Share

IKATLONG KABANATA. TIME TO FACE HIM

VIA

  “I’m done!” masayang turan ni Sally at nakangiting tumingin sa akin. “Uh, what are you doing?” kunot-noong tanong niya sa akin nang makitang tulala  na naman ako.

Marahas akong napabuntonghininga at ipinilig ang aking ulo. Parang hindi pa rin nagsi-sink sa isip ko ang pag-uusap na naganap sa pagitan namin ni Kuya Meynard.

‘Kuya, I need to talk to you about some—‘ Natigilan ako sa pagsasalita nang makita ko ang seryoso niyang mukha habang may kausap sa kanyang cellphone.

Sinulyapan niya ako at sinenyasan na umupo sa tabi niya, tahimik naman akong lumapit at inilagay niya sa loud speake ang phone niya ngunit sinenyasan niya akong huwag mag-ingay and I nooded.

“Kuya, please, I’m begging you. Hindi na talaga namin siya makontrol!

Agad na bumilis ang pintig ng puso ko nang marinig ang boses ng pinsan ko. Matagal na ring panahon ang lumipas simula nang marinig ko ang boses niya—o nang mga kaibigan ko sa Pilipanas. It wasn’t easy for me but my brother insisted that not communicating with them can make me heal faster, and somehow it worked.

“He’s out of control. Away dito, away doon. Lagi rin siyang nasa Arena at nagpapagulpi para makaiwas lang sa klase! Nakakaawa na si Drea, siya lagi ang taga-salo sa mga kalokohan ni Russel. Apat na taon na siyang ganito at ngayong patapos na kami sa kolehiyo ay binalaan na siya ng mga magulang niya. Pati si Lloyd, napapahamak na dahil sa mga kalokohan niya.”

Napakagat ako ng labi at agad tumakbo sa isipan ko ang mga senaryong binanggit ni Darwin. Nakikini-kinita ko ang mga kalokohang ginagawa ni Russel, subalit masisisi ko ba siya? Iniwan ko siya ng walang maayos na pagpapaalam.

Nasaktan din naman ako at hindi naging madali ang lahat sa akin sa mga lumipas na panahon na malayo ako sa kanya pero kinaya ko . . . kinaya ko sa kabila ng matinding sakit at malalim na sugat na naiwan sa puso ko.

“Kuya, nandiyan ka pa ba?” untag ni Darwin kay Kuya nang pareho kaming hindi kumibo.

Tumikhim si Kuya at tumingin sa akin. “I’m still here. I can’t decide this alone, Dar. They have both experience pain for the past years but Vee choose to move on,” giit ni Kuya.

I choose to move on . . . but it doesn’t mean that I forget the pain, dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang sakit. Pinipilit ko lang maging okay para hindi na mag-alala ang mga taong nakapaligid sa akin.

“Kuya . . . please, maawa ka naman sa amin dito. You told us to stay away from Via and let her heal, ginawa namin. Ngayon, kami ang nakikiusap sa’yo, Kuya. Ayaw din naman namin na tuluyang mapariwara ang buhay ni Russel, he doesn’t deserve to be like this.

Napatingin sa akin si Kuya. “I’ll call you later, I’ll talk to her, but I can’t promise anything, sabi niya sa kausap.

“Thank you, Kuya.”

Nang mawala sa kabilang linya si Darwin ay seryosong humarap sa akin si Kuya at deretsong nakatingin sa mga mata ko. Napalunok naman ako at kahit hindi pa siya nagsasalita ay alam ko na ang sasabihin niya. Ilang sandali din kaming nanatili sa ganoong posisyon at walang imikan.

Isang malalim na buntonghininga niya ang bumasag sa katahimikan.

“Vee . . . you know that . . .”

“We’re going, right? ako na ang nagtapos sa sasabihin niya.

Matagal bago nakasagot si Kuya. “These past few years, alam ko lahat ng nangyayari kay Russel. I kept that on you and I have my reasons for doing it. You know that I only want what’s best for you, Vee, but Darwin’s right. Kailangan na nating bumalik ng Pilipinas para ayusin ang lahat.”

Hindi ako kumibo sa sinabi niya. Hindi naman ako tutol kung babalik na kami ng Pilipinas, ang kinakatakot ko lang ay ang muling paghaharap namin ng mga magulang ni Russel. Matagal na panahon na ang lumipas, galit pa rin kaya sila sa akin? Kung babalik ba ako ngayon, mababago na ba ang pakikitungo nila sa akin?

