Beranda / Romance / FALLEN PROMISE (FILIPINO) / KABANATA 3: ELDORIA RESORT

Share

KABANATA 3: ELDORIA RESORT

Penulis: Jessica Adams
last update Terakhir Diperbarui: 2024-03-01 16:01:14

Victoria and Nestor sat down for dinner, the aroma of freshly cooked dishes wafting through the air. The atmosphere was cozy, with the dim light from a nearby lamp casting a warm glow on the table.

Magkasalong kumakain ng hapunan sina Nestor at Victoria nang gabing iyon. Maaliwalas ang gabi at ganoon rin sa loob ng simpleng dampa kung saan matagal nang magkasamang naninirahan ang dalawa.

Kalahating oras na rin ang nakalilipas pero nasa hangin pa rin ang mabangong amoy ng piniritong isda na niluto ni Victoria. Katulad ng ipinangako sa kanya ni Nestor. Ibinigay nito sa kanya ang pinakamaganda at pinaka malaki nitong huli.

“Alam mo ba, Nestor,” pagsisimula ni Victoria na kinuha muna ang baso saka uminom ng tubig. “May narinig akong balita kanina tungkol sa mga bagong lipat na galing pa ng Maynila.”

Mula sa pagkakayuko nito sa sarili nitong plato ay nagtaas ito ng tingin saka sinalubong ang mga titig ni Victoria. “Talaga? Ano naman ang narinig mo?”

“Ayun, ‘yung nakabila nga resort eh anak ng isang mayamang negosyante galing Maynila. Galing ng America at doon naging kilalang chef. Pero dito raw siya sa Pilipinas nagtapos ng Culinary.”

Noon umangat ang mga kilay ni Nestor na halatang na-curious sa sinabi niya. “Ah, chef pala. Ibig sabihin mahusay magluto at mag-experiment ng kung anu-anong putahe. Ano namang pangalan niya?”

“Carmela. Martin naman ang pangalan ng ama nito. Ang sabi ng mga kapitbahay natin may lahing Kastila raw kasi ang nanay nitong namatay na kay naging magandang maganda si Carmela.”

“Kung ganoon naman palang sanay siya sa buhay lungsod. Anong ginagawa niya dito sa Eldoria?”

“Binili ng ama nito ang lumang resort na iyon at planong gawing negosyo. Ano sa tingin mo?”

“Mabuti iyon. Makapagbibigay rin ng tulong sa mga taga-rito na umiikot lang ang kabuhayan sa pangingisda.”

Tumawa ng mahina si Victoria. “Mukhang seryoso si Martin na palaguin ang negosyo niya. At sa tingin ko, magsisimula ng makilala itong bayan natin kapag nagkataon.”

“Tama. Magkakaroon ng mga turista at gaya ng matagal na ring pinapangarap ng mayor natin dito, lalaki ang kita ng bayan natin. Iyon naman ang mahalaga. Pero lalong higit na importante ang trabahong pwedeng ibigay ng resort ng mag-amang taga-Maynila. Makapagbibigay sila ng trabaho sa ibang taga-rito. Sa ganoong paraan hindi nalang sa pangingisda iikot ang mundo ng mga taga-rito,” ang mahabang paliwanag ni Nestor.

*****

Gaya ng intension ni Carmela kahapon, sinimulan niyang libutin ang palibot ng resort. Nang manawa, minabuti niyang lumabas ng gate at lumapit sa may dalampasigan para basain ang kanyang mga paa ng mainit pang tubig dagat na humahalik sa buhanginan.

Hindi pa gaanong mainit ang sikat ng araw kaya masarap pa ang dampi niyon sa kanyang balat.  Adorned in a simple, sleeveless white dress with floral patterns, she stood watching the rhythmic dance of the waves along the shoreline.

Hinayaan lang niyang nakalugay ang buhok niyang hinahangin. Habang lingid sa kanyang kaalaman ang maraming pares ng mga matang pinagmamasdan siya ng may paghanga. Isa na sa kanila si Nestor.

******

“Napakaganda niya…”

Ang naibulong ni Nestor gawa ng labis na paghanga sa isang babaeng sa hindi kalayuan ay nakatayo at hindi niya mapigilang titigan.

Alam niya kung sino ito. Si Carmela. Kailangan niyang amining simula pa kagabi dahil sa mga kwento ni Victoria ay hindi na nawala ang babaeng ito sa isipan niya kahit hindi pa niya ito nakikita.

