INIS na tinawagan ni Nikole ang kanyang ama. Tiyak na gising pa ito dahil dito malamang galing ang utos na bantayan siya.
“Hello, sweetheart. Are you alright? I heard you were in trouble,” magiliw na salubong ng ama sa kabilang linya.
“Dad, come on! What’s with these men? Akala ko ba nag-usap na tayo tungkol dito? Hindi naman ako gano’n ka-exposed sa media para manganib ang buhay ko,” reklamo niya.
“Okay, I’ll think about it. Let me talk to Jules.”
The line went dead. Maya-maya pa ay narinig niyang may kausap ang driver. “Yes, sir. The princess is okay.”
Pinaikot ni Nikole ang mata dahil sa narinig.
Princess, my foot.
Nanggigigil talaga siya. Kung matagal nang laging nakabuntot sa kanya ang mga bodyguards. Hindi kaya alam din ng mga ito na pumunta siya sa condo ni Alex dati at umuwing laglag ang balikat? Probably they knew even the smallest detail of her private life! Masyado siyang naging kampante sa sinabi ng daddy niya.
“Rest assured, sir. We’ll take good care of her,” sabi ni Julian na hindi nawawala ang konsentrasyon sa pagmamaneho.
“Dumeretso tayo sa bahay. Gusto kong makausap si Daddy,” wika ni Nikole matapos makipag-usap ni Julian sa kanyang ama.
“As you wish, Princess.”
“Don’t call me that!” angil niya sa lalaki. Masyado itong pa-cool at hindi niya gusto ang pagiging presko nito.
Julian shrugged. Hindi na ito nagkomento pa.
Nanatiling nagpupuyos pa rin si Nikole hanggang marating ang mansyon nila sa isang exclusive subdivision sa Makati.
Hindi na niya nahintay na pagbuksan siya ng pinto ng sasakyan dahil mabilis siyang nagmartsa palabas at tinungo ang bahay. Naabutan niyang nagkakape ang kanyang ama sa mahabang sofa, na wari ay hinihintay talaga siya.
“It’s almost three in the morning, sweetheart. What happened?” nakangiting tanong ng ama.
Humalik pa rin siya sa pisngi nito kahit inis na inis siya.
“Dad, please. Remove my bodyguards. They make me uncomfortable!” Padabog na naupo siya sa tabi nito.
“You’re reeking of alcohol. Mabuti na lang at hindi ka napahamak.”
“Daddy naman e. I’m old enough to take care of myself. I know my limitations. Hindi naman ako uminom nang sobra.”
“You can’t blame me. You’re a billionaire’s only daughter. Your safety is a priority.” Nagkibit lang ng balikat ang ama.
“I feel betrayed. Akala ko ba pumayag ka nang wala akong bodyguards?”
“I never agreed. You only assume that since they were concealing their presence.”
Hinawakan ni Nikole ang ama sa balikat. “Dad, I promised not to give you a headache. I only want to enjoy my freedom! I deserve a break. I’m heartbroken.”
“You’ll move on. You’re still young. Better avert your focus on these unimportant things.”
“Please, I’ll start working along with you. I don’t need these bodyguards. Please…” Nagmamakaawang anas niya.
Nagbuga ng hangin si Vicente. “Sorry, sweetheart. But I can’t do that.”
Her jaw flexed. “Okay, let’s meet halfway. Give me just one bodyguard. I don’t need ten!”
Tumingin sa kanya ang ama at wari ay inaarok ang kanyang sinabi. “Okay, deal.”
Nakahinga nang maluwag si Nikole. Madali niyang matatakasan ang bodyguard kung mag-isa lang ito.
“All right. I’m good with that.”
Humigop ng kape ang ama. “Jules will be with you all the time. I can’t entrust you with anybody.”
Napaangat ang isa niyang kilay. “What about Kaden?”
“Well, Kade is an exemption. If you’re with him, then you wouldn’t need Jules. However, Kade is a busy man, at hindi mo siya chaperone.”
Lihim na napangiti si Nikole. Problem solved agad. Kailangan lang niyang laging makasama si Kaden para tantanan siya ng Julian na ‘yon. Masyado itong presko para sa isang bodyguard lang!
DINIG na dinig ni Julian ang usapan ng mag-ama habang nakatayo siya sa hindi kalayuan mula sa likuran ng mga ito.
What a spoiled brat. He thought.
Pinigil niya ang mapailing. Kung hindi lang sa napakalaking offer sa kanya ni Vicente Castellaneta, hinding-hindi niya tatanggapin ang trabahong ito. Hindi basta-basta ang kanyang security agency. Pawang mga VIP ang kanilang mga kliyente.
