LOGINPagdating ko sa briefing area, nandoon na ang ilang bagong agent na makakasama ko. Tahimik akong pumwesto sa sulok, nakatutok ang mga mata sa screen habang ipinapakita ng officer ang detalye ng misyon. Simple lang naman, pero alam kong kailangan kong mag-ingat. Unang araw ko pa lang; ayokong may makapansin na mas mabilis magproseso ang utak ko kaysa sa isang ordinaryong agent.
"Makinig kayong mabuti," panimula ng briefing officer habang pinapalitan ang digital map sa screen. "Hindi ito simpleng routine patrol. May na-detect tayong kakaibang aktibidad sa isang restricted area sa labas ng lungsod. Ang trabaho natin ay i-secure ang lugar, mangolekta ng impormasyon, at i-report ang anumang konektado sa illegal vampire activity." Tahimik akong nakikinig habang nagsusulat ang iba. Para sa akin, basic ang mga utos na 'yun, pero pinili ko mangatwirang tahimik. Kung gusto kong manatiling ordinaryo, kailangan ko ring matutong magkunwaring nag-aabang. "Agent Amire." Lumingon ako sa nag-aabang na tingin ng officer. "Yes, sir?" "Ikaw ang ilalagay ko sa Team B. Sundin mo ang lead nila at tumulong sa field observation. Huwag kang gagawa ng mga unnecessary risk, lalo na't unang araw mo." Tumango ako nang mabilis. "Understood, sir. Susunod ako sa team at magre-report agad kung may makita akong kahina-hinala." Ewan ko, pero parang may bahagyang ngisi sa mukha niya bago tumango. Siguro dahil baguhan ako at gusto niyang makita kung paano ko dadalhin ang sarili ko sa totoong field. Pagkatapos ng briefing, isa-isang nagsialisan ang mga kasama ko. Lumapit sa akin ang isang lalaking nasa late twenties, iniabot ang kamay. "Ikaw si Amire, 'di ba? Ako si Marcus, ang lead ng Team B." Tinanggap ko ang kamay niya. "Yes, Amire Athanasia Vladimir Diaz." May bahagyang rehistro ng gulat sa mukha niya nang marinig ang buong pangalan ko, pero mabilis din niyang binawi. "Diaz?" "Oo." "Interesanteng apelyido." Ngumiti ako nang tipid. "Apelyido lang po." Hindi na siya nag-inità pang magtanong. "Sige. Manatili ka lang sa tabi ng grupo. Kapag may nakita kang kaduda-duda, huwag kang aaksyon nang mag-isa. Tawagin mo ako agad." "Masusunod." Narinig ko ang yabag mula sa likod ko. "AA." Lumingon ako; si Eireen, may hawak na communicator habang papalapit sa akin. "Kasama ka sa Team B?" "Oo." "Mabuti. Tandaan mo ang pinag-usapan natin." Inirapan ko siya nang biro. "Huwag mo ngang ulit-ulitin sa akin 'yan kada limang minuto." "Uulitin ko kung kailangan." Natawa ako nang mahina. "Wala akong gagawing katarantaduhan, pangako." Tinitigan niya ako nang mariin bago bumaba ang boses. "Alam kong wala. Hindi ako nag-alala sa misyon, Amire... nag-alala ako baka mawala ka sa focus kapag may narinig ka na namang tungkol kay Leonardo." Nawala ang ngiti sa labi ko. "Hindi mawawala." "Promise?" "Promise." Saka lang siya tumango nang tipid. "Sige na. Mag-ingat kayo." Ilang minuto ang lumipas at sumakay na kami sa sasakyan ng Association. Habang binabagtas namin ang daan palabas ng headquarters, nakatitig lang ako sa bintana, pinapanood ang mga gusali na lumiliit sa paningin ko. Bago pa lang sa akin ang Australia, pero hindi na 'yun ang laman ng isip ko. Si Leonardo. Paulit-ulit na bumabalik ang mukha niya. Kung paano siya tumingin kanina. Ang bahagyang pagtataka sa mga mata niya. At higit sa lahat, ang sinabi niyang pamilyar daw ang mukha ko. Bakit ba hindi ko matanggal 'yon sa isip ko? "First day mo rin ba rito?" basag ng babaeng agent na nakaupo sa tapat ko. Binalik ko sa kanya ang atensyon ko. "Oo." "Same. Medyo nakakapanibago, 'di ba? Sabi nila, mahigpit daw talaga rito sa Main Association." Ngumiti ako nang tipid. "Mukha nga." "Nakausap mo na ba si Dr. Diaz?" Literal na napatigil ang paghinga ko. Pero pinilit ko ang sarili kong huwag magpahalata. "Sino? Dr. Diaz?" "Oo, si Leonardo Diaz." Tumango ako nang dahan-dahan. "Ah, oo. Nakita