MasukHindi kaagad nakasagot si Roxanne. Nanubig ang kan’yang mga mata habang nakatitig sa kapatid. Natakot kasi siya sa tono ng boses ni Rain kaya naiyak siya kaagad.“P-Pati ba naman ikaw ay kampi rin sa babaeng ‘yan?!” hindi makapaniwalang tanong ng babae bago dinuro-duro si Liane. “Sige! Magkampihan kayong lahat at iwan n’yo ako mag-isa!”“Tutal, diyan ka naman magaling, eh! Palagi naman akong masama sa paningin mo kaya sige, panindigan na natin! Ako na ang masama! Ako na!”Humahagulgol si Roxanne nang umalis, kaya naman naiwan na si Lianne at Rain doon sa may eskinita.Noong tuluyan nang makahinga ang babae ay bumigay na nang tuluyan ang mga tuhod niya. Napaupo siya sa sahig, at kaagad namang umalalay sa kan’ya si Rain.“Ayos na ang lahat… Nandito na ako.” Puno ng sinseridad ang boses ng lalaki. “Hangga’t nandito ako, wala silang masamang gagawin sa ‘yo.”Inangat ni Lianne ang ulo, at tila ba nagniningning si Rain sa kan’yang paningin ngayon. Sa mga oras na ‘yon, nakangiti ang lalaki
Hindi pa man din nagsasalita ulit si Roxanne, ngunit ramdam ni Lianne ang mabigat na presensiya nito.Gusto man niyang alisin ang pagkakahawak ng kamay ni Rain, pero mas tumindi lang ang kapit ng lalaki sa kan’ya.Kumunot ang noo ni Roxanne dahil magkasama si Lianne at ang kapatid niya, pero mas dumilim ang ekspresiyon ng kan’yang mukha nang makita ang kamay ni Rain na nakakapit sa dalaga.“Kuya, sino siya?” tanong ni Roxanne sa malalim at tila nanghahamak na tono. “At bakit hawak-hawak mo ang babaeng ‘yan?”Sa paraan pa lang ng pananalita ng babae, alam na kaagad ni Lianne na wala man lang pinagbago si Roxanne kahit ilang taon na silang hindi nagkikita.O kung mayroon man, malamang ay mas naging maporma, at mas maldita ito.Sa totoo lang, hindi alam ng dalaga kung ano ang kan’yang mararamdaman ngayon. Napakurap siya nang mabilis bago ibinaba ng tingin.Ayaw niya man maalala ang nakaraan, pero tila nag-flashback sa kan’ya kung paano siya b-in-ully ni Roxanne noong junior high, at hang
Bahagyang kumunot ang noo ni Lianne sa narinig, pero nanatili lang siyang tahimik.Hindi kasi totoo na susunduin siya ni Rozen ngayon sa kumpanya. Dahil humingi siya ng pabor sa lalaki kanina tungkol kay Cherry at Chocolate, alam niyang baka matagalan bago ito makapunta sa Pristine Corporation.Nang makita ang katahimikan ni Lianne, hindi mapigilan ni Rain ang mapangisi. Dahil kasi roon, mas nanaig lang ang iniisip niya kanina na nagsisinungaling lang ang dalaga.‘Sinasabi ko na nga ba. Peke lang ang boyfriend na binabanggit niya dahil wala talaga siya no’n,’ wika niya sa isip. ‘Dahil kahit anong mangyari, ako pa rin ang gusto niya.’Nagmuni-muni si Lianne saglit bago muling tiningnan ang kan’yang phone at nag-send ng mensahe kay Rozen.[Ayos lang ba sa ‘yo na sunduin ako ngayong gabi?]Mas mabilis pa sa alas kuwatro na nag-reply ang lalaki.[Of course. I’m your boyfriend.][I’m on my way. Hintayin mo ako riyan.]Nang marinig ‘yon ay tila nakahinga nang maluwag si Lianne. Ayaw niya
“Tsk… Mabuti nga at pinakain ko na kayo saka nilinis ang pet room ninyo,” bulong lang ni Rozen bago lumabas ng unit at ni-lock ‘yon.Kinuha niya na ang kan’yang phone pagkatapos upang mag-send ng message kay Lianne.[Tapos ko na ang pinagagawa mo sa akin. Siguro naman, may reward ako pagkakita natin mamaya?]Dahil naging sunod-sunod din ang pag-o-overtime ni Lianne nitong mga nakaraan, naging considerate si Rozen at hinayaan niyang magpahinga lang muna ito.Ayaw rin naman niyang bigla na lang mahimatay ang dalaga habang ginagawa nila ang bagay na ‘yon.Pero ngayon… hindi na niya kaya pang magtiis. Ilang araw na silang walang se.x, at ngayon na habang iniisip niya pa lang ang dalaga ay tumitigas na kaagad ang kan’yang pagka.lalaki.‘I need to touch her tonight, because damn it. Hindi ko na kakayanin pa kapag wala pa rin!’—Namula naman ang pisngi ni Lianne nang mabasa niya ang reply ni Rozen. Sa tagal na nilang magkakilala ni Rozen, imposibleng hindi niya pa malaman kung ano ang ibig
