首頁 / Romance / Silakbo / Mga Lihim sa Likod ng Salamin

分享

Mga Lihim sa Likod ng Salamin

作者: Anne Author
last update publish date: 2026-04-11 17:20:02

Gavin POV

Hindi ko hilig alalahanin ang nakaraan.

para sa akin walang silbi iyon

Ang mga alaala ay parang lumang sugat kapag paulit-ulit mong hinawakan, lalo lang dumudugo.

Kaya natutunan kong tumingin palagi sa susunod na problema, susunod na deal, susunod na meeting.

Mas madaling kontrolin ang numero kaysa emosyon.

Mas madaling pamahalaan ang kumpanya kaysa sarili.

Pero minsan…

may mga taong bigla na lang pumapasok sa isip mo kahit wala kang intensyong alalahanin sila.

At nakakainis iyon.

Nakatayo ako sa harap ng floor-to-ceiling window ng opisina habang pinapanood ang ulan sa labas.

Mahina lang.

Pero sapat para gawing abo ang mood ng siyudad.

May hawak akong report ngunit hindi ako nagbabasa.

Hindi dahil wala akong trabaho.

Kundi dahil paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang isang eksenang wala namang dapat maging epekto sa akin.

"Mas safe po."

Napailing ako.

Elyse Valencia.

Isang consultant.

Iyon lang.

Hindi ka teenager, Gavin.

Hindi ka tanga.

Hindi ka lalaking madaling ma-distract.

At lalong hindi ka dapat naaapektuhan ng simpleng conversation.

Tumunog ang intercom.

“Sir, nandito po si Attorney Ruiz.”

“Send him in.”

Pumasok ang abogado ko dala ang makapal na folder.

Business face agad.

Professional.

“Good afternoon.”

Tumango ako.

“Sit.”

Inilapag niya ang folder sa mesa.

“Overseas acquisition?”

“Stable,” sagot niya. “Pero may isa pa pong concern.”

Tiningnan ko siya.

“Regarding po sa anonymous reports.”

Bahagyang umigting ang panga ko.

Iyon na naman.

“Anong meron?”

Binuksan niya ang folder.

“May nagpadala na naman po ng inquiry tungkol sa personal assets at foundation transfers.”

Hindi agad ako nagsalita.

Hindi dahil kinakabahan ako.

Kundi dahil matagal nang may kung anong gumagalaw sa paligid ng pangalan namin.

Mga anonymous emails.

Mga financial questions.

Walang direktang threat.

Pero sapat para maging istorbo.

“Source?”

“Still unknown.”

“Media?”

“Possible. Or someone probing.”

Tumingin ako sa bintana.

“I-handle mo.”

“Already doing it.”

Tahimik siya sandali bago muling nagsalita.

“Sir… gusto ko lang po maging direkta.”

Tumingin ako sa kanya.

“May possibility na may nag-iinvestigate sa family.”

Tahimik.

Malamig.

At sa loob ng ilang segundo, para akong bumalik sa mga panahong akala ko ay nalibing na.

The De La Vega name.

Ang problema sa apelyidong iyan—

hindi lang negosyo ang kasama.

Kasama rin ang mga lihim.

“Find out who,” sabi ko.

“Understood.”

Tumayo siya at lumabas.

Naiwan akong muli sa katahimikan.

At sa hindi ko maintindihang dahilan, mas mabigat iyon ngayon kaysa dati.

Bandang alas-singko, umalis ako sa opisina.

Traffic.

Ulan.

Mga ilaw ng sasakyan na humahalo sa basang kalsada.

Tahimik ang loob ng kotse.

Minsan gusto ko ang ganitong biyahe.

Ito lang ang sandaling walang board members, walang cameras, walang Helena.

Ako lang.

At mga bagay na pilit kong iniiwasan.

Tumunog ang cellphone ko.

Helena.

Tinitigan ko muna ang screen bago sinagot.

“Yes?”

“Nasaan ka?”

“On the way.”

“Late ka.”

Napatingin ako sa relo.

“May meeting.”

Tahimik siya.

