Home / Romance / Silakbo / Mga Bagay na Hindi Dapat Simulan

Share

Mga Bagay na Hindi Dapat Simulan

Author: Anne Author
last update publish date: 2026-04-10 16:44:40

Elyse POV

Hindi ako sanay sa mga lugar na kumikinang.

Iyong tipong pati sahig ay kaya mong makita ang repleksyon mo. Iyong mga lobby na amoy mamahaling pabango at katahimikan. Iyong mga gusaling may mga taong nakangiti pero parang laging may tinatago.

Kaya tuwing pumapasok ako sa De La Vega Foundation, pakiramdam ko ay may bahagi ng sarili kong hindi nababagay roon.

Hindi dahil mahirap ako.

Hindi dahil mababa ako.

Sanay lang akong mabuhay sa simpleng mundo.

Mundo kung saan hindi sinusukat ang halaga ng tao sa apelyido o sa brand ng suot niya.

Hinigpitan ko ang hawak sa folder habang bumababa sa jeep ilang kanto mula sa foundation building.

Makulimlim ang umaga.

May bahagyang ambon.

At katulad ng madalas kong ginagawa kapag kinakabahan, tumingala muna ako sa langit.

“Please, maging maayos lang ang araw na ’to,” bulong ko.

Hindi ako paladasal.

Pero minsan, wala ka namang choice kundi umasa.

“Ate Elyse!”

Napangiti ako nang marinig ang boses sa phone ko.

Nasa kabilang linya ang bunso kong kapatid na si Mira.

“Ano na naman?” natatawa kong tanong habang naglalakad.

“Kumain ka na ba?”

“Aga-aga, sermon agad?”

“Concern ’yon.”

Napailing ako.

Ganito lagi si Mira. Kahit siya ang mas bata, parang siya pa ang ate.

“Kumain ako,” pagsisinungaling ko.

Tahimik siya.

“Sinungaling.”

Napatawa ako.

“May duty ka ba ngayon?”

“Half day lang,” sagot niya. “Ikaw? Big meeting?”

“Oo.”

“Kinakabahan ka?”

Tumingin ako sa matayog na gusali sa harap ko.

“Oo,” amin ko.

“Kayang-kaya mo ’yan.”

Simple lang.

Pero sapat na.

Iyon ang gusto ko kay Mira. Hindi siya dramatic. Hindi siya mahilig sa malalaking salita.

Totoo lang.

“Mag-iingat ka,” sabi niya.

“Ikaw rin.”

Pagkaputol ng tawag, huminga ako nang malalim bago pumasok sa building.

Work mode.

Kailangan ko iyon.

Dalawang taon na akong consultant sa community programs.

Hindi ito glamorous na trabaho.

Mahabang reports.

Field work.

Budget requests.

Mga batang nangangailangan ng scholarship.

Mga pamilyang nawalan ng bahay.

Mga clinic na kulang sa gamot.

Pero gusto ko ito.

Dahil dito, may silbi ako.

Hindi para magpasikat.

Hindi para yumaman.

Kundi para may mabago kahit kaunti.

Pagpasok ko sa foundation office, agad akong sinalubong ng staff.

“Good morning, Ms. Valencia.”

“Morning.”

“Ready na po iyong gala briefing.”

Tumango ako.

Ang charity gala.

Tatlong linggo ko nang inaasikaso iyon kasama ng buong team.

At kung magiging maayos ito, malaking tulong iyon sa outreach clinics.

Iyon lang ang mahalaga.

Hindi ang social scene.

Hindi ang mga mayayamang guest.

Hindi ang politics sa likod ng event.

Trabaho lang.

Iyon ang sabi ko sa sarili ko.

Pagdating ko sa conference room, naroon na ang ilan sa organizers.

May projector.

May coffee.

May stack ng documents.

Normal.

Pamilyar.

Kumportable.

Hanggang sa may bumukas na pinto.

At biglang tumahimik ang kwarto.

Hindi ko kailangang lumingon agad para malaman kung sino.

Nararamdaman ko na.

