LOGINNAG-IIMPAKE si Elorda ng kanyang mga damit at isa-isa niya itong inilalagay sa kanyang maleta. Balik-bansa na naman siya matapos ang tatlong taon na pagtatrabaho sa Canada, bilang nursing aide.
"Sigurado ka na bang uuwi ka, Elorda?" tanong ni Mylene habang sinusundan ng tingin ang kaibigan. Hindi man sabihin ni Elorda, ramdam ni Mylene ang bigat na dala nito at sa loob-loob niya, hindi siya kumbinsido kung handa na nga ba itong umuwi ng bansa. "Oo. Gusto ko namang makapaghinga. Straight na tatlong taon rin akong hindi umuwi sa Pilipinas," sagot ni Elorda habang nagtutupi ng damit at inilalagay ito sa kanyang maleta. "Hindi pa ba kayo maayos ng pamilya mo? Matagal-tagal na rin noong mangyari 'yon." Napahinto si Elorda. Malalim siyang huminga at humarap sa kaibigan. "Kahit anong iwas ko naman sa kanila, hindi ko pa rin magagawa na balewalain sila. Pamilya ko pa rin sila, at hindi 'yon magbabago kahit na sobrang sama ng loob ko." Kung puwede lang na kalimutan na lang niya ang mga nangyari at umusad sa kanyang buhay na walang iniintindi ay gagawin niya. Pero, siya lang ang inaasahan ng Nanay at Tatay niya na tutulong sa kanila para makaahon sa hirap. "Kahit na sobra ka nilang sinaktan noon? Hindi biro ang ginawa nila sa'yo, ha. Kung ako iyon baka hindi ko na sila kinilalang pamilya ko," ani Mylene na napapailing. Hindi rin naglilihim si Elorda sa kanya. Nagulat nga siya na bumalik kaagad ito noong nagbakasyon, pagkatapos ay ganoon na pala kasama ang ginawa kay Elorda ng sarili niyang pamilya. "Ano pa bang magagawa ko ro’n? Nangyari na ang lahat at kahit masakit, tatanggapin ko na lang..." kibit-balikat na sagot ni Elorda. Hindi rin niya magawang talikuran ang kanyang responsibilidad kahit pa pamilya niya pa ang naging dahilan ng pagkasawak niya. Iyong bubuuin sana niyang sarili at masayang pamilya, naglaho na lang bigla. Mapait na napangiti si Mylene. "Lulunukin mo na lang talaga lahat, ano? Napakabait mo talaga, Elorda. Kahit gano’n kasama ang ginawa ng pamilya mo sa’yo, mahal mo pa rin sila. At hindi ka tumigil sa pagpapadala ng pera sa kanila. Sinusuportahan mo pa rin sila sa lahat ng pangangailangan nila." Ibang klase rin ang kaibigan niya, sa dami ng pinagdadaanan sa buhay. Nakaya nitong mag-isa. Kahanga-hanga ang determinasyon at tapang ni Elorda. Muling napatigil si Elorda. "Wala naman silang ibang malalapitan. At ako lang ang may trabaho sa amin. Si Elaine, hindi tinapos ang pag-aaral, nagpabuntis pa sa walang hiyang ex-boyfriend ko." "Kaya nga hanga ako sa tapang mo. Parang ikaw pa ang nagpakumbaba sa kanila, e," giit ni Mylene. "Para sa kanila, isa akong dakilang martir at bangko na akala nila ay palaging puno ng pera..." natatawang turan ni Elorda. "Gano’n naman talaga kapag nagtatrabaho ka sa ibang bansa. Akala ng iba ang dami mong pera, pero ang hindi nila alam, sobrang hirap bago mo pa makuha ang perang ipapadala mo. At dito sarili mo lang ang inaasahan mo, walang iba." "Magbabakasyon lang ako ro’n, tapos babalik din agad dito. Mahirap na, wala namang susuporta sa akin doon. Pero kung sakali mang makahanap ako ng bilyonaryong lalaki na pakakasalan ako, go ako! Sayang naman kung palalampasin ko pa, di ba? Pagkakataon ko na 'yon," biro pang sabi ni Elorda na para bang nangangarap na rin ng gising. Saan naman kaya siya makakahanap ng bilyonaryong asawa? Lagpas na nga siya sa kalendaryo at wala pa ring boyfriend hanggang ngayon. "Naku, saan ka naman makakahanap ng gano’n? Ako nga, tumanda na rito sa Canada, wala pa ring jowa na mag-aahon sa akin sa kahirapan. Pagkatapos, mangangarap pa ako ng mayamang mapapangasawa? Parang napaka-imposible niyon..." biro rin ni Mylene. Napangiti si Elorda habang marahang isinasara ang zipper ng maleta. "Malay mo naman, Mylene. Magdilang-anghel ka. Baka nga sa pagbakasyon ko na 'to makabingwit ako ng bilyonaryo… at baka destiny ko na rin," sabay kindat niya. "Wow, ha. May pa-destiny pa si ate girl!" sabay tawa nv malakas ni