At kilala ko ang katahimikang iyon.

Hindi iyon simpleng paghihintay.

May laman.

“May dinner tayo,” sabi niya.

Napapikit ako saglit.

Nakalimutan ko.

Charity sponsors.

Of course.

“I remember.”

“Do you?”

Malamig.

Diretso.

Bahagya akong napabuntong-hininga.

“Helena—”

“Just be there.”

Pinatay niya ang tawag.

Ibinaba ko ang phone.

At doon ko muling naramdaman ang lumang pagod.

Hindi galit.

Hindi guilt.

Pagod.

Nakakapagod ang paulit-ulit na pag-aayos ng isang bagay na pareho ninyong alam na matagal nang may bitak.

Mabilis akong dumaan sa foundation building bago dumiretso sa dinner venue.

May ilang documents akong kailangang kunin para sa gala.

Tahimik ang hallway.

Karamihan ng staff ay nakauwi na.

At habang naglalakad ako—

narinig ko ang boses.

Mahina.

May halong pagod.

Huminto ako.

Nanggagaling iyon sa conference room.

Bahagyang nakabukas ang pinto.

At bago pa ako makapag-isip kung dapat ba akong tumuloy—

nakita ko siya.

Elyse.

Nakatayo sa harap ng table, napapalibutan ng folders at guest charts.

Nakasuot siya ng simpleng blouse at nakapusod ang buhok.

Walang makeup na halata.

Walang effort para magpahanga.

Abala lang.

“Sir?”

Napansin niya ako.

Bahagya akong natigilan.

“I thought everyone left.”

Napatingin siya sa paligid at bahagyang natawa.

“Wish ko rin po.”

Hindi ko alam kung bakit pero napatingin ako sa mga papel.

“You’re still working.”

“Opo.”

“Late na.”

“Deadline din po.”

Diretso.

Simple.

Lumapit ako sa mesa.

“Where’s the rest of the team?”

“May field visit tomorrow. Pinauwi ko na.”

Tumingin ako sa charts.

Detalyado.

Maayos.

Halatang pinagpaguran.

“You did all this?”

“Team effort.”

I almost smiled.

“Diplomatic answer.”

Napatingin siya sa akin, bahagyang amused.

“Professional answer.”

Tahimik.

Sa labas, mas lumakas ang ulan.

At sa unang pagkakataon sa buong araw

hindi nakakairita ang katahimikan.

Kinuha niya ang isang folder.

“Actually, good thing nandito kayo ah… kayo po.”

Bahagya akong tumingin sa kanya.

“May kulang sa seating approval.”

Tumabi siya sa table at ipinakita ang layout.

Amoy ulan at kape ang silid.

At nakakainis aminin, pero matagal na mula nang magkaroon ako ng normal na conversation na walang tension.

“Helena reviewed this?”

Bahagya siyang tumahimik.

“Opo.”

May kakaiba sa sagot.

Tumingin ako sa kanya.

“She called you.”

Hindi iyon tanong.

Saglit siyang natigilan.

“Work-related naman po.”

Malamig ang pumasok na hangin sa pagitan namin.

Hindi ko kailangang itanong kung paano nangyari ang usapan.

Kilalang-kilala ko si Helena.

At kilala ko rin ang tono niyang kayang magpasikip ng hangin.

“Sorry,” sabi ko.

Agad siyang umiling.

“Hindi naman kailangan.”

“It does.”

Tahimik siya.

Tapos dahan-dahang ngumiti.

Hindi flirtatious.

Hindi calculated.

Pagod lang.

“Sir… normal lang naman po iyon.”

Hindi.

Hindi normal.

Hindi dapat.

Pero hindi ko sinabi.

Sa halip, tumingin ako sa papers.

“At bakit hindi ka pa umuuwi?”

Napatingin siya sa bintana.

“Mahina na po siguro ulan.”

“Siguro?”

“Wala po akong payong.”

Napailing ako.

“You refused the one I sent.”

Nagulat siya.

“Kayo pala talaga iyon.”

“Who else?”

Parang gusto niyang matawa ngunit pinigilan niya.