Iyong uri ng presensyang biglang nagpapabago ng atmosphere.

“Good morning,” mababang boses.

Napalingon ako.

At doon ko siya unang nakita nang malapitan.

Gavin De La Vega.

Hindi sa magazine.

Hindi sa TV interview.

Hindi sa newspaper photo.

Kundi totoong tao.

Mas matangkad kaysa inaasahan ko.

Simple ang suot dark suit, walang sobrang accessories—pero may natural na awtoridad sa kilos niya.

Hindi siya ngumiti.

Hindi rin suplado.

Parang… pagod.

At hindi ko alam kung bakit iyon agad ang napansin ko.

Tumayo ang mga tao sa paligid.

“Sir Gavin.”

Tumango lang siya.

Professional.

Kontrolado.

At pagkatapos, tumingin siya sa mesa.

Hanggang sa huminto ang tingin niya sa akin.

Hindi iyon matagal.

Ilang segundo lang.

Pero sapat para makaramdam ako ng awkwardness.

“Ms. Valencia?” tanong niya.

Tumayo ako.

“Yes, sir.”

Lumapit siya at iniabot ang kamay.

“Gavin.”

Sandali akong natigilan bago nakipagkamay.

Mainit ang kamay niya.

At matatag.

“Elyse,” sabi ko.

“Thank you for handling the outreach side.”

“Trabaho ko po.”

Bahagya siyang tumango.

At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, parang may lungkot sa mga mata niya na hindi tugma sa lalaking nasa harap ko.

Nagsimula ang meeting.

Numbers.

Guests.

Sponsors.

Schedules.

Karaniwang discussion.

At gaya ng lagi, nakafocus ako sa trabaho.

“Clinic allocation?” tanong ng finance head.

Nagpresent ako ng data.

“Three provinces ang priority natin. Kapag bumaba ang budget, mawawala ang mobile unit.”

“Too expensive,” sagot ng isa.

“Mas expensive ang mawalan ng healthcare access,” diretso kong sabi.

May ilang napatingin.

Hindi ako sanay magpaligoy-ligoy.

Tahimik ang room.

Tapos narinig ko ang boses ni Gavin.

“Approve it.”

Napatingin lahat sa kanya.

“Sir?”

“Approve the allocation.”

Tahimik ulit.

“At hindi babawasan ang mobile clinic,” dagdag niya.

Tumango ang finance head.

“Understood.”

Nagpatuloy ang meeting.

Pero hindi ko maiwasang mapansin—

hindi siya tulad ng inaasahan ko.

Akala ko cold billionaire type.

Iyong detached.

Pero nakikinig siya.

Tahimik lang.

At minsan, ang mga tahimik ang pinakamahirap basahin.

Pagkatapos ng meeting, isa-isa nang nagsilabasan ang mga tao.

Ako naman, abala sa pag-aayos ng documents.

“Ms. Valencia.”

Napalingon ako.

Nakatayo si Gavin malapit sa mesa.

“Sir?”

“May oras ka?”

Natigilan ako.

“Regarding clinic proposal,” dagdag niya.

Professional.

Of course.

“Opo.”

Lumipat kami sa mas maliit na discussion room.

At sa unang pagkakataon, kami lang.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong conscious sa sarili ko.

Siguro dahil siya ang employer.

O dahil hindi ako sanay sa ganitong environment.

“Coffee?” tanong niya.

“No, thank you.”

Tumango siya.

Tahimik muna bago nagsalita.

“Bakit mo ginagawa ’to?”

Napakurap ako.

“Sorry?”

“The outreach work.”

Simple ang tanong.

Pero parang hindi iyon business question.

Napaisip ako.

“May sakit ang papa ko noon,” sagot ko.

Tahimik siyang nakinig.

“Walang clinic malapit sa amin. Walang gamot. Walang budget.” Huminga ako. “After niyang mawala… siguro gusto ko lang siguraduhin na may ibang pamilya na hindi daraan sa gano’n.”

Hindi siya nagsalita agad.

At sa katahimikang iyon, pakiramdam ko ay masyado akong maraming nasabi.

