"I'm not interested in meeting your friend."
Tila nalunok ni Angela ang kaniyang dila nang marinig mismo kay Brian ang mga salitang iyon. Napaatras na lang siya dahil ayaw na niyang marinig pa ang mga sasabihin pa nito. Grabeng ugali naman 'yan. Dati ayaw niyang maniwala sa mga sabi-sabi, pero ngayon parang legit talaga na masama ang ugali ng Brian na 'to.
Wala rin naman siyang gusto na makita ito, eh. Kung hindi dahil sa pamimilit ni Heart ay wala talaga siyang balak na makita o lapitan ito. Ni sa buong buhay niya, hindi niya talaga inisip na lapitan ito. Okay na siya na makita lang ito kahit sa malayo.
Kilala na niya si Brian mula pa no'ng Grade 7 siya at ito naman ay Grade 8. Tanga na siguro talaga ang hindi makakilala sa binata. Sobrang sikat nito sa campus mula pa no'ng high school sila. Maliban kasi sa magaling itong kumanta ay parang nasalo na nito ang lahat ng talent sa mundo. Matalino ito at lahat yata ng subject ay hindi nito inuurungan. Sobrang galing din ito sa arts at magaling pang sumayaw.
Na kay Brian na talaga lahat.
Pati kasamaan na rin ng ugali nasa kaniya na rin, bulong niya sa sarili.
Suplado daw talaga si Brian at mayabang pa ayon sa mga nakasama nito sa choir. Dati ayaw niyang maniwala sa mga chismis na 'yon kasi kung pagmamasdan ito ay parang angel ang binata at para bang hindi nito kayang gumawa ng masama. Pero dahil sa narinig niya, gusto niyang gumawa ng blog at do'n niya ipagkakalat kung gaano kasama ang ugali nito.
Pero siyempre joke lang, 'di naman ako tanga. Gusto ko pang makatapos ng pag-aaral 'no! Bawi agad ng utak niya. Mahirap na at baka hindi niya mapigilan ang sarili niya.
Walang ingay na nilisan niya ang classroom kung saan nila pinuntahan si Brian. Hindi nga muna siya pinapasok ni Heart kasi parang alam na nito ang sasabihin ng kuya nito. Sana nakinig na lang siya kay Heart na maghintay na lang muna siya sa labas. Nagsisisi tuloy siya kung bakit nakinig pa siya sa usapan ng dalawa.
Nakita niya si Angelo na papalapit sa kaniya. Magkasalubong pa nga ang mga kilay nito nang magtagpo ang mga paningin nila.
"Sa'n ka ba nagpunta?" bungad na tanong agad ni Angelo sa kaniya. "Akala ko ba gusto mo ng umuwi?"
Hindi na niya sinagot ang best friend niya at nagpatuloy siyang naglakad. Wala na siya sa mood para makipag-usap pa.
"Bayaran mo ko ng 200 ngayon, ah. Bayad mo 'yan sa pangdidisturbo mo."
----
Nang mga sumunod na araw ay palagi na ngang nakabuntot kay Angela si Heart. Hindi niya inakalang magiging kaklase pa niya ito sa lahat ng subjects. Education din pala ito at magkatulad pa ang kanilang major kaya wala talaga siyang kawala sa dalaga. Kahit masakit ang ginawa ng kuya nito sa kaniya no'ng nakaraan ay hindi na lang niya ginawang big deal. Sabihan ba naman siyang wala itong interest sa kaniya. Aba'y mas lalo na siya!
Pero kahit gano'n ang nangyari, wala namang kasalanan si Heart do'n kaya naging magkaibigan pa rin sila at magaan din naman ang loob niya sa dalaga.
Kasama niya si Heart sa lahat ng mga lakad niya, hindi talaga ito humiwalay sa kaniya. Kahit pa nga sa lunch break ay ito ang palagi niyang kasama. Si Angelo kasi ay hindi sila magkatulad ng course na kinuha at magkaiba rin naman ang schedule nila.
Kasalukuyang nasa loob pa ng library si Heart at siya naman ay papuntang computer laboratory para tapusin ang tina-type niyang assignment nang biglang may humarang sa dinadaanan niya.
"Can we talk?"
Hindi niya inaasahang sa oras na hindi niya kasama si Heart ay saka pa siya hinarang ni Brian. Ito yata ang unang beses na nakaharap niya si Brian sa malapitan. Agad namang nanunoot sa kaniyang ilong ang pabangong gamit nito.
Napahawak siya sa buhok niyang kulot para pakiramdaman kung nasa ayos pa ba ang pagkakatali niyon. Nakakahiya naman kung parang sinabunutan na pala siya ng sampung engkanto.