Nang matapos na sa kan’yang pag-aayos si Rozen, lumabas na siya ng banyo habang nakahubad. Tanging ang nightgown lang ni Lianne na nakatali sa kan’yang beywang ang suot niya ngayon.Hindi pa nga niya ito tinali nang maayos kaya medyo gumagalaw pa ito sa bawat paglakad niya, at malaki ang pag-asang malaglag ito.At hindi man nalaglag ang night gown sa beywang ni Rozen, halos malaglag naman ang panga ni Lianne nang makita ang itsura ng binata ngayon.Parang gusto niya na lang himatayin dahil sa kahihiyan.“A-Ano ‘yan?” tanong ni Lianne bago mabilis na umiwas ng tingin. Napalunok siya ng laway habang nag-iinit ang pisngi. “B-Bakit naman gan’yan ang ginawa mo sa damit ko?”Gusto niya pa sanang magmaktol, ngunit wala na rin naman siyang magagawa kahit gawin niya pa iyon.Dumikit na ang damit niya sa pagka.lalaki ni Rozen, at kahit nga labhan niya pa ‘yon, alam niyang hindi mabubura sa isip niya ang ganitong itsura ng lalaki kada makikita niya ang damit.“Wala akong damit dito, eh. Kaya ito
“Oo naman…” Tumango si Lianne habang nakatitig sa mga mata ni Rozen. “S-Sa ‘yo lang ako…”Mas lalong lumawak ang ngiti ni Rozen. Gusto pa nga sana niyang halikan muli ang dalaga, ngunit alam niyang kapag natikman niya ulit ang labi ni Lianne, mahihirapan na talaga siyang tumigil pa.Imbes na sa labi, hinalikan na lang niya ang dalaga sa noo bago pinaandar ang sasakyan.Pero bago sila tuluyang makalayo, muling sumulyap si Rozen sa building ng Pristine Corporation.‘Hmm… Bakit hindi na lang ako gumawa ng paraan para pumasok siya sa kumpanya ko?’ isip ni Rozen habang nakakunot ang noo.Ngunit kaagad din niyang iwinaksi ang solusyon na ‘yon sa isip.‘Hindi ako puwedeng gumawa na lang ng kahit anong desisyon para sa kan’ya dahil lang sa mas madalas ko siyang gusto makita,’ dagdag niya pa.‘Kung gusto man niyang umalis o manatili sa kumpanya na ‘yon, dapat sa kan’ya manggagaling ang final decision.’“Ayos ka lang?” biglang tanong ni Lianne habang nakatitig lang sa kan’ya.“Hmm?”“Bigla ka k
Totoo naman ang sinabi ni Lianne. May plano talaga siya ngayong gabi.Niyaya siya ni Eunice sa isang dinner para makapag-catch up sa isa’t-isa. Matagal na rin kasi noong huli silang magkita.Nagkita sila sa isang restaurant.Habang kumakain, kinuwento ni Lianne ang pangha-harass sa kan’ya ng manage
Tumigil ang kotse sa harap ng isang mumurahing apartment.Hindi na hinayaan ni Lianne na ipag-drive pa siya ni Rozen hanggang sa parking lot. Baka kasi may makakita sa kanila na kakilala niya.“Okay na ako rito. Dito na ako bababa,” aniya.Pinagmasdan ni Rozen ang paligid. Kumunot ang noo niya. “Di
Nanlaki ang mga mata ni Lianne dahil sa narinig.“Saglit… bakit naging ikaw ‘yong agrabyado rito? First time ko iyon…”“At ako rin,” sagot naman ng binata sa malalim na boses. “Sa babae lang ba mahalaga ang first time nila? Sa tingin mo ay agrabyado ka, pero ako, hindi?”Nakakunot ang noo ni Rozen,
Pagkatapos bumili ng mga gamot, umalis na si Lianne sa clinic.Maganda naman ang panahon. Maaraw at maaliwalas ang hangin, pero bakit parang hinahabol siya ng kamalasan?Hindi lang niya nakasalubong ulit ang lalaki. Nagpanggap pa itong doktor at pinahubad pa ang pantalon niya para sa examination!K







