Share

CHAPTER 2

VIAH's POV

"Tell me it's not you Zenice... It's not you, right??" I said, pleading.

I caressed her arms but she's just looking down.

Sobrang sakit sa pakiramdam na 'yong mga matang halos hindi niya maalis sa pagtitig sa'kin dati, hindi na niya maiharap sa'kin ngayon.

"Zenice, look at me!" unti-unti nang lumalakas ang tono ng pagsasalita ko.

Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin.

"Love... it's not you, right? Hmm??" sabi ko habang pilit na ngumingiti at tinitingnan siya ng nangungusap kong mga mata. Alam kong papatulo na rin ang mga luhang kanina pa nagbabadyang lumabas.

I cupped her face with my hand. And the other one is holding her left hand tightly.

"I... I'm s-sorry Isela..." she said with a low voice, kasabay ng luhang bumagsak sa magkabilang pisngi niya.

Tuluyan nang nawala ang mga ngiting pilit kong ipinapakita kanina pa. Biglang bagsak din ang mga balikat at kamay ko.

Parang binabaon ang pakiramdam ko at nakalimutan na kung pa'no huminga.

"No... no..." mahina kong sabi at sunod-sunod na umiling.

"I didn't keep my promise, Isela... Hindi ko natupad yung pangako ko na sa'yo ko lang ibibigay at gagawin ang mga bagay na ginagawa ng magkarelasyon... Sabi ko..." her voice cracked.

"... sabi ko ikaw lang ang hahalikan ko... na ikaw lang ang hahawakan ko nang mahigpit... na sa'yo ko lang ibibigay ang hindi ko ibinigay sa ninuman... Pero... nasira lang ang lahat ng pangakong 'yon... Sinira KO ang pangakong 'yon Isela... Maging ang tiwalang binigay sa'kin ng pamilya mo... pati na ang binigay sa'tin na pagkakataon ng pamilya ko... Lahat ng pinaghirapan natin noon para makuha kung ano mang meron tayo ngayon... na ako lang din ang---" I cut her off.

"No Zenice... We can fix this... As long as I love you and you love... me... right?? Hindi pwedeng gano'n nalang 'yon. Just tell me kung anong ginawa ng Vanessa na 'yon sa'yo and---"

"Isela..." pigil niya sa pagsasalita ko.

"...kahit may ginawa man siya o wala sakin... kasalanan ko pa rin na... na b-bumigay ako. Kasalanan ko pa rin dahil pumayag akong makalapit siya sa'kin---"

"SO WHAT DO YOU WANT ME TO DO ZENICE??!" hindi ko na napigilang sumigaw.

Pumikit siya habang pinipigilan ang sariling umiyak.

She bit her lower lip... saka yumuko.

Tinignan ko lang siya. I felt the numbness of my lips and jaw, and the pain of my throat because of impeded crying.

"I-I... don't d-deserve you... Isela..."

My eyes widened.

I can't believe that she's saying those words right now.

"S-so... is it... truly your fault?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Inangat niya ang mukha niya para tingnan ako.

I saw her 'terribly sorry' eyes.

But despite of that, I don't want to get rid even the slightest hope.

"Who else?" she said, changing her expression to a blank one. But tears are still gushing down her small and pretty face.

Ramdam ko ang unti-unting pagbalot ng galit sa puso ko.

I was about to slap her but I felt a sudden tick on this damn heart.

Hindi ko pa rin pala siya kayang saktan.

I hate it.

I hate her...

I hate myself.

Marahas kong kinuha ang laptop sa may gilid ko, kung saan naka-pause pa ang video na natanggap ko kanina. A video of her... together with that btch Vanessa... making love--- oh sorry... That video is obviously full of lust. Punong-puno ng kahibangan... ng kasalanan... ng pagtataksil... at kadesperadahan ni Vanessa.

Walang makikita kahit na katiting na pagmamahal sa video na 'yon.

Pero bakit ganito ang nararamdaman ko??

Bakit parang uhaw na uhaw siya sa katawan ng babaeng yun??

Kulang pa ba 'ko? Hindi ba sapat na ako lang?

Sa kanya ko lang isinuko ang sarili ko and I thought siya rin. I thought I'm enough for her but what the hell is this??

Pagkatapos niya sa'kin, sa iba naman?? Gano'n ba??

Because of my frustration, ibinato ko sa sahig ang laptop at nagkahiwa-hiwalay ang mga parte no'n.

Mabilis ko siyang nilagpasan para makaalis na sa harapan niya.

Pero hindi ko alam kung bakit tumigil pa 'ko bago tuluyang buksan ang pinto para lumabas.

Am I waiting for her to stop me??

'Damn Isela,' I said to myself.

With that thought, mas lalo akong nasaktan.