Nakasuot ng PE uniform si Brian at pawisan pa. Pero ito pa lang yata ang kilala niyang kahit galing lang ng PE class ay parang bagong ligo pa rin. Parang may karapatan naman pala itong magsungit kung ganito ito kabango.
Shemay, mali! Kahit pa mabango ka, masama pa rin ang ginawa mo! Sigaw ng utak niya.
Tinitigan niya sa mata si Brian sabay lunok ng laway. Ang tangkad pala nito.
"Are you available?" tanong ulit nito sa kaniya.
Napalunok ulit siya. "Available saan?"
Kitang-kita niya ang pagsalubong ng mga kilay ni Brian. Ang bilis naman nitong ma-highblood, nagtatanong lang naman siya. Malay ba niya kung anong klaseng available ang sinasabi nito.
"Ilang minutes lang naman ang hihingin ko, I just wanna talk to you."
Si Brian Del Rio? Gusto siyang makausap? Is this for real?
Itinuro ni Brian ang isang puno malapit sa kinatatayuan nila. "Pwede na siguro tayo don." Tukoy nito sa upuan na nasa ilalim ng puno. "Sandali lang naman."
Hindi pa nga siya nakasagot ay tumalikod na si Brian kaya wala siyang nagawa kun'di sumunod na lang dito.
Eh, ano naman ngayon kung mabango siya? Ano bang pakialam ko kung sobrang pogi niya? lihim na kastigo niya sa sarili.
Wala talaga siyang pinakitang emosiyon hanggang sa makarating sila sa puno at nakaupo na sila. Pilit niyang itinatago ang kaba na nararamdaman niya. Pakiramdam niya kasi parang may mga kabayo na nagtatabukhan sa dibdib niya kaya pati siya ay naghahabol tuloy ng hininga. Umayos na lang siya ng upo at pinaglaruan ang mga daliri niya nang maitago ang pamamasa niyon. Pinagpapawisan talaga siya at idagdag pa ang panginginig ng tuhod niya.
"May favor lang sana akong hihilingin sa'yo," panimula ni Brian pero hindi ito nakatingin sa kaniya. Nakatingin ito sa mga estudyanteng nagpa-practice ng volleyball sa oval. "Gusto kong layuan mo ang kapatid ko."
Ang kaba na naramdaman niya kanina ay biglang nawala nang marinig ang sinasabi nitong favor.
"Ha? Bakit ko naman gagawin yon?"
"Kailangan pa ba ng reason? Gagawin mo 'yon kasi 'yon ang gusto ko. Plain and simple."
Napanganga na lang siya sa sinabi nito at napailing. Hindi na naman siya nito hinintay na sumang-ayon, tumayo na ito't humakbang papalayo sa kaniya.
Pinagmasdan na lang niya ang papalayong pigura ni Brian. Hindi pa rin kayang intindihin ng utak niya ang mga sinabi nito. Gusto nitong layuan niya ang kapatid nito pero wala naman itong binigay na dahilan. Hindi naman sapat na dahilan na basta gusto lang nito, eh.
Hindi dahil gusto lang nito ay gagawin na niya. Hindi naman niya ito amo. Wala namang mawawala sa kaniya kung hindi siya susunod dito.
Napabuntong hininga na lang siya at isinandig ang likod sa upuan. Akala pa naman niya kung ano na ang gusto ni Brian. Kikiligin pa naman sana siya.
Natigilan siya nang mag-ring ang cellphone niya kaya mabilis niyang kinuha iyon sa kaniyang bulsa. Text lamang iyon galing sa isang unknown number pero binasa pa rin niya.
0951*******
You need to listen to me, lady. Stay away from my sister kung ayaw mong managot sa'kin.
Tumaas ang isang sulok ng kaniyang labi. Halatang galing ang text na 'to kay Brian. Seryoso ba talaga ito sa mga pinaggagawa nito?
Inilibot niya ang mga mata sa ground ng campus nila. Maraming mga estudyante ang naglalaro sa oval kahit papalapit ang ang exam week nila. Sabagay kahit nga siya ay nandito sa oval imbes na dapat ay tatapusin niya ang assignments niya.
Bahagya siyang napaatras nang magsalubong ang mga mata ni Brian. Sobrang dilim ng mga mata nito at nasagot na nga ang tanong niya. Seryoso talaga ang binata na layuan niya si Heart.
Tumayo na siya at mabibilis ang mga hakbang na lumayo sa pwesto nila kanina. Kailangan niyang balikan si Heart. Nababaliw na yata ang kapatid nito.
Hindi na siya kinikilig, natatakot na siya. Baliw na si Brian Del Rio!
