Share

CHAPTER THIRTY SIX

last update publish date: 2026-04-02 17:59:45

Tahimik ang paligid. Tanging paghampas ng alon lang ang naririnig.

Magkatabi silang nakaupo, pero may distansya pa rin sa pagitan nila.

“Kilala mo naman si Cassandra, ‘di ba? Lahat gagawin niya… makuha lang ang gusto niya, kahit may masaktan pa siya,” mababa ang boses ni Michael habang nakatingin sa dagat.

Napalingon si Reign sa kanya.

“Bakit? Ano ba’ng ginawa niya sa ‘yo? Sinaktan ka ba niya? Tinakot? Tell me!” garalgal na tanong ni Reign. “Kaya ba pumayag kang ituloy ang kasal niyo?”
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    CHAPTER THIRTY SIX

    Tahimik ang paligid. Tanging paghampas ng alon lang ang naririnig. Magkatabi silang nakaupo, pero may distansya pa rin sa pagitan nila. “Kilala mo naman si Cassandra, ‘di ba? Lahat gagawin niya… makuha lang ang gusto niya, kahit may masaktan pa siya,” mababa ang boses ni Michael habang nakatingin sa dagat. Napalingon si Reign sa kanya. “Bakit? Ano ba’ng ginawa niya sa ‘yo? Sinaktan ka ba niya? Tinakot? Tell me!” garalgal na tanong ni Reign. “Kaya ba pumayag kang ituloy ang kasal niyo?” dagdag niya. Hindi sumagot si Michael. Nakatitig lang siya sa malayo. Parang may iniisip na hindi niya masabi. Napansin ni Reign na may kumikislap sa mata nito. Hanggang sa unti-unting pumatak ang luha niya. Napatigil si Reign. “Michael…” Hindi pa rin ito tumingin sa kanya. “Wala siyang ginawa sa ‘kin. Hindi niya ‘ko tinakot. Pinili kong pakasalan siya.” “A-ano?!” Nanikip ang dibdib ni Reign sa narinig. “Dahil ba iniisip mong pumayag akong i-adopt ni Daddy?” Umiling lang siya.

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    CHAPTER THIRTY FIVE

    A/N: From this chapter onward, the story is in third-person POV. Narinig ni Reign ang pagtawag sa kanya ni Michael, pero hindi na siya lumingon. Mas binilisan niya ang paghakbang papasok ng mansyon. “Reign, anak!” tawag ng mama niya, pero ni hindi man lang niya ito nilingon. Isinara niya ang pinto nang mas malakas kaysa sa dapat. Napahawak pa nga sa dibdib ang kanyang ina, pati ang ilang katulong dahil sa gulat. “Tanga…” bulong ni Reign habang nakasandal sa pinto. Lumapit siya sa salamin at pinagmasdan ang sarili.Basa ang buhok. Naka-swimsuit. Mukhang kaawa-awa.Napatingin siya sa picture nila ni Michael. Dinampot niya ito at pinagmasdan.“Michael… hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit bigla kang nagbago. At dahil doon, mas nasasaktan ako,” garalgal na sambit niya.“Kung kailan lang sinasabi mo kung gaano mo ‘ko kamahal… pero ngayon, parang hindi mo na ‘ko kilala,” lumuluhang dagdag ni Reign.Saglit siyang napatingin sa secret door sa pagitan ng kwarto nila.

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    CHAPTER THIRTY FOUR

    MICHAEL’S POV “I said get out!” Umalingawngaw ang boses ko sa buong sala. Pero kahit nakalabas na si Reign, hindi pa rin kumakalma ang dibdib ko. Kung ito lang ang paraan para maging maayos ang lahat, gagawin ko. Huwag lang siyang ilayo sa ’kin. Mariin kong naikuyom ang kamao ko. Para ’kong na-trap sa isang sitwasyon na kahit anong piliin ko… masasaktan ako, at ang babaeng pinakamamahal ko. “Babe…” marahan akong hinawakan ni Cassandra sa braso. “You did the right thing.” Hindi ako sumagot. Inalis ko ang kamay niya sa braso ko. “Finish what you’re here for. Then leave.” “But babe—” “You heard me, Cassandra. Let’s not make this harder than it needs to be.” Iyon lang ang nasabi ko at tumalikod na. Hindi na ako lumingon kahit ramdam kong nakatayo pa rin siya sa likod ko. Dire-diretso akong naglakad papunta sa silid ko. Pagpasok ko, agad kong isinara ang pinto. Sumandal ako sandali, pinikit ang mga mata, saka dahan-dahang huminga. Bakit ba naging komplikado ang