ko siya kanina." "Talaga? Hirap daw lapitan 'yon kapag abala sa trabaho, pero mabait naman daw. Isa siya sa pinakarespetadong scientist dito." Hindi ako nagsalita, hinayaan ko siyang magpatuloy. "Matagal na siyang nagtatrabaho rito," dagdag pa niya. "Hindi naman siya bampira, pero bilib ang buong Association sa kanya. Marami siyang ginagawang research para sa medical division." "May pamilya ba siya rito?" Pagkabitaw ko ng tanong na 'yon, gusto kong sakalin ang sarili ko. Sobrang obins. Napakunot ang noo ng babae. "Family?" "Ah—este," mabilis kong bawi. "Wala, dahil matagal na siyang nandito, naisip ko lang kung may naiwan ba siyang pamilya rito sa Australia." Nag-isip siya saglit. "May na-chismis nga... parang may girlfriend na raw siya ngayon. Sabi nga ng iba, baka magpakasal na raw sila." Parang may humampas sa dibdib ko. Kasintahan. Girlfriend. Wala akong karapatang masaktan. Alam ko 'yun. Wala akong alam sa buhay niya ngayon, at hinding-hindi ako naging parte ng mundo niya. Pero kahit anong sabihin ng isip ko, iba pa rin pala kapag narinig mo mismo sa iba na may sarili na siyang buhay—isang buhay na walang espasyo para sa akin. "Amire?" tanong ng babae, nag-aalala ang mukha. "Ayos ka lang? Namumutla ka yata." Pilit akong ngumiti. "Pagod lang siguro. Kaba ng first day." Hindi na siya nagtanong ulit. Pero nanatili roon ang bigat. May iba na siyang pamilya. Masaya na siya. At ako? Isa lang akong estranghero na nagtatago sa likod ng agent uniform para lang masilip ang tatay na hindi man lang ako nakilala. "AA," tawag ni Marcus mula sa unahan. "Andito na tayo." Agad kong inayos ang sarili ko, kinuha ang gamit, at bumaba ng sasakyan. Ibinaba ko ang emosyon ko; hindi ito ang oras para mag-drama. May trabaho akong dapat tapusin. Tahimik ang restricted area. Pero habang naglalakad kami, ramdam ko ang kakaibang aura sa paligid. May mga bakas ng galaw na hindi gawa ng ordinaryong tao o bampira. "Team B, magkahiwalay muna tayo sa pag-ikot," utos ni Marcus. "Huwag kayong lalayo. Amire, sumama ka sa akin." "Copy." Sinundan ko siya habang nagmamasid sa mga abandonadong istruktura. Maya-maya, nakita namin ang isang maliit na metal container na nakatago sa gilid ng pader. "Huwag mong hahawakan," babala niya. Tumigil ako. Lumapit ang isa naming kasamahan para i-scan ito gamit ang isang portable device. Ilang segundo lang, nanlaki ang mga mata nito. "May biological residue sa loob." "Tao?" "Hindi ko sigurado." Lumapit ako nang bahagya. Kahit hindi ko ginagamit ang buong kakayahan ko, naramdaman ko na ang klase ng amoy na lumalabas mula roon. Dugo ng bampira. Pero may hinalong ibang kemikal. "Marcus," tawag ko. "Bakit?" "May mali sa sample na 'yan." Nilingon niya ako. "Anong ibig mong sabihin?" "Hindi ko pa maipaliwanag nang buo, pero hindi natin 'yan dapat buksan dito." Nagkatinginan ang mga agent. "Bakit naman?" Huminga ako nang malalim bago sumagot. "Dahil kung ano man ang laman ng container na 'yan... buhay pa." Binaba ni Marcus ang tingin sa scanner at mabilis na tumango. "Tama siya. Huwag niyong galawin. Tawagin niyo ang medical research team." Habang naghihintay kami, kinuha ko ang communicator ko nang may mag-pop na notification galing sa Main Association. MEDICAL RESEARCH UNIT — REQUEST FOR SAMPLE TRANSFER. Nanigas ako nang mabasa ang pangalan ng senior scientist na nag-apruba. Dr. Leonardo Diaz. Parang sinusundan ako ng pangalang 'to. Kahit anong takbuhin ko, kahit anong klaseng misyon ang ibigay sa akin, direkta pa rin akong ibinabato sa pangalan niya. Lumapit si Marcus sa akin. "Ayos ka lang?" Tumango ako agad. "Oo naman. Bakit?" "Kanina ka pa nakatitig diyan sa communicator mo." Itinago ko ang screen at pilit ngumiti. "Wala lang. Nagulat lang ako sa bilis ng alert." Hindi na siya nagtanong ulit. Habang nakatayo kami roon at hinihintay ang medical team, unti-unting bumigat ang dibdib ko. Hindi na lang ito simpleng pagkamausisa. May nakatagong kwento rito, at ramdam ko na malapit na akong madawit nang tuluyan. Hindi ko pa alam kung bakit siya narito sa Australia. