Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
‼️Warning: RATED 18 ‼️ NALAGLAG ang bag na hawak ni Elorda habang nakatayo at nakatulalang nakatingin sa kanyang buong pamilya. "E-Elorda..." sambit ni Elina, bigla siyang tumayo nang makita ang panganay na anak. Sumunod din sa kanya si Sicandro, ang kanyang asawa. Tumatakbo na nilapitan ni Elina ang anak. "U-Uuwi ka pala, Elorda. Hindi ka nagpasabi...." Nanatiling nakatayo si Elorda at 'di sumagot sa ina. Nakatulala lang siyang nakatingin sa dalawang tao na nakaupo sa harapan. May puting lamesa at ang buong pamilya niya ay kulay puti ang mga damit. May nakasulat na Harry and Elaine nuptial. Dumaloy ang masaganang luha ni Elorda sa kanyang mga mata. Nanginginig ang kanyang tuhod at napahawak sa braso ng ina. "El-Elorda..." garalgal ang boses ni Elina na tinawag ang anak. Nangingilid na rin ang luha sa kanyang mata nang makita ang sobrang sakit sa mga mata ni Elorda. "A-Ano pong ibig sabihin nito? B-Bakit maraming tao at anong okasyon?" Mga tanong ni Elorda na nanginginig ang kamay na itinuro sina Harry at Elaine. Natigilan si Harry, nahigit niya ang kanyang paghinga at hinawakan ang kamay ng asawang si Elaine na nasa ibabaw ng lamesa. Katatapos lamang ng kasal nila ni Elaine at ang reception ay ginanap sa harapan lamang ng bahay ng mga Manalastas, ng kanyang naging asawa. "Pumasok tayo sa bahay doon tayo mag-usap, anak," mahinang sabi ni Elina. Iginiya niya si Elorda patungo sa loob ng bahay nila, pero sinasalag ng anak niya ang kanyang kamay. "Ayoko po... sabihin n'yo na sa akin! Ano ang ibig sabihin ng mga nakikita ko?" Tanggi ni Elorda, panay pa rin ang pagtulo ng kanyang mga luha. "Please, Elorda. Huwag kang mag-eskandalo dito," pakiusap ni Elina sa anak. Nabaling ang tingin ni Elorda sa ina. Matapang ang anyo na pinunasan niya ang mga luha niya. "Sa akin po kayo nakikiusap na 'wag mag-eskandalo? Nay, kauuwi ko lang po. Hindi ko sinabi sa inyong lahat na uuwi ako dahil gusto ko kayong i-sorpresa lahat. Alam ko na matutuwa kayo. Pero, ano po ito? Ano itong sorpresa n'yo sa 'kin? Wala ni isa inyo ang nagsabi na kasal pala ito ng kapatid ko at ng boyfriend ko!" Nagbulungan ang mga tao. Lahat ng mga bisita ay natuon ang mga mata sa kanilang mag-ina. Napayuko si Elina at napaluha. Yumugyog ang kanyang mga balikat. Lumapit na si Sicandro at nakatiim na hinatak si Elorda papasok sa loob ng bahay nila. "Tatay..." habol na sabi ni Elina sa asawa. Napapadaing naman si Eloeda sa higpit ng hawak ng ama sa kanyang braso. Isinalya ni Sicandro ang anak paupo sa sopa. "Pinakiusapan ka na ng Nanay mo na dito sa loob ng bahay mag-usap! Gusto mo pang pag-piyestahan tayo ng mga kapitbahay natin dahil sa pag-e-eskandalo mo, Elorda!" "Ako pa po ang may mali, 'tay? Niloko po ako ni Harry, at ang masakit. Kapatid ko pa ang ipinalit niya sa akin. Sana ipinaalam n'yo man lang para hindi ako naging parang t*nga. Alam n'yo po ba kung gaano kasakit ang tinaraydor ng sariling pamilya? Sobra pong sakit... nadudurog ang puso