LOGINReign’s POV
Maaga akong nagising, siguro dahil nasanay na rin ang katawan ko na gumigising ng alas-singko ng umaga—para magtrabaho sa coffee shop, out ng 9:00 a.m., diretso sa mall para magtrabaho ulit, at uuwi ng 10:00 p.m. Pero kahit pagurin ko ang katawan ko sa trabaho, parang kulang pa rin. Mahirap pa rin kami. Paglabas ko ng silid, agad na sumalubong sa akin ang pulang maleta ko na nasa tapat mismo ng pinto. Mas malinis na ngayon kaysa kahapon. Sa ibabaw, may nakadikit na sticky note. “SORRY!” Hindi ko alam kung bakit, pero kusa akong napangiti. Hindi ko sukat akalain na marunong pa lang mag-sorry ang lalaking ’yon. Kinuha ko ang sticky note at dinikit sa malaking salamin ng silid ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman—kahapon kung pagsalitaan niya ako, ganun na lang. Tapos ngayon bigla siyang mag-so-sorry? Nakakaduda. Parang ’yung handwriting niya na naka-all caps. Wala man lang emoji, ang hirap hulaan kung sincere ba siya o hindi. Paglabas ko ng silid, sakto namang palabas din siya. Naka-white shirt at gray shorts, may suot na eyeglasses, at may bitbit na papers at laptop. “Good morning… baby sister.” May diin talaga sa baby sister; halatang nang-aasar. “Hindi ako baby,” sagot ko agad. “At lalong hindi mo ako sister.” Nakangisi siya habang papalapit sa akin—parang alam na alam na niya kung paano sisirain ang araw ko. “Sorry,” seryoso niyang sambit habang nakatitig sa mga mata ko. “Hindi dapat ako umasta ng gano’n kahapon. And about your things—hindi ko naman tinapon.” Casual niyang sabi. “Tinago ko lang para—” “Para inisin ako?” putol ko sa kanya. Tipid siyang ngumiti. “Para ipalinis. Ang dumi kasi.” “Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa ’kin? I mean, sa gamit ko?” Umismid siya. “Syempre, ayoko kasi ng marumi.” Tinitigan ko siya—parang ibang tao talaga siya ngayon. “And I just want you to know that when I say sorry, I really mean it.” “Nag-sorry ka ba dahil naramdaman mo, o dahil ayaw mong i-report kita kay Tito David?” Hindi siya sumagot. “Or iniisip mo talagang aagawan kita ng mana?” “About that—I’m the rightful heir. So whatever you’re thinking? Forget it.” “How about the kiss?” gulat kong tanong, pero hindi ko na mababawi. “Hindi mo ba ihihingi ng sorry ’yung dalawang beses mong pagnakaw ng halik sa akin?” “Mag-so-sorry lang ako kung hindi ka nasarapan. Hindi ba?” Napipi ako. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. “Hindi masarap!” pagsisinungaling ko. “Kung hindi ka nasarapan, ulitin natin?” “Michael, baka nakakalimutan mo—magkapatid tayo,” inis kong sambit. “Magkapatid? Alam mong hindi tayo magkadugo, Reign.” Hindi na ako sumagot. At sa totoo lang… tama naman siya. Pwede pa sana kaming magkatuluyan noon kung hindi niya ako sinaktan, at kung hindi nagpakasal ang Daddy niya at si Mama. Bumaba na ako ng hagdan. Hindi ko alam kung bakit naaapektuhan pa rin ako sa presensya at mga sinasabi niya. Napatingin ako nang masama nang bigla siyang umakbay sa ’kin. Buti na lang at tinanggal niya rin agad at nauna nang bumaba. Nakakalito talaga ang kilos niya ngayon. Kahapon ang harsh niya magsalita. Ngayon mas kalmado, mas mabait? O uma-acting lang? Pagdating namin sa dining area, andoon na ang mga pagkain—pancakes, bacon, omelet, fresh orange juice. Ang yaman talaga ng bahay na ’to. Kahit almusal, pang-hotel. Umupo ako sa kabilang side ng table. Umupo naman siya diretso sa tapat ko. “Ano ba,” sabi ko. “Obvious naman ’di ba? Ayaw kitang katabi, at lalong ayaw kitang kaharap.” “Hindi naman kita kakagatin, baby… unless gusto mo.” Napangisi siya. Tinapik ko ang ulo ko. Lord, give me patience. Habang kumakain ako, nahuli ko siyang titig na titig sa ’kin. “Ano bang problema mo?” tanong ko. “Nothing,” sagot niya, sabay kagat sa pancake. “You’re pretty today.” “Ano ba’ng trip mo?!” Humagalpak siya ng tawa. “You like my personality right now. Don’t lie.” “Excuse me? Anong part ng personality mo ang magugustuhan ko?” “Everything,” sagot niya agad. Assuming talaga siya. Napapikit ako, pilit na pinapakalma ang sarili. Tumunog ang phone ko. Si Mama. “Great.” Sinagot