Mylene. "Basta ako, 'pag nagkatotoo 'yan, gusto ko may pa-shopping ka, ha? Libre mo na ‘ko!" "Libre agad? Wala pa ngang bilyonaryo!" natatawang sagot ni Elorda. Pero sa ilalim ng kanyang biro, may bahagyang lungkot sa mga mata niya. "Pero seryoso, hindi lang naman pera o lalaking mayaman ang hanap ko. Gusto ko lang mapanatag ang puso ko. Makatulog nang walang mabigat sa dibdib para makalimutan ko na ang nangyari sa amin ni Harry." Lumapit si Mylene at umupo sa tabi niya sa kama. "You deserve peace, Elorda. After everything you’ve been through… sobra-sobra na ang sakripisyo mo sa buhay." Natahimik si Elorda. Ilang sandali bago siya muling nagsalita. "Alam mo ba, Mylene, sa tuwing may dumadating na padala ko sa kanila, hindi man lang sila nagtatanong kung kumusta ako. Ang importante lang sa kanila ay ang padalang remittance. Pero kahit gano’n... hindi ko sila kayang pabayaan. Nakakainis, ‘no?" "Oo. Pero ‘yan ka kasi, may pusong hindi marunong magtanim ng galit." "Minsan nga, gusto kong subukang maging makasarili. 'Yung para sa sarili ko lang ang iniisip ko. Pero hindi ko talaga kaya. Lalo na tuwing naiisip ko si Nanay. Matanda na siya. At kahit hindi siya nagte-text o tumatawag, alam kong umaasa pa rin siya na uuwi ako. Magkikita kami." Napabuntong-hininga si Elorda. Pinipigilan na bumuhos ang kanyang emosyon. "Hindi mo na kailangang patunayan pa ang sarili mo sa kanila, Elorda. Pero kung pag-uwi mo ay makakatulong para matahimik ang kalooban mo, susuportahan kita." "Salamat, Mylene. Kailangan ko lang talagang harapin ang lahat. Isa-isa. Kahit pa masakit." Tumango si Mylene. "Basta alalahanin mo, nandito lang ako. At kung sakali mang matagpuan mo na nga ang lalaking bilyonaryo ng buhay mo, text mo ako agad ha? Para makapagpa-book na ako agad ng ticket pauwi. Hindi ako pywedeng mawala sa kasal mo!" Napatawa si Elorda. "Deal 'yan. Pero kung hindi man bilyonaryo, basta may matinong puso at loyal… sapat na." Nagkatinginan silang dalawa, parehong may ngiti na sa kabila ng sakit, ng pagsa-sakripisyo, at ng pagod, may pag-asang naghihintay. "Sino nga pala ang susundo sa'yo sa airport?" Untag ni Mylene. "Iyong best friend ko, si Tess. Nakapagpa-book na rin ako sa hotel na tutuluyan ko ng ilang araw. Pagkatapos ay bahala na..."MABILIS na lumipas ang mga araw, ika-anim na buwan na ng pagbubuntis ni Elorda. Patuloy ang kanyang pagpapahinga, bawal pa rin siyang magkikilos. Pansamantala ay sa bahay na muna nila nanunuluyan ang kanyang Inay at Itay para may makasama silang mag-iina sa bahay. "Inay, ako na po ang gagawa niyan. Puwedeng-puwede ko naman pong gawin kahit ang maghugas ng plato. Bakit ba lahat na lang dito sa bahay ay hindi ako puwedeng gumawa?" sabi ni Elorda na medyo napataas ang boses. "Anak, hindi sa binabawalan ka. Pero, isipin mo ang batang nasa sinapupunan mo. Ayaw lang namin na may mangyari na hindi maganda sa inyo. Lalo't mahina ang kapit ng bata. Nag-aalala lang kami sa'yo, kaya 'wag mong mamasamain iyon," sabi ni Elina sa anak. "Pero, inay, nagmumukha po akong inutil sa sarili kong bahay. Lahat ng galaw ko po ay limitado. Pati ang kambal hindi ko na maasikaso..." hinanakit ni Elorda. Dahil sa kanyang sitwasyon, hindi na nagagawa ni Elorda ang dating pag-aalaga sa kanyang mag-ama. Siya n
HALOS paliparin ni Jav ang kanyang sasakyan makarating lamang sa ospital at mapuntahan ang asawa't anak. Habang nagmamaneho, halos hindi na makita ni Jav ang daan sa tindi ng kaba at takot. Paulit-ulit niyang pinipigilan ang sarili na mag-panic, pero nanginginig pa rin ang mga kamay niya sa manibela. Iniisip niya ang kanyang mag-ina, sana'y ligtas si Elorda at ang anak nila. Pagdating ni Jav sa ospital ay agad siyang tumakbo sa emergency room. Doon niya nadatnan sina Uno at Dos na magkayakap at parehong umiiyak. Agad niyang nilapitan ang kambal at niyakap “Nasaan si Mommy ninyo?” nanginginig ang boses niya. “D-Daddy, natumba po si Mommy. Ang sabi ng doktor, mataas daw po ‘yung dugo niya,” umiiyak na sabi ni Dos. Pinunasan ni Jav ang mga luha ng kanyang mga anak. Saka, tumayo at lumapit sa nurse station. “Excuse me, asawa ko si Elorda Monasterio. She's five months pregnant. Kumusta siya ngayon?” Tumingin ang nurse sa kanya. “Sir, nasa loob pa po ng ER. Mataas po ang blood press
