanaw ang buong paligid. Bawat sulok ay binabantayan ng CCTV at may mga security agent, pati na dalawang kasambahay na nagsisiguro ng kalinisan at kaayusan.

Pagbaba niya sa kotse, dumiretso siya sa kanyang silid. Mabilis niyang hinubad ang suot na damit at nagtungo sa banyo.

Binuksan niya ang gripo at hinayaan ang malamig na tubig na dumaloy sa kanyang katawan. Pakiramdam niya ay gumaan nang kaunti ang kanyang pakiramdam habang unti-unting bumabalik sa alaala ang lahat ng inagaw sa kanila ng pamilyang Montes. Ngayon, mas ramdam niya ang kaginhawaan dahil alam niyang may pagkakataon na siyang makapaghiganti.

Kailangan niyang magplano nang maingat at sisiguraduhin niyang hindi siya mabibigo.

Nagsalin siya ng wine sa baso at ininom ito habang nakatingin sa labas. Nahagip ng tingin niya ang isang lumang litrato ng kanyang ama na nakapatong sa cabinet. Tinitigan niya ito.

"Hindi ako papayag na mawala ang lahat sa atin, Papa. Lahat ng hirap at tiniis natin, ibabalik ko sa kanila nang doble," mariin niyang sabi at tuluyang inubos ang laman ng baso.

Dumako ang kanyang tingin sa malayo, at biglang bumalik sa kanyang alaala ang mga pangyayari ng gabing sila ay pinalayas ni Federico Montes, kasama ang iba na lubos na pinagkatiwalaan ng kanyang Papa.

Nang gabing iyon nagsimulang magbago ang lahat.

Isang hatinggabi habang nagpapahinga sila, nabulabog ang buong mansyon dahil sa ingay sa labas. Naroon ang mga pulis na pinalilibutan ang lugar, kasama si Don Federico at ang mga taong dati ay malapit sa kanyang Papa. Malakas ang katok at kalampag sa pinto.

"Antonio, lumabas ka diyan!" sigaw ni Don Federico.

Nagmamadaling bumaba ang kanyang ama kahit walang sapin sa paa, kasunod ang kanyang ina.

Pagbukas ng pinto ay agad na pumasok ang dalawang pulis at pinosasan ang kanyang Papa nang hindi man lang ipinapaliwanag ang dahilan.

"Sandali! Anong kasalanan ko at hinuhuli ninyo ako?" tanong ni Don Antonio, bakas sa mukha ang pagtataka at galit.

"Compadre, I'm sorry, pero kailangan mong managot sa batas sa salang pagpatay kay Mang Fabian," wika ni Federico.

"Ano?" gulat na gulat na tanong ng kanyang ama.

"Wait, Federico, baka nagkakamali ka! Magkasama kami ni Antonio buong magdamag," depensa ng kanyang Mama.

"I'm sorry, pero may nakakita sa kanya. Siya ang pumatay kay Mang Fabian," giit pa ni Don Federico.

"Pero sandali lang, hindi makatarungan ang pagbibintang mo sa akin!" Bakas sa mukha ang matinding galit ng kanyang Papa.

"I'm sorry, compadre, pero marami ang nakakita sa'yo." Pinalungkot ni Don Federico ang mukha at umiling-iling. "At isa pa, ikalulungkot ko na kailangang umalis ng mag-ina mo sa mansyon. Ang buong hacienda ay hindi niyo na pag-aari."

"Ano? Hindi maaari ang sinasabi mo!" sigaw ng kanyang Papa. Pilit itong nanlaban, ngunit sa bawat pagpalag ng ama ay suntok at tadyak ang tinatanggap nito.

"No! This couldn't be," umiiyak na saad ng kanyang Mama, halos mapaluhod sa sahig dahil sa panghihina at takot.

"I'm sorry, pero ayon sa batas, kailangang pagbayaran ni Antonio ang kasalanan niya. At ang mansyon na ito ay hindi niyo na pag-aari. May record ang munisipyo na halos isang dekada na kayong hindi nagbabayad ng buwis. Bilang isang mabuting kaibigan, ako ang umako ng milyong utang ninyo sa gobyerno, kaya siguro nararapat lang na angkinin ko ang lupang ito," iiling-iling na saad nito, habang may halong panunuya ang ngiti sa mga labi.

"Traidor ka, Federico! Alam mong hindi 'yan totoo!" naghihingalo at puno ng hinagpis na sigaw ng kanyang ama.

Kahit anong laban ng kanyang ama ay wala itong nagawa. Kinaladkad ito palabas ng mansyon ng mga pulis at sapilitang isinakay sa mobile car.

