MasukReign’s POV
Nilingon ko ang maleta ko na nakapatong sa kama. Alam ko sa sarili ko na ito ang dapat kong gawin, at wala nang makakapigil sa akin. Hindi si Mama. Hindi si Tito David. At lalong hindi si— “Michael? Anong ginagawa mo dito?!” tanong ko, kunot ang noo habang dahan-dahang pumapasok siya sa silid. Napalunok ako nang i-lock niya ang pinto. “Shit!” bulong ko sa sarili. Wala naman siyang ginagawa, pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Tumayo ako at lumapit sa pinto. Akmang pipihitin ko na ang doorknob nang bigla niya akong buhatin at marahang ihiga sa kama. “Ano bang problema mo?!” may diin kong tanong, sabay tulak sa kanya. Lumayo ako at tumayo malapit sa bintana. Nakangisi siya habang papalapit nang papalapit sa akin. Umurong ako hanggang sa lumapat ang likod ko sa malamig na pader. Napalunok ako habang nakatingin sa kanya. Topless. Mamasa-masa pa ang katawan. Tuwalya lang ang tumatakip sa ibabang parte ng katawan niya—halatang kakatapos lang maligo. Ngumiti siya, parang demonyo. Kinuha niya ang mga kamay ko at inilagay sa batok niya. Dahan-dahan siyang yumuko, hanggang sa maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko. Huminga ako nang malalim at pumikit. “Scared much?” nakangising bulong niya. Gusto kong sumigaw, pero parang walang boses ang lumalabas sa bibig ko. Gusto ko siyang itulak, pero nauubusan ako ng lakas habang unti-unting lumalapat ang labi niya sa akin. Imbes na tumutol, tumutugon ako. Mas lalo ko siyang niyakap. “Ugh! Michael…” ungol ko habang napapakapit sa bedsheet. “Moan my name,” mapang-akit na bulong niya. Tila nakukuryente ang katawan ko sa bawat pagdidikit ng aming balat. Masarap, nakakabaliw. Alam kong mali, pero minsan, kung ano ang bawal, siya pa ang masarap tikman. Napabalikwas ako, pawis na pawis. “Shit!” sambit ko habang sapo ang dibdib. “Sa dami ng pwedeng mapanaginipan, bakit siya pa?!” Lumabas ako sa garden at napako ang tingin sa swimming pool. Halos hindi ako makahinga nang makita si Michael na umaahon mula sa tubig—basang-basa, kumikislap ang balat sa bawat patak na dumudulas sa malapad niyang balikat, sa matitigas niyang braso, pababa sa perfect niyang six-pack abs. Napasinghap ako, napalunok, at hindi ko na nagawang alisin ang tingin sa kanya. Kinuha niya ang puting tuwalya at dahan-dahang pinunasan ang basa niyang buhok. God… bawat galaw niya parang nang-aakit. Gusto ko tuloy agawin ang tuwalya at ako mismo ang dumampi sa katawan niya. Gusto kong lumapit, lalo na nang humarap siya at bahagyang umangat ang dibdib niya habang humihinga—pero nanigas ang mga paa ko. Para akong na-hypnotize ng mala-Adonis niyang katawan, at wala akong nagawa kundi titigan siya nang buong-buo. Ngumiti siya sa akin sabay hawi ng buhok—parang model sa fashion show na nang-aakit ng audience. Nagulat ako nang idampi niya ang daliri sa labi ko. “Isara mo ’yan, baka pasukan ng langaw…” pilyo niyang ngumiti. “Or ng iba pang bagay na pwedeng ipasok diyan!” Kunot ang noo ko. Pagkain lang naman ang pwedeng ipasok sa bibig, ’di ba? Ang babaw talaga ng lalaking ’to. “Alam mo ba kung nasaan ang gamit ko?” Humarap siya sabay ngiti. “Bakit? Aalis ka?” kalmadong tanong ko. “Oo. Mas mabuti nang mag-isa kaysa may kasama ’kong… playboy! Tsaka puwede ba? ’Wag na tayong maglokohan. Alam ko namang ayaw mong nandito ako, kaya ka nga naglasing—” “Who told you?” putol ko sa kanya. “Masaya akong kasama kita ngayon, Reign. As my stepsister.” Lumitaw ang dimple niya sa pagngiti. Nakakatunaw. Ngumiti ako ng mapait. “Stepsister? Nakakasuka!” inis kong sigaw sabay talikod sa kanya. Hinatak niya ang kamay ko papalapit sa kanya at niyakap ako—mahigpit. Nagpupumiglas ako sa takot na baka may makakita sa amin, at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, tumugon ulit ako sa halik na iginawad niya. Kahit alam kong mali at bawal. “Bitiwan mo nga ako, ano ba!” kunwaring naiinis na sabi ko nang maghiwalay ang labi namin. “Welcome home, baby sister!” sabay ngiti niya. Pero walang bahid ng saya sa mukha—halatang naglalaro lang. Biglang lumitaw si