LOGINNANG maramdaman ni Addie na naging mabigat na ang paghinga ng lalaking nasa tabi niya ay dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama. Sinamsam niya ang kanyang damit na nagkalat sa sahig at nagbihis.
Kahit na sobrang sakit ng katawan niya ay pinilit niyang maglakad paalis doon. Pinanatili niyang nakayuko ang kanyang ulo dahil hindi na niya suot ng mga oras na iyon ang kanyang maskara. Ayaw niya namang malantad ang kanyang mukha.
Mabilis ang tibok ng puso niya habang naglalakad patungo sa elevator. Isang gabi lang naman ang nasa kasunduan nila. Ilang beses siya nitong inangkin at halos magmakaawa siya na tigila na niya ang ginagawa ngunit habang iniisip ang kalagayan ng kanyang ina habang nag-aagaw buhay ay tiniis niya ang sakit ng pagkababae niya.
Halos paika-ika siya sa paglakakad at mabuti na lang ay nagawa niyang makarating sa elevator. Nang magsara ito ay doon pa lang siya nakahinga ng maluwag dahil sa takot niya na baka magising ang lalaki at sundan siya nito. Hindi na niya kaya itong pagbigyan pa sa estado ng katawan niya.
Napakagat labi na lang siya nang muling maalala ang pagkawala ng bagay na pinaka-iniingatan niya, ang pagkabirhen niya. Alam niya na sa henerasyon ngayon ay hindi na mahalaga pa ang pagkabirhen sa kanila pero para sa kaniya ay napakahalaga nito ngunit ngayon ay tuluyan na itong nakuha ng lalaking ni hindi niya man lang kilala.
Wala siyang sinayang na sandali paglabas niya ng elevator. Kaagad siyang bumalik sa lugar kung saan naganap ang auction at doon ay hinihintay na siya ng nakausap niya.
“Mabuti naman at nandito ka na.” sabi nito at inabot na sa kaniya ang isang brown envelop. Ngumiti ito sa kaniya. “Katulad ng napagkasunduan ay sayo ang 25% ng kita kaya ayan, meron kang 2.5 million pesos.”
Hindi siya makapaniwala sa narinig. Kinuha niya ang envelop at pagkatapos ay binuksan. Halos manlaki ang kanyang mga mata nang makita ang pera sa loob. Hindi niya akalain na totoo nga ang lahat. Sa isang gabi ay ganun kalaking pera ang kinita niya.
“Ikaw pa lang ang babaeng nabili ng ganyan kamahal, alam mo ba?” sabi nito pagkalipas ng ilang sandali. Napahigpit ang hawak niya sa envelop. Wala siya sa mood para pag-usapan ang bagay na iyon. Ang mahalaga sa kaniya ngayon ay may pera na siya na pwede niyang ipangbayad sa ospital kung nasaan ang kanyang ina.
Tumayo siya mula sa kinauupuan. Wala na siyang balak pa na magtagal dahil tiyak na inaantay na siya ng kanyang ina. “Salamat po sa inyo. Mauuna na po ako.” magalang na sabi niya rito dahil kahit papano ay malaki ang utang na loob niya rito. Kung hindi dahil dito ay hindi siya magkakapera ng ganun kalaki.
Tumango ito sa kaniya. Tinalikuran na niya ito at naglakad patungo sa pinto ngunit bago pa man niya mabuksan ang pinto ay muli niyang narinig ang tinig nito. “Kung may balak kang maghanap ng trabaho ay pwede ka rito, mukhang may potential ka.” sabi nito sa kaniya.
Hindi na lamang siya sumagot at tuluyan nang lumabas. Paglabas niya ay kaagad siyang pumara ng taxi patungo sa ospital. Mabuti na lang at may dala siyang damit kanina na bihisan niya doon. Mukha siyang katawa-tawa kung naka-gown pa siyang magpupunta sa ospital.
Makalipas ang halos kalahating oras ay tuluyan na siyang nakarating sa ospital. Nagmamadali siyang nagtungo sa silid ng kanyang ina at halos tumigil ang tibok ng puso niya nang makitang pinalilibutan ito ng mga nurse at doktor. Ang makina sa tabi nito ay tumutunog at hindi siya tanga para hindi malaman ang nangyayari. Nanginginig ang tuhod niyang lumapit sa nagkakagulong mga doktor at nurse.