Dahil sa paglingon ko, gano'n pa rin ang posisyon niya mula kanina. Wala ni isang hakbang o kahit mabilis na paglingon man lang.

Dali-dali akong lumabas sa kwartong 'yon dahil parang mamamatay na 'ko sa loob.

Pero nang makalabas at makalayo-layo na 'ko, mali ang akala ko. Dahil sa bawat hakbang ko palayo sa kung saan siya, pabigat nang pabigat ang ginagawa kong paghinga. Ni hindi ako sigurado kung humihinga pa nga ba ako.

Mariin akong nakahawak sa dibdib ko. Wala akong marinig na kahit ano sa paligid ko. Hindi ko maramdaman ang mga taong nakakabangga ko.

At higit sa lahat, hindi ko alam kung saan ako pupunta.

What is this foreign and shitty feeling?

Do I deserve to feel this?

Do I deserve to suffer like this?

Zenice... what did you do to me??

With all the moments we shared, will this be the end?

And with all those kind of endings in this crappy world, why did you gave me the most tragic one?

TOBI's POV

"ZENICE!!!"

Gulat kaming lahat dahil sa biglang pagbangon at pagsigaw ni Viah. Agad agad kaming lumapit sakanya. Pansin namin ang sunod-sunod at mabigat na paghinga nito lalo na ang mga luhang mukhang hindi niya halos maramdaman na dumadaloy na pala sa mga pisngi niya.

"Viah anak! Oh my god..." usal ni Tita Vernine habang umiiyak at yakap yakap ang anak niya.

Nakaalalay lang kay Tita si Kuya Vico dahil halos mahimatay na 'to kanina sa sobrang pag-aalala kay Viah.

"Mom??" We heard Viah asked.

Humiwalay siya sa pagkakaakap ni Tita at tiningnan ito nang may pagtataka.

Maya-maya pa....

"Mom! It's you! You're here for your monthly check-up right? Which means it was just a dream! Hahahahaha! I knew it! Wait... sinamahan ko po kayo ngayon? Kung ganon... where's Zenice?? She's always with me kapag sinasamahan ko kayo. Wait lang po. Hahanapin ko lang siya. I'll be bac---" Hindi na niya natuloy ang pinagsasabi niya dahil bigla siyang niyakap ni Kuya Vico.

"Enough Viah... enough..." he said.

Ngayon ko lang nakita si Kuya Vico na puno ng emosyon ang mga mata.

Unti-unting nawala ang ngiti at sigla sa ekspresyon ni Viah.

Para siyang nagkaroon ng malaking pag-asa na panandalian lang pala.

"No... no Vico... no... NO!!!" she suddenly yelled kaya gulat na naman kaming lahat. Tinulak din niya si Kuya Vico palayo sa kanya.

We saw her eyes, a blazing one.

Napasinghap kaming dalawa ni Tita Vernine.

Napatakip pa 'ko ng kamay sa bibig ko dahil sa pagkagulat. At halos matumba si Tita kaya mabilis ko siyang inalalayan.

"YOU'RE JUST LYING! ALL OF YOU! ADMIT IT MOM! VICO! HINDI NIYO PA TALAGA TANGGAP KUNG ANONG MERON KAMI NI ZENICE HANGGANG NGAYON!"

She looks unstoppable now. At natatakot ako para sa kanya.

She was never like this.

Where's the Viah that we all know? The Viah who was always calm and composed even at the worst moment?

If that's the case...

Then... the pain she’s feeling right now... is it beyond worst? That it's almost unbearable for her?

Oh Viah...

"Stop this gibberish act Viah!! Kung alam ko lang na magkakaganito ka ngayon sana hindi na lang talaga ako pumayag noon pa!!! I was hella worried for the both of you dahil alam kong marami kayong pagdadaanan na mas mahirap pa kesa sa ibang magkarelasyon! At sa pagkakakilala ko sayo, hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan mo iha-handle ang lahat! Mas binibigyan mo 'ko ng dahilan para pagsisihan ang ginawa kong pagpaparaya para sa ikakasaya ni Zenice Ahn! At lalong lalo na para sa'yo Viah!"

We were all dumbfounded dahil sa mga sinabi ni Kuya Vico.

I didn't expect that he'll burst like that.

I didn't expect na isusumbat niya kay Viah ang ginawa niyang pagpaparaya noon.

Yeah. He had a thing for Zenice back then.

He might haven't realized saying those words.

He looked like his father kapag galit.

Napaisip tuloy ako, paano kaya kung nabubuhay pa si Tito Marcus?

Siguro hindi magiging ganito kahirap ang sitwasyon ng pamilya Trianes.

Lalong lalo na kay Kuya Vico nang mapunta sa kanya lahat ng pressure simula nang mawala ang padre de pamilya nila.