Nang mga sandaling iyon, nasa itaas siya at nakadungaw sa hagdan. Nasaksihan niya ang lahat—ang paghihirap ng kanyang Papa at ang matinding sakit na idinulot nito sa kanyang Mama na halos ikamatay na dahil sa pangyayari.

Nang oras na iyon, bumalot ang matinding galit sa puso niya. Nanumpa siya sa sarili na ipaghihiganti ang kanyang mga magulang at babawiin ang lahat ng pag-aari nila na sapilitang inagaw sa kanila.

KINABUKASAN, maaga siyang bumangon upang mag-ensayo ng martial arts. Simula nang manirahan sila sa Madrid, dinala siya ni Arthur sa isang training school at doon niya ito natutunan. Sa paglipas ng panahon, natuto rin siyang humawak at gumamit ng baril— upang maprotektahan ang sarili at ang kanyang pamilya.

Sinimulan niya ang pagsasanay gamit ang isang kahoy na stick. Iikot-ikot niya ito nang mabilis at may lakas.

Napahinto siya nang bumukas ang pinto. Si Arthur—pumapalakpak at halos rinig na rinig ang tunog ng palad nito.

"Bravo! Ang galing mo na talaga," papuri nito.

Kinuha niya ang tuwalya at pinunasan ang pawis. "It's because of your help, Arthur."

"Hindi lang naman ako ang nagturo sa'yo." Tumingin ito sa pinto, tila may sinisilip. "May isang taong gustong makita ka," ani nito.

Hindi na siya nagulat. Alam na niya kung sino ito. Si Ren—ang taong tumulong at nagsanay sa kanya bukod kay Arthur.

"Ren!" Patakbo siyang lumapit at mahigpit na yumakap. "As I expected. Hindi mo talaga ako binigo."

"Well." Sabay tingin ni Ren kay Arthur. "Ang sabi ni Arthur, magaling ka na raw. Handa ka na ba?"

"I'm always ready. Masyadong mahabang panahon na ang hinintay ko para sa araw na ito," mariin niyang saad. Kita sa mga mata niya ang poot na matagal na niyang kinikimkim.

Nagkibit balikat lamang si Ren at nilaro-laro ang stick na hawak.

Kumuha si Eunice ng malamig na tubig at mabilis na ininom iyon.Pagkatapos ay tumingin kay Ren. "Anong balita tungkol sa hiningi ko sa'yo?"

"Well, I have collected some news about what is happening in Hacienda Montes."

Tumango lang siya at inubos ang tubig. "Tell me."

Kumuha si Ren ng isang supot at inilabas ang damit na kulay asul at kulay puting May lace sa palibot nito "You need this," sabi nito.

Kinuha ni Eunice at binuksan. "What's this?"

"Napag-alaman kong kailangan ng mga Montes ng bagong kasambahay," paliwanag ni Ren.

"You want me to go inside as a maid?"

"Yes. I think that's the best way to get close to them."

"Nice, I like your idea. Papasok ako bilang katulong para mapalapit at makilala ko sila nang lubusan," ani niya.

"Wait! Katulong? Tama ba ang narinig ko—papasok ka bilang katulong sa mga Montes?" gulat na tanong ni Arthur.

"Yes. That's the most effective way. Don't you like the idea?" Kumunot ang noo ni Eunice sa reaksyon ni Arthur.

"But... it's dangerous. Baka mapahamak ka," nag-aalalang sagot ng kaibigan.

"Arthur, okay lang siya. Nakita mo naman kung gaano siya kagaling lumaban. Kaya na niyang protektahan ang sarili niya," sang-ayon ni Ren.

"But still!" Bakas sa mukha ni Arthur ang pangamba.

"Arthur, I will be fine," pangungumbinsi niya at ngumiti nang malapad.

"Okay, hindi na kita mapipigilan. Just remember, nandito lang kami para suportahan ka."

"Thanks. Maasahan ko talaga kayo," ani Eunice.