Natapos ang exam week nila ni Angela na tinatawag din nilang hell week dahil sa sobrang babad nila sa pag-re-review. Tila naging impyerno talaga iyon sa mga tulad niyang estudyante dahil kulang na nga sila sa tulog, kulang pa sa pahinga. Kulang talaga sa lahat.Dahil na rin sa exam na 'yon, ilang araw na rin na hindi sila nag-uusap ni Heart nang maayos. Hindi siya nito kinukulit gaya nang dati siguro na rin busy ito sa pag-re-review para sa exam nila. May inaalagaan din itong grades tulad niya. Nagkikita na lang sila tuwing schedule ng exam pero hindi talaga sila nag-uusap or kahit nagkukulitan man lang.At tuwing nakikita niya si Heart ay naiisip niya ang sinabi ng kuya nito sa kaniya no'ng nakaraan. Hindi nga lang 'yon basta sabi lang, eh. May kasama pang pagbabanta na hindi naman siya masiyadong affected.Hindi talaga kasi naiisip lang naman niya 'yon all the time.Yeah, hindi siya affected. Hindi talaga.Minsan napapatanong siya kung dapat nga ba niyang iwasan ang kaibigan niya? W
"I'm not interested in meeting your friend."Tila nalunok ni Angela ang kaniyang dila nang marinig mismo kay Brian ang mga salitang iyon. Napaatras na lang siya dahil ayaw na niyang marinig pa ang mga sasabihin pa nito. Grabeng ugali naman 'yan. Dati ayaw niyang maniwala sa mga sabi-sabi, pero ngayon parang legit talaga na masama ang ugali ng Brian na 'to.Wala rin naman siyang gusto na makita ito, eh. Kung hindi dahil sa pamimilit ni Heart ay wala talaga siyang balak na makita o lapitan ito. Ni sa buong buhay niya, hindi niya talaga inisip na lapitan ito. Okay na siya na makita lang ito kahit sa malayo.Kilala na niya si Brian mula pa no'ng Grade 7 siya at ito naman ay Grade 8. Tanga na siguro talaga ang hindi makakilala sa binata. Sobrang sikat nito sa campus mula pa no'ng high school sila. Maliban kasi sa magaling itong kumanta ay parang nasalo na nito ang lahat ng talent sa mundo. Matalino ito at lahat yata ng subject ay hindi nito inuurungan. Sobrang galing din ito sa arts at mag
"Angela naman, eh." Singit na naman ng best friend ni Angela na si Angelo. "Sumama ka na kasi, saglit lang naman 'yon, eh."Kanina pa siya pinipilit ng best friend niya na samahan daw niya ito sa campus dahil may sasalihan daw ito. At kanina pa rin niya ito tinatanggihan. Hindi niya rin maintindihan kung bakit hindi maintidihan ng lalaking 'to ang salitang 'busy' at patuloy pa rin siyang kinukulit kahit panay tanggi lang naman siya. Hindi pa rin tumitigil ang best friend niya.Busy nga kasi siya. Nagtatahi siya ng nipa dahil Sabado rin naman kaya tinutulungan niya ang Mama niya para kahit papaano ay may magastos siya sa susunod na linggo. Ganito ang buhay niya tuwing weekend kaya wala talaga siyang panahon para samahan ang lalaking kanina pa nagpupumilit."Ano ba kasing gagawin mo do'n?" tanong niya kay Angelo habang patuloy pa rin siya sa pagtatahi ng nipa. Para sa kaniya ay ginto ang bawat segundo kaya kahit kausap pa niya ang kumag na ito ay ipagpapatuloy niya pa rin ang pagtatahi.
"Yes, hello? Angela speaking."Antok na antok pa si Angela nang sagutin ang siraulong caller niya. Nakapikit pa ang mata na pinindot niya ang answer button, ni hindi na nga siya nag-abalang basahin pa ang pangalan ng caller. Basta na lang siya nagpindot dahil gusto pa niyang matulog. Sobrang sama ng pakiramdam niya mula pa kaninang umaga. Dahil siguro sa nabasa sila ng ulan kahapon dahil sa ginawang girl scout camping ng mga estudyante nila. Hindi pa nga siya nakainom ng gamot kaya parang hindi bumababa ang init ng katawan niya.Bungisngis agad sa kabilang linya ang narinig niya. Parang hindi na niya kailangan pang hulaan kung sino ang walang-hiyang tumatawag sa kaniya ngayon. Pagtawa pa lang nito ay kilala na niya."Pakausap nga sa hero ng Mobile Legends. 'Yong hero na magaling pumatong," anito at muli na namang tumawa. Para tuloy mas sumama ang pakiramdam niya at nag-init pati singit niya."Tangina ka ba?" malutong niyang mura. Parang pinutol lang nito ang tulog niya dahil wala na