ko. “Mama?” bati ko. “Hello po.” “Anak! Kumusta ka diyan? Okay ka naman ba? Magkasundo na ba kayo ng Kuya Michael mo?” tanong ni Mama. “At habang wala kami ng Mama mo, si Michael muna ang bahala sa ’yo,” sabat ni Tito David. “Kung may kailangan ka, ’wag kang mahiyang lumapit sa kanya.” “N—” Hindi ko natapos. Biglang tumayo si Michael at pumwesto sa likod ko, nakikinig. Napaigtad ako nang ipatong niya ang mga kamay niya sa balikat ko. Dahan-dahan pang bumaba ang mukha niya sa leeg ko. “Reign…” bulong niya. “Tell them the truth.” Napahigpit ang hawak ko sa phone. “Anak? Naririnig mo pa ba ako?” “Po—opo, Mama,” sagot ko, pilit pinapakalma ang boses. Hinawi ni Michael ang buhok ko sa isang side gamit ang daliri niya. Nakikiliti ako. Kinagat ko ang labi ko para hindi mapa-“Ay!” “Ano anak? Mabait ba si Michael?” Lumingon ako sa kanya at binigyan siya ng death stare. Nakangiti lang siya. Sabay hawak niya sa baywang ko. Hindi gentle—’yung talagang mararamdaman mo. “Mama, okay naman po dito! Opo, mabait si Kuya Michael—super!” may diin kong sagot. “Aw,” bulong niya sa tenga ko. “Super daw? I like that.” Tinulak ko siya gamit ang siko. Hindi siya umatras—mas lalo pang dumikit. “Anak, bakit parang hinihingal ka?” tanong ni Mama. “Ha? Ah… nag-ja-jogging kasi ako, Ma!” Pagsisinungaling ko. Inalis ko ang kamay niya. Ibinalik. Inalis ko. Ibinalik ulit. Inuubos niya talaga ang pasensya ko. Hinampas ko siya sa hita. Ngumisi lang siya. “Okay anak, mag-ingat ka diyan ha. ’Wag kang pasaway kay Kuya Michael,” sabi ni Mama. “Saka tumawag lang ako para sabihin na… next month pa kami uuwi ng Daddy mo.” Napahinto ako. Next month? Ibig sabihin, isang buwan kaming magkasama ni Michael dito. Walang bantay. Walang parents. “Yes po, Ma,” sagot ko, ramdam ang kaba. “Ingat po kayo.” Pagkababa ko ng tawag, agad kong hinampas ang braso niya. “Baliw ka ba?! Mama ko ’yon!” “Tawag lang naman, hindi video call,” kalmado niyang sagot. “Kung video call, iba na siguro ginawa ko.” “MICHAEL!” Humagalpak siya ng tawa. Ang gwapo pa rin kahit nakakainis. Hays. Umupo siya sa tabi ko, seryoso na ang itsura niya ngayon. “Pwede ba akong magtanong?” aniya. Tumango lang ako bilang sagot. “Bakit mo ’ko binasted noon?”REIGN’S POV Bahagya akong natigilan habang papalabas ng silid. Papasok na ako ng opisina. Saglit kong nilingon ang silid ni Michael—naka-lock. “Paghiwalayin kaya natin ang parents natin?” Naalala kong tanong niya kanina. “Michael… kailangan ba talagang umabot tayo sa ganito?” sagot ko, bahagya kong tinaasan ang boses para takpan ang takot sa kahihinatnan ng plano niya para sa aming dalawa. “Reign, ito lang ang way para maging official tayo.” Nasapo ko ang ulo ko. “Pero kailangan bang sirain natin ang relasyon na mayroon ang parents natin? Michael… ayokong saktan si Mama.” Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. “Paano naman ako? Tayo? Hindi ko ba deserve na piliin at ipaglaban? Reign, laro lang ba ako para sa ’yo? Kasi ako—may plano ako para sa atin. Pero kung ikaw, wala. Mabuti pa sigurong putulin na lang natin ’to.” Napaawang ang bibig ko sa narinig. Masakit—dahil nandito na naman kami sa puntong kailangan may piliin. Hindi na ako nakasagot. Hindi dahil wala ako
REIGN’S POV Habang naglalakad ako paakyat ng hagdan, naramdaman kong may sumunod sa akin, pero hindi ko nilingon. Pagdating ko sa taas, bigla niya akong hinila papasok sa silid ko. Tinakpan niya ang bibig ko bago pa ako makapagsalita. “Shhh,” bulong niya sa tainga ko. Dahan-dahan siyang yumuko at idinampi ang labi niya sa labi ko—marahan, parang hindi nagmamadali. Unti-unting naglakbay ang kamay niya sa loob ng blouse ko hanggang sa matunton niya ang malusog kong dibdib at marahang pinisil iyon. “Ughhh, Michael…” mahinang ungol ko. “Louder,” bulong niya. Muli niya akong siniil ng halik—mula sa labi pababa sa leeg ko. Mariin. Parang naglalagay ng marka, tanda na sa kanya lang ako. Agad niyang hinatak ang kamay ko at dinala sa tapat ng ari niyang sobrang tigas. “Michael—” nanginginig ang boses kong sambit. “You kept me waiting for so long,” mapang-akit niyang bulong sa tainga ko. “Sorry,” nahihiya kong sagot. Itinaas niya ang baba ko. “Look at me.” Sumunod ako. Muling nagl