“Dok, ito na po ang perang kailangan niyo. Dala ko na po ang perang kailangan niyo para sa operasyon ng nanay ko. Please, iligtas niyo po siya…” napahikbi na siya at dahan-dahang napaluhod. Halos isang oras pa lang siyang wala pero ganito na ang lagay ng kanyang ina.
Tiningnan siya ng Doktor. “Okay, isalang siya sa operating room ngayon din.” sabi ng Doktor. Mabuti na lang at bumalik din naman kaagad ang pagtibok ng puso ng kanyang ina dahilan para mapatayo para sumunod sa operating room.
Sa labas ay tahimik siyang nakaupo, naghihintay ng lalabas na doktor. Ang kanyang mga mata ay magang-maga na dahil sa kanyang pag-iyak. Halos ilang araw na siyang walang tulog at kain dahil sa pag-iisip kung saan siya pwedeng kumuha ng ipangpapa-opera sa kanyang ina na may sakit sa puso.
May butas ang puso niya simula pa noong dalaga siya. Binawalan na pala ito noon ng doktor na magkaroon ng anak dahil sa kondisyon ngunit nagmatigas ito at nagpumilit na magkaanak kaya nabuo siya. Halos mag-agaw buhay din ito noon sa panganganak sa kaniya, mabuti na lang at hindi naman ito nalagay sa alanganin. Pero nitong mga nakaraan ay bigla na lang itong nahihirapang huminga basta.
Wala na ang kanyang ama, bata pa lang siya nang maulila siya sa ama dahil na hit and run ito ng isang hindi kilalang tao. Walang nakakita sa nangyari kaya hindi nila nakamit ang hustisya. Matanda na rin at mahina ang kanyang ina kaya siya na lang ang nagtatrabaho para sa kanilang dalawa.
Isa siyang call center agent, ngunit dahil nga sa kinailangan niyang bantayan ang kanyang ina sa ospital ay hindi siya nakapasok ng ilang araw at gumising na lang siya isang araw na tanggal na siya sa kanyang trabaho.
Ilang linggo na rin sila sa ospital at naubos na ang ipon niya. Nagkautang pa nga siya ngunit hindi pa rin iyong naging sapat para sa pagpapagamot ng kanyang ina kaya kinailangan niyang ibenta ang sarili niya madugtungan lang ang buhay ng kanyang ina, kahit na ang kapalit nun ay ang pagkawala ng dignidad niya,
Oras pa ang dumaan bago tuluyang bumukas ang pinto. Kaagad siyang napatayo at sinalubong ang doktor na lumabas mula rito. “Kumusta na po ang nanay ko Dok?” puno ng pag-asa niyang tanong sa doktor.
Isang buntong hininga ang pinakawalan nito. “Success naman ang operasyon ngunit hindi ko alam kung kailan siya magigising.” sabi nito sa kaniya.
Nagsalubong ang kanyang mga kilay. “Ano pong ibig niyong sabihin?” halos manginig ang boses niya.
“Kailangan pa ng ilang mga test at ia-update na lang kita okay? Nagbayad ka na ba sa billing?” tanong nito sa kaniya dahilan para magtagis ang mga bagang niya.
Talagang bago nila gamutin ang tao ay kailangang magbayad muna at magpakita ng halagang gusto nila. Tagapagligtas sila ng buhay hindi ba? Pero bakit parang iba ang nakikita niya sa mga ito, nagmumukha silang pera. Paano na lang kung hindi siya nakadiskarte ng pera? Paano na ang buhay ng kanyang ina?
Tumango siya at pilit na pinigilan ang galit na dahan-dahan nang umuusbong sa dibdib niya. “Ililipat na sa kwarto ang nanay mo, hintayin mo na lang siya doon.” sabi nito at ngumiti sa kaniya.
Naiwan siyang nakatayo doon habang nakakuyom ang mga kamay niya.
