Bumaba si Carmela mula sa van. Agad na hinahaplos ng malamig na simoy ng hangin ng karagatan ang kanyang katawan habang tinitingnan ang maamong bayan ng Eldoria.
Ang mga kalsada, pinaganda ng mga tanim na bougainvillea na may iba-ibang kulay. Maging ang mga naglalakihang istrakturang yari naman sa kahoy. At lahat ng nakikita niya ngayon ay naglalarawan ng isang magandang tanawin na nagsasalita ng isang mas payak na buhay na hindi tinatamaan ng kaguluhan ng lungsod.
Sa paglipad ng kanyang tingin sa may pampang kung saan maingat na umaalog ang mga bangkang pangisda gawa ng pagtama ng alon, mabilis na binalot ng kapayapaan ang damdamin ni Carmela.
Ang Eldoria ay mayroon kaakit-akit na musika na para bang nananahan na sa kanya puso at pandinig na ngayon lamang nagising. Dahil pakiwari niya ay naghintay iyon sa kanya sa napakahabang panahon.
Sandaling nagpaalam si Carmela nang hapong iyon para maglakad-lakad. Hindi malayo sa mansion at resort na binili ng kanyang ama.
Naging masaya siya dahil hindi naging madamot sa matatamis nilang ngiti ang mga taga- Eldoria. At sa mukha ng mga ito parang nakikita niya ang kwento ng dagat.
Alam niyang mapapamahal siya sa bayang ito. Nararamdaman niya iyon. Hindi man niya matukoy kung sa papaanong paraan pero pinaniniwalaan niya ang sinasabi ng kanyang puso.
*****
“Kumusta ka dito sa kwarto mo, anak? Nagustuhan mo ba?” tinig iyon ni Martin. Ang kanyang ama.
Abala noon ang dalaga sa harapan ng salamin. Sinusuklay niya ang kanyang mahaba at mahogany na buhok. Minana niya ang kulay niyon sa kanyang namayapang ina na si Clara.
“Kamukhang-kamukha mo talaga ang Mama mo, hija,” iyon ang mga salitang narinig niyang sinambit ni Martin nang muli itong magsalita.
Sa puntong iyon ay matamis na ngumiti lang ang dalaga kay Martin. Ang ama niya ang humakbang palapit sa kanya saka siya mahigpit na niyakap.
“Maganda itong kwarto ko, Papa. Nagustuhan ko. Pati na rin ang lugar. Although hindi pa man ako nakakapag-ikot eh may palagay akong mababait ang mga tao rito,” pagsasabi niya ng totoo.
Sandali muna siyang inilayo ni Martin mula rito saka siya matamang pinakatitigan. “Masaya akong marinig ang mga salitang iyan mula sa iyo, hija.”
Tumango si Carmela. Pagkatapos ay tumingkayad siya saka dinampian ng simpleng halik sa pisngi nito ang matanda.
“Look how much you’ve grown, sweetheart. Alam mo kung nabubuhay lamang sana ang Mama mo, tiyak akong proud na proud iyon sa lahat ng narating mo at the age of twenty-five.”
Humaplos sa puso ni Carmela ang sinabing iyon ng kanyang ama. Totoo iyon. At the age of twenty-five ay malayo na rin ang narating niya sa buhay bilang chef.
Nang makapagtapos ng kolehiyo sa degree na Culinary Arts mula sa isang kilala eskwelahan sa Maynila ay agad na nagtungo si Carmela sa America. Kailangan ng ama niya ang five-star hotel kung saan siya nagtrabaho at kumuha ng experience bilang isang chef. At napatunayan rin naman niya ang husay niya sa larangan at propesyon na kanyang pinili. Maraming malalaking pinto ang nagbukas sa America para sa kanya.
Makalipas ang halos apat na taon ay nagbalik na nga siya ng Pilipinas. Ang dahilan, itong resort na binili ng kanyang ama. Para sa kanya. Para sa negosyong matagal na rin niyang pinapangarap.
"I believe that everything will align with our wishes, Papa," iyon ang sinabi niya kay Martin saka ito mahigpit na niyakap pagkatapos.
Hindi na sumagot doon si Martin. Sa halip ay nginitian lang siya nito saka dinampian ng isang masuyong halik sa kanyang noo. Pagkatapos ay iniwan na rin siya nito para makapagpahinga.
Binalikan ni Carmela ang ginagawa niya sa harapan ng salamin. Noon bumating muli sa kanya ang sarili niyang repleksyon. Gaya ng sinabi ng kanyang ama. Kamukhang-kamukha niya si Clara. Ang kanyang ina.
Her mother, being half-Spanish and half-Filipino, explained her mestiza appearance. As Martin mentioned earlier, she inherited her mother's sun-kissed hair, long enough to reach her waist, and remarkably soft, sa kabila iyon ng pagiging alon-alon nito.
