LOGINREIGN'S POV
Napakuyom ang mga kamao ko sa inis habang kinakaladkad ako ni Mama—si Leona Del Pilar—palabas ng mall kung saan ako nagtatrabaho bilang manager. Lilipat na raw kami sa mansyon ng bago niyang asawa. “Pumayag na nga akong mag-asawa ka ulit, tapos pati ako gusto mong lumipat sa bahay ng asawa mo?! Ma, naman! Ayoko na! Pagod na pagod na ko sa ganitong buhay!” garalgal kong sigaw habang isinisilid ni Mama ang gamit ko sa maletang hawak niya. “Tigilan mo nga ako sa mga kaartehan mo, Reign Nicole, at baka ika’y masampal ko! Baka nakakalimutan mo, ginagawa ko ’to para sa ’yo! Para mabigyan ka ng maayos at marangyang buhay! Kaya pwede ba, tumigil ka na sa kadramahan mo!” galit na ring sagot ni Mama. “Para sa akin nga ba, Ma? O para sa sarili mo?!” Kusang bumaling ang mukha ko nang sampalin ako ni Mama. “Walang hiya ka! Kung para sa akin lang ’to, eh di sana, mag-isa na lang akong umalis.” “Kung nandito lang si Papa—” “Gumising ka nga! Tatlong taon nang wala ang Papa mo, at ako na lang ang nandito para sa ’yo! Kaya susunod ka sa lahat ng gusto ko, whether you like it or not!” “Pero, Ma—” “Wala nang pero, pero. Bilisan mo nang mag-impake at kanina pa naghihintay si David sa labas. Nakakahiya!” Lumuluhang pinasan ko ang maleta at naglakad palabas ng apartment. Naghihintay sa amin si Tito David—David Lucero, ang stepfather ko. “Good afternoon po!” bati ko sabay mano sa kanya. “Good afternoon, hija! Ito na ba ang mga gamit mo?” nakangiting tanong niya. Tumango lang ako at pumasok sa itim, makintab, at mahaba niyang sasakyan. Pinasok ko agad sa tainga ang earbuds ko. Balak ko sanang mag-soundtrip at matulog habang nasa biyahe, pero natigilan ako nang marinig kong magsalita si Mama. “Ang anak mo? Kumusta, nasa mansyon ba siya?” tanong ni Mama sabay hawak sa braso ni Tito David. “Okay naman siya, abala sa pagpapatakbo ng kumpanya. Bilib nga ako sa batang ’yon—ang galing mag-manage ng tao at pulido magtrabaho. Talagang pinanindigan na niya ang pagiging heir niya,” kwento niya na parang proud na proud sa anak niya. “Mukhang nagmana sa ’yo ang anak mo. At sa palagay ko, magiging tanyag na businessman din siya tulad mo,” puri ni Mama. “Pero… sa tingin mo ba, magkakasundo ang mga anak natin?” may pag-aalalang tanong niya. Akala ko mas matanda ako sa stepbrother ko. Kapag kasi nagkukwento si Tito David, “bata” at “anak” lang ang madalas niyang banggitin. “Papayag kaya siyang maging kuya ko?” bulong ko sa sarili. Huminto si Tito sa harap ng mataas at itim na gate. “Nandito na tayo!” Bumaba na ako, dala ang mga gamit ko. Lumapit si Tito at kinuha ang maleta sa kamay ko. Sabay kaming naglakad papasok ng mansyon. “Sabi ng mama mo, naghahanap ka daw ng bagong trabaho?” seryosong tanong niya. “Ah—opo, Tito,” pagsisinungaling ko para pagtakpan si Mama. Bahagya siyang ngumiti. “Hija, kasal na kami ng mama mo. Pwede mo na akong tawaging Papa o Daddy. Alam kong hindi ko mapapalitan si Papa mo, pero sana, ituring mo rin ako kahit pangalawang ama mo.” Tumango ako at tipid na ngumiti. “Thanks, Dad!” naiilang kong sagot. Biglang umaliwalas ang mukha niya, halatang natuwa. “Pwede ba kitang yakapin, anak?” Hindi na ako sumagot. Tumingin lang ako kay Mama na nakangiti sa amin; tumango siya na para bang sinasabing pumayag ako. Saglit ko siyang niyakap. Pero sa totoo lang, nahihiya pa rin ako sa kanya, kahit na madalas naman siyang dumadalaw sa apartment na inuupahan namin noon. Alam