…
MALAKAS pa rin ang kabog ng dibdib ni Bella pagkalabas niya ng pinto. Kahit kailan talaga ay napakasama ng ugali ng lalaking iyon! Idagdag pa na bigla na lang natanggal ang pagkakatali ng roba nito sa kanyang harap mismo at dahil dito ay nag-init na naman ang kanyang pisngi ng wala sa oras ng maisip ito. Ilang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya para lang kumalma ang nararamdaman niya. Kung alam niya lang na ganun ang mangyayari sa pagsama niya don e di sana ay hindi na lang talaga siya sumama rito dahil kung hindi niya gagawin ang lahat para iwasan ito ay baka, baka kung anong gawin nito sa kaniya. Kung ito ang magiging kasama niya sa silid ay baka mas mainam na lang kung sa hallway siya matulog baka mas sakaling safe siya hindi ba? Nagkukunwari lang pala itong walang interes sa mga babae pero ang totoo ay manyakis talaga ito! Hindi niya hahayaang makalapit ito sa kaniya at makuha nito ang gusto sa kaniya kahit na sabihin pang boss niya ito. Hinding-hindi siya papayag.
DAHIL wala namang ibang mapuntahan si Bella ng mga oras na iyon ay pumunta na lang siya sa hagdan ng emergency exit. Nakapangalumbaba siya ng mga oras na iyon at napapaisip kung ano na kaya ang nangyayari sa loob ng silid na iyon. Masasabi niya na maganda naman ang babaeng pinapasok niya sa loob ng silid ni Xander at bukod pa doon ay napakaganda rin ng pangangatawan nito. May malalak din itong hinaharap kaya masasabi niya na tiyak na magugustuhan ito ng kanyang boss dahil karamihan naman ng mga lalaki ay ganun ang hanap hindi ba? Bukod pa doon ay may kaakit-akit itong mga mata. Mukha rin sanay na ito sa ganuong trabaho kaya sigurado siya na kayang-kaya nitong paamuhin ang lalaking iyon. Ilang sandali pa ay napangisi siya at marahang napatawa. Sigurado na nag-eenjoy na ito ng mga oras na iyon. Ngunit para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang marnig niya ang malamig na boses mula sa likuran niya. “Nakakatawa ba ang ginawa mo?” malamig at halatang galit na tanong nito sa kaniya.
PINAPASOK ni Bella ang babae at binigyan ng ilang mga tagubilin bago tuluyang lumabas ng silid na iyon. Pagkatapos niyang isara iyon ay napangisi na lang ng wala sa oras si Bella. Tingnan niya lang ngayon kung may reklamo pa ito sa kaniya. Samantala, pagkatapos namang umalis ng babae sa loob ng banyo ay hindi maiwasan ni XAnder na mapangisi. Halatang natakot ito sa sinabi niya at habang natatakot ito ay nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kasiyahan sa totoo lang. Buong akala niya talaga ay hindi na siya muling magkakainteres pa sa mga babae ngunit mali pala siya dahil mukhang nag-uumpisa na siyang magkainteres dito.Tahimik siyang nakahiga sa may bathtub habang may ngiti sa kanyang mga labi. Ilang sandali pa ay narinig niya ang muling bumukas ang pinto ng banyo. Napuno ng pagtataka ang kanyang mukha ng mga oras na iyon. Bumalik ba ito pagkatapos itong magtatakbo sa kaniya kanina? Papaliguan ba talaga siya nito?Ilang sandali pa ay naramdaman na lang niya ang malalambot na mga kam
MULING nagsalita si Xander. “Bella, gusto kong sabihin sayo na ang unang una mong dapat na matutunan ay ang pagpapaligo mo sa iyong amo. Naiintindihan mo ba?” tanong niya rito.Napuno naman ng gulat ang mukha ni Bella ng marinig niya ang sinabi nito. Anong ibig sabihin nito sa sinabi nitong iyon? Seryoso ba talaga ito? O niloloko lang siya nito at pinagtritripan?Seryoso ba talaga ito? Paliliguan niya ito? Bakit? May kamay naman ito at higit sa lahat ay wala itong problema kaya paanong kailangan niya pa itong paliguan? Hindi ba ito marunong maligo ng mag-isa? Madilim ang kanyang mukha na napatingin dito. “Pero bakit sir? May kamay naman kayo. Bakit kailangan ko pa kayong paliguan?” hindi lubos maintindihan ni Bella kung bakit niya ito kailangang paliguan. Kailan pa naging trabaho ng sekretarya ang pagliligo sa kanyang amo? Wala naman diba? Parang ngayon niya lang yata iyon narinig sa buong buhay niya. Mas naging madilim naman ang mukha nitong nakatingin sa kaniya. “Bakit hindi? Hindi