At ngayon alam na niya kung bakit. Dahil ang lahat ng kwentong narinig niya mula kay Victoria ang pumukaw sa curiosity niya tungkol sa babaeng ito.

*****

HINDI nagtagal naramdaman ni Carmela ang tila pares ng mga matang nagmamasid sa kanya. Kaya naman mula sa malawak at tila walang katapusang tubig, inalis niya doon ang kanyang paningin. Pagkatapos ay sinuyod niya ang kapaligiran at hindi rin naman nasayang ang ginawa niyang iyon.

Hindi malayo mula sa kinatatayuan niya ang isang matangkad at morenong lalaki na hindi maitatangging gwapo.

Sa naisip ay hindi napigilan ni Carmela ang kilig na mabilisang yumakap sa puso niya.

Ilang sandali ring nakipagtitigan si Carmela sa naturang estranghero. Pagkatapos, nang tamang nakita niyang kumilos na ito palapit sa kanya ay noon naman inagaw ng magkakasunod na pagtawag sa kanya ni Yaya Ising ang kanyag atensyon.

"Hija, kanina ka pa hinahanap ng ama mo. Nakahanda na ang almusal. At isa pa, bakit ka ba lumabas ng mag-isa?” walang dudang pag-aalala ang nasa tono ng pananalita ni Yaya Ising sa magkakasunod na katanungang iyon.

“Mukha namang tahimik dito, Yaya Ising,” sagot niya saka tila walang anumang nilingon ang direksyon kung saan niya nakitang nakatayo ang gwapong estranghero kanina.

Aminin man ni Carmela o hindi. Alam niyang sa puso niya at naroon ang panghihinayang dahil wala na roon ang gwapong lalaking iyon.

*****

“Alam mo na ba ang balita, Nestor?”

Nang araw ring iyon ay binisita si Nestor ng kaibigan niyang mangingisda. Si Ariel. Abala siya noon sa paghahanda ng gagamitin niyang lambat sa gagawing pagpalaot kinabukasan.

“Anong balita?” tanong niyang sandaling sinulyapan si Ariel. Sakto ring dumating si Victoria dala ang isang mug na mainit at bagong timplang kape.

“May gaganapin raw na pagtitipon sa resort. At ang balita, planong kumuha ni Don Martin ng isda sa atin. Ang mga isdang iyon ang ihahanda nila!” ang masiglang balita sa kanya ni Ariel.

“Magandang balita nga iyan, Ariel. Teka, kanino mo narinig ang tungkol diyan?” tanong ni Victoria na nakaupo sa baitang na yar isa kawayan. Gaya ni Nestor ay may hawak rin itong tasa ng kape.

“Kay Aling Ising mismo. Siya raw ang nag-alaga dun sa anak ni Don Martin,” paliwanag pa ni Ariel.

Sandaling nakiraan sa kanila ang katahimikan. Pagkatapos niyon ay nagsalita na ngang muli si Ariel.

“Kung ayos lang sa iyo, Nestor, pumunta na tayo sa resort ngayon. Tiyak na dadagsain sila ng mangingisda kapag tuluyan ng kumalat ang balita. Mabuti na ‘yung tayo ang mauna doon. Tiyak na may bibili na ng mga mahuhuli nating isda.”

Sandaling nanatiling tahimik si Nestor. Halatang pinag-iisipan nito ang suhestiyon ng kaibigan. Pagkatapos ay sumulyap ito kay Victoria na tumango naman bilang pagsang-ayon.

“Pagbalik mo, handa na ang hapunan,” sabi ni Victoria.

Tumango lang si Nestor na umalis na rin kasama si Ariel. Habang daan ay hindi napigilan ng huli ang magkomento.

“Matagal na rin kayo ni Victoria, hindi ba?” anito.

“Limang taon,” sagot ni Nestor na hindi tiningnan ang kasama.

“Bakit hindi pa kayo nagpapakasal?” muling tanong ni Ariel kay Nestor.

Hindi kaagad sumagot si Nestor. Sa halip ay nagbuntong hininga muna ito.

“Hindi pa sapat ang ipon ko eh. Gusto kong bigyan ng isang magandang kasal si Victoria hangga’t maaari,” paliwanag ni Nestor na nilingon si Ariel.

