SA loob ng bahay, agad na inupo ni Jav ang mag-asawa, sina Elina at Sicandro sa sofa. Pinuntahan naman ni Neng ang kusina para maghanda ng maiinom sa dalawang matanda. Tahimik lang si Honeylet, pero hindi mawala ang singkit ng mata niya habang pinagmamasdan ang magulang ni Elorda. Tila sinusuri bawat kilos at itsura nila. “Dumito na po muna kayo. Magpahinga kayo at kakain pa po tayo ng hapunan,” masiglang sabi ni Jav habang inaabot ang isang baso ng tubig kay Sicandro. “Salamat, hijo,” tipid na tugon nito, halatang naiilang pa rin. Si Elorda naman ay umupo sa tabi ng ina at marahang tinapik ang kamay nito. “Relax lang po, Inay. Wala po kayong dapat ikahiya." Binalingan niya si Neng. "Pakidala na lang sina kambal sa kuwarto..." utos niya na sinunod naman ng dalaga. Nang makaalis ang mga anak, napansin niyang nakatingin pa rin ang ina ni Jav sa kanila na umiiling-iling. Lumapit si Honeylet sa kanyang anak. “Jav, puwede ba muna tayong mag-usap sa kusina?” aniya ng mahina pero ki
"BILIHIN ko na po ang lahat ng mga paninda n'yo, Inay..." sabi ni Elorda. Napatingin si Elina sa dalang container at tinignan ang laman. "Napadami pa nito, anak. Kaya naman naming maubos ito rito." "Okay lang po. Para hindi na po kayo maglalako. Napakainit po ng panahon at mahihirapan pa kayong ubusin 'yan bago kayo makauwi sa bahay n'yo," katwiran ni Elorda. Nagkatinginan sina Elina at Sicandro. Tumango si Sicandro sa asawa niya. Saka binalingan ni Elina ang anak. "E, kung sigurado ka. Sige. Nakakahiya naman sa'yo, Elorda. Bibilhin mo pa ang lahat ng mga paninda namin. Kami ang may atraso sa'yo matagal na. Hindi ko nga alam kung paano ka kakausapin," ani Elina. "Inay, sinabi ko na po kanina. Kalimutan na po natin iyon. Matagal na 'yon at dapat na nating umusad." Nakangiting tugon ni Elorda sa kanyang mga magulang. Naroon ang lambing sa boses ni Elorda, pero dama rin ang bigat ng mga salitang iyon. Saglit na natahimik ang paligid, tanging tunog lang ng hangin at kaluskos ng daho
NAPATIGIL sa paglalako ang mag-asawa. Halos mabitawan ng babae ang cooler na dala habang ang lalaki nama’y napalunok, tila hindi makapaniwala sa nakikita. “Elorda… anak?” mahinang tawag ng ina, nanginginig ang boses. Unti-unti silang lumapit na parang takot na baka biglang maglaho ang anak na matagal na nilang hindi nakita. Tumayo si Elorda mula sa mesa, nanginginig ang mga tuhod. Ramdam niya ang pangingilabot sa bawat hakbang. Nang maglapat ang kanilang mga mata, bumagsak na lang ang kanyang mga luha. Paglapit ng mag-asawa, agad siyang niyakap ng ina. Mahigpit at puno ng pananabik habang napayakap na rin sa kanila ang ama. Pare-pareho silang tatlo na humahagulhol ng iyak. Mahabang panahon din na nagkaroon ng lamat ang kanilang buong pamilya dahil sa ginawa nina Harry at Elaine kay Elorda. Pero natuto na siyang magpatawad at wala na ang galit sa puso niya. “Akala namin… hindi na tayo magkikita,” hikbi ng ina. Simula noong nangyari ang kasal nina Harry at Elaine ay wala na si
IKALIMANG araw ng bakasyon nila, nagpasya si Jav na ipasyal ang kanyang mag-anak sa Mount Makiling. Maganda ang panahon kaya gusto nilang maghiking at mag-nature trips. Hindi nila inaya ang kanyang mga magulang at si Dindi. May ibang lakad ang mga ito at hindi na niya inalam kung saan. "Excited na akong pumunta sa Mount Makiling. First time ko itong makikita," sabi ni Elorda habang inilalagay ang mga pagkain sa likod ng sasakyan na dadalhin. "Talaga ba? Hindi ka pa nakakapunta sa Mount Makiling?" Baling na tanong ni Jav. "Sa Manila kami nakatira at sa isang maliit na barangay lang, dating squatter. Buong buhay ko ngayon lang ako nakakapasyal sa bansa, kasama ka na at ang mga anak natin. Puro lang kasi ako trabaho pada maibigay ang lahat sa pamilya ko." Sagot ni Elorda. Napangiti si Jav. Bibihira na magkwento ang asawa niya tungkol sa pamilya nito, para bang may iniiwasan itong i-kwento. Ayaw din niyang pilitin si Elorda na sabihin sa kanya ang lahat. "Handa na ang lahat," tangin
"ALAM mo ganyan na ganyan din ang buhay namin. Pero ako, pinilit kong makatapos. Kaya nakapagtrabaho ako sa ibang bansa. Naging maayos naman ang buhay namin," kuwento rin ni Elorda. "Unti-unti nakakapundar na ako. Nakabili ako ng bahay at lupa para sa pamilya ko. Lahat ng hirap ko ay nagkakaroon na ng saysay..." Bahagyang ngumiti si Neng, napayuko siya. Saka, tumunghay sa kanyang amo. "Maswerte po kayo, Ate Elorda. Kahit paano ay nakita n'yo ang mga pinaghirapan mo. Ako po, wala." Napabuntong-hininga si Neng. “Parang habang tumatagal, lalo lang akong napapagod. Kahit anong kayod ko, parang walang nangyayari. Laging may kulang… laging may kapalit.” Tahimik na nakinig si Elorda, nakatingin sa kawalan habang iniisip ang pinanggalingan niya noon. “Ganyan din ang naramdaman ko dati. Pero alam mo, Neng, hindi ka dapat sumuko. Kahit maliit lang ang nababago, basta may nababago, tuloy lang.” Napatingin ulit si Neng sa kanya, bakas sa mga mata ang halo ng pagod at pangungulila. “Pero paan
PUMASOK sa kuwarto si Jav, nadatnan niyang nakaupo si Elorda sa gilid ng kama. Umupo siya sa tabi ng asawa at napahinga ng malalim. "I'm sorry for what my Mom said..." "Okay lang 'yon. Sa isang taon nating magkasama, nasasanay na rin ako na ganoon ang nanay mo sa akin," sagot ni Elorda na may pait sa loob-loob niya. "I just can't control what my parents say or do,” mahinang sambit ni Jav, nakayuko habang minamasahe ang sentido niya. “Pero ayokong maapektuhan ka pa.” Bahagyang ngumiti si Elorda, pilit tinatanggal ang bigat sa tono ng usapan. “I’m fine, Jav. As long as alam kong ikaw ay nasa panig ko. Wala akong hindi kayang tiisin para sa'yo at sa mga anak natin." Tumingin si Jav sa kanya, may halong guilt sa mga mata. “Always. Ikaw ang asawa ko. Wala nang iba." Saglit silang natahimik. Tanging mahina nilang paghinga ang maririnig sa silid. Pagkatapos ay kinuha ni Jav ang kamay ng asawa at marahang pinisil, parang sinasabi na kahit anong mangyari. Siya at si Elorda ay magkasama p