Share

020

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-06-10 11:56:07

HINDI mapakali si Jav habang nasa harapan ng kanyang mga magulang. Patingin-tingin sa kanyang relo. At kanina pa siya parang nasilihan ang puwet, balisa at hindi mapakali sa kinauupuan niya. Sabik na makita at mapuntahan si Elorda sa ospital.

Ikinagulat nila nang ibinalita ng tauhan na dumating na raw ang mag-amang Augustos at papunta na sa mansyon.

Sabay na napahinto ang mag-asawa nang biglang tumunog ang isang cellphone. Napalingon silang lahat, nagtataka kung kaninong telepono iyon.

"It’s mine," sabat ni Jav sabay taas ng hawak na cellphone. "Excuse me for a while. Sasagutin ko lang po," paalam niya bago tumayo at lumayo ng kaunti mula sa kanyang Mommy at Daddy.

"Hello," bungad ni Jav, pilit pinapakalma ang sarili habang hawak ang cellphone.

"Good morning, Mr. Monasterio. Napadala ko na po ang lahat ng inuutos n'yo," maayos na ulat ng kausap sa kabilang linya.

"And the flowers?" tanong niya agad, halatang iyon ang pinakaimportante sa kanya.

"Yes po. Tulog pa po si Miss Manal
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
rea oliver manzano
haist wawa k nmn jav sarap jumbagin ung tatay mo.........
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   181

    UMALIS si Elina, bitbit niya ang kambal na apo at iniwan si Elorda na kumakain ng agahan. Dumiretso siya sa labas kung saan andoon ang asawa niya at si Erros. "Inay, gusto ko lang makausap si Ate Elorda. Pagbigyan n'yo na ako," ang pakiusap ni Elaine habang patingin-tingin sa pintuan. "Anak, hindi ka na kasi dapat nagpakita rito. Saka, paano mo nalaman kung saan nakatira ang kapatid mo?" usisa ni Elina. Napatingin si Elaine kay Erros. Sa paraan ng tingin na iyon ay nakuha na nila ang sagot, na si Erros ang nagsabi ng kinaroroonan ni Elorda. "Maayos na ang Ate Elorda mo, kasama ni kambal. 'Wag mo na guluhin pa siya," sabi pa ni Elina. Lumapit sa kanya ang bunsong anak at kinuha ang isa sa kambal. "Hindi ko siya ginugulo. Ang gusto ko lang ay makausap siya. Magpapaliwanag lang po ako at para matapos na ang galit niya sa akin," pangungumbinsi ni Elaine sa ina. Pumagitna na si Sicandro sa pag-uusap ng kanyang mag-ina. "Elaine, hindi ka ba mapapakiusapan? Ang Inay mo na ang nagsasab

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   180

    "SABIHIN mo sa akin ang totoo, Tess," biglang sumeryoso ang tono ng boses ni Elorda. Humarap siya sa kaibigan at tinitigan ito. "Ano 'yon?" Usisa ni Tess. Parang kinabahan siya sa paraan ng pagtitig ni Elorda sa kanya. "Hindi ako magagalit kung sasabihin mo ang totoo." Napalunok si Tess. Lalong nagpakabog sa dibdib niya iyon. Hindi niya gugustuhin na magalit sa kanya ang kaibigan. Simula't sapol ay hindi pa siya nagtago ng lihim. Pero parang ito ang magiging dahilan ng kanilang unang tampuhan, pagnagkataon. "O-Oo naman," tugon niya sabay ngiti. Pero namamawis ang kanyang palad sa sobrang nerbiyos. "Iyong mga clown kanina, sila Jav ba 'yon?" Diretso at walang paligoy-ligoy na tanong ni Elorda. Napansin niyang namutla si Tess habang natitigilan. Saglit na natahimik si Tess. Hindi niya alam kung sasabihin ba niya kay Elorda ang totoo. Pero, kinakabahan siya na baka magalit ang kaibigan. "Kung natatakot ka na baka magalit ako sa inyo ni Mylene. Ang sagot ko, hindi..." Napayuko si