UMAGA, hinatid ni Jav sina kambal sa eskwelahan habang naiwan si Elorda mag-isa sa bahay. Papasok pa siya sa trabaho. Ang simple na ng pamumuhay nila. Pero kuntento at masaya si Jav sa pinili niyang buhay. Nag-ooffer ng tulong ang mga kaibigan niya pero nahihiya na siya. Kaya kahit na parang nakakababa ng pride, ayos lang sa kanya. Basta buo at kasama niya ang kaniyang pamilya. "Jav, pakitapos ng report. Dahil dinig ko mayroon daw malaking party ang kompanya mamayamg gabi," balita ni Mando. Si Mando ay ang head department nila. Hindi malaman ni Jav kung paano ito naging head ng Accounting kung hindi naman ito ang madalas magtrabaho. Dahil lang sa may posisyon ito sa kompanya. "Yes, Sir. Matatapos na po ang report maya-maya." Malakas siyang tinapik sa balikat ni Mando. "Iyan nga, bata. Alam mo magaling ka talaga. Hindi na ako magtataka dahil isa kang Monasterio, nasa dugo niyo ang pagiging matalino sa negosyo. Sayang lang dahil pinili mo ang ibang landas." Ngumiti lang si Jav, ka
"MAHAL, sa loob ka na. Mahamog na rito sa labas," aya ni Jav kay Elorda. Nasa garden sila nagpapahangin. Sa haba ng taon sinubukan nilang magkaroon muli ng supling ay hindi sila nabiyayaan. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, pagkalipas ng tatlong taon ay nagkaroon muli sila ng panibagong anak. Medyo nangangamba na nga si Jav dahil sa edad ni Elorda. Baka hindi na nito kayanin ang manganak muli. Todo rin ang kanyang suporta at pag-aalaga kay Elorda. Nagtatrabaho na lamang si Jav sa isang kompanya at sina kambal ay nasa unang baitang na. Umuwi na rin sa probinsiya si Neng, kaya sila na lang ang nasa bahay. Hindi na rin nila kakayanin ang gastos kung kukuha pa sila ng kasama nila sa bahay. "Gusto ko pa rito. Mas masarap angm simoy ng hangin sa labas kaysa loob ng bahay," tanggi ni Elorda na marahang hinaplos ang kanyang tiyan. Limang buwan na ang kanyang ipinagbubuntis at hanggang ngayon ay hindi nila alam kung babae o lalaki ang kanilang anak. Dahil sa ayaw ng asawa niyang malaman
Pasensya na po kung medyo matagal ang update. Busy po ako sa pag-aalaga ng baby at anak ko. Masyado lang din po akong maraming ganap sa buhay din. Pero, ito na po. Mag-start na po ako ng update at nasa Book 2 na po tayo. Pero, same po lahat ang character. Abangan n'yo po ang susunod na kabanata. Nagpapasalamat po pala ako sa inyo mga mambabasa, sa patuloy na pagbabasa at paghihintay ng update. Nababasa ko po lahat ang comment n'yo, hindi ko lang po kayo mareplayan isa-isa. Sorry po sa mga nagalit. Kasama po lahat iyon sa story nila. Marami pong salamat ulit and God bless us all 🙌🫶 Mahal ko po kayong mga readers🫶 Love lots, Rida Writes
MATAAS ang araw nang makarating silang mag-anak sa amusement park. Hindi nakasama si Neng at piniling maiwan sa bahay. Maaga pa pero marami nang tao sa park. May mga batang may hawak na lobo, mag-asawang magkahawak-kamay, at mga pamilyang gaya nila, naghahabol ng oras para lang makalimot sa bigat ng buhay. “Daddy, look! Ferris wheel!” turo ni Dos, sabay hila sa kamay ng ama. Ngumiti si Jav. “Oo nga, anak. Gusto mo bang sumakay?” Tumango si Dos na may ngiting abot-tainga, habang si Uno naman ay tumatakbo na patungo sa merry-go-round. “Ako po doon, Daddy!” sigaw ni Uno. Napatawa si Elorda at hinawakan si Jav sa braso. “Hati tayo. Ikaw kay Uno, ako kay Dos?” “Deal,” sagot ni Jav na bahagyang nakangiti. Ramdam pa rin niya ang kirot ng kahapon, pero habang pinagmamasdan ang saya ng mga anak, parang unti-unting gumagaan ang dibdib niya. Habang sumasakay sila sa merry-go-round, pinagmamasdan ni Jav si Uno na halatang tuwang-tuwa sa kabayong sinasakyan nito. “Daddy, ang bilis! Parang l







