Natapos ang exam week nila ni Angela na tinatawag din nilang hell week dahil sa sobrang babad nila sa pag-re-review. Tila naging impyerno talaga iyon sa mga tulad niyang estudyante dahil kulang na nga sila sa tulog, kulang pa sa pahinga. Kulang talaga sa lahat.
Dahil na rin sa exam na 'yon, ilang araw na rin na hindi sila nag-uusap ni Heart nang maayos. Hindi siya nito kinukulit gaya nang dati siguro na rin busy ito sa pag-re-review para sa exam nila. May inaalagaan din itong grades tulad niya. Nagkikita na lang sila tuwing schedule ng exam pero hindi talaga sila nag-uusap or kahit nagkukulitan man lang.
At tuwing nakikita niya si Heart ay naiisip niya ang sinabi ng kuya nito sa kaniya no'ng nakaraan. Hindi nga lang 'yon basta sabi lang, eh. May kasama pang pagbabanta na hindi naman siya masiyadong affected.
Hindi talaga kasi naiisip lang naman niya 'yon all the time.
Yeah, hindi siya affected. Hindi talaga.
Minsan napapatanong siya kung dapat nga ba niyang iwasan ang kaibigan niya? Wala naman siyang nakikitang rason para iwasan ito, sa totoo lang. Mabait naman ito, malayo sa ugali ng kuya nito. At maliban sa naaawa siya dahil siya lang naman ang kaibigan nito, sa kaniya lang kasi medyo madaldal si Heart at hindi ito basta-basta lumalapit sa mga classmates nila. Paano na lang ito kung pati siya ay iiwas na rin?
Nandito siya ngayon sa canteen and as usual nandito siya sa pwesto nila ni Heart, malapit sa bintana. Dito sila palaging punupwesto ng kaibigan niya, malayo sa mga "dugyot" daw nilang mga schoolmate. Maarte kasi ito at ayaw sa mga crowded places. Para na rin daw pwede pa ito makapagbasa ng mga libro.
"Hi! Kanina ka pa ba?"
Kahit hindi pa siya lumingon, alam na niyang si Heart na 'yon. Boses pa lang na palaging naka-high pitch, walang ibang may-ari no'n kun'di isang Heart Del Rio lang.
Nilingon na niya si Heart matapos niyang mailagay sa bag niya ang cellphone. Gaya ng dati, naka-smile na naman ito at may dalang libro. Alam niya ang librong hawak nito, nabasa na niya iyon somewhere, familiar kasi ang book cover.
"Nag-order ka na ba, Gel?" tanong nito nang malapag na nito sa mesa ang shoulder bag nito at libro. "Wait lang, ah? Order lang ako ng foods natin."
Ganiyan si Heart. Hindi ito madamot. Sa ilang buwan na palagi niya itong kasama ay halos ito palagi ang nanlilibre sa kaniya. Alam kasi nito kung ano ang status niya sa buhay pero hindi naman siya pumapayag na palagi na lang ito ang gumagastos ng pagkain niya.
Shocks! Baka naiisip ni Brian na piniperahan ko ang kapatid niya, bulong ng isip niya kaya agad niyang pinigilan si Heart. Mabilis niyang hinawakan ang braso nito para pigilan ito.
"Why?" nagtatakang tanong ni Heart sa kaniya. Nakakunot pa ang noo nito.
Tumayo siya at kinuha ang bag niya. Ngumiti siya kay Heart. "'Wag mo na kong bilhan. Tapos na 'ko kumain. Mauna na 'ko, may gagawin pa kasi ako."
"Are you okay?"
Kitams? Pati takbo ng utak niya parang nababasa na nito.
Pinaupo siya ulit ni Heart kaya nagpaubaya na lang siya. Naisip niya na hindi naman pwede na hindi niya sabihin kay Heart ang nangyari.
"May problema ka ba?"
"Kinausap ako ng Kuya mo."
"Really?" Parang excited pa ito. "What happened? Did he bribe you or something?"
"Ha?" Siya naman ang nalito. Bakit parang normal na lang kay Heart ang ginagawa ng kuya nito.
"Hindi pa?" tanong na naman nito at tinitigan siya. "Si Kuya ba talaga mismo ang kumausap sa'yo?"
Tumango siya na siya namang ikinangiti ng kausap niya. Kahit nalilito ay pilit niyang tinitigan si Heart para mabasa kung ano ang iniisip nito pero wala siyang napala.