“Sorry,” sabi ko. “Personal.”

“No.”

Napatingin ako sa kanya.

“Hindi iyon problema.”

Muli, tumahimik kami.

At doon ko napansin—

pagod talaga siya.

Hindi physical lang.

Ibang uri ng pagod.

Parang may dala siyang bagay na hindi niya maibaba.

“Sir?” maingat kong tawag.

Parang saka lang siya bumalik sa sarili.

“Gavin,” sabi niya.

Nag-alinlangan ako.

“Sir na lang po.”

At doon, sa unang pagkakataon, bahagya siyang ngumiti.

Hindi malaking ngiti.

Hindi charming.

Pero totoo.

“At bakit?” tanong niya.

“Mas safe po.”

Bahagya siyang natawa.

At hindi ko alam kung bakit biglang gumaan ang atmosphere.

Nang matapos ang usapan, halos tanghali na.

Naglakad ako palabas ng building habang hawak ang folders.

Umuulan na.

Mahina lang.

Napabuntong-hininga ako.

Wala akong payong.

Perfect.

“Ate!”

Napalingon ako sa guard.

“Ma’am ah, Ms. Valencia!”

“O?”

May tumatakbo palapit.

Driver.

Bitbit ang itim na payong.

“Para po sa inyo.”

Natigilan ako.

“Akin?”

“Opo.”

“Sino may sabi?”

Nag-atubili siya.

“From Sir Gavin po.”

Parang may malamig na bagay na dumaan sa likod ko.

Napatingin ako sa gusali.

Sa mataas na salaming bintana.

Syempre, wala akong makita.

Hindi ko tinanggap agad ang payong.

“Hindi na po kailangan.”

“Ma’am—”

“Okay lang.”

Ngumiti ako nang magalang at umatras.

Sanay ako sa ulan.

Hindi ako matutunaw.

At mas lalong ayokong masanay sa mga bagay na hindi akin.

Sa biyahe pauwi, paulit-ulit bumabalik sa isip ko ang umagang iyon.

Hindi dahil espesyal.

Hindi dahil romantic.

Walang ganoon.

Trabaho lang.

Pero may kung anong hindi komportable.

Hindi kay Gavin.

Kundi sa sarili ko.

Dahil matagal ko nang natutunan ang isang leksyon

ang mga mundong sobrang magkaiba, hindi dapat pinipilit pagtagpuin.

At ang mundo ng mga De La Vega?

Hindi para sa babaeng tulad ko.

Pagdating ko sa maliit naming apartment, nadatnan ko si Mira na nagluluto.

“Aba, buhay ka pa,” bati niya.

“Barely.”

Napatawa siya.

“Kumusta?”

“Inabot ng meeting.”

“Tapos?”

Umupo ako.

“Okay naman.”

Matalim ang tingin niya.

“May hindi ka sinasabi.”

“Wala.”

“Elyse.”

Napabuntong-hininga ako.

“Na-meet ko si Gavin De La Vega.”

Tumigil siya sa paghahalo.

“Oh.”

“Exactly.”

“Gwapo?”

“Mira!”

“Ano? Scientific question.”

Napailing ako.

“Hindi iyon ang point.”

“E ano?”

Tumahimik ako.

Hindi ko agad nasagot.

Kasi ang totoo?

Hindi ko rin alam.

Hindi naman siya extraordinary.

Hindi rin ako kinilig.

Pero may kakaiba.

Parang…

malungkot siyang tao.

At nakakainis aminin, pero iyon ang pinaka-delikadong klase.

Dahil ang mga taong mukhang malakas pero tahimik na nasasaktan

sila iyong madalas mong gustong intindihin.

At iyon ang bagay na hindi dapat simulan.

Lalo na kapag ang lalaking iyon…

ay may asawa na.

Gabing iyon, habang nakahiga ako at nakikinig sa ulan sa bubong

naisip ko ang mga mata niya.

Pagod.

Tahimik.

At parang may gustong sabihin na hindi lumalabas.

Pinikit ko ang mga mata ko.

