Home / Romance / FALLEN PROMISE (FILIPINO) / KABANATA 7 “LUCAS”

Share

KABANATA 7 “LUCAS”

Author: Jessica Adams
last update Last Updated: 2025-10-14 16:27:08

HINDI iyon ng maraming nagdaan nang mga araw para kay Victoria. Espesyal ang araw na iyon para sa kanya dahil iyon ang anibersaryo nila ni Nestor bilang magkasintahan.

Gaya ng dati.

Maagang umalis at pumalaot si Nestor para mangisda. Habang siya naman ay inabala ang sarili sa mga gawaing bahay. Kasama na roon ang pamimili para sa espesyal na hapunang ihahanda niya mamaya.

“Uy, Victoria ang ganda mo naman ngayon!”

Gaya ng dati ay mabilis na pinamulahan si Victoria sa compliment na iyon ng kaibigan niyang si Sinang.

“Mas maaga ka yata ngayon?” Tanong sa kanya ni Dolor na gaya ni Sinang ay matamis rin ang pagkakangiti sa kanya.

“Oo nga. At isa pa, hindi ka namin nakita dito kahapon? Siguro hindi umalis si Nestor kaya ganoon ano?” Tukso pa sa kanya ni Sinang na naging dahilan ng mas lalo pang pamumula ng kanyang mukha.

Magkakasunod na umiling si Victoria saka nahihiyang nagbuka ng bibig para sagutin ang magkakasunod na tanong ng mga kaibigan niya.

“Hindi, umalis siya kahapon. Ang totoo kaya hindi ako gumawi rito eh sinamahan ko si Carmela sa kanila. Masama ang pakiramdam niya,” aniyang hindi naitago ang lungkot sa kanyang tinig.

Hindi nalingid sa paningin ni Victoria ang ginawang pagpapalitan ng tingin nina Dolor at Sinang. Ilang sandali munang nakiraan sa kanilang tatlo ang katahimikan bago iyon binasag ni Dolor.

“Alam mo Victoria hindi naman sa gusto ka naming pakealaman pero parang masyado ka naman yatang malapit sa Carmela na iyon?” Anitong kinabakasan niya ng tono ang tinig na parang hindi nito gusto ang ideya na nakikipagkaibigan siya kay Carmela.

“Bakit? Ano bang problema?” Hindi naman masama ang intensyon niya sa tanong niyang iyon. Pero hindi rin kasi niya gustong makialam ang kahit sino sa pakikipagkaibigan niya sa kung sino ang gusto niyang kaibiganin.

Wala siyang makitang dahilan para ayawan ng mga ito si Carmela.

Maganda, mabait, mapagbigay at higit sa lahat hindi mahilig magtanong.

Iyon ang isa sa maraming magagandang katangian ni Carmela na gustong-gusto niya. Hindi ito mahilig magtanong. Madalas kapag magkasama silang dalawa siya ang nagmamanipula ng usapan. Siya ang laging nagkukwento at kung ano ang sabihin niya, umaayon lang doon palagi si Carmela.

Para sa kanya hindi masama ang ganoon.

Para sa kanya ang ibig sabihin niyon eh may respeto ito sa probadong buhay niya. Nilang dalawa ni Nestor. At iyon ang mahalaga sa lahat.

Bukod pa roon, may isa pang kung tutuusin ay masasabi niyang mas higit pa sa salitang mahalaga kung ilalarawan niya. At iyon ay ang katotohanang hindi malapit si Carmela kay Nestor.

Maganda si Carmela. Napakaganda nito.

Sa totoo lang mula nang dumating ang kaibigan niya sa Elodoria ay nagkaroon na sila ng mestiza sa kanilang bayan. At hawak ni Carmela ang korona para doon.

Mahirap mang paniwalaan. Pero sa kabila ng kung tutuusin ay matalik nilang pagkakaibigan ni Carmela. Totoong hindi ito naging malapit sa kasintahan niya. Bagay na hindi na rin niya kinukwestiyon. Dahil ang totoo, mas pabor iyon sa kanya.

“Wala naman. Ang sa amin lang kasi, hindi mo naman kailangang ilapit ng sobra ang sarili mo sa kanya. Hindi mo naman siya masyadong kilala pa eh,” paliwanag ni Sinang.

Mabilis na naunawaan ni Victoria kung ano ang ibig sabihin ni Sinang sa tinuran nito. At gaya ng dati ay mas pinili niya itong unawain.