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila ni Mama noon. At lalong hindi ko alam kung paano ko haharapin ang katotohanan kapag nalaman ko na. Pero isang bagay ang nakatatak sa isip ko ngayon: Hindi na lang siya basta pangalan sa lumang papel. Totoo siya. Humihinga siya. At anuman ang meron sa nakaraan niya... sisiguraduhin kong malalaman ko kung bakit niya kami iniwan.Nilabas ko ang lahat ng powers ko kahit nararamdaman ko na ang pag-hilab ng tiyan ko huwag ka muna lumabas, anak...pumikit na lang ako ng dumilat ako napayuko ako dahil mas sumakit ang tiyan ko napatingin ako sa ibaba dumadaloy na ang dugo sa ilalim ng tiyan ko. Umungol ako ng mas sumakit ang tiyan ko at pakiramdam ko gusto ng lumabas ng anak namin ni Leo. Duguan na ako nang ilabas nila ako sa futuristic human tube manganganak na ako sa anak namin ni Leo nakita ko nawalan siya ng malay. "Anong nangyari sa kanya, Drake?" I shouted, and I approached him immediately, even though my womb was hurting because I was about to give birth. "Hindi ko din alam," sagot niya sa akin, binuhat niya si Leo na wala pa ring malay. Sumigaw na ako ng malakas, mas sumakit ang tiyan ko, at pakiramdam ko na ang anak namin ni Leo lumapit kaagad sa akin si Drake para buhatin ako pagkatapos niya ilayo si Leo, naririnig namin ang sumasabog sa labas ng secret laboratory. Dinala kami ni Drake sa isang kwarto, a
Nasa malawak akong lugar nang magising ako akala ko nasa langit na ako pero hindi dahil hindi ito ang pakiramdam ko nung muntik na ako mamatay. Tumingin ako sa buong paligid nagbabago ang paligid ko sa tuwing naglalakad ako nakikita ko ang nangyayari sa pinanggalingan ko at napalingon ako ng makita kong tahimik nakatingin sa akin si Papa. "Papa..." banggit ko na lang, bakit hindi ako maka-lapit sa kanya nabaling ang tingin ko sa minamasdan ni Papa ang katawan ko. Ibig sabihin isa na akong kaluluwa kung nakikita ko ang sarili ko na minamasdan ni Papa? "Buhay pa ako, Pa!" sigaw ko sa kanya kahit may hinala na akong hindi ako maririnig nito. Paalisin nyo na ako sa lugar na ito hindi man kumpleto ang pamilyang pinapangarap mula pagkabata ko mas gusto pa makasama si Papa habang tumatanda ako. Nagbago ang paligid at para akong hinihigop pumikit na lang ako hindi ko alam ang nangyayari sa paligid ko. "Harold! Erika!" sigaw ni Papa ng maulinigan ko ang boses hindi ako makapagsalita umuung
Nang mapatay ni uncle Rufus si Sheena binuhat ko si Papa at nilagay sa likod niya wala nang malay si Papa. Sumunod ako sa pag-talon sa labas nagmura na lang ako na parehas sila nawalan ng malay nang bumagsak sila sa kalsada. Nagbabarilan at may mga sumusugod na lobo at bampira sa amin kasama ang mga bernadine.I jumped from the other building and many people were already running away from their building. Nagmura ako na hindi nakabangon si uncle Rufus humarang ako sa kanila ng sugurin sila ng mga kalaban kahit duguan na ako."Papa!" tawag ko nang maalis ko ito sa likod ni uncle Rufus.Tinawagan ko sa isip sina Drake at Eireen nakita ko na lumalaban si Harold kasama ang kanilang anak. Dumating silang dalawa at nilabas ni Eireen ng carpet mula sa kapangyarihan niya sumakay kami para pumunta sa kastilyo. Tumalon si Drake para balikan niya si uncle Rufus nang makuha niya tinulungan namin siyang itaas wala na kaming pakialam kung may makita kami sa katawan nito.Umalis na kami sa tapat ng h