“Hindi ko kailangan.”

“Or ayaw mong tumanggap.”

Tiningnan niya ako.

Diretso.

At sa tinging iyon, may bagay akong hindi inaasahan.

Hindi takot.

Hindi pag-aalangan.

Kundi dignidad.

“Magkaiba po iyon.”

Tumahimik ako.

Dahil tama siya.

At matagal na akong hindi kinokontra nang ganoon nang walang halong agenda.

Lumakas ang ulan.

Masyado.

Napatingin siya sa labas.

Mukhang nai-stress.

“At this rate,” sabi ko, “hindi ka makakauwi.”

“Kaya po.”

“How?”

“Commute.”

I almost laughed.

Hindi dahil minamaliit ko iyon.

Kundi dahil hindi ko na maalala kung kailan ako huling nakarinig ng taong nagsasabing kaya niya nang walang hinihinging tulong.

“Hatid na kita.”

Agad siyang umiling.

“Hindi na po.”

“It’s raining.”

“Okay lang.”

“Elyse.”

Tumigil siya.

At saka lang siguro namin pareho napansin—

first time kong tawagin ang pangalan niya nang ganoon.

Walang title.

Walang distansya.

Tahimik ang silid.

Naririnig lang ang ulan.

Dahan-dahan siyang huminga.

“Sir, may dinner po kayo.”

Napatingin ako sa relo.

Damn.

Almost forgotten.

“Right.”

Bahagya siyang ngumiti.

“See?”

Napailing ako.

“You remembered.”

“Part ng trabaho.”

Hindi ko alam kung bakit parang may kung anong kumirot sa dibdib ko sa simpleng sagot na iyon.

Trabaho.

Of course.

Ano pa ba dapat?

Sa huli, pumayag siyang ihatid ng driver ko.

Hindi ako sumama.

May dinner ako kasama si Helena at mga sponsors.

Pero habang pinapanood ko siyang sumakay sa sasakyan—

may hindi komportableng pakiramdam sa loob ko.

Hindi excitement.

Hindi attraction.

Hindi pa.

Mas delikado.

Curiosity.

At matagal ko nang alam

ang curiosity ang simula ng mga problemang hindi mo inaasahang lalaki.

Pagdating ko sa hotel ballroom, naroon na si Helena.

Elegant.

Perfect.

At malamig.

Nang makita niya ako, ngumiti siya para sa mga taong nakapaligid.

Iyong ngiting para sa publiko.

“Gavin,” malambing niyang bati.

Lumapit ako.

“You’re late.”

“Traffic.”

Nakangiti pa rin siya.

Pero paglapit niya, halos bulong ang sumunod.

“Interesting.”

Tiningnan ko siya.

“What is?”

“Your driver.”

Humigpit ang panga ko.

“What about him?”

“Busy tonight.”

Tumigil ang oras sa pagitan namin.

Hindi ko alam kung paano niya nalaman.

O gaano karami ang alam niya.

Pero kilala ko ang asawa ko.

Kapag ganiyan siya magsalita

may sinusukat na siyang sugat.

At naghahanap ng lugar kung saan iyon tatamaan.

“Helena—”

“Relax,” bulong niya, nananatiling nakangiti habang may paparating na sponsor. “I’m just observing.”

At doon ko naramdaman ang unang malamig na kutob.

Hindi dahil may ginawa akong mali.

Kundi dahil alam kong ang asawa ko

kapag nagsimula nang mag-observe

hindi siya titigil hangga’t wala siyang nakikitang katotohanan.

O bagay na pwede niyang sirain.

Kinagabihan, pag-uwi ko sa penthouse, hindi agad ako pumasok sa kwarto.

Tumigil ako sa sala.

Madilim.

Tahimik.

At sa salamin ng bintana, nakita ko ang sarili kong repleksyon.

Impeccable suit.

Controlled expression.

Successful man.

Pero sa likod ng lahat

pagod na pagod na lalaki.

At habang nakatingin ako sa sarili ko

may isang tanong na paulit-ulit na bumabalik sa isip ko.