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    CHAPTER THIRTY THREE

    REIGN’S POV “Expecting someone else?” malamig niyang tanong. Ngumiti lang ako nang tipid at tumayo. Ako? Mag-e-expect? Hays… Nakaka-disappoint. Tama siya. Umasa ako na si Michael ang kasama ko, pero hindi. At malabong mangyari ’yon. “Wait!” Hinawakan niya ang braso ko. “Join me for breakfast.” Huminga ako nang malalim. “Close tayo?” sarkastiko kong tanong. “Ganyan ka ba magpasalamat sa lalaking nagligtas sa ’yo?” Napakunot ang noo ko. “Shít,” bulong ko nang maalala ang nangyari sa bar kagabi. “How much?” Napakagat ako sa labi ko. Tama bang alukin ko ng pera ang isang bilyonaryo? Ngumiti siya at tinapik ang braso ko. “I don’t want anything from you. But I need you—” Ibubuka ko pa lang ang bibig ko nang ipatong niya ang daliri niya sa labi ko. “Be my wife.” “Sirauló ka ba?!” sigaw ko. Itinulak ko siya nang bahagya, pero agad niyang kinuha ang mga kamay ko at itinaas. Humakbang siya palapit sa ’kin kaya napaurong ako—hanggang sa dumikit ang likod ko sa malamig

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    CHAPTER THIRTY TWO

    REIGN’S POV “Ikaw ang may problema, Michael. Hindi ako.” Huminga siya nang malalim. “Fine. Then answer me. Bakit ka pumayag maging Lucero?” “Sino bang nagsabing pumayag ako?” balik ko. Tahimik lang siya. “Pagkatapos nating mahuli, dumating si Dad para sa interview. I was shocked, Michael—” “So what now?” putol niya. “Are you happy that you’re now a Lucero?” “No. Michael, hindi mo naiintindihan. I didn’t sign that paper!” mariin kong tanggi. “Liar.” Tumigas ang panga niya. “Nakita ko—at ng buong mundo—na pumirma ka sa papel na ’yon, but you’re still denying it. Oh, come on.” “Exactly!” Halos mapasigaw ako. “Nakita ng lahat na pumirma ako during the interview. But did you actually see the papers?” Umiling lang siya. “Then go and look for it!” Napangiti ako nang mapait. “Kaya ka pala galit na galit.” “No need,” malamig niyang sagot. “Hindi mo na kailangang ipamukha sa ’kin na hindi mo ’ko kayang piliin.” “Michael—” “Let’s break up.” Parang binuhusan ako ng ma

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    CHAPTER THIRTY ONE

    REIGN’S POV Huminga ako nang malalim. “Proud po. Siyempre. Malaking bagay ang maging bahagi ng pamilyang ito.” Bahagyang dumidiin ang kamay ni Michael sa likod ko. “Single ka ba ngayon, Miss Reign?” Biglang tumahimik ang buong sala. Ramdam ko ang mga camera na nakatutok sa mukha ko. Mariin kong naikuyom ang kamao ko habang saglit na tumingin kay Michael. Bahagya siyang tumango. Ito na siguro ang pagkakataon ko. Bumuka ang bibig ko para sumagot— “Single ang anak ko.” Malamig at kontrolado ang boses ni Daddy. Nakangiti pa rin siya sa camera. “Focused siya sa pamilya at sa responsibilities niya. Hindi pa priority ang romantic distractions.” May ilang reporter na natawa. “Pero paano kung may gustong manligaw sa kanya, Sir?” biro ng isa. Tumayo si Daddy. “Then they go through me,” sagot niya. “At kung sino man ang lalapit, dapat malinaw ang intensyon. We protect our family.” Napilitan akong ngumiti. “Family first,” dagdag ni Daddy. “Lahat ng desisyon—kasama ang puso—pinag-ii

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status