Kung tutuusin nga. Malaking insulto sa skills niya ang gawin lang na tagabantay ng isang spoiled brat na anak ng bilyonaryo. Pero kailangan niya ng additional funding dahil plano niyang mag-expand ng business at makapag-purchase ng mga bagong equipment para sa training ng kanyang mga tauhan.
But the billionaire business tycoon promised that the work wouldn’t last a year. Maliit na sakripisyo lang ito kung tutuusin. Kailangan lang niyang siguruhin ang kaligtasan ng anak nito dahil masyado itong easy-go-lucky na hindi alintana ang panganib na nakapalibot dito.
Naalala pa niya ang naging pag-uusap nila ng ama ni Nikole.
“Are you going to hire another set of bodyguards after a year?” tanong niya sa matandang lalaki.
“If my daughter continued to become irresponsible. I’ll have her marriage arranged.” Nagbuga ito ng hangin at nagpatuloy, “I can’t blame her. She lost her mother at a young age, at madalas wala ako sa tabi niya dahil sa dami ng inaasikaso kong negosyo. I love my daughter so much, kaya ayaw ko siyang mapahamak.”
“Do you think marrying her off would solve your problem?” tanong ni Julian.
Bahagyang umiling si Vicente. “I don’t think so. But at least someone would look after her.”
Julian nodded.
Sa panahong sinisundan niya ang unica hija ni Vicente, hindi ito basta-basta lang. Akala niya typical na anak mayaman na puro pagpapaganda lang ang inaatupag nito. But he was surprised she was a bit tomboyish, madalas big bike ang ginagamit nito. Bigla lang itong nagbago ng pananamit nitong mga nakaraang araw, at mas naging revealing mula nang nagkahiwalay sila ni Alex. Nikole was showing so much skin after what happened.
Ngayong nakilala na siya nito. Mukhang siya na lang ang mismong naatasang magbantay dito. Iniisip na lang niya na matatapos din ang kanyang kalbaryo.
“Jules, come here!” tawag ng matandang lalaki sa kanya.
Mabilis naman niyang tinungo ang kinaroroonan ng mag-ama.
“Yes, sir?”
“Nikole agreed to have you all the time. Kaya kahit huwag mo nang isama ang mga tauhan mo.”
“Agreed.” Listang sagot ni Julian.
Masama naman ang tingin sa kanya ng prinsesa ng mga Castellaneta. Alam niyang napilitan lang ito.
“I thought you’d be happy that I chose a good-looking bodyguard,” biro ng matandang lalaki.
Lalong sumama ang mukha ng dalaga.
“I chose Jules so it wouldn’t be awkward when you’re together all the time. You two are a good pair.”
Inis na tumayo ang dalaga. “My head is spinning. I need to sleep. Good night, Dad!” tuluyan na itong nagmartsa paalis.
Hatid ng tingin ni Julian ang nagpupuyos na dalaga.
“You’ll need a lot of patience, Jules. I entrust her with you.” Napapailing na wika ni Vicente habang hatid ng tingin ang nagdadabog na anak.
“I’ll protect her, sir.”
Tipid na ngumiti ang matanda at tumango.
