LOGIN
WARNING: MATURE CONTENT
“Three million pesos…”
“Three million for Mr. Number 10. Siya na ba ang huling bidder?” Tanong ng emcee sa madla.
Nakakuyom ang mga kamay ni Addie habang nakatayo sa gitna ng stage. Nakasuot siya kulay pulang gown na mas lalong nagpatingkad sa kanyang balat.
Bukod pa doon ay nakasuot din siya ng kulay pulang maskara dahilan para hindi makita ang kabuuan ng kanyang mukha. Inilibot niya ang kanyang mga mata sa mga taong naroon.
Pawang pagnanasa ang mababanaag na mga ekspresyon sa kanilang mga mata dahilan para mapakagat labi siya.
“Ten million pesos.” Isang baritonong tinig ang nagpatahimik sa buong silid.
“Ten million for a night? That’s absurd.” Rinig pa niyang sabi ng isang lalaking nasa harapan.
“Sinabi mo pa. Isa pa, ni hindi nga natin sigurado kung totoong birhen pa nga ang babaeng yan.” dagdag naman ng isa na nagpatagis ng mga bagang niya ngunit ganun pa man ay wala siyang magawa kundi ang samaan lang ang mga ito ng tingin.
“Ooh, ten million. That’s a lot.” komento ng emcee ngunit hindi na mapalis ang ngiti sa labi nito.
“Wala na bang hihigit sa ten million?” Inilibot ng emcee ang tingin sa paligid. Wala ni isang nagsalita o ni nagtaas man lang ng kamay.
“Well, I guess we have a winner for tonight.” sabi nito at tumingin sa lalaking may itim na maskara at nakatingin sa kaniya.
“You can claim her now sir.”
Pagkasabi nito ay tuluyan nang bumaba ang lalaki sa stage at hinawakan ang kamay niya. Binalingan nito ang emcee. “Ang assistant ko na lang ang magbayad sa inyo.”
Kaagad naman itong tumango. “Enjoy your night sir.”
Hindi na sumagot pa ang lalaki bagkus ay hinila na siya nito patungo sa likod.
~~~~~~
Dinala siya ng lalaki sa isang private suite sa isang kilalang building. Doon pa lang, napagtanto na kaagad ni Addie na mayaman nga ito dahil sa pagkakaalam niya ay hindi basta-basta ang mga nakatira sa building na iyon. Umupo ito sa sofa at pagkatapos ay hinubad ang suot na maskara.
Tumambad sa kaniya ang gwapo nitong mukha, ngunit kapansin-pansin ang malalamig nitong mga mata na para bang nanunuot sa kaloob-looban ng katawan niya hanggang sa kaloob-looban pa ng pagkatao niya. Bahagya nitong niluwagan ang suot nitong kurbata at pagkatapos ay tumingin sa kaniya.
“What are you doing?” naiinip na tanong nito sa kaniya bago nagsalin ng alak sa baso na nakahanda na sa harapan nito. Hawak na nito ang baso na nasa bunganga na nito. Lumagok ito ng isa bago muling tumingin sa kaniya. “Hindi mo man lang ba ako pasisiyahin? Will the ten million I bought you will be all wasted?” tanong nito sa kaniya.
Napakuyom ang mga kamay niya. Ang kanyang mga tuhod ay kanina pa nanginginig. Ang kanyang dibdib ay kanina pa malakas ang kabog dahil sa sobrang kaba. Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Hindi niya alam kung anong unang step dahil baka mamaya ay magkamali siya. Alam niyang hindi biro ang sampung milyon at hindi niya akalain na mag-aaksaya ito ng ganun kalaking pera para lang sa isang gabi.
Ibinagsak nito ang baso sa mesa dahilan para mapapikit siya. “You’re making me pissed off, you know? Gusto mo pa yata na ako ang magtanggal ng damit mo? Strip now or else ay isasauli kita doon at babawiin ko ang ibinayad ko sayo.”
Pagkarinig niya pa lang ng sinabi nito ay kaagad na gumalaw ang kanyang mga kamay patungo sa kanyang likod kung nasaan ang lock ng suot niyang gown. Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Kailangan niya ba talagang gawin iyon? Pero naroon na siya sa harap nito at hindi na pwedeng umatras pa.
Ibinuka niya ang kanyang bibig. “Pwe-pwede bang patayin ko ang ilaw?” mahina niyang tanong dito. Ayaw niyang makita nito ang kanyang mukha. Wala din siyang balak na hubarin ang suot niyang maskara.
Sandali itong natigilan bago tumayo. Ito na mismo ang nagpatay ng ilaw bago muling bumalik sa kinauupuan. Ngunit kahit na pataya na ang ilaw ay kitang-kita pa rin niya ang malalamig nitong mga mata na nakatingin sa kaniya.
