Share

PANGALAWA 

PANGALAWA 

Hindi niya alam kung saan siya pupunta at kung saan dadalhin na naman ng kanyang isipan, minsan bigla na lang siyang titigil sa isang presinto para magpalipas doon ng buong gabi. Minsan naman ay sa sementeryo, isang parke o ‘di naman kaya sa rooftop ng dati niyang condo—mali dating condo nila ni Via. Sa condo na iyon kung saan punong-puno ng masasayang alaala at saksi sa nabuo nilang pagmamahalan. 

Naramdaman ulit ni Russell ang paninikip ng dibidb dahil sa pagkakaalala sa babaeng nagbigay kahulugan sa buhay niya noon. Mahigpit niyang pinihit ang grip ng motor at bigla itong umarangkada sa kalsada. Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak ni Molly sa kanyang beywang ngunit hindi ito sumigaw o nagpanic. 

Ilang oras silang sakay ng kanyang motor at huminto iyon sa tapat ng mataas na arkong gawa sa kawayan at mga artifiacial na halama’t bulaklak. 

Nasugbo, Batangas. Basa niya sa nakasulat na mga letra sa malaking arko. 

“Wow, you really made this far, huh?” namamanghang sabi ni Molly na bumaba na ng sasakyan. Hindi niya ito pinansin at tumingin sa paligid, may mangilan-ngilan pang mga sasakyang nagdaraan doon at tiyak na malayo pa sila sa pinaka-siyudad ng Nasugbo. 

“Tamang-tama, gusto kong mag-beach! What do you think?” nakangiting tanong nito sa kanya. 

Hindi pa rin siya umimik, tinanggal niya ang kanyang helmet, ganoon din si Molly. 

“I’ll ask someone if how to get—” Hindi nito natapos ang sasabihin dahil pinaandar niyang muli ang kanyang motor at mabilis na iniwan ito. Tuloy-tuloy siyang nagbiyahe mag-isa, at wala siyang pakialam kung ano ang iisipin ni Molly dahil in the first place ay hindi naman niya ito inayang samahan siya. 

Huminto siya sa isang malawak na park, wala ng masyadong tao dahil papadilim na rin. Pagkatapos niyang iparada ang kanyang motor ay walang habas siyang nahiga sa damuhan at nakipagtitigan sa kalangitan na unti-unti nang kinakain ng kadiliman. 

Hanggang kailan ako magiging ganito? Tch. What a lame question! 

Ni minsan ay hindi niya man lang narinig ang mga itong kumustahin siya kung ano ang nararamdaman niya o kung okay lang ba siya. Simula nang umalis si Via ay parang nagbago na ang tingin niya sa mga nakapaligid sa kanya, kahit ang sarili niyang kapatid ay hindi na niya pinakikinggan. 

Marahas siyang nagbuntong-hininga ay hinawakan ang labi niyang pumutok habang nakikipaglaban siya kanina. Itinakip niya ang kanyang braso sa kanyang mga mata at sanglit na ipinikit ang mga iyon para ipahinga niya muna ang pagod niyang isip at katawan. 

Nagising siya nang may biglang tumapik sa kanya. 

“Hijo, gumagabi na at masyadong malamig Mayamaya lang. Umuwi ka na at baka magkasakit ka pa,” anito. 

Mabilis siyang bumangon at sumakay sa kanyang motor saka walang paalam na umalis at iniwan ang matanda. Hindi niya alam kung ilang oras siyang nakatulog siguro kung hindi lang siya ginising ng matandang iyon ay tulog pa siya hanggang ngayon at walang kamalay-malay na gabi na pala. 

Tumigil muna siya sa isang gasoline station para magpa-gasolina saka siya muling nagbiyahe pabalik ng Manila, dahil sa mabilis na pagpapatakbo at walang masyadong harang sa daan ay wala pang isang oras na nakarating siya ng Manila at nakauwi sa kanilang mansiyon. 

Pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa pinto ng bahay nila ay agad siyang sinalubong ng kanyang nagngangalit na mukha ng kanyang Daddy. 

Ano pa bang bago? 

Nilampasan niya ito at tutuloy na sana sa kanyang kuwarto ngunit mabilis siya nitong hinawakan sa braso. 

“We need to talk, young man. I have enough of your bullshits, it’s time we sort your immaturity,” mariin nitong saad sa kanya. 

Mapakla siyang natawa at nakakalokong tumingin sa galit nitong ama. 

“Bullshits? Who exactly push me to be like this in the first place?” puno ng sarkasmo at hinanakit na sumbat niya rito. 

“Huwag mong isisi sa iba ang pagiging mahina mo!” malakas na singhal nito sa kanya. “Hindi lang siya ang nag-iisang babae sa mundo, hindi mo ba nakikita ang ginagawang pagtitiis sa’yo ni Molly? She loves you more than—” 

“Love me?” putol niya sa sinasabi nito. “Kung talagang mahal niya ako ay hindi na sana siya bumalik at guluhin ang buhay ko!” malakas na sigaw niya rin dito. 