"So," maarte itong nagsalita. Umupo na ito sa harapan niya at hindi na itinuloy ang balak nitong pag-order. Mas gusto pa yatang makinig sa chismis na dala niya. "Anong sinabi ng magaling kong kapatid?
"Tinakot niya 'ko. Layuan daw kita. Baliw ba 'yang kuya mo?"
Kitang-kita niya ang maarte nitong pagtakip ng bibig at nanlaki pa ang mga mata pero ilang segundo lang din ay bigla itong tumawa. Nagsitinginan pa nga ang mga estudyante na kasama nila sa canteen kaya taranta siyang pinalibot ang paningin. Baka kasi nasa paligid lang ang kuya ni Heart at totohanin pa ang pananakot nito sa kaniya.
Nang hindi niya makita ang pagmumukha ni Brian ay saka niya muling binalingan si Heart. Tumatawa pa rin ito na para bang nag-jo-joke lang siya. Samantalang takot na takot na nga siya pero parang balewala lang ito sa kaibigan niya.
"Teka nga lang. Meron ba 'kong hindi nalalaman sa inyong dalawa? Baka magkaaway kayo ng kapatid mo tapos dinadamay mo 'ko." Matigas niyang sabi dito pero muli na namang natawa si Heart.
"Wala uy! Ano ka ba!" Tumigil ito sa pagtawa at seryosong tumingin sa kaniya. "Bilib ako sa'yo kung si Kuya talaga mismo ang kumausap sa'yo. Kasi 'yang si Kuya, hindi siya mismo ang kakausap sa mga taong ayaw niya, maraming 'yang mga robot na pwede niyang utusan." Ngumiti ito at kinindatan siya. "But in your case, personal ka niyang kinausap. Isa lang ang meaning niyan, my Kuya likes you."
Mabilis niyang hinablot ang libro na nasa mesa. Balak niya sanang ibato iyon kay Heart. Mas baliw pa yata 'tong kausap niya kaysa kay Brian, eh. Kung ano-ano na lang ang naiisip. Pero hindi pa nga niya nakuha ang libro ay mabilis namang naagaw iyon ni Heart.
"Hey! Not my book, Gela! Not my book!"
"Nababaliw ka na ba? Are you trying to set me up with your brother?" naiinis niyang tanong dito.
Kung pagbabasehan ang mga galaw ni Heart kanina, parang may binabalak talaga itong masama sa kaniya. Baka may balak nga siguro itong maging Kupido at may hawak na itong pana ngayon para panain ang puso niya at puso ng kapatid nito. Pero kung totoosin, hindi naman na nito kailangan panain ang puso niya dahil crush naman niya ang kuya nito dati pa.
Mabilis siyang napailing. Wala siyang gusto sa lalaking mayabang!
Humawak sa dibdib si Heart at gulat na itinuro ang sarili. "Ako? Ise-set up ka sa kuya ko?" Mabilis itong umiling. Of course --" Napaubo pa ito. "Of course not! Why would I do that?"
Tinitigan niya ito nang mariin para sana paaminin, pero syempre, Heart will always be Heart at hindi ito basta-basta lang aamin dahil gusto niya itong paaminin. Sabi nga nito, magkamatayan na.
Ngumiti ito sa kaniya at kinuha ang wallet nito sa bag. Mukhang ngayon na nito gagawin ang balak nitong pagbili ng pagkain kanina.
"Wait lang, bibili na 'ko ng pagkain. What do you want?" tanong nito na para bang wala itong ginawang kabaliwan. "You want some burger?"
"Wala, busog nga 'ko."
"Alam kong 'di ka pa kumakain. Sige, bilhan na lang kita ng burger, fries, at milk tea. Pambawi ko na lang sa ginawa ng kuya ko sa'yo." Tinapik nito ang balikat niya at sabay bumulong. "No worries, kukuha ako ng money sa wallet niya mamaya."
Tinitigan niya ito nang masama. Magkapatid nga talaga ang dalawa. Hindi pala dapat siya magtaka. Magkaugali, eh.
Pero sana nga talaga walang ginagawang kabaliwan itong si Heart. Sana mali ang naisip niya kanina. Sana nga...
But she should have known better...