Dahan-dahan niyang ibinaba ang zipper ng suot niyang gown hanggang sa tuluyan na itong bumagsak sa sahig. Napatakip siya sa kanyang dibdib dahil sa labis na kahihiyan dahil sa totoo lang ay ito ang unang beses na may lalaking makakakita sa kanyang katawan.
She heard him scoff. “Bakit mo pa yan tinatakpan?” tanong nito sa kaniya. May malamlam na ilaw na nagmumula sa gilid ng kama kaya kahit papano ay kitang-kita pa rin nito ng malinaw ang katawan niya.
Kung hindi lang dahil kailangang-kailangan niya ng pera ay hinding-hindi niya gagawin ang bagay na ito, pero dahil kailangan niya ay lulunukin niya ang lahat ng hiya sa katawan niya ngayong gabi.
Tumayo ito mula sa kinauupuan at pagkatapos ay lumapit sa kaniya. Napapikit siya ng maramdaman niya ang napakainit nitong palad sa katawan niya at halos hindi na siya huminga pa. Nag-unahang tumulo ang luha sa kanyang mga mata.
Hinawakan nito ang baba niya. Nagsalubong ang kanilang mga mata. Itinaas nito ang kamay at akmang tatanggalin na sana ang maskara na suot niya ngunit mabilis niyang pinigilan ito. “Please… don’t…” may himig ng pagmamakaawa ang kanyang tinig.
Sandali itong hindi gumalaw bago tuluyang ibinaba ang mukha sa kaniya. Sa isang iglap ay tuluyan nang dumampi ang mainit nitong labi sa kaniya. Nanatili siyang nakatayo doon at hindi alam ang gagawin. Ang kanyang mga kamay ay mahigpit na nakakuyom hanggang sa inalayayan na siya nito ng tuluyan pahiga sa kama.
Tanging ang kanyang underwear na lang ang naiwan niyang saplot sa katawan. Nang tuluyan siya nitong maihiga ay tumayo ito. Pinanood niya ang pagtatanggal nito ng damit hanggang sa pumikit na lang siya dahil hindi na niya alam pa kung makakayanan niya ang mga susunod na mangyayari sa kaniya at sa lalaking nasa harapan niya.
…
ALAS tres pa lang ng hapon ay pinauwi na si Addie ni Bill dahil ang sabi nito sa kaniya ay magpahinga na lang daw muna siya at bukas na lang siya mag-umpisa sa mga trabaho niya. Idagdag pa na na-train naman na siya nito at naipaliwanag na nito ang lahat ng dapat niyang gawin kaya hindi na siya mangangapa.Sa totoo lang ay ito ang unang beses niyang maging sekretarya kaya medyo nag-aalangan siya ngunit ang pinaka-ikinakatakot niya ngayon ay ang malaman ng kanyang boss na siya ang babaeng iyon. O kung natatandaan pa ba siya nito pagkatapos ng napakaraming taon.Pero marahil ay hindi na. Sa klase naman nito ay mukhang babaero na sabi na rin ni Bill kaya medyo nabawasan naman ang pag-aalala niya. Napadaan siya sa isang bilihan ng salamin at kahit na hindi naman malabo ang mga mata niya ay napagdesisyunan niyang bumili ng salamin para kahit papano ay matakpan ang mga mata niya.Kahit na ilang taon na ang nakalipas, hindi pa rin siya pwedeng magpaka-kampante lalo na siya nga ay natatandaan
MEDYO malayo-layo na ang nalakad ni Sevi at Laida nang tumigil si Sevi sa paglalakad at ipinasok sa bulsa ang isang kamay at nilingon ang babaeng nasa tabi niya. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.” pag-uumpisa niya. Napakunot naman ang noo nitong nakatingin sa kaniya habang hinihintay ang mga susunod na sasabihin pa niya.“Alam mo naman siguro na ang engagement na ito ay hindi ko gusto. Napilitan lang ako na gawin ito dahil sa mga magulang ko kaya gusto kong maintindihan mo na I don’t have the plan to be inlove with you.” diretsong sabi niya ng walang kapreno-preno. Ayaw niyang maging ipokrito sa mga mata nito.Halatang nagulat ito sa sinabi niya ngunit sa huli ay ngumiti lang ito sa kaniya. “Hindi ko akalain na magiging ganyan ka ka-straightforward.” sagot nito sa kaniya na wala ng bakas ng pagkahiya ang mukha hindi katulad kanina. “Pero pasensya ka na Sevi, wala akong balak na umatras sa engagement na ito kung iyon ang gusto mo.” matatag din na sagot nito sa kaniya dahilan para ma