Nanatiling mailap ang puso ni Carmela sa kabila ng matagal na panahong pananatili niya sa America. Hindi iyon dahil sa walang nagkagusto sa kanya. Ang totoo wala lang talaga siyang matipuhan. O baka mas tamang sabihing hindi nabingwit ng mga lalaking nagpakita ng interes sa kanya ang kanyang puso.
Ang resort na ito ay mananatili pa rin namang pag-aari ng kanyang ama. Sabi nga niya rito. Pagsasamahin lang nila ang husay niya bilang chef at ang hindi matatawarang karanasan ni Martin pagdating sa pagnenegosyo.
Sa naisip ay hindi napigilan ni Carmela ang pagkawala ng mahinang tawa sa bibig niya. Hindi pa man ay mukhang masyado na siyang magiging abala. Talagang mawawalan na siya ng panahon para sa sarili niya. Ang ibig niyang sabihin, sa sarili niyang lovelife.
Nagkibit siya ng mga balikat. Hindi naman siya nagmamadali. Dahil kung siya ang tatanungin hangga’t maaari gusto niyang ang una niya ay siya na ring panghuli.
Mas pinipiling maging praktikal ni Carmela pagdating sa mga bagay na puso ang pinag-uusapan. Para kay Carmela, ang pag-ibig ay sagrado. Hindi ginagawang laro. Ito ay isang pangako, isang mahalagang parte ng buhay na dapat pinag-iisapan.
Habang pinagmamasdan ni Carmela ang sarili niyang repleksyon sa salamin, nakasumpong siya ng hindi maipaliwanag na kalakasan. Umaasa pa rin naman siya na balang araw ay makikilala niya ang lalaking magpapatibok ng kanyang puso. Pero sa ngayon, ang kanyang ama ang mas mahalaga para sa kanya.
Ilang sandali pa at pinili na rin ng dalaga ang mahiga.
Ngayon niya naramdaman ang pagod. Mahigit anim na oras ang biyahe mula Maynila hanggang Eldoria. At kahit pa sabihing hindi siya ang nagmamaneho, nakakapagod pa rin. Mabuti nalang maganda ang tanawin kaya nalibang siya.
Ilang sandali pa at tuluyan na ngang nagpatangay si Carmela sa malalim na pagtulog. Masarap ang hanging malayang nakapapasok sa bukas na pintuan sa kanyang veranda.
Tahimik ang paligid at dinig na dinig niya ang malalakas na hampas ng alon sa dalampasigan. At ang lahat ng iyon ang nagsilbing musikang pampatulog ni Carmela kaya agad siyang nakarating sa kabilang ibayo.
SABADO ng umaga nang atakihin si Carmela nang walang humpay na pagsusuka. “Ano ba kasing nangyari sa iyo? Diyos ko, hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala pa naman ang ama mo at nasa Maynila. Sa makalawa pa ang balik niya!” Iyon ang mahabang litanya ni Yaya Ising habang inaalalayan siya nito pabalik sa higaan. Okay naman siya kaninang umaga. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit pagkatapos niyang kumain ng almusal ay bigla siyang nakaramdam ng tila pagbaligtad ng sikmura niya. At dahil iyon sa kinain niyang ginisang corned beef. Mabilis na natilihan si Carmela makalipas ang ilang sandali. Pagkatapos ay minabuti niyang palabasin na muna si Yaya Ising ng kanyang kwarto para mas makapag-isip pa ng mabuti.Sinimulan niyang magbilang. Ang binibilang niya ay ang dapat sana’y petsa ng kanyang buwanang daloy. Tama.May nangyari sa kanilang dalawa ni Nestor noong dalhin siya nito sa kubo. Mahigit maraming buwan na ang nakalilipas. At mahigit siyam na buwang na rin silang pagtagong nagk
GAYA ng napagkasunduan, sinundo siya ni Nestor sa harapan ng bahay nila para samahan siya sa pakikipag-usap sa iba pang mangingisda sa bayan ng Eldoria.Plano talaga niyang magdala ng sasakyan. Pero dahil nga hindi naman pala malayo ang pupuntahan nila ay naglakad nalang siya kasama ang lalaki.“Gusto ko nga palang ipakilala sa iyo ang kasintahan ko, si Victoria,” pakilala pa ni Nestor sa kanya sa isang magandang babaeng tinawag nito sa pangalang Victoria.“Kumusta ka?” aniyang inilahad ang kamay sa babae bilang pakikipagkamay rito na malugod naman nitong tinanggap.Maganda ang ngiting pumunit sa mga labi ni Victoria kasabay ng malugod nitong pagtanggap sa kanyang pakikipagkamay.“Ikinagagalak ko ang makilala ka, Carmela. Masaya rin ako na nagkaroon ng pagkakataong mabuksan muli ang Eldoria Hotel, Restaurant and Resort. Kahit papaano malaking tulong iyan para magkaroon ng trabaho ang iba pang tao rito maliban sa pangingisda,” ani Victoria.Ramdam ni Carmela ang katapatan sa sinabing i