kong sinusubukan rin niyang magpaka-ama sa akin, pero ang hirap masanay na may tatay ka ngayon… tapos bukas o sa mga susunod na buwan o taon, wala na naman—iba na ulit. Ang hirap ng ganitong buhay: walang permanente, laging nag-uumpisa, laging nag-a-adjust. Lumapit sa amin ang mayordoma ng mansyon, at sinenyasan ako ni Tito David na sumama sa kanya. “Welcome sa Lucero Mansion, Miss Reign. Ako nga pala si Sabel, ang namamahala dito sa mansyon,” masiglang sambit nito. Nagmano ako sa kanya. “Kaawaan ka ng Diyos! Napakabait na bata,” nakangiti niyang sabi. Habang naglalakad kami papasok ng silid ko, itinuro niya ang katabing silid. “Iyan naman ang silid ni señorito. Bawal pumasok diyan,” babala ni Manang Sabel. “Mabait naman ’yon, ayaw lang na may nakikialam sa mga gamit niya.” Tumango ako. “Thank you po, Manang Sabel.” Paglabas niya ng silid, inilapat ko ang katawan ko sa malaki at maluwang na kama. Malambot ang kama, napayakap ako sa unan dahil malamig sa loob ng silid. Tumayo ako para hinaan ang aircon. Tumingin ako sa paligid. Yung kwarto ko ngayon, parang isang buong apartment na inuupahan namin noon. Gabi na nang magising ako; kumakalam ang sikmura ko sa gutom. Nakatulog pala ako pagkatapos ayusin ang gamit ko. Binuksan ko ang cellphone. Mabilis kong binasa ang message ni Mama: Nakaalis na kami, Anak. Magpakabait ka diyan at pakisamahan mo nang mabuti ang kuya Brian mo. “Brian? Iyon pala ang pangalan ng stepbrother ko,” bulong ko. Suot ang puting oversized T-shirt at maiksing shorts, dahan-dahan akong bumaba ng hagdan papuntang kusina. Hindi ko alam kung bakit nahihiya ako o natatakot na baka may makakita sa akin. Hindi rin naman ako sanay na pinaglilingkuran ng mga katulong kaya hindi ko na sila ginising. Gamit ang ilaw ng cellphone, dahan-dahan kong binubuklat ang mga kaldero para hindi makagawa ng ingay. Hindi ko rin naman alam kung nasaan ang switch ng ilaw. Napakagat ako sa sariling labi nang may masipa akong matigas na bagay. Dahan-dahan akong yumuko para kapain iyon. “Ahhhhhhhhh!” sigaw ko nang may malamig na kamay na humawak sa kamay ko. “Who are you?” paos at tila lasing ang boses niya. “Bitiwan mo nga ako, ano ba!” takot na takot kong sigaw. “Noisy…” iritang bulong niya. Bigla niyang hinatak ang T-shirt ko, dahilan para masubsob ako sa harap niya. Amoy na amoy ko ang hininga niyang amoy alak. Akmang tatayo na ako ngunit muli niyang hinatak ang damit ko—papalapit nang papalapit ang mukha niya sa akin. Napapikit ako nang bigla niya akong hinalikan sa labi—isang halik na ngayon ko lang naranasan. “Bastos!” singhal ko, sabay sampal sa kanya nang matauhan ako. Sakto namang bumukas ang ilaw. “Manang Sabel, sino ’yan?!” nanginginig akong lumapit sa ginang na pupungas-pungas pa. Hindi kumibo ang matanda; sinisipat lang niya ang nakayukong lalaki habang nakasalampak sa sahig sa gilid ng mahabang lamesa. “Señorito!” gulat niyang sigaw. Nagmamadaling lumapit si Manang Sabel at itinayo siya. Akmang lalapit na rin ako para tumulong nang magtagpo ang mga mata namin ng tinawag niyang señorito. “Michael?!” halos malaglag ang panga ko sa gulat. Nalilitong tumingin sa akin si Manang Sabel. “Oo, siya nga si Señorito Michael Brian Lucero,” sambit niya habang iiling-iling. Nag-angat si Michael ng tingin; tumatagos ang lungkot sa mga mata niya. Ngumiti siya nang mapait, na para bang hindi naman nagulat sa presensya ko. “Damn it…” napapikit na mura niya, sabay