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   179

    NAPAISIP si Jav sa tinuran ni Patrick. Maging siya ay napansin niya na tila kakaiba ang tingin sa kanya ng asawa. Siguro nga ramdam ni Elorda na siya ang kausap nito. "Then, I need to be extra careful. Malakas ang pakiramdam ng asawa ko pagdating sa akin. Gusto ko silang balikan bukas para makita. Pagkakataon ko na ito at ayokong sayangin habang nasa malapit pa ako," sabi niya. Ayaw niya munang bumalik ng Manila hangga’t hindi sila nagkakausap ni Elorda. Gusto niya pa ring subukan na kumbinsihin ang asawa na bumalik. Hihingi siya ulit ng tawad kay Elorda upang mapagbigyan siya nito. "Jav, sigurado ka na ba sa desisyon mong 'yan? Sa nakikita ko kay Elorda parang maayos siya na wala ka. Nakaya niyang dalhin sina kambal. Parang masaya pa nga siya." Untag ni Kevin, sinasabi lang niya ang napansin kanina habang kasama ang mag-iina ng kaibigan. Parang may laman ang mga sinasabi ni Kevin. Tila ata sinisiraan nito si Elorda sa kanya. Isa rin ata ito sa may ayaw sa asawa niya. "Masay

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   178

    NAPATIGIL sina Jav at ang mga kaibigan niya nang marinig ang boses ni Elorda. Halos sabay-sabay silang napatingin sa kaniyang asawa. “May kailangan pa ba kayo?” tanong ni Elorda sa mahinahon ang tono ng boses pero may lamig. “Kung tapos na ang trabaho ninyo, baka gusto niyo nang magpahinga sa ibang lugar.” Walang sumagot agad. Nagkatinginan lamang ang apat na para bang nag-uusap sa pamamagitan ng mga mata. Lalo siyang kinabahan sa katahimikan, pero hindi siya nagpahalata. Pinilit niya na umaktong normal sa harapan nila. "Hinihintay lang namin ang aming sasakyan. Mamaya-maya ay aalis na kami," sagot ni Jav Narinig ni Elorda ang bahagyang pagtikhim ng isa. “Oo nga, Ma’am. Pasensya na kung napatagal kami," dugtong nung isa sa apat. "Ah, gano’n ba? Sige, kung maghihintay lang pala kayo. Akala ko kasi wala pa kayong bayad kaya nandito pa kayo." Sabi ni Elorda bago tumalikod. Pero bago siya lumayo, napansin niya ang mabilis na muling pag-iwas ng tingin ng isa sa mga lalaki. Pumasok na

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   177

    NAPATINGIN si Elorda sa apat na lalaki. Malakas ang kutob niya na sina Jav ang mga iyon. Pero hindi siya nagpahalata na alam niya. Binigyan niya ng chance ang asawa na makasama ang mga anak nila. Gusto niya sanang komprontahin sila pero naisip niya na hindi iyon ang tamang oras para gumawa ng eksena. Kaarawan nina kambal at gusto niyang maging masaya ang araw na iyon para sa kanila. Isasantabi niya ang galit niya para kina Uno at Dos. Pero hindi niya pa rin maiwasan ang hindi mag-usisa. Maaring mali lang siya ng akala. Kutob palang naman. Baka hindi talaga sila Jav ang mga clown na nirentahan ng kaniyang mga kaibigan. "Elorda, kami na ang bahala rito. Magpahinga ka na," sabi ni Elina sa anak. "Hindi naman po ako pagod. Saka, tulog na po sina kambal. Sila po ata ang napagod sa sobrang paglalaro." Tangging tugon ni Elorda habang nagpupunas ng mesa. Nililinis nila ang buong bahay. Maraming naiwan na mga kalat at aalisin na rin nila ang mga idinikit nilang theme para sa birthday nin

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   176

    NATAHIMIK silang lahat sa sinabi ni Jav. Ramdam ni Mylene ang bigat ng sitwasyon, nakikita niya ang pagnanais ni Jav na makapiling ang kanyang pamilya. Pero malinaw din ang panganib ng ginawa nila. Maaring magalit si Elorda at lalo lang lala ang sitwasyon. Mas maganda na hintayin ni Jav na humupa ang sakit ng kalooban na nararamdaman ng kaibigan nila. Ramdam naman nila ni Tess na mahal pa rin ni Elorda si Jav. At malakas ang kutob nila na maiisip din nito na bumalik sa asawa. “Jav, naiintindihan kita. Pero hindi ka puwedeng padalos-dalos. Hindi ka pa handang harapin ni Elorda. Masisira lang ang lahat. Baka lalong lumayo sa'yo ang kaibigan namin," ani Mylene na nagbigay babala. Napakuyom ng kamao si Jav at napatingala sa madilim na langit. “Paano kung hindi na dumating ‘yong tamang oras? Paano kung habang hinihintay ko, lalo lang akong malayo sa kanila? Hindi ko ginusto na magkaroon ng sirang pamilya. Ayoko na mawalay nang matagal sa kanila. Araw-araw akong hindi halos makahinga.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status