Bakit pakiramdam ko…

na may paparating na problemang hindi kayang resolbahin ng pera, impluwensya, o apelyido?

Sa labas, patuloy ang ulan.

At sa isang sulok ng siyudad

may babaeng marahil ay tulog na.

Habang sa loob ng marangyang tahanan ko,

may asawa akong nagsisimula nang magduda

at isang lihim na hindi pa man nagsisimula…

unti-unti nang humihinga.

在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP

最新章節

  • Silakbo    Mga Pangarap na May Sugat

    Pagkaalis ni Elyse sa hallway, parang may kung anong naiwan sa hangin. Tahimik. Mabigat. At mas lalong mabigat dahil naroon si Helena. Katabi ko. Tahimik ding nakatingin sa direksyong nilakaran ni Elyse. Hindi ko alam kung ano ang nakita niya. O gaano karami. Pero kilala ko ang asawa ko. At ang katahimikan niya hindi iyon kawalan ng iniisip. Mas delikado. Iyon ang sandaling nag-iipon siya ng tanong. “Interesting employee,” sabi niya sa wakas. Napatingin ako. Neutral ang tono. Too neutral. “She’s good at her job.” Tumango siya. “So I’ve heard.” Hindi ko nagustuhan ang paraan ng pagkakasabi niya. Hindi accusatory. Mas masama. Parang sinusukat. Ilang segundo kaming walang imik. Hanggang sa siya mismo ang nagsalita. “Dinner tonight?” Napakurap ako. “Dinner?” “At home.” Bahagya siyang ngumiti. “Unless may emergency trip ulit.” Mabigat ang hangin. At sa likod ng simpleng tanong may kung anong hindi ko mabasa. Pero tumango ako. “I’ll be home.” “Good.” At pa

  • Silakbo    Mga Taong Nagmamasid

    Gavin POV May mga araw na kahit gaano ka ka-busy, may isang bagay na paulit-ulit bumabalik sa isip mo. At buong araw si Elyse iyon. Hindi iyong alaala ng gabi sa lodge. Mas mabigat. Iyong paraan ng pagtanggi niya kanina sa hallway. Wag niyo po akong pahirapan. Simple. Pero parang may naiwan na sugat sa pagitan naming dalawa. Nakatayo ako sa loob ng opisina, nakaharap sa malaking salamin habang pinagmamasdan ang makulimlim na langit ng Maynila. Hindi ko alam kung alin ang mas nakakairita ang guilt? O ang katotohanang gusto ko pa rin siyang kausapin kahit alam kong wala akong karapatan. Tumunog ang phone ko. Ruiz. “Yes?” “Sir.” Mababa ang boses niya. Professional. Pero may kakaiba. “Update?” “About the access tracing.” Humigpit ang hawak ko sa telepono. “Talk.” “Someone has been requesting movement information.” Tahimik ako. “Media?” “Negative.” Malamig ang hangin sa office. “Then who?” May ilang segundong katahimikan. “At first, we thought internal curios

  • Silakbo    Mga Bagay na Hindi Na Maibabalik

    Elyse POV May mga umagang gusto mong paniwalaan na panaginip lang ang lahat. Na kapag dumilat ka mabubura ang gabing hindi mo maintindihan. Na may paraan para balikan ang isang sandaling pinagsisihan mo bago pa ito tuluyang mangyari. Pero paggising ko alam kong wala nang ganoong himala. Malamig ang hangin sa loob ng sasakyan habang pauwi kami mula sa outreach site. Tahimik. Masyadong tahimik. Nakatitig lang ako sa bintana habang mabilis na lumalampas ang mga puno at basang kalsada. Hindi ko magawang tumingin kay Gavin. Hindi dahil galit ako. Mas mahirap. Dahil natatakot ako sa sarili kong nararamdaman. At mas natatakot ako sa katotohanang kahit ilang beses kong ulitin sa isip ko na mali ang nangyari… hindi mabura ang alaala ng init ng mga yakap niya. At iyon ang pinakakinaiinisan ko. Humigpit ang hawak ko sa bag. Hindi dapat. Hindi dapat nangyari. Hindi ako ganoong babae. Hindi ako iyong madaling matangay. Matagal kong iningatan ang sarili ko. Hindi dahil mahin