ISANG mahabang buntong hininga ang pinakawalan ni Addie habang naglalakad bitbit ang ilang mga dokumento para dalhin sa opisina ng boss niya. Hindi pa rin siya lubos makapaniwala na natanggap siya kaagad kahit na ni hindi niya man lang nasagot ng maayos ang tanong nito.Hindi niya maiwasang hindi isipin ang tinanong nito sa kaniya kanina, kung nagkita na ba sila dahil pamilyar ang boses niya. Hindi kaya, dahil doon kaya siya nito tinanggap? Paano kung malaman nito ang totoo? Paano kung malaman nito ang tungkol kina Zeus at Zion?Habang naglalakad ay napakarami ng tumatakbo sa isip niya. Parang gusto niya ng umatras kahit na hindi pa man siya nakakaisang araw doon dahil natatakot siya. Walang ibang mahalag ngayon sa buhay niya kundi ang mga anak niya. Sila ang naging sandalan niya at naging lakas niya sa pinakamadilim na parte ng buhay niya at kung mawawala pa ang mga ito sa kaniya ay baka hindi na niya kayanin pa.Pagbukas niya ng pinto ay hindi na siya nag-angat pa ang ulo at diretso
HALOS wala pa gaanong tulog si Addie ngunit mabilis siyang nagbihis para magpunta sa nakita niyang hiring kanina paggising niya. Nakita niyang may naka-post sa epbi na hiring bilang sekretarya. Hindi na siya nagdalawang isip pa na mag-apply. Kailangan niyang makahanap kaagad ng trabaho.Mabuti na lang at handa na siya kaagad kaya mabilis siyang nakapagbihis. Sa maliit na apartment siya tumuloy dahil bago pa man siya bumiyahe ay naghanap na siya kaagad ng matitirhan niya. Hindi naman pwede na pagkarating niya pa lang doon ay tyaka pa lang siya maghahanap. Pakiramdam niya kasi ay sayang ang oras niya kapag.Ilang sandali pa ay huminga siya ng malalim at tumingala sa napakataas na building ng kumpanyang pag-aaplayan niya ngayong araw. Tiyak na kung siya ang makukuhang sekretary ng CEO ng kumpanyang iyon ay napakasaya niya. Pero sa laki ng kumpanya ng kumpanya na iyon ay paniguradong hindi lang siya ang may gustong makapasok doon.Makalipas nga lang ang ilang segundo ay napandin niya na a
INAYOS ni Sevi ang kanyang sarili at sinulyapan ang suot na relo bago napatingin sa kanyang ama na noong mga oras na iyon ay hindi na maipinta ang mukha. Bukod pa doon ay pumasok na ito sa loob ng kanyang opisina at ibinagsak ang sarili sa sofa.Narinig niya ang paghugot nito ng mahabang buntong hininga. “Sinabi mo sa iyong ina na magtatrabaho ka kaya hindi ka umuwi kahit na anong pilit niya na umuwi ka.” umpisa nito.Napakuyom lang ang kanyang mga kamay dahil alam na niya kaagad kung ano ang ibig sabihin nito. Gusto niyang magbingi-bingihan na lang ngunit alam niya na wala siyang magiging lusot. “Nakikinig ka ba sa akin Sevi?” mas malamig na ang tinig ng ama.Napabuntong hininga na lang siya at bago nag-angat ng ulo at tumingin dito. “Dad, I’m too old para sa isang blind date—” magrarason pa sana siya ngunit naputol ang kanyang sasabihin nang bigla na lang itong sumigaw.“Alam mo ba kung anong kahihiyan ang ginawa mo dahil sa hindi mo pagsipot sa dinner na iyon?!” nanlalaki ang mga m
FOUR YEARS LATERISANG malungkot na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Addie habang nakatingin sa natutulog na mga anak niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa mga ito at ginawa niya ang lahat para hindi siya makagawa ng kahit na anumang ingay na magiging dahilan para magising ang mga ito. Ngayon ang araw kung saan ay kailangan niyang umalis para bumalik ng Manila.Kailangan niya kasing maghanap ng trabaho doon dahil alam niya na sa susunod lang na mga taon ay kailangan ng mag-aral ng mga anak niya. Hindi niya naman gugustuhin na hindi makapag-aral ang mga ito. Isa pa, kahit na mahirap ay gusto niya sanang ipasok ang mga ito sa private school dahil mas sigurado siya sa kalidad ng edukasyon.Gusto niyang maging matalino ang mga ito. Sa edad nga nilang tatlong taon ay marunong na silang magsulat at bumasa ng mga simpleng english words.Labag man sa loob niya na iwan ang mga ito ay kailangan niyang magsakripisyo para sa future ng mga ito. May mga mapapasukan din naman sa probinsya, pero kasi…