“Hindi na mahalaga iyon, Nestor. Mahal na mahal ka ni Victoria. At nakatitiyak akong magagawa niyang tanggapin ang kahit anong kaya mong ibigay. Gaano man ito kasimple.”

Tahimik na sinang-ayunan ni Nestor ang sinabing iyon ng kasama. Pero sa isip niya. Kahit siya hindi niya magawang sagutin ang tanong na iyon. Kung bakit ba hindi pa rin niya inaalok ng kasal si Victoria?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • FALLEN PROMISE (FILIPINO)   EPILOGUE

    “ANO ang namamagitan sa inyong dalawa ng taga-lupang iyon, Clarissa?” seryosong tanong ni Queen Marasela sa kay Clarissa.Nagtumindi ang kabog ng dibdib ni Clarissa sa tanong na iyon. Pero ang totoo, hindi lang ang tanong ang dahilan kaya nakaramdam siya ng ganoon. Kasama na rin ang tono ni Queen Marasela at maging ang kaseyosohan sa mukha nito nang salubungin niya ang titig nito sa kanya.“Akala ko ba nagkakaunawaan na tayo noon pa man?” ang muling isinatinig nang reyna nang manatili siyang tahimik.“M-Mahal ko siya, Mama,” aniyang nagyuko ng mga ulo saka malungkot na nagbuntong hininga.Pinigilan niya ang sarili niyang mapaiyak. Alam niyang pagbabawalan siya ng reyna na makipagkita pa rin kay Lucas. Pero ano ang gagawin niya? Mahal niya ang binata at mas nanaisin pa niyang mamatay nalang kung mawawala ito sa buhay niya.“Hindi ko na gustong nakikipagkita ka sa kanya, Clarissa!” mababa ang tono pero mariin ang bawat salitang binibitiwan nito.Inaasahan na ni Clarissa ang tungkol doon

  • FALLEN PROMISE (FILIPINO)   KABANATA 33 "UNANG HALIK"

    PRESENT DAYMATAMIS ang ngiting pumunit sa mga labi ni Jessa. “Halika na, hinahanap ka na na Queen Marasela,” anitong hinawakan ang kamay niya saka nagtangkang hilahin siya palangoy.Pero hindi nagpahila si Clarissa. Sa halip ay nanatili siya sa malaking batuhang iyon.“Hindi pa ba kayo nagkikita ni Lucas?” tanong nito dahil sa kanyang ginawa.Magkakasunod siyang umiling. “Matagal na, parang anim na buwan na yata,” ang malungkot niyang sambit saka nagpakawala ng isang mabigat na buntong hininga.“Baka hindi pa siya nakababalik mula sa serbisyo niya,” pagpapalagay ni Jessa.Nagkibit ng mga balikat niya si Clarissa at pagkatapos ay bumitiw n amula sa pagkakahawak niya sa malaking bato.Sa batuhang iyon siya iniwan noon ni Carmela nang gabing mabunyag sa Eldoria ang tungkol sa pagkatao niya. Pirmi silang nagkikita doon ng kanyang mga magulang pati na rin si Nanny Norma at ang kanyang lolo. Parang wala namang nagbago kung tutuusin. Nagpatayo kasi ng bahay si Anthony sa may parteng iyon ng

  • FALLEN PROMISE (FILIPINO)   KABANATA 32 "LETTING CLARISSA GO"

    SA PAGLIPAS ng mga araw ay nanatiling ganoon ang buhay ni Clarissa. Minabuti ni Martin ang magbayad ng tao na pwedeng pumuno ng tubig dagat sa swimming pool. Kapag ganoon ay pirming nasa loob ng bahay ang anak niya at sa bath tub naman naglalagi. “Mukhang tama ang Papa. Tama kayo ni Papa, Anthony,” ani Carmela na sinundan ang sinabi ng isang mabigat na buntong hininga. Nasa komedor sila noon at magkasabay na kumakain ng agahan. Si Clarissa dahil nga pinupuno pa ng tubig ang swimming pool ay nasa bath tub sa loob ng banyo sa kwarto nilang mag-asawa. Kanina nang iwan nila doon ang anak ay mahimbing na natutulog ang bata. Habang si Nanny Norma ay abala naman sa paghahanda ng pagkain para sa pananghalian.“Anong ibig mong sabihin, Carmela?” tanong sa kanya ni Anthony.Muli siyang nagbuntong hininga saka sinalubong ang mga titig ng lalaki. “Mukhang magiging mas maayos si Clarissa sa dagat,” aniya.Mabigat ang mga salitang binitiwan niya. Kasimbigat hinanakit na nagpapahirap ngayon sa kan