Isang buwan ang lumipas, nalalaman namin ang ginagawa ng mga kalaban ng dahil sa tulong ni Rufus."Pumupunta paba siya sa hospital?" tanong sa akin ni Zas nang magkita kami sa hallway ng hospital.Luminga-linga na lang ako sa paligid namin kung may nakatingin na kahina-hinalang katulad namin o ibang nilalang umiling kaagad ako sa kanya umalis muna ako sa laboratory sa underground para tumulong sa mga doctor na umaalis na sa hospital at lumilipat sa ibang bansa. Bago man sila umaalis dito inaalisan sila nang alaala na nakasama nila ang ibang nilalang na nakakasalamuha nila na hindi namin kalahi ang mga taong hindi inaalisan totoo ang malasakit sa kanila na walang pagpa-panggap sa kanilang damdamin at isipan. "Hindi naman siya nagpupunta dito, Zas nahuhuli lang siya ni Drake o ni Harold bantay-sarado ang hospital mula nang tumakas si Sheena at ang dating kaibigan ni David," pahayag ko kailangan namin walang nalalaman sa lahat nangyayari sa paligid para hindi maka-halata ng kalaban."Ini
Makalipas ng ilang buwan, maraming dumagsa na pasyente sa hospital kung saan kami naka-duty. Mas marami ang nahawaan nang virus kaya inutusan kaming lahat ng Elders na maghanda para sa darating na war."Pa?" tawag ng anak ko sa akin kumakatok siya sa pintuan ng kwarto ko lumingon muna ako bago magsalita.Lumapit kaagad ako sa pintuan at bumungad sa akin ang anak ko na seryoso ang mukha."Bakit?" tanong ko."Sasama ako sa inyo ni Harold, Pa sabi niya may ipapakita daw siya sa akin, ano ba 'yon?" tanong ng anak ko sa akin napa-isip ako bigla ngayon na ba namin ipapakita ang futuristic human tube?Lumabas na ako sa kwarto sumama sa akin ang anak ko naabutan namin na nagtatalo sina Drake at Eireen sa sala. "Sasama kayo sa amin," tawag pansin ko naman sa kanila, kailangan ko ang presensiya nila kapag may nangyaring hindi maganda sa futuristic human tube.Lumingon ang dalawa nagtatalo at umiiling na lang ako pagkatapos. Sumama sila sa amin walang nagsasalita habang nasa loob kami ng sasaky
Nang makabalik ako sa association dumeretso ako sa training room binati pa ako ng mga tinuturuan kong baguhan."Hello, Amire!" bati nila sa akin tumango na lang ako sa kanila.Lumayo muna ako para pumunta sa locker room para sa mga babae nagpalit ako ng damit bago ako lumabas ulit para samahan sila."Patingin ng mga natutunan nyo sa training," panimula ko naman sa kanila nang huminto ako sa harapan nila bumaling naman ang tingin nila sa akin.Sinabi ko na kahit gusto nila na maging malaya pagkatapos ng misyon at training namin huwag nila kakalimutan ang na may responsibilidad pa rin kami sa association as agents. Nakit ko na tinanguan nila ako kaagad nagsimula na sila ipakita sa akin ang kanilang natutunan sa tinuro ko at nina Eireen kasama na si David.Tinawag ko ang agent na dumaan sa likod at tinanong kung may misyon ang magkakaibigan kaya hindi ko sila nakikita ngayon."May misyon na binigay sa kanila ang Elders at hindi sina Erika at Señior Dracula nakaka-bigla ang ganitong pag-u
The year 2030 May bagong trabaho ako dito sa Australia kasama ang makulit kong partner in crime. "AA!" makulit ang tawag nang kasama ko nasa likod ko kasi siya nauuna akong maglakad sa kanya. "Ano?" tanong ko habang nilingon ko ito at tinitigan ko ito ng seryoso. "Deretso na ba ako sa Vampires A
Nang matapos ang training namin ni Eireen nagpaalam siyang pupunta sa itaas para mag-assist ng mga pasyente dumadating. Naglakad naman ako papunta sa ward kung saan marami pang sugatan nandun mula ng mahawa sila ng virus.Paunti-unti nang umaalis sa ward ang mga naka-survived na kalahi n
My friend went to the patients after we talked and left the daughter of the woman I love by my side."That man left you and your mother, Amire." sabi ko na lang, bakit niya tutulungan ang taong 'yon.She turned her gaze to me and pulled me away from the people around us and took
Nagpunta muna kaming dalawa sa malawak na library nagtanong pa ako sa agent na dumaan sa tabi namin."Parang katulad lang nang library sa Baguio,"sabi ko na lang nang makapasok kami sa loob hinanap namin ang tungkol sa lahi ni David at nang girlfriend ni Leo.Gamit ang bilis nam