FAMILY REUNIONNAGTIPON ang lahat sa pahabang mesa sa loob ng mini library sa bahay. Kaden was explaining the situation and Nikole would support him with information. Ipinaliwanag nila kung ano ang hindi inaasahan na pangyayari noong debut ni Tehani. “In short, Lucas’ father is… Uncle Julian?” hindi makapaniwala si Kane. Although he couldn’t remember the man, puno ng pictures sa bahay na magkasama sila habang karga siya nito noong bata pa. “Now I know why Teha is not here. She’d surely freak out.”Hindi mapakali si Juli sa kinauupuan. Parang hindi agad natanggap ng kanyang sistema ang mga sinabi ng magulang. Buhay ang ama niya. Pero ang masaklap ay hindi sila nito makikilala. Pero kahit isang yakap lang sana, okay na siya roon. Matagal nang nag-iipon si Juli ng impormasyon tungkol sa pagkawala ng ama. Suportado naman siya ng magulang kahit sa napakaliit na tyansa na maaaring nakaligtas ito. Because everyone knew, Julian Arevalo died a hero. Kaya isang napakalaking surpresa sa kanila
THE PRESENT“BAKIT pakiramdam ko kilala ko sila. It’s weird, they felt familiar.” Lumalim ang gatla sa noo ni Luke habang pabalik na sila sa kanilang Mesa. Hindi naman kasi talaga sila dapat pupunta sa party na ito kung hindi sa pangungulit ni Lucas. Apparently, he liked this girl. Kaya kinilala na rin nila ang magulang nito. Biglang tinambol ang dibdib ni Hera sa sinabi ng asawa. May koneksyon kaya ang mag-asawang iyon sa nakaraan ng ni Luke? Alanganin na ngumiti si Hera. “Love, kalma lang. We’ve been together for twenty years. Even our son is having a girlfriend. You’d still want to know your past?”“I want to be whole again, Love. Para bago man lang ako mamatay masagot ang napakaraming katanungan sa isip ko.”Tumango si Hera. “I will help you…”Bumalik na sila sa mesa pero nagpaiwan si Lucas na kausap pa ang magulang ni Tehani. Luke couldn’t get his eyes off Tehani’s mother. She was surely pretty, but there was something about her that he could not explain. Bakit malakas ang kab
NAPASIGAW si Julian nang tumama sa kanyang ulo ang matigas bagay. It was a ship debris. Naroon na siya sa speedboat at papaalis na siya. Kailangan niyang makabalik sa pampang. Pero dahil sa malakas na hagupit ng hangin at sa kanyang tama sa ulo ay nahihirapan siyang makagalaw. “Hirsch! Do you copy?” There was a faint static sound. Mas tinatalo ng lakas ng hagupit ng hangin ang tunog mula sa kanyang earpiece. Pinanatili niya ang natitirang katinuan bago pa siya maianod ng nangangalit na mga alon kaya itinali niya ang sarili sa speedboat. “Hirsch! Hirsch!” Pero isa pang debris ang tumama sa ulo niya at tuluyan na siyang nawalan ng malay. Milagro na maituturing na sa isang pribadong isla napadpad ang naghihingalong katawan ni Julian na sa awa ng diyos ay nanatiling nakatali sa speedboat. Habang sa hindi kalayuan ay may isang babaeng panay ang hikbi at sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman ay gusto niyang lamunin na lang siya ng karagatan. She just got married. But her husband die
20 YEARS LATERABALA si Nikole sa pagiging Chairman ng CREC at malalaki na ang mga anak nila. She had another two kids with Kaden, isang lalaki at babae ang bunso. Sina Nikolas at Tehani. Ang panganay nilang si Kane ay siya na ngayong namamahala ng law firm. And kambal nilang si Callie at Juliette ay siya namang namamahala ng negosyo ng naiwan ng mga ama niyo. Si Nikolas naman ay mukhang susunod sa yapak ng ama na mag-aabogasya rin. Pero ang bunso nilang si Tehani… ay mukhang hindi pa alam kung saan ang patutunguhan.Nasa loob si Nikole ng kanyang opisina nang biglang pumasok ang madilim na mukha ni Kaden. Halos dalawang dekada na ang dumaan mula nang ikasal sila pero makisig pa rin ito. Alaga nito ang katawan kaya parang hindi ito tumatanda. “What’s wrong sweetheart?” takang tanong ni Nikole sa asawa.“Ang magaling mong bunso may boyfriend na!” Nanggigigil itong naupo sa receiving chair. Masyado itong protective sa bunso na namana yata ang taglay na katigasan ni Nikole noong kabata