Manang Sabel, nakangiti at may dalang tray. “Señorito, nakahanda na po ang breakfast sa garden.” Tumingin si Michael sa akin, halatang may plano. Hinawakan niya ang braso ko. “Hindi ka aalis,” bulong niya. “Ibinilin ka ng Mama mo at ni Daddy sa akin. Kaya bilang kuya mo dito sa mansyon, susundin mo ang gusto ko. Kung ayaw mong magka-problema tayo… parte ka na ng pamilya, Reign.” Seryosong sambit niya. Binitiwan na niya ako pagdating sa garden. Napangiti ako ng mapait. “Pare-parehas lang pala kayo—” tumingin siya sa akin. “Controlling…” bulong ko. “May sinasabi ka?” Iling lang ang naging sagot ko. Hinila niya ang upuan para sa akin. Magkatabi kami sa harap ng lamesa. “By the way…” ngumiti siya, “ang gamit mo? Tinapon ko na. Bibilhan na lang kita kung mag-stay ka dito.” Nahampas ko ang lamesa sa sobrang inis. “Bibilhan? Hindi mo ba alam na may mga important papers ako doon?! May mga bagay na hindi nabibili ng pera!” “Like what? Excuse me, kaya kong bilhin lahat—kahit ikaw pa.” “Bastos!” sigaw ko sabay sampal sa kanya. Tiningnan niya ako ng masama, na para bang gusto na niya akong patayin sa inis. “Mabibili ba ng pera mo ’yung mga memories namin ni Papa na nakalagay doon?!” Halos maiyak na ako sa galit at sama ng loob. “Rule number one: Ayoko ng maingay at nananakit physically habang kumakain.” Napakagat ako sa sariling labi. Tumahimik, pero bahagyang ngumiti. “Fine. Kung hindi mo ako papayagang umalis, aagawin ko na lang ang pagiging heir mo!” Tumingin siya sa akin ng masama. Hindi ko mabasa kung natatakot ba siya sa banta ko dahil dire-diretso lang siyang kumakain habang napapangiti. “As if naman makakapasok ka sa company ko. You’re nothing, Reign. Kung gusto mo, gayahin mo na lang ang nanay mo—nag-aasawa ng mayaman para makaahon sa hirap.” Akmang sasampalin ko siya nang hawakan niya ang braso ko. “I told you, susunod ka sa gusto ko. At itatahimik mo ’yang bibig mo para hindi tayo magkaproblema.” Tumayo na siya at iniwan akong nakatulala sa garden. “Ang sama pala talaga ng ugali ng lalaking ’yon, tama lang talaga na binasted ko siya noon!” Napadukdok ako sa mesa. “Diyos ko, paano ba ako makaka-survive sa bahay na ’to?”Reign’s POV Palabas na sana si Michael ng silid ko nang hawakan ko ang braso niya. Natigilan siya at seryosong tumingin sa akin. “Sorry, akala ko kasi—” idinampi niya ang daliri sa labi ko. “No worries, ayoko ng maulit ang ginawa mong pag-alis at pagkakalat sa bar kagabi. Nakakahiya.” Tumalikod siya at isinara ang pinto. Napaupo ako sa kama at naaalala ang eksena kagabi. “Muntik na siyang mamatay dahil sa akin.” Kung nagkataon… baka namatay pa siya sa mismong birthday niya. ‘Ano ba kasing pumasok sa utak mo, Reign? At pumunta ka doon!’ Sermon ko sa sarili. “Hindi ko man lang siya nabati.” Tumayo na ako at gumayak. Balak kong bumili ng regalo para kay Michael. Saktong palabas na ako ng mansyon nang… “Trying to escape again?” malamig na tanong ni Michael. “A-ah hindi, ano… m-may bibilin lang ako.” Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ako nauutal? Tumango lang siya. “Here! This is your card, galing kay Dad.” “H-hindi na, may pera naman ako.” Pagtanggi ko. “Reign—” “
Reign’s POV Bahagya akong natigilan sa tanong niya. Umiwas ako ng tingin at mabilis na tumayo. “Michael, I mean, Kuya Michael… ano man ang nangyari sa atin noon. Tapos na ‘yon. At hindi na natin dapat pag-usapan o balikan pa.” Tinalikuran ko siya, pero agad niyang hinablot ang braso ko. “Kuya, ano ba!” May diin kong sambit. “Hindi tayo magkapatid, gets mo?” Napa-buntong-hininga ako habang kumakalas sa hawak niya. “Now answer me… why, Reign?” “Bakit? Hindi ba matanggap ng pride mo na may babaeng bumasted sa ‘yo? It's been a year, Kuya! Kaya pwede ba… mag-move on ka na, kasi ako? Okay na ’ko.” Tumalikod ako at mabilis na tumakbo pataas ng silid ko. “Reign, wait!” sigaw niya, pero hindi ko na siya pinansin. Bakit ba kailangan pang ungkatin ang tapos na? Ano pang silbi ng pag-uusapan namin ‘yon? Lalo na’t magkapatid na kami ngayon at nakatira pa sa ilalim ng iisang bubong. Kinagabihan, narinig ko ang ingay mula sa baba ng mansyon. Parang may banda? Maingay, may tawanan,
