NAKATAYO sa harapan ng salamin si Jav. Sinusuklay ang kanyang buhok. Ngayon niya ihahatid si Elaine sa Laguna para makita nito ang kanyang anak. Pumunta si Elorda sa harapan ng asawa at nakangiting tinitigan si Jav. Gumanti ng ngiti si Jav. Kinulong ng kanyang mga kamay si Elorda at hinapit sa beywang. "I still remember the first time I saw on that night inside the bar. Ganitong-ganito ang ayos natin noon. Sumasayaw ka pagkatapos tinabihan kita," may ngiti sa labi na marahang isinasayaw si Elorda. Namula sa hiya si Elorda. Iyon ang gabi na tinawag siyang baby girl ni Jav. Hindi siya makapaniwala na may lalaking papansin sa kanya. Isang katulad pa ni Javinci Carlos Monasterio. Bilyonaryo na, bata sa kanya ng pitong taon at higit sa lahat, gwapo. "Nagulat ako noong tinawag mo akong baby girl. Pakiramdam ko noong mga panahon na 'yon ang tanda-tanda ko na," aniya, sabay halakhak. Narinig ni Jav ang halakhak ng asawa at lalo siyang napangiti. Mas hinapit niya si Elorda palapit
"MAHAL ko, ayaw mo n'yo bang sumama ng mga bata? Puwede naman 'yon tapos pasyal tayo kina Inay at Itay," sabi ni Jav. Napatingin si Elorda sa kapatid. Saka muling bumaling sa asawa. "Hindi na. Kayo na lang ni Elaine. Sa susunod na linggo na lang kami dadalaw kina Inay at Itay. Para kay Elaine talaga ang lakad na at nang makita niya ang anak niya." Parang nag-iba ang ihip ng hangin. Tila may kakaibang nararamdaman si Jav. Mali na nagprisinta siya na ipagmaneho si Elaine para ihatid sa Laguna. Ang akala niya ay sasama ang kanyang mag-ina at matutuwa si Elorda sa magiging lakad nila pa-Laguna. "Sumama ka na, Ate. Magiging masaya ang biyahe kung marami tayo," sabat ni Elaine. Nagdadalawang-isip si Elorda. Sa isang banda, gusto niyang sumama para masiguro na walang kung anu-anong mangyayari sa biyahe. Pero sa kabilang banda, iniisip niya ang mga bata. Baka mahirapan sa byahe at baka mas lalo lang niyang ipakita kay Jav na hindi siya nagtitiwala rito. “Ewan ko, parang hindi rin komport
NAPANSIN ni Elorda ang suot ni Elaine. Naka-maikling shorts ito at spaghetti strap na pang-itaas. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ng kapatid. Alam niyang maganda ang hubog ng katawan nito at makinis ang balat. Mas bata si Elaine sa kanya, nasa twenties pa lang, samantalang siya ay tatlumpu’t walo na. Hindi niya maiwasang ikumpara ang sarili. Pakiramdam niya ay mabilis na lumilipas ang panahon para sa kanya habang nananatiling sariwa at puno ng sigla ang kapatid. Napailing-iling si Elorda, dahil sa mga isipin ay nagiging paranoid siya. Pinilit niyang iwaksi ang mga gumugulo sa isip at ngumiti na lang nang bahagya. “Magbihis ka nga nang maayos, Elaine,” malumanay ngunit may halong pag-aalala niyang sabi. “Baka kung sino-sino na naman ang tumingin sa’yo.” Napataas ng kilay si Elaine at napangisi. “Ate, wala namang masama dito. Uso naman ito. Andito lang din ako sa bahay. Tsaka, hindi naman ako bata pa para pagsabihan.” Napatigil si Elorda. Totoo nga naman. Pero hindi pa rin siya
NAPAISIP din si Elorda. Paano kung nagsisinungaling si Elaine sa kanya? Hindi totoo na hiwalay sila ni Harry? Paano niya haharapin na may itinatago si Jav sa kanya? Ang daming tanong na gumugulo sa isip niya. Ayaw niya ng ganito. Ang trauma niya noon sa ginawa ni Elaine, ayaw na niyang maulit. Hindi niya kakayanin. Hindi niya kaya na masisira ang pamilyang kanyang pinilit na ipinaglaban. Nararamdaman niyang bumibilis ang tibok ng dibdib niya. Gusto niyang magtiwala kay Jav, pero hindi niya rin maiwasang matakot. Bawat alaala ng sakit na iniwan noon ni Elaine ay parang sugat na muling nabubuksan. Huminga siya nang malalim. Hindi puwedeng mawala ang pamilya ko, bulong niya sa sarili. Kailangan niyang malaman ang totoo, kahit masakit. Pero paano? Kailangan ba niyang harapin si Elaine? O tanungin nang direkta si Jav kahit natatakot siyang sa sagot nito masira ang katahimikan nilang mag-asawa? Napaharap si Elorda sa asawa at saglit na napatitig. Nakita niyang mahimbing na natutul
"BAKIT kasi hindi mo pa sabihin sa Inay at Itay mo na kasama mo sa bahay iyang haliparot mong kapatid?" Gigil na tanong ni Tess. Hindi na rin nakatiis si Elorda na 'di sabihin sa mga kaibigan ang kanyang nararamdaman habang kasama sa bahay si Elaine. Naging maayos ang bonding ng buong pamilya ni Elorda. Nakabawi naman si Jav sa kanila na talagang sinulit nila ang pamamasyal. At ngayon naman ay pumasyal si Elorda sa tindahan nila. Gusto niyang ilabas ang kanyang lahat ng pagdududa. "E, kasi ayoko na maging kontrabida sa tingin ni Elaine. Ayoko na muling magkaroon kami ng problema..." "Pero sa ginagawa mo, kayo ng asawa mo ang parang nawawalan ng tiwala sa isa’t isa. Kagaya mo na lang, nagdududa ka kay Jav. Sa tingin ko naman ay napakabait ng asawa mo. Parang malabo na lokohin ka nun," sabi naman ni Mylene. Kilala niya si Jav at may tiwala si Elorda sa kanyang asawa. Pero sa kapatid niya parang mahirap. Nagawa na ni Elaine noon ang traydurin siya. Nakuha nito si Harry sa kanya. Nata
BINIHISAN nina Neng at Elorda ang kambal. “Neng, bantayan mo na muna sila. Magbibihis lang ako para pagdating ni Kuya Jav handa na tayo. Kaya ikaw din, magbihis ka na,” utos ni Elorda. “Opo, Ate Elorda,” sagot ni Neng. Lumabas si Elorda sa kuwarto at dahan-dahang naglakad pabalik sa kanilang kuwarto ng mag-asawa. Halos hindi mapigilan ang ngiti sa kanyang mukha habang iniisip ang gagawing family bonding mamaya. Habang naliligo, humahaplos ang kanyang boses sa mga himig ng paborito niyang kanta. Nang matapos, ibinalot niya ng tuwalya ang kanyang buhok. Isinuot niya ang kanyang simpleng pulang dress na hanggang tuhod ang haba na tinernuhan ng puting sandals. Tila handa na siya para sa masayang sandali kasama ang pamilya. Napatingin si Elorda sa wall clock. Alas tres na ng hapon, binalingan naman niya ang kanyang phone. Hindi pa tumatawag si Jav. 'Di rin niya alam kung anong oras sila aalis. Ang sinabi lamang ni Neng ay uuwi nang maaga ang asawa para ipasyal sila. Pero wala pa