Share

064

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-07-12 15:45:47

NAGING masigla na muli sa bahay nina Elorda at Jav. Mahigit isang buwan na ang kambal at naayos na nilang mag-asawa ang kanilang pagsasama.

Nasa garden silang buong mag-anak. Nag-iihaw si Jav ng barbecue habang si Elorda ay kasama ang mga anak na nasa trolley nila, nakahiga.

"Malapit na itong maluto," anunsyo ni Jav sa kanyang mahal na asawa.

Napatuon ang tingin ni Elorda at matamis na ngumiti kay Jav.

Sana'y palagi nang ganito sila ng asawa niya. Wala na silang pagtatalunan at tahimik na ang pagsasama nila. Mas masayang mamuhay na magkasama kung puro pagmamahalan ang umiiral sa kanilang dalawa ni Jav. Ayaw na nga ni Elorda matapos ang araw na ito. Pero alam niya, marami pa silang pagsasamahan ni Jav. Mga pagsubok, pag-iyak at pagtatalo. Sa kabila ng lahat ng mga iyon ay hindi sila susuko at bibitaw. Ipaglalaban nila ang kanilang pamilya at pagmamahal sa isa't isa.

"Mahal ko, halika na. Kumain na tayo..." malambing na yakag ni Jav sa asawa.

Tumayo si Elorda at itinulak ang troll
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   182

    HINDI nakapagsalita si Elaine. Sobra ang galit ng kapatid niya sa kanya. Alam niya ang lahat ng kasalanan niya. Pinagsisisihan na niya ang mga ginawa niya sa kapatid. "A-Ate Elorda, mali 'yon. Hindi ko gustong agawan ka ng asawa. Hindi ko iyon magagawa sa'yo..." Napataas ang sulok ng labi ni Elorda. Parang nagpapatawa si Elaine sa sinasabi nito. "Nagawa mo na, Elaine! Kaya nga nakuha mo si Harry noon, hindi ba?" Ilang taon na ang nakakalipas pero hindi pa rin niya makalimutan ang ginawang pagtraydor ni Elaine sa kanya. Hinayaan na niya at pinaubaya noon si Harry. Pero ang ginawa nito sa kanilang mag-asawa ay hindi na niya mapapalampas. "Ate, aaminin ko na nagkamali ako noong kinuha ko si Harry sa'yo. Pero si Kuya Jav, mahal na mahal ka niya. Hindi ko siya magawang makuha sa"yo dahil sa puso niya ikaw lang ang babae para sa kanya!" May diing sabi ni Elaine. Natigagal si Elorda. Hindi niya magawang makaimik. Napatulala lang niyang nakatingin kay Elaine. "Humihingi ako ng tawad hi

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   181

    UMALIS si Elina, bitbit niya ang kambal na apo at iniwan si Elorda na kumakain ng agahan. Dumiretso siya sa labas kung saan andoon ang asawa niya at si Erros. "Inay, gusto ko lang makausap si Ate Elorda. Pagbigyan n'yo na ako," ang pakiusap ni Elaine habang patingin-tingin sa pintuan. "Anak, hindi ka na kasi dapat nagpakita rito. Saka, paano mo nalaman kung saan nakatira ang kapatid mo?" usisa ni Elina. Napatingin si Elaine kay Erros. Sa paraan ng tingin na iyon ay nakuha na nila ang sagot, na si Erros ang nagsabi ng kinaroroonan ni Elorda. "Maayos na ang Ate Elorda mo, kasama ni kambal. 'Wag mo na guluhin pa siya," sabi pa ni Elina. Lumapit sa kanya ang bunsong anak at kinuha ang isa sa kambal. "Hindi ko siya ginugulo. Ang gusto ko lang ay makausap siya. Magpapaliwanag lang po ako at para matapos na ang galit niya sa akin," pangungumbinsi ni Elaine sa ina. Pumagitna na si Sicandro sa pag-uusap ng kanyang mag-ina. "Elaine, hindi ka ba mapapakiusapan? Ang Inay mo na ang nagsasab