Reign’s POV Maaga akong nagising, siguro dahil nasanay na rin ang katawan ko na gumigising ng alas-singko ng umaga—para magtrabaho sa coffee shop, out ng 9:00 a.m., diretso sa mall para magtrabaho ulit, at uuwi ng 10:00 p.m. Pero kahit pagurin ko ang katawan ko sa trabaho, parang kulang pa rin. Mahirap pa rin kami. Paglabas ko ng silid, agad na sumalubong sa akin ang pulang maleta ko na nasa tapat mismo ng pinto. Mas malinis na ngayon kaysa kahapon. Sa ibabaw, may nakadikit na sticky note. “SORRY!” Hindi ko alam kung bakit, pero kusa akong napangiti. Hindi ko sukat akalain na marunong pa lang mag-sorry ang lalaking ’yon. Kinuha ko ang sticky note at dinikit sa malaking salamin ng silid ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman—kahapon kung pagsalitaan niya ako, ganun na lang. Tapos ngayon bigla siyang mag-so-sorry? Nakakaduda. Parang ’yung handwriting niya na naka-all caps. Wala man lang emoji, ang hirap hulaan kung sincere ba siya o hindi. Paglabas ko ng sili
Reign’s POV Nilingon ko ang maleta ko na nakapatong sa kama. Alam ko sa sarili ko na ito ang dapat kong gawin, at wala nang makakapigil sa akin. Hindi si Mama. Hindi si Tito David. At lalong hindi si— “Michael? Anong ginagawa mo dito?!” tanong ko, kunot ang noo habang dahan-dahang pumapasok siya sa silid. Napalunok ako nang i-lock niya ang pinto. “Shit!” bulong ko sa sarili. Wala naman siyang ginagawa, pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Tumayo ako at lumapit sa pinto. Akmang pipihitin ko na ang doorknob nang bigla niya akong buhatin at marahang ihiga sa kama. “Ano bang problema mo?!” may diin kong tanong, sabay tulak sa kanya. Lumayo ako at tumayo malapit sa bintana. Nakangisi siya habang papalapit nang papalapit sa akin. Umurong ako hanggang sa lumapat ang likod ko sa malamig na pader. Napalunok ako habang nakatingin sa kanya. Topless. Mamasa-masa pa ang katawan. Tuwalya lang ang tumatakip sa ibabang parte ng katawan niya—halatang kakatapos lang maligo. Ngu
Reign's POV Napakuyom ang mga kamao ko sa inis habang kinakaladkad ako ni Mama—si Leona Del Pilar—palabas ng mall kung saan ako nagtatrabaho bilang manager. Lilipat na raw kami sa mansyon ng bago niyang asawa. “Pumayag na nga akong mag-asawa ka ulit, tapos pati ako gusto mong lumipat sa bahay ng asawa mo?! Ma, naman! Ayoko na! Pagod na pagod na ko sa ganitong buhay!” garalgal kong sigaw habang isinisilid ni Mama ang gamit ko sa maletang hawak niya. “Tigilan mo nga ako sa mga kaartehan mo, Reign Nicole, at baka ika’y masampal ko! Baka nakakalimutan mo, ginagawa ko ’to para sa ’yo! Para mabigyan ka ng maayos at marangyang buhay! Kaya pwede ba, tumigil ka na sa kadramahan mo!” galit na ring sagot ni Mama. “Para sa akin nga ba, Ma? O para sa sarili mo?!” Kusang bumaling ang mukha ko nang sampalin ako ni Mama. “Walang hiya ka! Kung para sa akin lang ’to, eh di sana, mag-isa na lang akong umalis.” “Kung nandito lang si Papa—” “Gumising ka nga! Tatlong taon nang wala ang Papa mo,
Reign’s POV Nanginginig ang mga kamay ko habang magkakaharap kami sa hapagkainan—ako, si Mama, si Tito David, at si Michael. Walang nagsasalita. Walang gumagalaw. At bago pa may magsalita sa amin, tumayo na ako para umiwas, pero hinawakan ni Tito David ang braso ko. “Reign, hija. Maupo ka, para sa ’yo talaga ang announcement na ’to.” Kinakabahan akong napalunok. “P-para sa akin po? Ano po ’yon, Daddy?” Huminga siya nang malalim, parang naghahanda sa kung ano man ang sasabihin niya sa amin. “I want to adopt you, Reign. Gusto kong maging tunay kitang anak. Gusto kong maging Lucero ka.” Tila gumuho ang mundo ko sa narinig. Napaupo ako sa tabi ni Mama—nakatulala, naguguluhan, kinakain ng kaba ang buong sistema ko. Gusto ko sanang maging masaya pero taliwas ang nararamdaman ko ngayon. Hindi puwede. Hindi dapat. Tumingin ako kay Mama. Tumango siya, parang utos na dapat kong tanggapin ang alok. Sa kabilang dulo naman ng mesa, halos mabali na ni Michael ang hawak niyang kutsara. “Hij