Tinitigan niya ang damit na kulay asul at puti. Bukas ang simula ng lahat. Ito ang unang hakbang upang ilabas ang tunay na kulay ng mga Montes at linisin ang pangalan ng kanyang pamilya.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER TWENTY-TWO: THE PRICE OF LEAVING

    KINABUKASAN, agad na nagtungo sina Arthur at Eunice sa probinsiya kung saan nakatira ang pamilya ni Mary. Tatlong oras rin ang kanilang biyahe patungo roon. Sa pagdating nila sa lugar ay hindi naman sila nahirapang hanapin ang bahay ni Mary dahil kilala ang pamilya nito roon.Ilang kilometro din ang kanilang nilakad bago marating ang tirahan ni Mary. Nang makita ang maliit na tahanan ng dalaga ay napahinto si Eunice at pinagmasdan ang buong paligid. Maliit ang bahay na yari sa yero ang dingding at manipis na plywood.Dahan-dahang humakbang si Arthur palapit sa nakabukas na tarangkahan, habang hindi maalis ang tingin ni Eunice sa maliit na bahay. Nakaramdam siya ng matinding awa dahil sa kahirapan ng buhay ng pamilya ng dalaga.Nag-agaw-pansin sa kanya ang isang batang babae — sa tingin niya ay nasa sampung taong gulang — na may dalang galon ng tubig. Lumapit ito kina Arthur at ngumiti sa kanila."Hi, magandang umaga," nakangiting bati ni Eunice.Yumuko ang batang babae at nag-atubilin

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER TWENTY-ONE: EVERYTHING HAS A PRICE

    SINIMSIM ni Eunice ang alak habang pinagmamasdan ang labas ng rest house. Bumabalik sa kanyang isipan ang huling pag-uusap nila ni Xander. Noong mga oras na iyon, akala niya ay mahuhuli na siya nito—na siya ay isang impostor na nagpapanggap lamang na katulong, na walang alam at naghihirap sa buhay.Mabuti na lang at mabilis siyang nakaisip ng paraan upang malusutan ang paghihinala ni Xander. Ngunit kahit nakaligtas na siya sa pagkakataong iyon, hindi nawala ang bigat na nakadagan sa kanyang dibdib. Alam niyang hindi iyon ang huling pagkakataon na magtatanong ito.Xander is brilliant. Sa maikling pananatili niya sa mansyon, naobserbahan na niya ang tunay na pag-uugali nito. Katulad ito ng ugali ni Don Federico—matalino at mapagmatyag; walang sinuman ang mas hihigit sa kanila.Itinaas niya ang baso at inubos ang natitirang laman nito sa isang lagukan.“Wala nang atrasan ito,” bulong niya sa sarili habang ibinababa nang malakas ang baso sa mesa. “Kailangan kong tapusin ang sinimulan ko.

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER TWENTY : TEMPORARY BREAK

    NANLAKI ang mga mata ni Eunice sa gulat at sakit. Ang init ng sampal ay tila kumalat sa buong mukha niya, ngunit higit pa rito ang galit na nararamdaman na parang gustong sumabog ng kanyang dibdib. Masyado nang umaabuso ang babaeng ito sa pananakit sa kanya, ani niya sa kanyang sarili. Napakuyom ang kanyang kamao dahil sa gigil. Paano kaya kung patikimin niya ito ng isang malakas na suntok? Tiyak na sabog ang mukha nito at masasayang lahat ang mga produktong pampaganda na ginagamit nito sa mukha.“Sinadya mong hindi iuwi si Xander dahil gusto mong masolo siya at akitin! Hindi ba?” sigaw ni Vida. Namumula ang mukha nito dahil sa galit."Hindi ko gagawin ang binibintang mo. Ginagawa ko lang ang trabaho ko wala ng iba," sagot niya."Liar!" Sigaw ni Vida, na halos lumabas na ang litid sa leeg. Akmang susugod pa sana ito, ngunit mabilis na hinawakan ni Xander ang kamay nito upang pigilan.“That’s enough, Vida. You don’t know what you are talking about,” saad ni Xander nang mahinahon nguni

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER NINETEEN: BACK TO THE MANSION

    "DON'T worry, Eunice. Xander will never see us," saad ni Ren habang hinihigop ang kape."So, what's the plan? Anong gagawin ninyo para hindi kayo makita ni Xander?" sabay tingin niya sa pinto ng silid ng binata."Relax," natatawang saad ng kaibigan."Huwag mo akong tawanan, Ren! At ikaw din!" sabay baling niya kay Arthur na natatawa rin."Hey, huwag kang mataranta, okay? We will never let your plans get ruined," sabi ni Arthur na hindi pa rin maalis ang ngiti na parang nang-uuyam."Good. I don’t want this to turn into nothing. Ang laki na ng sakripisyo ko, ha?""I told you. You don’t need to work as a housemaid in the Montes family," paalala ni Arthur sa kanya.Napasandal na lang siya sa upuan at hinigop ang kape. Ngayon pa ba siya magsisisi kung kailan malapit na niyang makuha ang tiwala ni Xander? Sa totoo lang, may ikinabuti ring nadulot ang masamang nangyari sa binata at ang pagkaka-stranded nila sa gitna ng malakas na ulan. Kung hindi dahil doon, hindi niya makukuha ang tiwala ng

