Share

204

Author: RIDA Writes
last update Huling Na-update: 2025-09-23 21:49:54

KARGA ni Jav si Uno at bitbit sa isang kamay ang isang maleta. Habang na kay Elorda si Dos. Pababa na silang mag-asawa ng hagdan.

"Mahal ko, sa kotse na muna kayo at ibaba ko ang mga maleta natin," sabi ni Jav.

Marahang tumango si Elorda. Malamlam pa rin ang kanyang mga mata.

Nilapitan ni Jav ang asawa at hinalikan ito sa noo. "Huwag kang susuko, mahal ko. Andito ako para ipaglaban kayo..." pagpapalakas niya ng loob kay Elorda.

Palabas na sina Elorda at Jav ng mansyon nang harangin sila ng mga guwardiya.

"Sir Jav, hindi po kayo puwedeng umalis ng mansyon..." sabi ng isa sa tatlong guwardiya ng mansyon.

Napakunot ang noo ni Jav at napatiim-bagang.

"At sino kayo para pigilan ako?" Mariing tanong niya.

"Utos po ni Sir Jason at Ma'am Honeylet na huwag kayong hayaang makalabas sa mansyon..." sagot ng isa pang guwardiya.

Nagkatinginan sina Jav at Elorda. Hindi nila alam kung ano na naman itong pakulo ng magulang ni Jav. Muli silang napabaling sa mga guwardiya.

"Wala akong pakialam
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Nhen'z Seguera Caj
tapos c elorda nanaman Ang magbabago Ang isip naka stress tong kwento na to
goodnovel comment avatar
Honaka Yahagi
sama ng magulang ni jav kainis
goodnovel comment avatar
Alma Nacar
halaaa kawawa nman sila jav at elorda pati anak grbeng parents Naman go jav iplglaban mo amg family kaya mo yan
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   243

    NAGMULAT ng kanyang mga mata si Jav. Napabalikwas siya ng bangon. Naalala niya bigla si Elorda. Nanganak ang asawa niya at siya pa ang naunang mawalan ng malay. “Si Elorda…” paos niyang sambit, agad na naghanap ng sagot ang mga mata sa paligid. “Sir, kalma lang po,” sabi ng isang nurse na agad lumapit sa kanya. “Nasa recovery room na po ang asawa ninyo. Maayos po ang panganganak.” Parang biglang bumalik ang hangin sa dibdib ni Jav. Napasandal siya sa kama, nanginginig ang mga kamay. “Ang… ang baby?” pilit niyang tanong. “Nasa nursery po. Healthy po. Girl,” dagdag ng nurse, may kasamang ngiti. Namutla man kanina, ngayon ay napapikit si Jav habang unti-unting tumulo ang luha sa gilid ng mga mata niya. Hindi niya namalayang nanginginig ang balikat niya sa pinipigilang emosyon. “Maaari ko po ba silang makita?” mahinang tanong niya. “Oo po, sandali lang po at ihahanda namin kayo.” Habang inaayos ng nurse ang IV niya, muling bumalik sa isip ni Jav ang mga sandaling hawak niya ang k

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   242

    PAGKALABAS nila ng bahay, ramdam ni Jav ang panginginig ng katawan ni Elorda. Hindi niya alam kung dahil sa lamig ng hangin, sa sakit, o sa takot. Pero isang bagay ang sigurado niya, hindi siya pwedeng humina. Pagkabukas pa lang niya ng pinto ng sasakyan, napahawak nang mas mahigpit si Elorda sa leeg niya. “M-Mahal… hindi ko alam kung aabot tayo…” hingal nitong sabi, nanlalambot na ang tuhod. “Aabot tayo,” madiin niyang sagot habang maingat na isinasakay ang asawa sa front seat. “Tingnan mo ako, mahal. Hindi kita pababayaan.” Halos mapatid si Elina at Sicandro sa pagmamadaling sumakay sa likuran. “Bilisan mo na, Jav!” sigaw ni Sicandro, hindi maitago ang kaba sa boses. Mabilis na pinasibad ni Jav ang sasakyan palabas ng garahe. Habang umaandar sila, sunod-sunod ang daing ni Elorda at bawat isa ay parang suntok sa dibdib ni Jav. “Aahh… Jav… ang sakit… Mahal, hindi ko na ata kaya…” Hinawakan agad ni Jav ang kamay niya habang isang kamay ang nasa manibela. “Kaya mo. Naririnig m