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   180

    "SABIHIN mo sa akin ang totoo, Tess," biglang sumeryoso ang tono ng boses ni Elorda. Humarap siya sa kaibigan at tinitigan ito. "Ano 'yon?" Usisa ni Tess. Parang kinabahan siya sa paraan ng pagtitig ni Elorda sa kanya. "Hindi ako magagalit kung sasabihin mo ang totoo." Napalunok si Tess. Lalong nagpakabog sa dibdib niya iyon. Hindi niya gugustuhin na magalit sa kanya ang kaibigan. Simula't sapol ay hindi pa siya nagtago ng lihim. Pero parang ito ang magiging dahilan ng kanilang unang tampuhan, pagnagkataon. "O-Oo naman," tugon niya sabay ngiti. Pero namamawis ang kanyang palad sa sobrang nerbiyos. "Iyong mga clown kanina, sila Jav ba 'yon?" Diretso at walang paligoy-ligoy na tanong ni Elorda. Napansin niyang namutla si Tess habang natitigilan. Saglit na natahimik si Tess. Hindi niya alam kung sasabihin ba niya kay Elorda ang totoo. Pero, kinakabahan siya na baka magalit ang kaibigan. "Kung natatakot ka na baka magalit ako sa inyo ni Mylene. Ang sagot ko, hindi..." Napayuko si

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   179

    NAPAISIP si Jav sa tinuran ni Patrick. Maging siya ay napansin niya na tila kakaiba ang tingin sa kanya ng asawa. Siguro nga ramdam ni Elorda na siya ang kausap nito. "Then, I need to be extra careful. Malakas ang pakiramdam ng asawa ko pagdating sa akin. Gusto ko silang balikan bukas para makita. Pagkakataon ko na ito at ayokong sayangin habang nasa malapit pa ako," sabi niya. Ayaw niya munang bumalik ng Manila hangga’t hindi sila nagkakausap ni Elorda. Gusto niya pa ring subukan na kumbinsihin ang asawa na bumalik. Hihingi siya ulit ng tawad kay Elorda upang mapagbigyan siya nito. "Jav, sigurado ka na ba sa desisyon mong 'yan? Sa nakikita ko kay Elorda parang maayos siya na wala ka. Nakaya niyang dalhin sina kambal. Parang masaya pa nga siya." Untag ni Kevin, sinasabi lang niya ang napansin kanina habang kasama ang mag-iina ng kaibigan. Parang may laman ang mga sinasabi ni Kevin. Tila ata sinisiraan nito si Elorda sa kanya. Isa rin ata ito sa may ayaw sa asawa niya. "Masay

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   178

    NAPATIGIL sina Jav at ang mga kaibigan niya nang marinig ang boses ni Elorda. Halos sabay-sabay silang napatingin sa kaniyang asawa. “May kailangan pa ba kayo?” tanong ni Elorda sa mahinahon ang tono ng boses pero may lamig. “Kung tapos na ang trabaho ninyo, baka gusto niyo nang magpahinga sa ibang lugar.” Walang sumagot agad. Nagkatinginan lamang ang apat na para bang nag-uusap sa pamamagitan ng mga mata. Lalo siyang kinabahan sa katahimikan, pero hindi siya nagpahalata. Pinilit niya na umaktong normal sa harapan nila. "Hinihintay lang namin ang aming sasakyan. Mamaya-maya ay aalis na kami," sagot ni Jav Narinig ni Elorda ang bahagyang pagtikhim ng isa. “Oo nga, Ma’am. Pasensya na kung napatagal kami," dugtong nung isa sa apat. "Ah, gano’n ba? Sige, kung maghihintay lang pala kayo. Akala ko kasi wala pa kayong bayad kaya nandito pa kayo." Sabi ni Elorda bago tumalikod. Pero bago siya lumayo, napansin niya ang mabilis na muling pag-iwas ng tingin ng isa sa mga lalaki. Pumasok na

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   177

    NAPATINGIN si Elorda sa apat na lalaki. Malakas ang kutob niya na sina Jav ang mga iyon. Pero hindi siya nagpahalata na alam niya. Binigyan niya ng chance ang asawa na makasama ang mga anak nila. Gusto niya sanang komprontahin sila pero naisip niya na hindi iyon ang tamang oras para gumawa ng eksena. Kaarawan nina kambal at gusto niyang maging masaya ang araw na iyon para sa kanila. Isasantabi niya ang galit niya para kina Uno at Dos. Pero hindi niya pa rin maiwasan ang hindi mag-usisa. Maaring mali lang siya ng akala. Kutob palang naman. Baka hindi talaga sila Jav ang mga clown na nirentahan ng kaniyang mga kaibigan. "Elorda, kami na ang bahala rito. Magpahinga ka na," sabi ni Elina sa anak. "Hindi naman po ako pagod. Saka, tulog na po sina kambal. Sila po ata ang napagod sa sobrang paglalaro." Tangging tugon ni Elorda habang nagpupunas ng mesa. Nililinis nila ang buong bahay. Maraming naiwan na mga kalat at aalisin na rin nila ang mga idinikit nilang theme para sa birthday nin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status