LOGINBubúka pa lang ang bibig ni William nang biglang— “Sir, pakisamahan naman po si Ma’am Leona na lumakad sa red carpet.” Hinihingal na sabi ng event coordinator. “Sure.” Agad niyang inalok ng braso si Leona. “Let’s go, Ma!” nakangiting bulong ni William. “Grabe, nakakanerbyos pala ’to!” natatawang sagot nito. Paglakad nila sa red carpet, sunod-sunod agad ang flash ng camera. “Ma’am Leona! Dito po!” “Ma’am, one more shot!” “Ma’am Leona!” Halos hindi na huminto ang mga photographer sa pagkuha ng litrato. Sa magkabilang gilid naman ay nagkukumpulan ang mga guest at supporters ng brand. “Grabe no? Ang galing talaga ni Miss Leona.” “Oo nga! Sikat na sikat na ang L&R sa buong mundo.” “Bet na bet ko nga ’yung bagong necklace collection nila. Mukhang pangmayaman pero affordable.” “True!” Hindi napigilan ni Leona na mapangiti. “Ang galing mo, Ma. Proud na proud ako sa ’yo.” Nakangiting sabi ni William. “Sus! Hindi ko naman maa-achieve ’to kung hindi dahil sa tulong niyo ni Reig
Tahimik ang buong mansyon. Ilang araw na ang lumipas mula nang isinugod nila sa hospital si Regie, pero kahit na gumaling na ito, mas naging tutok si Reign sa pag-aalaga sa kambal. “Matulog lang kayo diyan ha, mag-wo-work out lang si Mommy…” nakangiting bulong niya habang dahan-dahan niyang inayos ang kumot ni Regie at ni Williane. “Grabe, ang bilis-bilis niyong lumaki!” nangingilid ang luhang bulong niya. “Parang kailan lang nasa tiyan ko pa kayo!” Tuluyan nang bumagsak ang luha niya. “Anak?” Bigla siyang nagpahid ng luha nang pumasok si Leona. “M-may problema ka ba?” kunot-noong tanong nito habang papalapit sa kanya. “Masaya lang ako, Ma,” pilit ang ngiti nito. “Yung totoo, anak? Pwede ka naman magsabi sa ’kin kung may problema ka ’di ba.” Saglit na natigilan si Reign. “Naalala mo ba, Ma, ’yung time na isinugod natin sa hospital si Regie?” “Ahh ’yung pawis na pawis kayo ni William?” nakangising sagot ni Leona. “Bakit? Magkaka-apo na ba ulit ako?” “Ma! Hindi.” namumulang s
Mahigpit na hinawakan ni Reign ang kamay ni William. “Bakit nasali na naman siya sa usapan?” may diing tanong ni Reign. “What if lang.” tipid na sagot nito. Napabuntong hininga si Reign… “Daddy…” marahang hinaplos ni Reign ang mukha niya. “Kahit bumalik pa siya… wala rin namang magbabago, we're married, mahal kita, kayo ng mga anak natin at hinding-hindi ako gagawa ng bagay na makakasira sa pamilya natin… at sana ikaw din.” Bahagyang tumalikod si Reign. “Sweetheart, galit ka ulit?” “Tsk! Ikaw naman kasi, burado na nga siya sa isip ko, at dito” sabay turo niya sa tapat ng puso niya. “Tapos binabanggit mo pa! Nakakainis ka na!” Bahagya namang napangiti si William. Dahan-dahan siyang lumapit kay Reign saka ito niyakap. “Gusto mo ba…” bulong nito sa tainga niya. “Alisin natin ‘yung inis mo?” Hindi pa nagpa-process sa isip ni Reign ang sinabi nito ng biglang sinakop ni William ang labi niya. “Wil, baka may makakita!” kinakabahang bulong ni Reign. “Shhh...” mahinang sagot ni Wil
Saglit na natigilan si William. “Sweetheart, let’s go outside. Doon tayo mag-usap—” “Bakit kailangan pang lumabas kung pwede naman nating pag-usapan dito sa loob?” Napabuga ng hangin si William. Ngayon lang niya nakitang magalit si Reign, at hindi rin niya alam kung ano ang ikinagalit nito sa kanya. “Now answer me! Saan ka ba galing?” matigas na tanong ni Reign. “Reign anak—” “Ma, please, iwan mo muna kami.” Napatingin si Leona sa kanilang dalawa. Kitang-kita niya ang panginginig ng balikat ni Reign at ang namumutlang mukha ni William. Wala siyang sinabi. Tahimik siyang tumango bago marahang lumabas ng silid. Naiwan silang dalawa. “Uulitin ko...” mariing sabi ni Reign. “Saan ka ba galing?” Napabuntong-hininga si William. “Sa condominium. Pinuntahan namin si Lorraine.” Parang may kung anong sumàksák sa dibdib ni Reign. “Akala ko ba—” “It’s not what you’re thinking, Sweetheart.” Agad niyang inilabas ang cellphone. “Nagpunta ako doon kasama ko si Jack at ang ambulansya