“Maraming salamat sa pag-aalala at malasakit. Pero mabait si Carmela. Sana bigyan ninyo siya ng pagkakataong mapatunayan iyon sa inyo,” aniyang minabuti ng iniwan ang dalawa pagkatapos.

Matapos makapamili ay dumaan muna si Victoria sa suki niyang nagtitinda ng sariwang itlog ng manok. Magluluto siya ng tortang talong mamayang gabi bukod pa sa Adobong Manok na ihahanda niya para sa espesyal nilang hapunan ni Nestor.

“Oh, bakit nandito ka? Hindi ba at kabuwanan mo na ngayon?” Ang nag-aalala pang tanong ni Victoria kay Lucia.

Buntis ito at gaya ng sinabi niya ay kabuwanan na nito. Kasing edad niya si Lucia. Usap-usapan sa lugar nila ang tungkol sa sinapit nito. Nabuntis kasi ito ng kung sino saka nalang basta iniwan. Ang matandang pinagkukuhanan nito ng itlog ang madalas nitong kasama sa pagtitinda.

“Umuwi lang sandali si Aling Simang, kumuha ng paninda,” sagot nito saka siya siya alanganing nginitian.

Sinimulan siyang asikasuhin ni Lucia. Habang siya, nanatili siyang pinagmamasdan ito.

“Ayos ka lang ba?”

Muling tanong ni Victoria kay Lucia.

Sa puntong iyon ay nakita ni Victoria ang tuluyang pag-iiba ng aura ng mukha ni Lucia. Dahil kung kanina nagagawa nitong pigilan ang alam niyang sakit na nararamdaman nito. Umabot ito sa sukdulan ng patitiis nito.

“Ahhh!”

Ang malakas na sigaw na iyon ang umagaw sa pansin ng iba pang mamimili roon.

“Victoria, manganganak na ako!” Sigaw nito sa tono na humihingi ng tulong.

Nataranta at nagmamadaling inilapag ni Victoria ang mga pinamili. Habang ang mga tao ay isa-isa nang nagsisilapitan sa kanila. Ang iba para makiusyoso. Ang iba naman totoong concern at nagmamalasakit.

“Tulong! Tulungan ninyo ako!” Sigaw ni Victoria.

Lumapit ang isang lalaki at ito ang tumulong kay Victoria. Inihiga nito sa buhanginan si Lucia habang si Victoria ang nagpaanak rito.

“Sige pa, ire pa,” ani Victoria. “Please, Lucia pilitin mo, hindi kana aabot sa ospital lalabas na ang bata, nakikita ko na ang ulo niya!”

Isang malakas na pag-ire ang ginawa ni Lucia kasabay ng impit nitong pagsigaw.

Ilang beses rin nitong inulit-ulit iyon hanggang nang sa matagumpay nga nitong nailabas ang bata.

Napangiti si Victoria habang pinagmamasdan ang gwapong sanggol na hawak niya ngayon sa kanyang mga bisig. Ilang sandali pa nilapitan na niya ang ina nito. Pagod na pagod si Lucia at iyon ang mababakas sa maganda nitong mukha.

“L-Lucas…” ang nakangiting sambit ni Lucia bago nito hinalikan ang pisngi ng sangol. Kasunod niyon ay ang pagkawala ng malay ng babae.

Mabibilis ang mga kilos na nag-utos si Victoria sa mga nandoon upang madala sa ospital si Lucia pati na rin si Lucas.

Sa kasamaang palad, pumanaw ang ina ng bata gawa ng maraming dugong nawala nang manganak ito.

*****

”WALANG ibang kakalinga sa batang ito, Victoria,” si Aling Simang iyon sa mismong burol ni Lucia.

Iyon ang huling gabi ng burol. Bukas na ang libing ni Lucia.

Mula nang maisilang si Lucas at nang mawala ang ina nitong dead on arrival sa ospital ay si Victoria na ang tumingin sa sanggol. At hindi niya mapigilang aminin kahit man lang sa sarili niya na gusto niya ang nangyayari.

Gusto niya si Lucas. Gusto niya ang pakiramdam na karga niya ang sanggol sa kanyang mga bisig.

“Victoria,” muli ay untag sa kanya ni Aling Simang nang manatili siyang tahimik.