MALAKAS ang kabog ng dibdib ni Nestor habang magkasama silang nakatayo ni Ariel sa labas ng gate ng resort. Alam niya kung bakit siya kinakabahan. Dahil kay Carmela.Hindi talaga niya gustong maapektuhan sa kakaibang damdaming nararamdaman niya para sa babaeng iyon. Pero kahit anong gawin niya ay hindi niya mapigilan. At naiinis siya sa sarili niya dahil doon.Si Ariel na ang pinag-door bell niya. Ilang sandali lang at may isang unipormadong katulong na ang nagbukas ng gate. Iniwan sila pansamantala ng kasambahay saka binalikan para patuluyin.“Dito muna kayo, pababa na si Ma’am Carmela. Maghahanda lang ako ng maiinom ninyo,” pagkasabi ay tinalikuran na nga sila ng katulong.“Ang swerte naman natin. Yung anak pala ni Don Martin ang haharap sa atin,” halata ang kasiyahan sa tono ng pananalita ni Ariel bagaman pabulong iyon.Hindi sumagot si Nestor. Nang mga sandaling iyon ay mas nangingibabaw kasi sa kanya ang labis na kabang nararamdaman niya. At lalo pang nagtumindi iyon nang marinig
Victoria and Nestor sat down for dinner, the aroma of freshly cooked dishes wafting through the air. The atmosphere was cozy, with the dim light from a nearby lamp casting a warm glow on the table.Magkasalong kumakain ng hapunan sina Nestor at Victoria nang gabing iyon. Maaliwalas ang gabi at ganoon rin sa loob ng simpleng dampa kung saan matagal nang magkasamang naninirahan ang dalawa.Kalahating oras na rin ang nakalilipas pero nasa hangin pa rin ang mabangong amoy ng piniritong isda na niluto ni Victoria. Katulad ng ipinangako sa kanya ni Nestor. Ibinigay nito sa kanya ang pinakamaganda at pinaka malaki nitong huli.“Alam mo ba, Nestor,” pagsisimula ni Victoria na kinuha muna ang baso saka uminom ng tubig. “May narinig akong balita kanina tungkol sa mga bagong lipat na galing pa ng Maynila.”Mula sa pagkakayuko nito sa sarili nitong plato ay nagtaas ito ng tingin saka sinalubong ang mga titig ni Victoria. “Talaga? Ano naman ang narinig mo?”“Ayun, ‘yung nakabila nga resort eh anak
Bumaba si Carmela mula sa van. Agad na hinahaplos ng malamig na simoy ng hangin ng karagatan ang kanyang katawan habang tinitingnan ang maamong bayan ng Eldoria. Ang mga kalsada, pinaganda ng mga tanim na bougainvillea na may iba-ibang kulay. Maging ang mga naglalakihang istrakturang yari naman sa kahoy. At lahat ng nakikita niya ngayon ay naglalarawan ng isang magandang tanawin na nagsasalita ng isang mas payak na buhay na hindi tinatamaan ng kaguluhan ng lungsod. Sa paglipad ng kanyang tingin sa may pampang kung saan maingat na umaalog ang mga bangkang pangisda gawa ng pagtama ng alon, mabilis na binalot ng kapayapaan ang damdamin ni Carmela. Ang Eldoria ay mayroon kaakit-akit na musika na para bang nananahan na sa kanya puso at pandinig na ngayon lamang nagising. Dahil pakiwari niya ay naghintay iyon sa kanya sa napakahabang panahon. Sandaling nagpaalam si Carmela nang hapong iyon para maglakad-lakad. Hindi malayo sa mansion at resort na binili ng kanyang ama. Naging masaya si
Nakangiting pinanonood ni Victoria ang pagsikat ng araw sa Silangan. Nasa dalampasigan siya noon. Ang maliit nilang bayan na kilala sa lahat bilang Eldoria ang tanyag sa bahaging iyon ng norte bilang may pinaka magandang sunrise at sunset. Nasa ganoong ayos rin siya nang mamataan ang isang pamilyar na lalaking abala naman sa paghahanda para sa gagawin nitong paglalayag.Nestor, with a weathered yet content expression, adjusted the brim of his hat and secured the net over his shoulder. Victoria, her eyes reflecting both love and a touch of sadness, walked alongside him, tracing the sandy path to the waiting boat.Bakas sa mabait na mukha ni Nestor ang pagkahapo. Palapit na ito sa kinaroroonan niya kaya hindi na naghintay pa si Victoria at piniling lapitan ang lalaking pinakamamahal niya. Napangiti pa siya nang makitang bahagyang inayos ng lalaki ang suot nitong sombrero. Habang ang lambat na gagamitin nito ay malayang nakasampay lamang sa balikat nito.Nang makalapit ay agad itong niya