NIKOLE and Kaden celebrated a wedding of a century makalipas ang tatlong buwan. Napakabongga niyon na ginanap sa Manila Cathedral. Halos lahat ng kilalang tao sa mundo ng negosyo ay imbitado roon.Litaw na litaw ang ganda ni Nikole sa suot nitong traje de boda na idinisenyo pa ng pinakasikat na fashion designer sa Europe. She was like a princess. Even Kaden looked dashing in his wedding suit. Every guest was mesmerized by them.Puno ng galak ang bawat pamilya nina Kaden at Nikole. Lalo na si Vicente na hindi napigil ang maluha habang hinahatid si Nikole sa altar. Tuwang-tuwa rin si Kane na laging pinamamalita sa school nito na may bagong mommy na siya. Kane was their ring bearer. He even made Noah his best friend. Naroon rin ang bata bilang coin bearer. Callie and Juliette were the most adorable flower girls. Nagsasaboy ang dalawa ng petals ng pulang tulips sa red carpet nang ginanap ang wedding entourage. Kulay pula at ginto ang motif ng kasal at punong-puno ng mga fresh flowers a
“MAMA Niki and Daddy are sleeping together!” halos mabulabog ang buong kabahayan dahil pa ikot-ikot si Kane na nag-sisisisgaw habang hila-hila ang kanyang saranggola. “Yehey, they are making a baby!” Nagulantang ang mga nakarinig. Habang si Ken ay halos about tainga ang ngiti habang nagkakape nang umaga ng iyon. But the olds pretended they didn’t hear it. Bumalikwas ng bangon si Nikole. Kanina niya sapo ang noo dahil sa kahihiyan. Sa dinamirami ng makaka kita sa kanila ay ang batang makulit na iyon pa. Akmang tatayo na siya nang bigla siyang pigilan ni Kaden. “Stay…” “Kade, you have seen what happened? Ano na lang sasabihin ng pamilya mo?” parang biglang nawala ang antok niya sa katawan. “They won’t mind, believe me. Baka nga sila pa ang unang mag-celebrate.” Nikole’s face burned. “But—” “No more buts.” Hinila siya nito pabalik at bigla na lang itong pumaibabaw sa kanya. “You’re really something. After all our acrobatic show last night, you could still walk?” pinalihmgian si
MALALIM na ang gabi pero tuloy pa rin ang party. Pero natulog na nang maaga si Kaira. Habang si Kaden ay nakikipag-inuman sa ama nito. Naroon sila sa veranda. Nagsiuwi na ang ilang bisita. “What happened to the girl you brought here earlier?” usyoso ni Ken sa anak. “My son didn’t like her. So, I removed her from the list.” Kaden chugged his cognac. “Hindi ko kasi maintindihan. Bakit inilalayo mo pa ang mata mo kung meron naman sa malapit.” Makahulugang sambit ng ama. Natawa nang pagak si Kaden. “Who, Nikole? I wish.” “You wish? E tlagang hanggang sa wish ka na lang kung hindi ka gagalaw. You guys are both single now. Matagal nang magkakilala. You’ve been together through the darkest times of your lives. Ano pa ba ang hinahanap mo?” napapailing na saad ni Ken. “Niki didn’t like me.” “Then make her fall for you! Iba na ang sitwasyon niyo ngayon. You’ve both matured. Unlike before na mga bata pa kayo. You’re in your mid-thirties now.” “Niki didn’t want to be in a relationship
DUMATING ang baby shower ni Kaira. Pamilya at malapit na kaibigan lang ang mga naroon. Ginanap iyon sa mansion ng mga Elorde. Malapit na kasi ang kabuwanan nito. Kaira was expecting a baby boy. They all wore white dresses since it was the motiff. Iniwan ni Nikole ang kambal sa Lolo Vicente ng mga ito. Gustong-gusto naman kasi ng kambal doon. Lalo na ngayon na nakapansin-pansin na lalong lumalakas ang daddy niya mula nang magkaroon ng mga apo. “Congratulations, Kai! Now it’s your turn to be a mother!” She kissed Kaira’s cheeks. “Sorry, I didn’t get to buy a gift. Cash na lang. Is five million enough?”“Sure, no problem! That’s too much, Niki.”“It’s for the baby.” Hinawakan niya ang malaking tiyan nito.Nagulat sila nang biglang dumating si Kaden na may kasama ng mestisahing babae.“Who is that?” bulong ni Nikole sa kaibigan. Mula noong gabing aksidente silang nagkita saItalian restaurant kung saang nagkahulihan na magka-date ay wala pang nababanggit si Kaden na may bago na itong nak
DAHIL sa madalas na pangungulit ni Kane na gusto nang magkaroon ng nanay kaya sinubukan ni Kaden na makipagdate. Dahil wala siyang oras na maghanap kaya pinatulan na niya ang reto ng mga panyero niya dahil bihira raw mangyari na siya na mismo ang naghanap.Ngayon heto si Kaden nangangalay na ang panga sa kakangiti. Ayaw naman niyang magmukhang bastos sa kausap. Kasalukuyan siyang nasa isang kilalang Italian restaurant kasama ang isang Filipino Korean na si Samantha Park. She preferred to be called Sam. Parang gustong pagsisihan ni Kaden na sinubukan niya ang pagba-blindate.Goodness gracious, I won’t do this again! Kung sa hitsura lang naman ay wala siyang maipipintas dito. Taglay nito ang mga katangiang hinahanap madalas ng lalaki sa isang babae kung pisikal na aspeto ang pagbabasehan. Matangkad ito at makinis ang namumula-mulang kutis. Pantay-pantay ang ngipin at maganda ang tsinitang mata.Kaden tried his best to carry the conversation. Idinaan na lang niya sa mga biro. Pakiramdam