Noon mahigpit na niyakap ni Victoria ang batang mahimbing na natutulog sa kanyang mga bisig. Ang totoo kasi niyan ay iyon rin naman ang gusto talaga niyang mangyari. Gusto niyang ampunin at akuin ng kanya ang sanggol. Dahil gusto niyang magkaroon na rin sila ng anak ni Nestor.

Wala siyang kakayahang magbuntis. Iyon ang totoong dahilan kaya kahit pa matagal na silang nagsasama ni Nestor ay hindi pa rin siya nabubuntis. At sa pamamagitan ni Lucas. Baka magkaroon ng chance na pamilya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • FALLEN PROMISE (FILIPINO)   EPILOGUE

    “ANO ang namamagitan sa inyong dalawa ng taga-lupang iyon, Clarissa?” seryosong tanong ni Queen Marasela sa kay Clarissa.Nagtumindi ang kabog ng dibdib ni Clarissa sa tanong na iyon. Pero ang totoo, hindi lang ang tanong ang dahilan kaya nakaramdam siya ng ganoon. Kasama na rin ang tono ni Queen Marasela at maging ang kaseyosohan sa mukha nito nang salubungin niya ang titig nito sa kanya.“Akala ko ba nagkakaunawaan na tayo noon pa man?” ang muling isinatinig nang reyna nang manatili siyang tahimik.“M-Mahal ko siya, Mama,” aniyang nagyuko ng mga ulo saka malungkot na nagbuntong hininga.Pinigilan niya ang sarili niyang mapaiyak. Alam niyang pagbabawalan siya ng reyna na makipagkita pa rin kay Lucas. Pero ano ang gagawin niya? Mahal niya ang binata at mas nanaisin pa niyang mamatay nalang kung mawawala ito sa buhay niya.“Hindi ko na gustong nakikipagkita ka sa kanya, Clarissa!” mababa ang tono pero mariin ang bawat salitang binibitiwan nito.Inaasahan na ni Clarissa ang tungkol doon

  • FALLEN PROMISE (FILIPINO)   KABANATA 33 "UNANG HALIK"

    PRESENT DAYMATAMIS ang ngiting pumunit sa mga labi ni Jessa. “Halika na, hinahanap ka na na Queen Marasela,” anitong hinawakan ang kamay niya saka nagtangkang hilahin siya palangoy.Pero hindi nagpahila si Clarissa. Sa halip ay nanatili siya sa malaking batuhang iyon.“Hindi pa ba kayo nagkikita ni Lucas?” tanong nito dahil sa kanyang ginawa.Magkakasunod siyang umiling. “Matagal na, parang anim na buwan na yata,” ang malungkot niyang sambit saka nagpakawala ng isang mabigat na buntong hininga.“Baka hindi pa siya nakababalik mula sa serbisyo niya,” pagpapalagay ni Jessa.Nagkibit ng mga balikat niya si Clarissa at pagkatapos ay bumitiw n amula sa pagkakahawak niya sa malaking bato.Sa batuhang iyon siya iniwan noon ni Carmela nang gabing mabunyag sa Eldoria ang tungkol sa pagkatao niya. Pirmi silang nagkikita doon ng kanyang mga magulang pati na rin si Nanny Norma at ang kanyang lolo. Parang wala namang nagbago kung tutuusin. Nagpatayo kasi ng bahay si Anthony sa may parteng iyon ng

  • FALLEN PROMISE (FILIPINO)   KABANATA 32 "LETTING CLARISSA GO"

    SA PAGLIPAS ng mga araw ay nanatiling ganoon ang buhay ni Clarissa. Minabuti ni Martin ang magbayad ng tao na pwedeng pumuno ng tubig dagat sa swimming pool. Kapag ganoon ay pirming nasa loob ng bahay ang anak niya at sa bath tub naman naglalagi. “Mukhang tama ang Papa. Tama kayo ni Papa, Anthony,” ani Carmela na sinundan ang sinabi ng isang mabigat na buntong hininga. Nasa komedor sila noon at magkasabay na kumakain ng agahan. Si Clarissa dahil nga pinupuno pa ng tubig ang swimming pool ay nasa bath tub sa loob ng banyo sa kwarto nilang mag-asawa. Kanina nang iwan nila doon ang anak ay mahimbing na natutulog ang bata. Habang si Nanny Norma ay abala naman sa paghahanda ng pagkain para sa pananghalian.“Anong ibig mong sabihin, Carmela?” tanong sa kanya ni Anthony.Muli siyang nagbuntong hininga saka sinalubong ang mga titig ng lalaki. “Mukhang magiging mas maayos si Clarissa sa dagat,” aniya.Mabigat ang mga salitang binitiwan niya. Kasimbigat hinanakit na nagpapahirap ngayon sa kan