  • FALLEN PROMISE (FILIPINO)   KABANATA 31 "CLARISSA AND THE SEA"

    Kung kailan napatahan ni Carmela ang anak, niya, hindi na niya masabi. Marami itong tanong na kahit si Anthony ay hindi nasagot. At ang lahat ng iyon ay nagdulot ng paghihirap sa kanyang kalooban.Sa paglipas ng mga araw ay nanatili sa malaking bahay si Clarissa. At kahit hindi naging madali, minabuti ng kaniyang ama na pansamantalang bigyan ng bakasyon ang mga katulong at trabahador habang hindi pa nila napagpapasiyahan kung ano ba talaga ang dapat nilang gawin. Hindi rin kasi alam ng mga ito ang tungkol sa tunay na kundisyon ng bata. Iniiwasan kasi nilang may makaalam na iba para na rin sa safety ng anak niya.Sa huli ay tanging siya, si Martin, si Anthony si Nanny Norma na lamang ang naiwan doon, kasama si Clarissa.“Babalik nalang kami ng Maynila, Papa. Sa tingin ko mas makabubuti iyon para sa anak ko,” aniya habang tahimik na pinanonood si Clarissa na lumalangoy sa malaking swimming pool ng kanilang mansyon. Kasama nito si Anthony na nakaupo sa lounging chair na nasa gilid ng poo

  • FALLEN PROMISE (FILIPINO)   KABANATA 30 "ISANG MAGANDANG SIRENA"

    SUMAPIT ang araw ng parada kung saan ipinagdiwang rin ni Clarissa ang fifth birthday nito. Katulad ng sinabi ng kanyang ama, ginawa nito ang lahat kung kaya si Clarissa ang naging pinakamagandang sirena sa buong Eldoria.“Look, Mommy ang ganda ng tail ko, sky blue! My favorite color!” ang masayang sambit ng anak niyang nakasakay na noon sa float kasama niya at ni Anthony.Nagpalitan sila ng magandang ngiti ni Anthony. Pagkatapos ay hinayaan niya ang asawa na ito ang magsalita at sumagot sa sinabi ng kanilang anak.“Yes, at bagay sa iyo. Kasi maganda ka,” sagot anito pa.Nakita ni Carmela ang kasiyahang kumislap sa mga mata ni Clarissa. Mabuti na lamang at naging kamukha niya ito at ang kanyang ama. Walang mag-iisip na anak ito ni Nestor na sa pagkakatanda niya ay nawala sa tamang pag-iisip at pagkatapos ay namatay ng mag-isa at malungkot sa kubong dati ay tirahan nito at ni Victoria.Nagbuntong hininga na naman doon si Carmela. Pagkatapos ay inalis niyang agad sa kanyang isipan. Hindi

  • FALLEN PROMISE (FILIPINO)   KABANATA 29 "SHE PASSIONATELY CAME"

    “FUCK! This is so good—” ungol ni Carmela habang gumagalaw siya sa kandungan ng kanyang asawa.Hindi alintana ang pagtalsik ng tubig mula sa tub kung saan maiinit na nagsasabong ang mga katawan nila. Niraragasa ng pinaghalo-halong kalibugan at pagmamahal ang katawan niya. At iyon ang paulit-ulit na humahaplos sa katawan ni Carmela.“Napakaganda mo, Carmela. At baliw na baliw ako sa’yo,” sambit naman ni Anthony saka tila gutom na gutom nitong dinilaan ang utong niya saka iyon sinupsop sa kalaunan.Muling umungol si Carmela. Dapat sana ay sanay na siya sa ganitong mga tagpo sa pagitan nila ni Anthony. Pero hindi ganoon ang nangyayari. Palagi kasi ay talagang nagagawa nitong bigyan siya ng excitement na sinisimulan nito sa pagkain ng kanyang puke.“I know, at nababaliw rin ako sa iyo. Ohhh—Anthony—ni hindi ko na makita ang sarili kong nabubuhay ng wala ang titi mo—” muli ay sambit niya saka gumalaw sa paraang alam niyang tatama sa kaibuturan niya ang ulo ng titi ni Anthony.Nakuha naman

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status