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER EIGHTEEN: LOVE OR MERCY

    MABILIS na inalis ni Eunice ang mga kamay ni Xander sa kanyang baywang at humakbang palayo sa binata. Namumula ang kanyang mukha, na parang pinapaso ng init dahil sa mga titig ni Xander. "I'm sorry, hindi ko po sinasadya, Señorito. Tinitingnan ko lang kung bumaba na ang lagnat ninyo," pagpapaliwanag niya, habang nauutal. Nanatiling nakatitig si Xander sa kanya, dahilan upang lalong uminit ang pisngi ni Eunice. Pakiramdam niya ay nakakapaso ang mga tingin ng binata sa kanya, lalo pa't lalong lumalabas ang kaguwapuhan nito sa kabila ng maputlang kulay at benda sa noo. Dahan-dahang umupo si Xander sa kama, sinusuportahan ang sarili gamit ang isang kamay habang ang isa ay hawak ang kanyang noong may benda. "Dahan-dahan, Señorito," mabilis na umalalay si Eunice sa binata at inalalayan itong sumandal sa kama. "I'm fine. Don't worry about me," wika nito. Tumango lang si Eunice at lumayo sa binata, ngunit nanatili siyang nakatitig dito. Pakiramdam niya ay hindi siya maaaring kumurap, na

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER SEVENTEEN: BETWEEN HATRED AND HEART

    TUMAYO si Eunice nang mabilis at lumayo nang ilang hakbang, nakasandal sa basang dingding ng kubo habang hinahabol ang kanyang hininga. Napahawak siya sa kanyang labi, na hanggang ngayon ay tila nararamdaman pa rin niya ang lambot ng mga labi ni Xander at ang matipunong dibdib nito na tila nadarama pa rin ng kanyang mga daliri.Napapikit siya nang mariin at pilit na iniwaksi sa isipan ang nangyari. Hindi tama ang mga pangyayaring ito. Kaaway si Xander. Ang pamilya nito ang dahilan ng pagbagsak ng kanyang sariling angkan.“$h**!” Hinilot-hilot niya ang kanyang sintido at nagpakawala ng malalim na hininga.Nilingon niya muli si Xander; wala pa rin itong malay at kitang-kita ang panginginig ng katawan nito dulot ng lamig ng hangin. Kailangang makahanap siya ng paraan upang magamot ang binata.Pinagmasdan niya ang labas ng kubo. Gaya ng dati, hindi pa rin tumitigil ang malakas na ulan. Ang dagundong ng kulog at ang nagkikislapang kidlat sa kalangitan ang nagsisilbing tanging liwanag sa pa

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER FIVE THE HAUGHTY BEAUTY

    PAGBALIK sa mansyon, nabungaran ni Xander si Vida na naghihintay sa living room. Halata sa mukha nito ang pagkainip at siguradong kanina pa nito hinihintay ang binata. Mabilis itong tumayo sa sofa nang masilayan ang anino ni Xander. "Xander, finally you're back," saad nito na may himig na pagtatam

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER FOUR HIDDEN MEMORIES

    SAKAY ng itim na kabayo ay nagpasya si Xander na libutin ang buong hacienda kasama ang isa sa pinagkakatiwalaang tauhan na si Jasper, na halos kasing-edad niya lang. Gusto sanang sumunod ni Eunice sa binata, ngunit nagpasya siyang manatili na lang dahil ayaw niyang malaman ni Xander na may alam siya

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER THREE HACIENDA MONTES

    KUYOM-KUYOM ang mga palad nang lumabas si Eunice ng silid. Ano ba ang akala ng lalaking iyon? Na siya ay isang hangal? Akalain siguro nitong may pagnanasa siya sa katawan nito. Napahinto siya sa paglalakad nang muling maalala ang kabuuan ng binata. Oo, aaminin niya na maganda ang hubog ng katawan n

  • Entangled with the Enemy    CHAPTER TWO THE MAID

    “SIGURADO ka ba na ikaw ang pinadala ng ahensya?” tanong ng matandang babae. Tinanggal nito ang salamin at inilapit ang mukha kay Eunice. Inikot-ikot siya nito, tila sinisipat ang bawat detalye ng kanyang itsura. “Hmm.” Muling isinuot ng matanda ang salamin at pinagmasdan siya. Nasa edad singkwent

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status