Napaigtad si William sa gulat ng biglang mag-vibrate ang phone niya. “Hello, Ma—” “My goodness, hijo! Nasaan ka ba? Kailangan ka ng anak mo dito sa hospital. Pumunta ka na dito ASAP!” putol sa kanya ni Leona. Agad na napatuwid si William sa kinauupuan. “Ma? Bakit? Anong nangyari?” Pero naputol na ang tawag. “Ma?” Saglit siyang natigilan. Napatitig siya sa cellphone. Ilang segundo lang ay may pumasok na mensahe. “St. Augustine Private Hospital.” Napahawak sa dibdib si William, parang may malakas na tambol sa dibdib niya. “Jack.” Napalingon agad ang binata. “Boss?” “Sa hospital tayo. Drive as fast as you can.” —— Halos paliparin ni Jack ang sasakyan. Tahimik lang si William habang paulit-ulit niyang tinatawagan si Reign pero hindi ito sumasagot. “Shít!” Mariing mura niya sabay sapo ng sariling mukha. “Kung alam ko lang na magkakaganito… sana… sana hindi na ko umalis ng mansyon.” Mariing sigaw niya. “Boss kalma, hindi ito ang oras para sisihin mo ’yung sarili mo. Kail
Kusang napaurong si William nang dahan-dahang buksan ni Lorraine ang suot nitong robe.Nanigas ang panga niya.Agad siyang umiwas ng tingin.“Anong ginagawa mo?” malamig na tanong niya.Pero imbes na sumagot, dahan-dahang lumapit si Lorraine.“William...” basag ang boses nito. “Pagbigyan mo na ’ko... tayo lang naman ang nandito.”“Putangína!” mariing mura ni William.Mabilis niyang dinampot ang robe na nalaglag sa sahig at agad iyong itinakip sa katawan ni Lorraine.“Ganyan ka ba ka-desperada?!”Napaatras si Lorraine.Ngunit ilang segundo lang ay muli itong lumapit.“Hindi mo ba talaga naiintindihan?” nanginginig na sabi nito. “Mahal kita, William. At handa na ’kong talikuran ang lahat para sa ’yo.”“Enough!”Napaatras ito nang bahagya dahil sa tigas ng boses ni William.“Hindi ito ang pinunta ko rito!”“Talaga ba?” mapait na tanong ni Lorraine.Natahimik si William.“Don't tell me, naniwala ka sa acting ko?”Humigpit ang pagkakakuyom ng kamao niya.Biglang sumagi sa isip niya ang lit
REIGN’S POVBahagya akong natigilan. Seryoso ba siya? Makikipag-date talaga siya kay Cassandra? Napayuko ako at napakagat nang madiin sa ibabang labi. “What are you waiting for?” malamig na tanong ni Michael, nakatingin sa akin na parang nagbabantay. Seryoso talaga siya. Nanginginig ang mga kamay
REIGN’S POV Nagising ako na parang may martilyong paulit-ulit na tumatama sa ulo ko. Napahawak ako sa sentido. Masakit. Pero— Mariin kong pinikit ang mga mata ko. Parang nanigas ang katawan ko habang naghahalikan sila sa harap ko. Gusto kong umiyak. Gusto kong pigilan sila. Pero wala akong
REIGN’S POV Napabalikwas ako ng gising nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Tss! Akala ko pa naman tumatawag na si Michael—alarm lang pala. Walang ganang humiga ulit ako sa kama. Pipikit pa lang sana ako nang— “Shit, late na ’ko!” Pasado alas-otso na ng umaga. Napangiwi ako nang maramdama
REIGN’S POV Tinapik ni Daddy ang balikat ko, na para bang kino-comfort ako. “Ano bang problema?” seryosong tanong ni Daddy kay Michael. “Kung dahil lang sa mana—” “Hindi n’yo ako naiintindihan, Dad!” putol ni Michael sa kanya. “Wala akong pakialam sa pamana n’yo. Kaya kong kumita ng pera sa sari