“Vee . . .” ani Kuya.

Huminga ako ng malalim saka tipid na ngumiti. “I’m fine, sabi ko. Kailan tayo uuwi ng Pilipinas?

“Hello! May kausap ba ako?” Napakurap ako nang bumalik ako sa kasalukuyan. “Kanina ka pa tulala, talaga bang ready ka nang humarap sa first love mo?” nakataas ang kilay na tanong sa akin ni Sally.

Huminga ako ng malalim at ipinagpatuloy ang pag-eempake ng mga damit ko. “I have to,” sagot ko sa kanya.

“Wow, hanep sa sagot, girl!” singhal niya sa akin. “Sana lang di ka mag-breakdown sa oras na magkaharap na kayo, kasi kapag nangyari iyon, tiyak na—”

“Hindi iyon mangyayari,” agaw ko sa sinasabi niya at sinamaan siya ng tingin. “Huwag ka nga nega, imbes na palakasin mo loob ko, eh, pinakakaba mo pa akong lalo!”

“Tch! Tapang-tapang mong magsabi kung kailan kayo uuwi ng Pinas, pero hindi ka naman pala handa!”

“Shut up, Sally. Kapag ikaw narinig ni Kuya, hindi talaga kita ipapakilala kay Benjie!” pananakot ko sa kanya.

Kaagad namang lumiwanag ang mukha niya’t kumislap ang mga mata nang banggitin ko ang pangalan ni Benjie. He was her biggest crush, para nga siyang timang dahil na-in love daw siya sa litrato lang ni Benjie.

“Walang banggitan ng weakness! Alam mo naman na kapag siya na ang usapan ay hands down na ‘ko!” Nakasimangot niyang turan sa akin.

Ako naman ang natawa at sininghalan siya. “I’m dead serious, kapag hindi mo ako tinantanan diyan sa pagiging nega mo, hindi talaga kita ipapakilala kay Benjie.”

“Oo na, titigil na!” sabi niya kunwaring ini-lock ang bibig. “Tulungan na nga kita, diyan.”

Iniba niya ang usapan habang tinutulungan akong mag-empake. Mamayang gabi ang flight namin pauwing Pinas. Isang half-blood African-American at Filipina si Sally, pero mas lamang ang pagka-Pilipino niya dahil nakuha niya ang maganda at porcelanang kutis ng kanyang ina na isang Pinay. Nakilala ko siya nang unang araw ko sa Unibersidad na pinasukan ko dito sa US, dahil pareho kaming mmay dugong Pinoy ay madaling nagkapalagayan ang loob namin, at hindi namin parehong namalayan na lumago ang friendship na nabuo sa pagitan namin na umabot hanggang sa mga oras na iyon.

Si Sally ang lagi kong sandalan sa oras na inaatake ako ng anxiety. Kung hindi din dahil sa kanya ay hindi babalik ang dating hugis ng katawan ko, mabilis na nahulog ang katawan ko noon dahil sa matinding depression at anxiety. Kahit anong gawin ni Kuya ay hindi ko mapilit ang sarili ko na maging masigla at manatiling healthy lagi. It was really hard for me to move on, day by day wala akong ibang iniisip kundi ang mga sinabi ng mga magulang ni Russell. Tumimo sa puso’t isip ko ang lahat ng mga nangyari nang araw na iwan ko si Russell at dahil mahal na mahal ko siya ay sobrang sakit sa akin ng mga naganap.

At ngayon ay dumating na nga ang halos gabi-gabi kong pinapanalangin na huwag sanang mangyari . . .

Ngunit kahit anong panalangin ang gawin ko ay alam kong darating ang araw na magkakaharap kami. Gano’n naman kasi talaga ang pag-ikot ng mundo, gano’n maglaro ang loko-lokong tadhana. Bibigyan ka ng pagkakataon na mag-move on ngunit hindi lubusan. Kapag nagpatalo ka, iiyak ka, mararamdaman mo lahat ng sakit . . . ng paulit-ulit.

Lalo na kung ang taong iyon ay mahal mo pa rin magpa-hanggang ngayon.

Handa na ba talaga akong harapin siya? Ano ba’ng unang dapat kong gawin kapag nagkaharap kami? Humingi ng sorry? Magpaliwanag? Sabihing choice ko ang umalis at magpakalayu-layo para sa aming dalawa?

That’s all b*llsh*ts!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status