suka. “Miss Reign, tulungan mo naman ako. Hirap kasi akong umakyat ng hagdan—tulog na kasi ang ibang kasambahay.” “Sige po. Ako na po ang bahala. Magpahinga na po kayo!” Nahihiya siyang tumingin sa akin, sabay hilot sa tuhod niya. Kinuha ko ang braso ni Michael at pinaakbay siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang magkadikit ang mga katawan namin. Sa dami naman ng pwedeng maging stepbrother, bakit siya pa? Lumapit ako sa kwarto niya. Naka-lock, kaya wala akong ibang choice kundi dalhin siya sa kwarto ko at doon siya ihiga. “Bakit kaya siya naglasing?” bulong ko sa sarili habang inaalis ang sapatos niya. Napapikit ako at huminga nang malalim. “Ano ba ’tong pinasok ni Mama? Hindi ba niya alam na ang lalaking ’to ang dahilan kung bakit ako nasaktan noon? Ano bang gagawin ko? Umalis na lang kaya ako habang nasa ibang bansa sila? Tama… mas mabuti nang lumayo bago pa ako masaktan ulit.”REIGN’S POV Bahagya akong natigilan habang papalabas ng silid. Papasok na ako ng opisina. Saglit kong nilingon ang silid ni Michael—naka-lock. “Paghiwalayin kaya natin ang parents natin?” Naalala kong tanong niya kanina. “Michael… kailangan ba talagang umabot tayo sa ganito?” sagot ko, bahagya kong tinaasan ang boses para takpan ang takot sa kahihinatnan ng plano niya para sa aming dalawa. “Reign, ito lang ang way para maging official tayo.” Nasapo ko ang ulo ko. “Pero kailangan bang sirain natin ang relasyon na mayroon ang parents natin? Michael… ayokong saktan si Mama.” Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. “Paano naman ako? Tayo? Hindi ko ba deserve na piliin at ipaglaban? Reign, laro lang ba ako para sa ’yo? Kasi ako—may plano ako para sa atin. Pero kung ikaw, wala. Mabuti pa sigurong putulin na lang natin ’to.” Napaawang ang bibig ko sa narinig. Masakit—dahil nandito na naman kami sa puntong kailangan may piliin. Hindi na ako nakasagot. Hindi dahil wala ako
REIGN’S POV Habang naglalakad ako paakyat ng hagdan, naramdaman kong may sumunod sa akin, pero hindi ko nilingon. Pagdating ko sa taas, bigla niya akong hinila papasok sa silid ko. Tinakpan niya ang bibig ko bago pa ako makapagsalita. “Shhh,” bulong niya sa tainga ko. Dahan-dahan siyang yumuko at idinampi ang labi niya sa labi ko—marahan, parang hindi nagmamadali. Unti-unting naglakbay ang kamay niya sa loob ng blouse ko hanggang sa matunton niya ang malusog kong dibdib at marahang pinisil iyon. “Ughhh, Michael…” mahinang ungol ko. “Louder,” bulong niya. Muli niya akong siniil ng halik—mula sa labi pababa sa leeg ko. Mariin. Parang naglalagay ng marka, tanda na sa kanya lang ako. Agad niyang hinatak ang kamay ko at dinala sa tapat ng ari niyang sobrang tigas. “Michael—” nanginginig ang boses kong sambit. “You kept me waiting for so long,” mapang-akit niyang bulong sa tainga ko. “Sorry,” nahihiya kong sagot. Itinaas niya ang baba ko. “Look at me.” Sumunod ako. Muling nagl
REIGN’S POV Mahigpit kong niyakap si Michael. Tama siya. Nagpunta ako sa restaurant dahil natakot ako—na baka makipag-date siya kay Cassandra at tuluyan na siyang mawala sa akin. Inangat niya ang baywang ko, paupo sa kandungan niya. Magkaharap kaming dalawa habang marahan niyang hinahaplos ang mukha ko. “Reign,” mababa ang boses niya, halos bulong. “Look at me.” Sumunod ako. Hindi ko na itinago ang mga mata kong namumula. Mahigpit niya akong niyakap. Aircon naman sa conference room, pero ramdam ko ang init ng katawan namin habang magkadikit. “Natakot ka ba?” tanong niya. “Oo,” halos bulong ko lang. Hindi na siya nagsalita. Sa halip, idinampi niya ang noo niya sa noo ko. Tumatama sa mukha ko ang hininga niya sa sobrang lapit namin, hanggang sa dahan-dahan na niyang sinakop ang mga labi ko. “Michael…” mahina kong sabi nang maghiwalay ang mga labi namin. Tumaas lang ang kilay niya, parang naghihintay ng sasabihin ko. “Conference room ’to,” nahihiya kong sabi. Par
