LOGINTahimik ang buong mansyon. Ilang araw na ang lumipas mula nang isinugod nila sa hospital si Regie, pero kahit na gumaling na ito, mas naging tutok si Reign sa pag-aalaga sa kambal. “Matulog lang kayo diyan ha, mag-wo-work out lang si Mommy…” nakangiting bulong niya habang dahan-dahan niyang inayos ang kumot ni Regie at ni Williane. “Grabe, ang bilis-bilis niyong lumaki!” nangingilid ang luhang bulong niya. “Parang kailan lang nasa tiyan ko pa kayo!” Tuluyan nang bumagsak ang luha niya. “Anak?” Bigla siyang nagpahid ng luha nang pumasok si Leona. “M-may problema ka ba?” kunot-noong tanong nito habang papalapit sa kanya. “Masaya lang ako, Ma,” pilit ang ngiti nito. “Yung totoo, anak? Pwede ka naman magsabi sa ’kin kung may problema ka ’di ba.” Saglit na natigilan si Reign. “Naalala mo ba, Ma, ’yung time na isinugod natin sa hospital si Regie?” “Ahh ’yung pawis na pawis kayo ni William?” nakangising sagot ni Leona. “Bakit? Magkaka-apo na ba ulit ako?” “Ma! Hindi.” namumulang s
Mahigpit na hinawakan ni Reign ang kamay ni William. “Bakit nasali na naman siya sa usapan?” may diing tanong ni Reign. “What if lang.” tipid na sagot nito. Napabuntong hininga si Reign… “Daddy…” marahang hinaplos ni Reign ang mukha niya. “Kahit bumalik pa siya… wala rin namang magbabago, we're married, mahal kita, kayo ng mga anak natin at hinding-hindi ako gagawa ng bagay na makakasira sa pamilya natin… at sana ikaw din.” Bahagyang tumalikod si Reign. “Sweetheart, galit ka ulit?” “Tsk! Ikaw naman kasi, burado na nga siya sa isip ko, at dito” sabay turo niya sa tapat ng puso niya. “Tapos binabanggit mo pa! Nakakainis ka na!” Bahagya namang napangiti si William. Dahan-dahan siyang lumapit kay Reign saka ito niyakap. “Gusto mo ba…” bulong nito sa tainga niya. “Alisin natin ‘yung inis mo?” Hindi pa nagpa-process sa isip ni Reign ang sinabi nito ng biglang sinakop ni William ang labi niya. “Wil, baka may makakita!” kinakabahang bulong ni Reign. “Shhh...” mahinang sagot ni Wil
Saglit na natigilan si William. “Sweetheart, let’s go outside. Doon tayo mag-usap—” “Bakit kailangan pang lumabas kung pwede naman nating pag-usapan dito sa loob?” Napabuga ng hangin si William. Ngayon lang niya nakitang magalit si Reign, at hindi rin niya alam kung ano ang ikinagalit nito sa kanya. “Now answer me! Saan ka ba galing?” matigas na tanong ni Reign. “Reign anak—” “Ma, please, iwan mo muna kami.” Napatingin si Leona sa kanilang dalawa. Kitang-kita niya ang panginginig ng balikat ni Reign at ang namumutlang mukha ni William. Wala siyang sinabi. Tahimik siyang tumango bago marahang lumabas ng silid. Naiwan silang dalawa. “Uulitin ko...” mariing sabi ni Reign. “Saan ka ba galing?” Napabuntong-hininga si William. “Sa condominium. Pinuntahan namin si Lorraine.” Parang may kung anong sumàksák sa dibdib ni Reign. “Akala ko ba—” “It’s not what you’re thinking, Sweetheart.” Agad niyang inilabas ang cellphone. “Nagpunta ako doon kasama ko si Jack at ang ambulansya
Napaigtad si William sa gulat ng biglang mag-vibrate ang phone niya. “Hello, Ma—” “My goodness, hijo! Nasaan ka ba? Kailangan ka ng anak mo dito sa hospital. Pumunta ka na dito ASAP!” putol sa kanya ni Leona. Agad na napatuwid si William sa kinauupuan. “Ma? Bakit? Anong nangyari?” Pero naputol na ang tawag. “Ma?” Saglit siyang natigilan. Napatitig siya sa cellphone. Ilang segundo lang ay may pumasok na mensahe. “St. Augustine Private Hospital.” Napahawak sa dibdib si William, parang may malakas na tambol sa dibdib niya. “Jack.” Napalingon agad ang binata. “Boss?” “Sa hospital tayo. Drive as fast as you can.” —— Halos paliparin ni Jack ang sasakyan. Tahimik lang si William habang paulit-ulit niyang tinatawagan si Reign pero hindi ito sumasagot. “Shít!” Mariing mura niya sabay sapo ng sariling mukha. “Kung alam ko lang na magkakaganito… sana… sana hindi na ko umalis ng mansyon.” Mariing sigaw niya. “Boss kalma, hindi ito ang oras para sisihin mo ’yung sarili mo. Kail