ko ngayon. Lahat kayo, tinatraydor ako!" Napayuko si Elorda at humagulhol ng malakas na iyak. "B-Buntis na si Elaine. Kaya wala na kaming nagawa kundi ang ipakasal sila ni Harry," mariing paliwanag ni Elina. Umangat ang tingin ni Elorda. Nagulantang siya sa nalaman. Gumuho ang mundo niya sa kaalamang matagal na pala siyang niloloko ng kanyang kapatid at boyfriend. Ang masakit pa, nagbunga ang panloloko sa kanya ng dalawang taong pinagkakatiwalaan niya. "B-Buntis na si Elaine... kahit kailan ay hindi naman kami nag-away ni Harry. Pa-Paanong nangyari 'yon?" Isang malaking katanungan na hinahanapan ni Elorda ng sagot. Paanong nagawa siyang lokohin ni Harry Pumasok si Harry sa loob ng bahay, kasunod si Elaine. Napadako ang tingin ni Elorda sa kanyang nobyo, dating nobyo na pala. Asawa na ito ng kapatid niya, kakasal lang nila. Nilapitan siya ni Harry. Nakatuon lang ang mata ni Elorda sa dating nobyo. "I'm sorry, Elorda. Hindi kita nahintay. Kasalanan ko 'to. Nakikita kita araw-araw kay Elaine. Natukso ako. Kaya ako lang ang dapat na sisihin mo. Sa akin ka lang dapat na magalit hindi sa pamilya mo..." paghingi ng tawad ni Harry. Inako rin niya ang kasalanan. Mariing napatiim si Elorda. Malakas na sinampal si Harry. "Walang hiy* ka! Iyan lang ang rason na sasabihin mo sa akin. Natukso ka! G*go ka ba! Harry, nagtatrabaho lang ako sa para sa pamilya ko. Nangako naman ako sa'yo na tatlong taon na lang. Magpapakasal tayo. Pagkatapos, ipagpapalit mo ako sa kapatid ko pa talaga! Wala kang kwentang lalaki!" Muli niyang pinagsasampal si Harry. Hindi umiwas ang dating nobyo at tinanggap ang lahat ng kanyang galit. "Ate, tama na! Wala ka nang magagawa. Buntis na ako at kasal na kami ni Harry. Kung sana hindi mo siya iniwan, e, 'di sana hindi siya natukso sa ibang babae," pagtatanggol ni Elaine sa asawa. "Anong sabi mo, Elaine? Natukso si Harry o tinukso mo? Alam ko naman na may gusto ka sa boyfriend ko noon pa. Pero hindi ko iyon pinansin dahil alam ko na hindi mo magagawang sulitin ang boyfriend ko sa akin. Dahil din sa kapatid mo 'ko kaya malaki ang tiwala ko sa'yo at kay Harry. Mali pala ako ng akala, e. Isa ka rin palang maharot, inakit mo ang boyfriend ko para mabuntis ka. Ako pa na kapatid mo ang niloko mo talaga na walang ginawa kundi ibigay ang lahat ng inyo!" Bulyaw na tugon ni Elorda. "Pasensiya ka na, Ate. Hayaan mo na lang kami. May anak na kami. Kawawa naman ang magiging anak namin kung mawawalan siya ng ama..." humina ang boses ni Elaine. Para na itong nakikiusap na hayaan na lang ni Elorda sila. Marahas na huminga ng malalim si Elorda. Gusto niya pang magwala. Pero wala na siyang magawa. Lulunukin na lang ba niya lahat ng sakit na nararamdaman? "Ito ang pinakamasakit... Isinakripisyo ko ang lahat sa inyo... ibinigay ko ang mga kapritso ninyong lahat! Ultimo pambili ng mga underwear n'yo, ako pa ang bumibili. Pero, ano? Ano ang sukli sa lahat ng sakripisyo ko? Ito ba? Panloloko, pag-traydor at sakit ng kalooban," hinanakit na sabi ni Elorda at