“Stop,” bulong ko sa sarili.

Trabaho lang.

Walang iba.

At dapat doon lang iyon magtatapos.

Pero hindi ko alam

na sa parehong gabing iyon,

sa isang marangyang bahay na malayo sa simpleng apartment namin,

may isa pang taong hindi rin makatulog.

At unti-unti nang nagsisimulang gumalaw ang isang silakbong wala ni isa sa amin ang handang harapin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Silakbo    Mga Pangarap na May Sugat

    Pagkaalis ni Elyse sa hallway, parang may kung anong naiwan sa hangin. Tahimik. Mabigat. At mas lalong mabigat dahil naroon si Helena. Katabi ko. Tahimik ding nakatingin sa direksyong nilakaran ni Elyse. Hindi ko alam kung ano ang nakita niya. O gaano karami. Pero kilala ko ang asawa ko. At ang katahimikan niya hindi iyon kawalan ng iniisip. Mas delikado. Iyon ang sandaling nag-iipon siya ng tanong. “Interesting employee,” sabi niya sa wakas. Napatingin ako. Neutral ang tono. Too neutral. “She’s good at her job.” Tumango siya. “So I’ve heard.” Hindi ko nagustuhan ang paraan ng pagkakasabi niya. Hindi accusatory. Mas masama. Parang sinusukat. Ilang segundo kaming walang imik. Hanggang sa siya mismo ang nagsalita. “Dinner tonight?” Napakurap ako. “Dinner?” “At home.” Bahagya siyang ngumiti. “Unless may emergency trip ulit.” Mabigat ang hangin. At sa likod ng simpleng tanong may kung anong hindi ko mabasa. Pero tumango ako. “I’ll be home.” “Good.” At pa

  • Silakbo    Mga Taong Nagmamasid

    Gavin POV May mga araw na kahit gaano ka ka-busy, may isang bagay na paulit-ulit bumabalik sa isip mo. At buong araw si Elyse iyon. Hindi iyong alaala ng gabi sa lodge. Mas mabigat. Iyong paraan ng pagtanggi niya kanina sa hallway. Wag niyo po akong pahirapan. Simple. Pero parang may naiwan na sugat sa pagitan naming dalawa. Nakatayo ako sa loob ng opisina, nakaharap sa malaking salamin habang pinagmamasdan ang makulimlim na langit ng Maynila. Hindi ko alam kung alin ang mas nakakairita ang guilt? O ang katotohanang gusto ko pa rin siyang kausapin kahit alam kong wala akong karapatan. Tumunog ang phone ko. Ruiz. “Yes?” “Sir.” Mababa ang boses niya. Professional. Pero may kakaiba. “Update?” “About the access tracing.” Humigpit ang hawak ko sa telepono. “Talk.” “Someone has been requesting movement information.” Tahimik ako. “Media?” “Negative.” Malamig ang hangin sa office. “Then who?” May ilang segundong katahimikan. “At first, we thought internal curios

  • Silakbo    Mga Bagay na Hindi Na Maibabalik

    Elyse POV May mga umagang gusto mong paniwalaan na panaginip lang ang lahat. Na kapag dumilat ka mabubura ang gabing hindi mo maintindihan. Na may paraan para balikan ang isang sandaling pinagsisihan mo bago pa ito tuluyang mangyari. Pero paggising ko alam kong wala nang ganoong himala. Malamig ang hangin sa loob ng sasakyan habang pauwi kami mula sa outreach site. Tahimik. Masyadong tahimik. Nakatitig lang ako sa bintana habang mabilis na lumalampas ang mga puno at basang kalsada. Hindi ko magawang tumingin kay Gavin. Hindi dahil galit ako. Mas mahirap. Dahil natatakot ako sa sarili kong nararamdaman. At mas natatakot ako sa katotohanang kahit ilang beses kong ulitin sa isip ko na mali ang nangyari… hindi mabura ang alaala ng init ng mga yakap niya. At iyon ang pinakakinaiinisan ko. Humigpit ang hawak ko sa bag. Hindi dapat. Hindi dapat nangyari. Hindi ako ganoong babae. Hindi ako iyong madaling matangay. Matagal kong iningatan ang sarili ko. Hindi dahil mahin