MICHAEL’S POV Napatiim-bagang ako dahil hindi gumagalaw si Reign sa kinatatayuan niya. Hindi ko kayang makita siyang may kasamang ibang lalaki, lalo na’t iba kapag tumitig sa kanya si William—parang may binabalak na hindi maganda. “She’s with me,” sabi ni William, diretso ang tingin. “And with all due respect… huwag kang bastos.” Nakaramdam ako ng pagkapahiya sa mga sinabi niya, pero mas lalo lang akong nainis dahil pinanindigan ni Reign ang mga sinabi nito. William Martinez. Ano bang gusto mong mangyari? Bakit si Reign pa ang nilapitan mo? Kalmado lang ang itsura niya. Diretso ang tindig. Walang yabang, walang ngiti. Pero ramdam ko ang panghahamon. Napatingin ako kay Reign. Nakatungo siya. Hindi niya ako tinitingnan. At doon ako mas nainis. “Date?” malamig kong tanong, hindi kay William kundi kay Reign. Hindi siya sumagot. At mas masakit pa ’yon kaysa sigawan niya ako. “Michael,” mahinang sambit ni Cassandra sa tabi ko, bahagyang hinihila ang manggas ng suit ko. “Baka n
REIGN’S POVBahagya akong natigilan sa narinig ko. Talaga bang makikipag-date na siya kay Cassandra? Napatingin ako sa kanya—nakangiti lang siya habang nakatitig kay Michael, sabay lingon sa akin at umirap. Tsk!“What are you waiting for?” malamig na tanong ni Michael, nakatingin sa akin na parang nagbabantay.Nanginginig ang mga kamay ko habang pinipindot ang cellphone para magpa-reserve ayon sa gusto ni Michael. Nang matapos ang tawag, saka pa lang sila umalis sa harap ko. Napa-buntong hininga ako ng malalim bago tumayo.Pumasok ako sa rest room, kailangan kong mailihis ang sarili bago ako umiyak sa table. Ano bang dapat kong gawin? Kung hindi pa ako kikilos, baka tuluyan na siyang makasal kay Cassandra.Arghhhh! Impit kong sigaw sa loob ng cubicle.“Grabe, ang sweet ni Sir kay Ma’am Cassandra ‘no?” Kumirot ang puso ko sa narinig.“Bagay na bagay talaga sila!” Sambit naman ng isa.“Balita ko dito daw nagwowork ang stepsister ni Sir Michael? Did you know her?” Tanong ng isa. Natigila
REIGN’S POVNagising ako na parang may martilyong paulit-ulit na tumatama sa ulo ko. Napahawak ako sa sentido, napapikit. Masakit. Pero mas masakit ang alaala na agad sumiksik sa isip ko bago pa tuluyang magising ang diwa ko—kung paano nagtagpo ang mga labi ni Cassandra at ni Michael kagabi. Mabilis lang. Pero sapat para ipamukha sa akin na parang wala lang ako roon. Parang hindi ako nag-e-exist.Huminga ako nang malalim, pinipigilan ang namumuong luha sa gilid ng mga mata ko. Alam kong nagkamali ako. Alam kong hindi ko pa siya kayang panindigan. Pero tama ba na makipaghalikan siya sa ibang babae? Tama ba na ipakita niya sa akin na kaya niya akong palitan—nang ganun lang?Pinahid ko ang luha na hindi ko namalayang tumulo na pala. Kung hindi pa ako lalaban ngayon, baka tuluyan na siyang mawala sa akin. Pero paano si Mama? Paano si Tito David na gusto akong maging anak niya? Hays! Saan ba ako lulugar?Tumayo ako, pilit pinatatag ang tuhod ko. Naligo ako, nagbihis, gumayak na parang norm