  • Silakbo    Ang Katahimikang May Presyo

    Helena POV May mga umagang hindi mo kailangang tumingin sa salamin para malaman na may mali. Ramdam mo agad. Sa bigat ng dibdib. Sa sakit ng batok. Sa katahimikang parang may hinihintay na masamang balita. At iyon ang klaseng umagang bumungad sa akin. Maaga akong nagising. Madilim pa ang langit sa labas ng penthouse, nababalutan ng manipis na ambon ang salamin ng malalaking bintana. Humiga ako nang ilang segundo, nakatingin sa kisame. Tahimik. Masyadong tahimik. Paglingon ko sa kabilang bahagi ng kama walang tao. Bahagya akong napapikit. Hindi na bago. Matagal nang hindi pareho ang oras ng pagtulog namin ni Gavin. Minsan sa study siya natutulog. Minsan naman, madaling-araw na kung umakyat. Pero nakakainis aminin bawat pagkakataong wala siya sa tabi ko, may maliit na bahagi ng sarili kong napapagod nang umasa na babalik pa sa dati ang lahat. Dahan-dahan akong bumangon. Paglabas ko ng kuwarto, agad kong napansin ang ilaw sa kusina. Naroon si Gavin. Nakatayo sa har

  • Silakbo    Mga Linyang Hindi Dapat Tawirin

    Gavin POV Hindi ko gusto ang paraan ng pagtingin ni Helena kay Elyse. Hindi dahil may karapatan akong mainis. Kundi dahil alam ko ang asawa ko. Kapag tahimik siya, mas delikado. At habang nakaupo ako sa opisina matapos ang meeting, hindi mawala sa isip ko ang imahe nilang dalawa sa café sa ground floor. Coffee. Conversation. Simple. Pero bakit parang may kung anong humihigpit sa dibdib ko? Humigpit ang hawak ko sa ballpen bago ko ito ibinaba. Nakakainis. Dahil wala akong dahilan para maapektuhan. Wala. Tumunog ang phone ko. Ruiz. “Sir.” “Update?” “Still tracing the access issue.” “Anything useful?” “May internal routing, pero hindi pa complete.” Sumandal ako sa upuan. “Keep digging.” Pagkababa ng tawag, naiwan akong nakatingin sa bintana. Sa ibaba, makapal ang ulap. Mukhang uulan ulit. At hindi ko alam kung bakit biglang bumalik sa isip ko ang gabing nasa driveway kami. Ang ulan. Ang halik. At ang paraan ng pag-alis ni Elyse. Parang may kung anong sumikip

  • Silakbo    Mga Bagay na Hindi Nakikita… Pero Nararamdaman

    Helena POV May mga gabi na kahit pagod ang katawan mo, tumatanggi pa ring matulog ang isip. At iyon ang klaseng gabi na mayroon ako. Mahina ang ulan sa labas ng penthouse habang nakaupo ako sa dining area, hawak ang malamig nang tsaa na matagal ko nang hindi iniinom. Alas-onse na. Wala pa si Gavin. Hindi naman bago iyon. Pero nitong mga nakaraang linggo, napapansin kong may pagbabago sa paghihintay ko. Dati, may inis. Ngayon may kaba. Hindi dramatic. Hindi hysterical. Mas tahimik. Mas mapanganib. Iyong tipong hindi mo maipaliwanag pero ayaw kang patahimikin. Tumunog ang elevator. Napatingin ako. Ilang segundo lang lumabas si Gavin. Bahagyang basa ang buhok. N*******d na ang coat at nakasukbit sa isang braso. Pero hindi iyon ang una kong napansin. Kundi ang mukha niya. Tahimik. At may kung anong magulo sa likod ng mga mata niya. “You’re late,” sabi ko. Huminto siya. “Power issue sa foundation.” Tumango ako. Possible. Normal. At bakit parang hindi sapat ang

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status