  • FALLEN PROMISE (FILIPINO)   KABANATA 31 "CLARISSA AND THE SEA"

    Kung kailan napatahan ni Carmela ang anak, niya, hindi na niya masabi. Marami itong tanong na kahit si Anthony ay hindi nasagot. At ang lahat ng iyon ay nagdulot ng paghihirap sa kanyang kalooban.Sa paglipas ng mga araw ay nanatili sa malaking bahay si Clarissa. At kahit hindi naging madali, minabuti ng kaniyang ama na pansamantalang bigyan ng bakasyon ang mga katulong at trabahador habang hindi pa nila napagpapasiyahan kung ano ba talaga ang dapat nilang gawin. Hindi rin kasi alam ng mga ito ang tungkol sa tunay na kundisyon ng bata. Iniiwasan kasi nilang may makaalam na iba para na rin sa safety ng anak niya.Sa huli ay tanging siya, si Martin, si Anthony si Nanny Norma na lamang ang naiwan doon, kasama si Clarissa.“Babalik nalang kami ng Maynila, Papa. Sa tingin ko mas makabubuti iyon para sa anak ko,” aniya habang tahimik na pinanonood si Clarissa na lumalangoy sa malaking swimming pool ng kanilang mansyon. Kasama nito si Anthony na nakaupo sa lounging chair na nasa gilid ng poo

  • FALLEN PROMISE (FILIPINO)   KABANATA 30 "ISANG MAGANDANG SIRENA"

    SUMAPIT ang araw ng parada kung saan ipinagdiwang rin ni Clarissa ang fifth birthday nito. Katulad ng sinabi ng kanyang ama, ginawa nito ang lahat kung kaya si Clarissa ang naging pinakamagandang sirena sa buong Eldoria.“Look, Mommy ang ganda ng tail ko, sky blue! My favorite color!” ang masayang sambit ng anak niyang nakasakay na noon sa float kasama niya at ni Anthony.Nagpalitan sila ng magandang ngiti ni Anthony. Pagkatapos ay hinayaan niya ang asawa na ito ang magsalita at sumagot sa sinabi ng kanilang anak.“Yes, at bagay sa iyo. Kasi maganda ka,” sagot anito pa.Nakita ni Carmela ang kasiyahang kumislap sa mga mata ni Clarissa. Mabuti na lamang at naging kamukha niya ito at ang kanyang ama. Walang mag-iisip na anak ito ni Nestor na sa pagkakatanda niya ay nawala sa tamang pag-iisip at pagkatapos ay namatay ng mag-isa at malungkot sa kubong dati ay tirahan nito at ni Victoria.Nagbuntong hininga na naman doon si Carmela. Pagkatapos ay inalis niyang agad sa kanyang isipan. Hindi

  • FALLEN PROMISE (FILIPINO)   KABANATA 29 "SHE PASSIONATELY CAME"

    “FUCK! This is so good—” ungol ni Carmela habang gumagalaw siya sa kandungan ng kanyang asawa.Hindi alintana ang pagtalsik ng tubig mula sa tub kung saan maiinit na nagsasabong ang mga katawan nila. Niraragasa ng pinaghalo-halong kalibugan at pagmamahal ang katawan niya. At iyon ang paulit-ulit na humahaplos sa katawan ni Carmela.“Napakaganda mo, Carmela. At baliw na baliw ako sa’yo,” sambit naman ni Anthony saka tila gutom na gutom nitong dinilaan ang utong niya saka iyon sinupsop sa kalaunan.Muling umungol si Carmela. Dapat sana ay sanay na siya sa ganitong mga tagpo sa pagitan nila ni Anthony. Pero hindi ganoon ang nangyayari. Palagi kasi ay talagang nagagawa nitong bigyan siya ng excitement na sinisimulan nito sa pagkain ng kanyang puke.“I know, at nababaliw rin ako sa iyo. Ohhh—Anthony—ni hindi ko na makita ang sarili kong nabubuhay ng wala ang titi mo—” muli ay sambit niya saka gumalaw sa paraang alam niyang tatama sa kaibuturan niya ang ulo ng titi ni Anthony.Nakuha naman

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status