Natapos ang exam week nila ni Angela na tinatawag din nilang hell week dahil sa sobrang babad nila sa pag-re-review. Tila naging impyerno talaga iyon sa mga tulad niyang estudyante dahil kulang na nga sila sa tulog, kulang pa sa pahinga. Kulang talaga sa lahat.Dahil na rin sa exam na 'yon, ilang araw na rin na hindi sila nag-uusap ni Heart nang maayos. Hindi siya nito kinukulit gaya nang dati siguro na rin busy ito sa pag-re-review para sa exam nila. May inaalagaan din itong grades tulad niya. Nagkikita na lang sila tuwing schedule ng exam pero hindi talaga sila nag-uusap or kahit nagkukulitan man lang.At tuwing nakikita niya si Heart ay naiisip niya ang sinabi ng kuya nito sa kaniya no'ng nakaraan. Hindi nga lang 'yon basta sabi lang, eh. May kasama pang pagbabanta na hindi naman siya masiyadong affected.Hindi talaga kasi naiisip lang naman niya 'yon all the time.Yeah, hindi siya affected. Hindi talaga.Minsan napapatanong siya kung dapat nga ba niyang iwasan ang kaibigan niya? W
"I'm not interested in meeting your friend."Tila nalunok ni Angela ang kaniyang dila nang marinig mismo kay Brian ang mga salitang iyon. Napaatras na lang siya dahil ayaw na niyang marinig pa ang mga sasabihin pa nito. Grabeng ugali naman 'yan. Dati ayaw niyang maniwala sa mga sabi-sabi, pero ngayon parang legit talaga na masama ang ugali ng Brian na 'to.Wala rin naman siyang gusto na makita ito, eh. Kung hindi dahil sa pamimilit ni Heart ay wala talaga siyang balak na makita o lapitan ito. Ni sa buong buhay niya, hindi niya talaga inisip na lapitan ito. Okay na siya na makita lang ito kahit sa malayo.Kilala na niya si Brian mula pa no'ng Grade 7 siya at ito naman ay Grade 8. Tanga na siguro talaga ang hindi makakilala sa binata. Sobrang sikat nito sa campus mula pa no'ng high school sila. Maliban kasi sa magaling itong kumanta ay parang nasalo na nito ang lahat ng talent sa mundo. Matalino ito at lahat yata ng subject ay hindi nito inuurungan. Sobrang galing din ito sa arts at mag
"Angela naman, eh." Singit na naman ng best friend ni Angela na si Angelo. "Sumama ka na kasi, saglit lang naman 'yon, eh."Kanina pa siya pinipilit ng best friend niya na samahan daw niya ito sa campus dahil may sasalihan daw ito. At kanina pa rin niya ito tinatanggihan. Hindi niya rin maintindihan kung bakit hindi maintidihan ng lalaking 'to ang salitang 'busy' at patuloy pa rin siyang kinukulit kahit panay tanggi lang naman siya. Hindi pa rin tumitigil ang best friend niya.Busy nga kasi siya. Nagtatahi siya ng nipa dahil Sabado rin naman kaya tinutulungan niya ang Mama niya para kahit papaano ay may magastos siya sa susunod na linggo. Ganito ang buhay niya tuwing weekend kaya wala talaga siyang panahon para samahan ang lalaking kanina pa nagpupumilit."Ano ba kasing gagawin mo do'n?" tanong niya kay Angelo habang patuloy pa rin siya sa pagtatahi ng nipa. Para sa kaniya ay ginto ang bawat segundo kaya kahit kausap pa niya ang kumag na ito ay ipagpapatuloy niya pa rin ang pagtatahi.
"Yes, hello? Angela speaking."Antok na antok pa si Angela nang sagutin ang siraulong caller niya. Nakapikit pa ang mata na pinindot niya ang answer button, ni hindi na nga siya nag-abalang basahin pa ang pangalan ng caller. Basta na lang siya nagpindot dahil gusto pa niyang matulog. Sobrang sama ng pakiramdam niya mula pa kaninang umaga. Dahil siguro sa nabasa sila ng ulan kahapon dahil sa ginawang girl scout camping ng mga estudyante nila. Hindi pa nga siya nakainom ng gamot kaya parang hindi bumababa ang init ng katawan niya.Bungisngis agad sa kabilang linya ang narinig niya. Parang hindi na niya kailangan pang hulaan kung sino ang walang-hiyang tumatawag sa kaniya ngayon. Pagtawa pa lang nito ay kilala na niya."Pakausap nga sa hero ng Mobile Legends. 'Yong hero na magaling pumatong," anito at muli na namang tumawa. Para tuloy mas sumama ang pakiramdam niya at nag-init pati singit niya."Tangina ka ba?" malutong niyang mura. Parang pinutol lang nito ang tulog niya dahil wala na