REIGN’S POV Mahigpit kong niyakap si Michael. Tama siya. Nagpunta ako sa restaurant dahil natakot ako—na baka makipag-date siya kay Cassandra at tuluyan na siyang mawala sa akin. Inangat niya ang baywang ko, paupo sa kandungan niya. Magkaharap kaming dalawa habang marahan niyang hinahaplos ang mukha ko. “Reign,” mababa ang boses niya, halos bulong. “Look at me.” Sumunod ako. Hindi ko na itinago ang mga mata kong namumula. Mahigpit niya akong niyakap. Aircon naman sa conference room, pero ramdam ko ang init ng katawan namin habang magkadikit. “Natakot ka ba?” tanong niya. “Oo,” halos bulong ko lang. Hindi na siya nagsalita. Sa halip, idinampi niya ang noo niya sa noo ko. Tumatama sa mukha ko ang hininga niya sa sobrang lapit namin, hanggang sa dahan-dahan na niyang sinakop ang mga labi ko. “Michael…” mahina kong sabi nang maghiwalay ang mga labi namin. Tumaas lang ang kilay niya, parang naghihintay ng sasabihin ko. “Conference room ’to,” nahihiya kong sabi. Par
MICHAEL’S POV Napatiim-bagang ako dahil hindi gumagalaw si Reign sa kinatatayuan niya. Hindi ko kayang makita siyang may kasamang ibang lalaki, lalo na’t iba kapag tumitig sa kanya si William—parang may binabalak na hindi maganda. “She’s with me,” sabi ni William, diretso ang tingin. “And with all due respect… huwag kang bastos.” Nakaramdam ako ng pagkapahiya sa mga sinabi niya, pero mas lalo lang akong nainis dahil pinanindigan ni Reign ang mga sinabi nito. William Martinez. Ano bang gusto mong mangyari? Bakit si Reign pa ang nilapitan mo? Kalmado lang ang itsura niya. Diretso ang tindig. Walang yabang, walang ngiti. Pero ramdam ko ang panghahamon. Napatingin ako kay Reign. Nakatungo siya. Hindi niya ako tinitingnan. At doon ako mas nainis. “Date?” malamig kong tanong, hindi kay William kundi kay Reign. Hindi siya sumagot. At mas masakit pa ’yon kaysa sigawan niya ako. “Michael,” mahinang sambit ni Cassandra sa tabi ko, bahagyang hinihila ang manggas ng suit ko. “Baka n
REIGN’S POVBahagya akong natigilan sa narinig ko. Talaga bang makikipag-date na siya kay Cassandra? Napatingin ako sa kanya—nakangiti lang siya habang nakatitig kay Michael, sabay lingon sa akin at umirap. Tsk!“What are you waiting for?” malamig na tanong ni Michael, nakatingin sa akin na parang nagbabantay.Nanginginig ang mga kamay ko habang pinipindot ang cellphone para magpa-reserve ayon sa gusto ni Michael. Nang matapos ang tawag, saka pa lang sila umalis sa harap ko. Napa-buntong hininga ako ng malalim bago tumayo.Pumasok ako sa rest room, kailangan kong mailihis ang sarili bago ako umiyak sa table. Ano bang dapat kong gawin? Kung hindi pa ako kikilos, baka tuluyan na siyang makasal kay Cassandra.Arghhhh! Impit kong sigaw sa loob ng cubicle.“Grabe, ang sweet ni Sir kay Ma’am Cassandra ‘no?” Kumirot ang puso ko sa narinig.“Bagay na bagay talaga sila!” Sambit naman ng isa.“Balita ko dito daw nagwowork ang stepsister ni Sir Michael? Did you know her?” Tanong ng isa. Natigila
REIGN’S POVNagising ako na parang may martilyong paulit-ulit na tumatama sa ulo ko. Napahawak ako sa sentido, napapikit. Masakit. Pero mas masakit ang alaala na agad sumiksik sa isip ko bago pa tuluyang magising ang diwa ko—kung paano nagtagpo ang mga labi ni Cassandra at ni Michael kagabi. Mabilis lang. Pero sapat para ipamukha sa akin na parang wala lang ako roon. Parang hindi ako nag-e-exist.Huminga ako nang malalim, pinipigilan ang namumuong luha sa gilid ng mga mata ko. Alam kong nagkamali ako. Alam kong hindi ko pa siya kayang panindigan. Pero tama ba na makipaghalikan siya sa ibang babae? Tama ba na ipakita niya sa akin na kaya niya akong palitan—nang ganun lang?Pinahid ko ang luha na hindi ko namalayang tumulo na pala. Kung hindi pa ako lalaban ngayon, baka tuluyan na siyang mawala sa akin. Pero paano si Mama? Paano si Tito David na gusto akong maging anak niya? Hays! Saan ba ako lulugar?Tumayo ako, pilit pinatatag ang tuhod ko. Naligo ako, nagbihis, gumayak na parang norm