Kusang napaurong si William nang dahan-dahang buksan ni Lorraine ang suot nitong robe.Nanigas ang panga niya.Agad siyang umiwas ng tingin.“Anong ginagawa mo?” malamig na tanong niya.Pero imbes na sumagot, dahan-dahang lumapit si Lorraine.“William...” basag ang boses nito. “Pagbigyan mo na ’ko... tayo lang naman ang nandito.”“Putangína!” mariing mura ni William.Mabilis niyang dinampot ang robe na nalaglag sa sahig at agad iyong itinakip sa katawan ni Lorraine.“Ganyan ka ba ka-desperada?!”Napaatras si Lorraine.Ngunit ilang segundo lang ay muli itong lumapit.“Hindi mo ba talaga naiintindihan?” nanginginig na sabi nito. “Mahal kita, William. At handa na ’kong talikuran ang lahat para sa ’yo.”“Enough!”Napaatras ito nang bahagya dahil sa tigas ng boses ni William.“Hindi ito ang pinunta ko rito!”“Talaga ba?” mapait na tanong ni Lorraine.Natahimik si William.“Don't tell me, naniwala ka sa acting ko?”Humigpit ang pagkakakuyom ng kamao niya.Biglang sumagi sa isip niya ang lit
Marahang kumakatok si Reign sa pinto ng kwarto nila. Ilang segundo lang, bumukas na iyon. “W-Wil… Okay ka lang ba?” nag-aalangang tanong ni Reign. Bahagyang nag-angat ng tingin si William. “Oo naman,” nakangiting sagot niya. “Wala namang dahilan para hindi ako maging okay.” Dahan-dahang siyang lumapit kay William. “Kung ganun… bakit ka nag-walk out kanina?” mahinang tanong niya. Huminga si William nang malalim. “Na-inis lang ako.” Sandali siyang natahimik. “Nasaktan ka pa tuloy.” Inabot nito ang kamay ni Reign. Yung may pulang bakas ng natapong sabaw kanina. Napatingin si Reign doon. “Malayo ’to sa bituka,” mahinang sabi niya, saka pilit na ngumiti. “Ikaw nga ’tong iniisip ko.” Hindi sumagot si William. Marahan siyang hinila ni William palapit hanggang sa mapaupo ito sa kandungan niya. “Sweetheart… Sorry, hindi ko na dapat hinayaang makapasok dito si Lorraine.” Napapikit si Reign. “Wala kang kasalanan okay? Naging magkaibigan kayo noon bago mobpa siya minahal at nilig
Paulit-ulit na pinipindot ni David ang screen ng phone habang nakaupo sa gilid ng kama. Isa. Dalawa. Tatlo. Wala pa ring sagot. Humigpit ang panga niya bago marahas na ibinaba ang phone sa mesa. “Damn it… bakit ba ayaw niyang sumagot?!” Napahilamos siya sa mukha saka mabilis na tumayo at n
Hindi man lang nasindak ang doktor sa sinabi ni Michael. Tahimik lang itong nakikinig habang nagsusulat, na para bang sanay na sa mga ganitong usapan. “Doc…” mahina niyang tawag habang nakatitig sa kisame. Napatingin sa kanya ang psychiatrist. “Posible bang maging normal pa ’ko?” Huminga nang m
Nang matapos magsalita si Leona, agad na umalingawngaw ang malalakas na palakpakan at hiyawan sa buong venue. Sunod-sunod ulit ang flash ng camera habang nakangiting yumuyuko si Leona sa harap ng mga tao. Pababa na sana siya ng stage nang may isang gwapong lalaki na naka-black suit ang lumapit sa
Dahan-dahang lumapit si Cassandra kay David saka siya niyakap nang mahigpit mula sa likod. “Hindi ba’t ito naman talaga ang gusto mo?” malambing niyang bulong habang marahang hinihimás ang dibdib nito. “Ang makasama ako… kami ni Manang Sabel… Ngayong wala na sina Michael at Tita Leona… kami na ang