Nag-aalab ang mga mata niya sa galit at nag-aalsa-baba na rin ang dibdib niya dahil sa matinding sama ng loob na nararamdaman niya. 

“You’re an asshole! Ano bang mayroon ang babaeng iyon at talagang ayaw mong kalimutan? Sa tingin mo ba kung talagang mahal ka niyon ay iiwan ka at hahayaang magpakaganyan?! She’s a bitch and—” 

Hindi na niya ito pinatapos pa sa pagsasalita at walang habas na sinuntok sa mukha. Sa lakas niyon ay bumagsak ito sa sahig hawak ang ilong na agad namang nagdugo. 

“You!” madagundong na sigaw nito sa kanya. 

Kuyom ang mga kamaong nilabanan niya ito ng nangngangalit na tingin. 

“Anong nangyayari dito—Erny!” gimbal na patakbong nilapitan ng kanyang Mommy ang asawa nito. “What did you do to him?” singhal ng Mommy niya na bumaling sa kanya. 

Hindi niya ito sinagot at nilampasan lang ang mga ito, kung dati ay mayroon pa siyang pagmamahal sa kanyang Mommy ngayon ay nawala na lahat ng iyon. Masyado siyang nasaktan sa pananahimik nito at wala man lang ginawa para pigilan ang asawa nitong saktan si Via. 

Oo galit siya kay Via, sukdulan ang galit niya sa pang-iiwan nito sa kanya pero hindi ibig sabihin niyon ay papayag na siyang bastusin ito ng paulit-ulit ng ga magulang niya. Dumiretso siya sa kanyang kuwarto at binalewala ang sigaw at mga pagbabanta ng walang kuwenta niyang ama. 

Sinulyapan niya lang ang kanyang ate na may bahid ng lungkot at sakit ang mukha sa nasaksihan, hindi niya ito binati at tuloy-tuloy lang siya sa kanyang kuwarto. Isasara na sana niya ang pinto nang magulat siya na nasa likod na niya ang kanyang ate at mabilis na pumasok sa loob ng kanyang kuwarto. 

“What are you doing?” salubong ang kilay na tanong niya rito, pagkatapos isara ang pinto. 

“Anong ginagawa mo, Russell? Talaga bang wala ka ng balak ayusin ang buhay mo?” walang emosyong tanong nito sa kanya. 

Sininghalan niya ito ng tingin at inihagis ang susi ng motor niya sa sofa na nasa di kalayuan. Hinubad ang suot na t-shirt at nagtuloy-tuloy sa banyo. 

“Kinakausap kita, Russell!” sabi nito sa labas ng banyo at kinalampag ang pinto ng banyo. 

“Fuck off,” sabi niya. 

“Huwag mong pairalin sa akin iyang katigasan mo Russell, alam mong hindi uubra iyan sa akin!” sabi nito sa labas ng banyo. 

Binuksan niya ang shower at hindi na inintindi ang mga sinasabi nito. Pagkatapos niyang maglinis ng katawan at magtapis ay lumabas siya ng banyo. Naroon pa rin ang kanyang ate, nakahalukipikip na nakaupo sa kanyang kama. 

“Hindi ka pa rin ba tapos magngangawa?” singhal niya rito. 

“Magsisimula na ang huling taon mo sa kolehiyo, Russell. Huwag mong sabihing magpapaalsa ka na naman sa amin ng pinsan mo? Hindi ka ba naawa kay Drea? Mas iniintindi ka pa niya kaysa sa ibang mga bagay na dapat ay ginagawa niya?” 

“Hindi ko sinabing pakialaman niyo ang buhay ko,” sabi niya at kumuha ng damit sa kanyang cabinet. 

Narinig niya ang marahas na pagbuntong-hininga nito. 

“Talagang wala na bang ibang paraan para ibalik ka sa dati?” sabi nito, ngunit hindi siya kumibo at nagpatuloy lang sa pagdadamit. 

“Then I have no choice but to call Via and beg her to comeback, baka sakaling siya lang ang kayang iuntog ang ulo mo ng malakas ng matauhan ka,” sabi nito. 

Natigilan siya sa ginagawa niya at mabilis na pumaling sa kinaroroonan ng kanyang kapatid. Naglatitigan silang dalawa at ayaw nitong magpatalo, nagsalubong ang kilay niya at ngumisi. 

“Kung inaakala mong may magagawa pa si Via para ibalik ako sa dati, you’re wrong. The damage has been done and it’s severe. No one can fix me,” sabi niya habang hindi nawawala ang nakakalokong ngiti sa mga labi. 

“We’ll see about that,” anito at tumayo na para lumabas ng kanyang kuwarto. 

Naikuyom niya ang mga kamao at hinabol ito ng tingin, hanggang sa tuluyan na itong lumabas ng kuwarto niya. Hindi nawala ang ngisi sa mukha niya. 

Sa oras na makita ko si Via ay ipaparamdam ko sa kanya ang naging sanhi nang ginawa niyang pag-iwan sa akin! 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status