nagmamadaling lumabas ng bahay nila, dala ang maleta niya."SABIHIN mo sa akin ang totoo, Tess," biglang sumeryoso ang tono ng boses ni Elorda. Humarap siya sa kaibigan at tinitigan ito. "Ano 'yon?" Usisa ni Tess. Parang kinabahan siya sa paraan ng pagtitig ni Elorda sa kanya. "Hindi ako magagalit kung sasabihin mo ang totoo." Napalunok si Tess. Lalong nagpakabog sa dibdib niya iyon. Hindi niya gugustuhin na magalit sa kanya ang kaibigan. Simula't sapol ay hindi pa siya nagtago ng lihim. Pero parang ito ang magiging dahilan ng kanilang unang tampuhan, pagnagkataon. "O-Oo naman," tugon niya sabay ngiti. Pero namamawis ang kanyang palad sa sobrang nerbiyos. "Iyong mga clown kanina, sila Jav ba 'yon?" Diretso at walang paligoy-ligoy na tanong ni Elorda. Napansin niyang namutla si Tess habang natitigilan. Saglit na natahimik si Tess. Hindi niya alam kung sasabihin ba niya kay Elorda ang totoo. Pero, kinakabahan siya na baka magalit ang kaibigan. "Kung natatakot ka na baka magalit ako sa inyo ni Mylene. Ang sagot ko, hindi..." Napayuko si
NAPAISIP si Jav sa tinuran ni Patrick. Maging siya ay napansin niya na tila kakaiba ang tingin sa kanya ng asawa. Siguro nga ramdam ni Elorda na siya ang kausap nito. "Then, I need to be extra careful. Malakas ang pakiramdam ng asawa ko pagdating sa akin. Gusto ko silang balikan bukas para makita. Pagkakataon ko na ito at ayokong sayangin habang nasa malapit pa ako," sabi niya. Ayaw niya munang bumalik ng Manila hangga’t hindi sila nagkakausap ni Elorda. Gusto niya pa ring subukan na kumbinsihin ang asawa na bumalik. Hihingi siya ulit ng tawad kay Elorda upang mapagbigyan siya nito. "Jav, sigurado ka na ba sa desisyon mong 'yan? Sa nakikita ko kay Elorda parang maayos siya na wala ka. Nakaya niyang dalhin sina kambal. Parang masaya pa nga siya." Untag ni Kevin, sinasabi lang niya ang napansin kanina habang kasama ang mag-iina ng kaibigan. Parang may laman ang mga sinasabi ni Kevin. Tila ata sinisiraan nito si Elorda sa kanya. Isa rin ata ito sa may ayaw sa asawa niya. "Masay
NAPATIGIL sina Jav at ang mga kaibigan niya nang marinig ang boses ni Elorda. Halos sabay-sabay silang napatingin sa kaniyang asawa. “May kailangan pa ba kayo?” tanong ni Elorda sa mahinahon ang tono ng boses pero may lamig. “Kung tapos na ang trabaho ninyo, baka gusto niyo nang magpahinga sa ibang lugar.” Walang sumagot agad. Nagkatinginan lamang ang apat na para bang nag-uusap sa pamamagitan ng mga mata. Lalo siyang kinabahan sa katahimikan, pero hindi siya nagpahalata. Pinilit niya na umaktong normal sa harapan nila. "Hinihintay lang namin ang aming sasakyan. Mamaya-maya ay aalis na kami," sagot ni Jav Narinig ni Elorda ang bahagyang pagtikhim ng isa. “Oo nga, Ma’am. Pasensya na kung napatagal kami," dugtong nung isa sa apat. "Ah, gano’n ba? Sige, kung maghihintay lang pala kayo. Akala ko kasi wala pa kayong bayad kaya nandito pa kayo." Sabi ni Elorda bago tumalikod. Pero bago siya lumayo, napansin niya ang mabilis na muling pag-iwas ng tingin ng isa sa mga lalaki. Pumasok na