  • Silakbo    Ang Katahimikang May Presyo

    Helena POV May mga umagang hindi mo kailangang tumingin sa salamin para malaman na may mali. Ramdam mo agad. Sa bigat ng dibdib. Sa sakit ng batok. Sa katahimikang parang may hinihintay na masamang balita. At iyon ang klaseng umagang bumungad sa akin. Maaga akong nagising. Madilim pa ang langit sa labas ng penthouse, nababalutan ng manipis na ambon ang salamin ng malalaking bintana. Humiga ako nang ilang segundo, nakatingin sa kisame. Tahimik. Masyadong tahimik. Paglingon ko sa kabilang bahagi ng kama walang tao. Bahagya akong napapikit. Hindi na bago. Matagal nang hindi pareho ang oras ng pagtulog namin ni Gavin. Minsan sa study siya natutulog. Minsan naman, madaling-araw na kung umakyat. Pero nakakainis aminin bawat pagkakataong wala siya sa tabi ko, may maliit na bahagi ng sarili kong napapagod nang umasa na babalik pa sa dati ang lahat. Dahan-dahan akong bumangon. Paglabas ko ng kuwarto, agad kong napansin ang ilaw sa kusina. Naroon si Gavin. Nakatayo sa har

  • Silakbo    Mga Linyang Hindi Dapat Tawirin

    Gavin POV Hindi ko gusto ang paraan ng pagtingin ni Helena kay Elyse. Hindi dahil may karapatan akong mainis. Kundi dahil alam ko ang asawa ko. Kapag tahimik siya, mas delikado. At habang nakaupo ako sa opisina matapos ang meeting, hindi mawala sa isip ko ang imahe nilang dalawa sa café sa ground floor. Coffee. Conversation. Simple. Pero bakit parang may kung anong humihigpit sa dibdib ko? Humigpit ang hawak ko sa ballpen bago ko ito ibinaba. Nakakainis. Dahil wala akong dahilan para maapektuhan. Wala. Tumunog ang phone ko. Ruiz. “Sir.” “Update?” “Still tracing the access issue.” “Anything useful?” “May internal routing, pero hindi pa complete.” Sumandal ako sa upuan. “Keep digging.” Pagkababa ng tawag, naiwan akong nakatingin sa bintana. Sa ibaba, makapal ang ulap. Mukhang uulan ulit. At hindi ko alam kung bakit biglang bumalik sa isip ko ang gabing nasa driveway kami. Ang ulan. Ang halik. At ang paraan ng pag-alis ni Elyse. Parang may kung anong sumikip

  • Silakbo    Mga Bagay na Hindi Nakikita… Pero Nararamdaman

    Helena POV May mga gabi na kahit pagod ang katawan mo, tumatanggi pa ring matulog ang isip. At iyon ang klaseng gabi na mayroon ako. Mahina ang ulan sa labas ng penthouse habang nakaupo ako sa dining area, hawak ang malamig nang tsaa na matagal ko nang hindi iniinom. Alas-onse na. Wala pa si Gavin. Hindi naman bago iyon. Pero nitong mga nakaraang linggo, napapansin kong may pagbabago sa paghihintay ko. Dati, may inis. Ngayon may kaba. Hindi dramatic. Hindi hysterical. Mas tahimik. Mas mapanganib. Iyong tipong hindi mo maipaliwanag pero ayaw kang patahimikin. Tumunog ang elevator. Napatingin ako. Ilang segundo lang lumabas si Gavin. Bahagyang basa ang buhok. N*******d na ang coat at nakasukbit sa isang braso. Pero hindi iyon ang una kong napansin. Kundi ang mukha niya. Tahimik. At may kung anong magulo sa likod ng mga mata niya. “You’re late,” sabi ko. Huminto siya. “Power issue sa foundation.” Tumango ako. Possible. Normal. At bakit parang hindi sapat ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status