TANGHALI na nang dumating ang dalawa sa isang hotel na sa tantiya niya ay isa sa mga sikat na hotel sa lugar na iyon. Ang nag-book nun ay ang organizer ng isang fashion show. Pagkatapos niyang ihatid ang lalaki sa silid nito ay kaagad niya itong tinanong. “Uhm sir, saan po ang silid ko?” tanong niya rito. Wala naman kasi itong nabanggit sa kaniya kaya mas mainam na kung magtanong na siya.Nilingon siya nito habang hinuhubad ang suot nitong suit. “May dalawang kang pagpipilian. Una ay humanap ka ng ibang hotel na tutuluyan mo.” sagot nito sa kaniya. Mabilis na napailing si Bella, hindi niya iyon pwedeng gaiwn dahil bukod na nga sa hindi siya pamilyar sa lugar ay natatakot din siya. Baka mamaya ay kung anong mangyari sa kaniya. Ayaw niya namang mapahamak. “At ang isa?” mahina niyang tanong dito.“Matulog ka rito kasama ko.” sagot nito sa kaniya dahilan para manlaki ang kanyang mga mata ng wala sa oras. Tama ba ang narinig niya? Silang dalawa? Matutulog sa iisang silid? Nababaliw na ba
NAPATITIG si Xander sa mukha ng babae at puno ng pagtataka ang mukha niyang nakatingin dito. Bakit nito nasabi ang bagay na iyon? Isang flight attendant ang dumaan at nakita ang takot na takot na mukha ni Bella. Puno ng pag-aalalang tumingin ito sa kaniya at nagtanong. “May problema po ba Miss?” tanong nito sa kaniya.Patuloy pa rin ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Punong puno ng takot ang kanyang dibdib.,ayaw niya pang iwanan ang mga anak niya dahil napakabata pa ng mga ito. Doon niya lang napansin na noong mga oras na iyon ay maayos na pa lang muli ang lipad ng eroplano. Bigla siyang napalingon sa labas ng bintana, ayos na ba talaga ang lahat? Napakurap siya ng ilang beses bago niya tuluyang napagtanto na hanggang sa mga oras na iyon ay nakayakap pa rin pala siya sa mga bisig ng lalaking katabi niya. Nang tingnan niya ang suot nitong suit ay may bahid pa ito ng sipon kaya dali-dali niya itong binitawan at lumayo rito na parang napapaso. “Pa-pasensya na po sir.” paghingi ni
WALA pang alas syete ng umaga ay nasa harap na ng kumpanya si Addie. Ito ang unang araw niya ngayon sa trabaho kaya inagahan niya talaga. Ayaw niya namang ang unang araw niya sa trabaho niya ay late niya baka maging pangit ang first impression ng amo niya sa kaniya.Punong-puno siya ng pag-aalala k
ALAS tres pa lang ng hapon ay pinauwi na si Addie ni Bill dahil ang sabi nito sa kaniya ay magpahinga na lang daw muna siya at bukas na lang siya mag-umpisa sa mga trabaho niya. Idagdag pa na na-train naman na siya nito at naipaliwanag na nito ang lahat ng dapat niyang gawin kaya hindi na siya mang
MEDYO malayo-layo na ang nalakad ni Sevi at Laida nang tumigil si Sevi sa paglalakad at ipinasok sa bulsa ang isang kamay at nilingon ang babaeng nasa tabi niya. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.” pag-uumpisa niya. Napakunot naman ang noo nitong nakatingin sa kaniya habang hinihintay ang mga sus
ISANG mahabang buntong hininga ang pinakawalan ni Addie habang naglalakad bitbit ang ilang mga dokumento para dalhin sa opisina ng boss niya. Hindi pa rin siya lubos makapaniwala na natanggap siya kaagad kahit na ni hindi niya man lang nasagot ng maayos ang tanong nito.Hindi niya maiwasang hindi i