NAPATINGIN si Elorda sa apat na lalaki. Malakas ang kutob niya na sina Jav ang mga iyon. Pero hindi siya nagpahalata na alam niya. Binigyan niya ng chance ang asawa na makasama ang mga anak nila. Gusto niya sanang komprontahin sila pero naisip niya na hindi iyon ang tamang oras para gumawa ng eksena. Kaarawan nina kambal at gusto niyang maging masaya ang araw na iyon para sa kanila. Isasantabi niya ang galit niya para kina Uno at Dos. Pero hindi niya pa rin maiwasan ang hindi mag-usisa. Maaring mali lang siya ng akala. Kutob palang naman. Baka hindi talaga sila Jav ang mga clown na nirentahan ng kaniyang mga kaibigan. "Elorda, kami na ang bahala rito. Magpahinga ka na," sabi ni Elina sa anak. "Hindi naman po ako pagod. Saka, tulog na po sina kambal. Sila po ata ang napagod sa sobrang paglalaro." Tangging tugon ni Elorda habang nagpupunas ng mesa. Nililinis nila ang buong bahay. Maraming naiwan na mga kalat at aalisin na rin nila ang mga idinikit nilang theme para sa birthday nin
NATAHIMIK silang lahat sa sinabi ni Jav. Ramdam ni Mylene ang bigat ng sitwasyon, nakikita niya ang pagnanais ni Jav na makapiling ang kanyang pamilya. Pero malinaw din ang panganib ng ginawa nila. Maaring magalit si Elorda at lalo lang lala ang sitwasyon. Mas maganda na hintayin ni Jav na humupa ang sakit ng kalooban na nararamdaman ng kaibigan nila. Ramdam naman nila ni Tess na mahal pa rin ni Elorda si Jav. At malakas ang kutob nila na maiisip din nito na bumalik sa asawa. “Jav, naiintindihan kita. Pero hindi ka puwedeng padalos-dalos. Hindi ka pa handang harapin ni Elorda. Masisira lang ang lahat. Baka lalong lumayo sa'yo ang kaibigan namin," ani Mylene na nagbigay babala. Napakuyom ng kamao si Jav at napatingala sa madilim na langit. “Paano kung hindi na dumating ‘yong tamang oras? Paano kung habang hinihintay ko, lalo lang akong malayo sa kanila? Hindi ko ginusto na magkaroon ng sirang pamilya. Ayoko na mawalay nang matagal sa kanila. Araw-araw akong hindi halos makahinga.
PIGIL na pigil ni Jav ang sarili na yakapin ang asawa. Kailangan nilang magpanggap na apat na clown para lamang makadalo sa unang kaarawan ng kanyang mga anak. "Pare, calm down. We're here just to see Elorda and the twins," paalala na bulong ni Patrick kay Jav. Napasulyap siya sa kaibigan niya, halatang nahihirapan pigilan ang damdamin. Sa ilalim ng makapal na make-up at ng pulang ilong, ramdam ni Patrick ang mabigat na buntong-hininga ni Jav. “Alam ko,” mahinang tugon ni Jav, saka siya muling tumuwid ng tayo at nag-act na parang nagbibiro sa mga bata. “Pero mahirap, pare. Ang lapit-lapit nila, pero para bang ang layo ko.” Napatingin naman si Lindrick na abala sa paggawa ng balloon sword para kay Uno. “Focus lang tayo, Jav. ‘Wag mong hayaang mapansin ka ni Elorda. Kapag may hinala siya, lagot tayo.” “Oo nga. Basta gawin lang natin ‘to. Kahit isang oras lang, makita mo na silang masaya. Pagkatapos, alis tayo na parang wala lang," sabat si Kevin na nakaupo at nagpe-pretend na nagjo