Though lagi pa ring angat ang mga kompanya nila hanggang ngayon, pero hindi na sila gano'n kasaya tulad nang dati.

Mas naging okay lang simula nang makilala ni Viah si Zenice.

Pero pa'no na ngayon na pati siya wala na sa tabi ni Viah?

I felt slightly calm when I saw Viah's expression changed.

Parang unti-unti siyang bumabalik sa ulirat.

Bumalik ang pagkapungay ng mga mata niya.

Nawala ang galit pero napalitan ng lungkot na hindi maipaliwanag.

Nabawasan din ang tensyon kahit papa'no.

We saw Viah slowly looking down. Bagsak na bagsak ang ulo niya na parang pagod na pagod.

No one dared to talk.

It was a long silence...

"Right... Haha..." Viah suddenly said.

Nagulat kami sa mahinang pagtawa niya.

She lifted her head.

Nabawi ang pag-aalala ko nang makita namin ang ekspresyon niya.

Ekspresyon palagi ng dating Viah...

Kalmado...

It seems like she already has a plan to solve a problem...

...like she'd definitely win and succeed.

"I'm sorry... I shouldn't be like this. I shouldn't make everyone worry... I know... she's waiting for me. Zenice is waiting for me somewhere. I know she's alive. She'll never leave me like this..." she said, with a smile now on her face, convincing herself.

We're still worried dahil sa mga sinasabi niya pero nakikita din namin na at least, nasa maayos na pag-iisip na siya ngayon...

I hope so...

Kuya Vico slowly sat down on Viah's bed, looking down.

Sumunod din na naupo si Tita Vernine.

"Viah look... lahat sila hinahanap na ang katawan ni---"

"Don't say it like that Mom." seryosong sabi ni Viah.

"I-I'm sorry... But for now, kailangan mo munang magpagaling anak. Madami na ang naghahanap kay... Zenice. The authorities, even her family. Kaya---"

"I know Mom. Pero malaking tulong kung madadagdagan pa sila. We don't know... maybe I'm the one who could find her. Right?" Viah said to her Mom.

Tita didn't respond. She's just looking intently at her daughter.

"Right??" pag-uulit ni Viah, waiting for an answer she want.

"V-Viah."

Napatingin kami sa bumukas na pinto at sa taong nagsalita.

"K-Kuya Zell..." usal ni Viah.

"Fanzell," sambit naman ni Kuya Vico.

Tumuloy naman siya papasok at lumapit kay Viah para bigyan ito ng saglit na yakap.

Kuya Fanzell is Zenice's elder brother.

David Fanzell Oliver.

Pangalawa sa pinakamatanda sa magkakapatid.

Suportado niya sila Viah and Zenice kaya close sila nito.

Well, siguro no'ng una nagworry din siya. But Kuya Zell loves his sister so much kaya hindi niya na rin siguro natiis ang kapatid niya.

"How are you? Pasensiya na kung ngayon lang kita nabisita. We're... really busy that's why," sabi nito saka pasimpleng umiwas ng tingin.

Kita rin sa mukha ni Kuya Zell ang pagod at puyat.

"K-Kuya Zell... How's the investigation? The searching? Any lead about Zenice? Malapit na ba siyang makita?" sunod sunod na tanong ni Viah.

He didn't respond immediately.

They just exchanged gazes for awhile.

"Sabi ng mga pulis, it was a s-suicide bombing, at madami ang nadamay. As for the nonstop searching... w-wala pa ring lead k-kay Ahn. Halos lahat ng tao ni Dad, tumutulong na rin sa paghahanap. I even hired people to find her. B-but still..." napayuko si Kuya Zell.

Viah is about to cry but she tried to stop it.

Nakatingin lang siya sa kapatid ni Zenice.

"T-they said... kung nanatili siya sa tubig nang ganito katagal... i-it's impossible f-for her according to them. There's also a possibility na sa mismong pagsabog pa lang, s-she might be---"

"No she's not," seryosong sabi ni Viah.

Napatingin ang mga pagod na mata ni Kuya Zell sa kanya.

"Y-yeah. She'll survive... She will..." he said, trying to convince himself too.

"Pinupuntahan na rin nila ang lahat ng isla kung saan pwedeng may mapadpad na mga biktima. Ate Clara and I are also working on it. Sumasama rin kami minsan sa paghahanap. Though hindi kami madalas pinapasama lalo na kapag gabi. But we're trying our best Viah."

Ate Clara is the eldest among the siblings. Sienn Clara Oliver. One of the rising name in the financial world.

Viah held Kuya Zell's hand.

"I know Kuya... I-I'm sorry kung w-wala akong magawa sa ngayon... But I'll make sure I'll recover fast para makatulong na 'ko sa paghahanap. I promise I'll be there for Zenice. I'll make sure to find her," she said.

"Ate Viah!" Nagulat kami sa biglang pagpasok ni Thirdy, bunsong kapatid nila Kuya Zell at Zenice. Dumiretso siya kay Viah saka mahigpit na yumakap dito.

"Dave?" sabi ni Viah na nagulat din sa biglang pagsulpot ng bata.

"Third! What are you doing here?!" gulat na gulat na sabi ni Kuya Zell.

Pero imbes na sagutin niya ang kuya niya. Sa'min niya ibinaling ang tingin niya.

"Good evening Mrs. Trianes, Mr. Vico..." bati niya kila Kuya Vico and Tita Vernine.

Masyado talagang magalang ang batang 'to. In a formal way pa talaga niya binati sila tita.

Simon David Oliver III. Also called as Dave, Third or Thirdy, ang pinakamamahal na bunso ng mga Oliver.

Para na siyang matanda magsalita at kumilos. Minsan nagmumukhang bata naman. Kapag si Viah and Zenice ang kasama niya.

"... and Queen Tobi," patuloy niya sa pagbati sabay tinignan din ako.

Nahiya tuloy ako sa tinawag niya sa'kin.

Sinabihan ko kasi siya dati na 'wag niya 'kong tatawagin sa buong pangalan ko na Quen Tobias. Queen Tobi dapat.

Mygosh. Nagblush ata ako sa 

hiya kay Tita at sa dalawang makikisig na lakan sa aking harapan. Ghaaad.

Alanganing ngiti na lang ang binigay ko sa kanya.

"Third... I'm asking you," may halong pagbabanta na sabi ni Kuya Zell.

Narealize naman ng bata na mukhang seryoso talaga ang Kuya niya kaya maayos siyang humarap dito.

"I'm sorry. I h-hide at your car's backseat. I just want... to see Ate Viah, " Thirdy said sabay tingin kay Viah.

Napabuntong hininga si Kuya Zell.

Tumaas si Thirdy sa higaan ni Viah at tumabi dito.

"Ate Viah... I know nag-away kayo ni Ate Zen. Kaya umalis na naman siya nang gano'n. Ano po bang nangyari?"

Napatingin silang lahat kay Thirdy. At sunod ay kay Viah naman.

Right. Hindi pa nila alam.

VIAH's POV

"W-what does it mean Viah? Did you really f-fight?" tanong ni Kuya Zell.

Oo nga pala. They have no idea.

I looked at them when I realized something.

"B-Bakit po ba umalis si Zenice? And--- Right... I didn't thought about it. Bakit nasa barko siya? She could just book a plane ticket if she wants to go somewhere far," sabi ko na puno ng pagtataka.

It doesn't make any sense now.

Bakit ngayon ko lang naisip 'yon?

She's in a well-off family. She can definitely afford a plane ticket. Ang alam ko rin ay may private yacht sila na pwede niyang gamitin if she wants to travel by the sea.

Then why??

"You know her Viah. Kapag may mabigat na pinagdadaanan si Ahn, or when she's stressed out, lagi siyang nakikisalamuha sa mga ordinaryong tao. Not to mingle but just to observe them. Saka na siya pupunta sa kung saan siya pwedeng mag-isa... So tell me Viah... D-did you really fight?" Kuya Zell looked at me. Nangungusap ang mga mata.

He's right.

Zenice has always been like that.

She loves being with ordinary people.

Hindi siya mata-pobre katulad ng iba. Never siya nagmayabang kung anong meron siya at ng pamilya niya.

Hindi rin naman ako mata-pobre pero iba pa rin si Zenice.

Wala lang akong pakialam sa mga ordinaryong tao na hindi ko naman kilala in the first place. Pero siya parang gusto na niya pasanin ang problema ng lahat ng tao sa mundo.

Isa yun sa mga kinaiinisan ko sa kanya dati. Pero isa rin 'yon sa maraming dahilan kung bakit ko siya minahal.

"Viah," tawag ulit ni Kuya Zell. Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako.

So... Umalis si Zenice after we fought??

Ramdam ko ang muling pag-init ng mga mata ko.

Damn these eyes.

"I-Is it my fault then?" I asked. My voice cracked.

"V-Viah..." usal ni Vico at Mom.

Ayoko ring nakikita silang ganito.

Pero hindi ko kayang itago ang sakit.

I'm sorry Mom... Vico.

"No Viah... Don't blame yourself. Ahn wouldn't want that. It's no one's fault okay?" Kuya Zell said while tapping my shoulder.

I wiped my tears then lift my head.

"You're right Kuya Zell. Don't worry. I'll be fine... I'll make sure that... I'll find her." I said as I looked at them with my determined eyes.

Trust me... I'll find her no matter what.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status