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   241

    "HI, mahal ko... kumusta ang unang araw mo sa JE?" tanong ni Elorda kay Jav. Kauuwi lang ng asawa niya at sinalubong niya iyon. Nakangiting napatingin si Jav sa asawa. “Nakakapagod… pero masaya,” sagot ni Jav, humugot muna ng malalim na hinga bago yumakap kay Elorda. “Ibang-iba na ang JE ngayon. Ang daming nagbago. Pero siguro… kaya ko namang sabayan.” Hinaplos ni Elorda ang likod niya, ramdam ang bigat ng araw na dala nito. “Alam kong kakayanin mo. Ikaw pa? Kahit anong bigay nila sa’yo, kaya mong lampasan.” Napangiti si Jav, medyo napapikit pa habang nakasubsob sa balikat ng asawa. “Alam mo, mahal… habang nasa opisina ako kanina, ang iniisip ko lang, maka-uwi agad dito. Miss na miss na kita. Kayo ng mga bata." Napadako ang tingin niya sa maumbok nang tiyan ni Elorda. Napahalakhak nang mahina si Elorda at hinila ang mukha ni Jav para tingnan ito. “Gano’n? First day mo pa lang, nami-miss mo na ako agad? Saka, okay lang kami ng mga anak mo sa bahay." “Siyempre, miss ko na kayo. H

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   240

    LUMABAS nang kotse si Jav. Napaharap siya sa matayog na gusali, ang Javinzi Emterprise. Ang kompanya na dati ay parang extension lang ng sarili niyang mundo. Pero ngayon, pakiramdam niya ay isa na itong lugar na kailangang muli niyang kilalanin. Parang sa loob ng ilang taon ngayon lang ulit siya nakatunton sa kompanyang kanyang minahal t inalagaan. Huminga siya nang malalim. Hindi niya akalaing babalik pa siya rito pagkatapos ng lahat. Ganoon pa man, naroon na siya. Wala nang atrasan. Pagtapak niya sa lobby, sabay-sabay na napalingon ang ilang empleyado. May kumindat na pagkilala, may nagtatakang nakataas ang kilay, at mayroon ding halatang nangangapa kung sila nga ba ang iniisip nila. “Good morning, Sir Jav,” bati ng guard na agad tumppindig nang tuwid. Tumango lang si Jav. “Morning.” Habang papunta sa elevator, ramdam niyang sinusundan siya ng mga mata. Pero hindi iyon ang ikinabigat ng dibdib niya, kundi ang mga alaala. Kung paano siya dati nagmamadaling pumasok dito, haw

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   239

    "GUSTO mo bang magpahatid sa driver, Jav? O gusto mong kunin ang kotse mo?" Natitigilan si Jav sa kanyang narinig. "Puwede na sa akin. Isa pa bumalik ka na sa JE. Mas mainam na ibalik ko sa'yo ang pamamahala ng kompanya..." Kinusot-kusot ni Jav ang kanyang mga mata. Isa pang gumimbal sa kanyang pagkatao. Ang JE, matagal na rin na itong wala sa mga kamay niya. "Sigurado po kayo?" tanong niya na napatingin sa Mommy niya. Tumango si Jason, tila ba matagal niya itong pinag-isipan bago sabihin. “Anak, ibinalik ko na sa’yo ang lahat ng dapat ay sa’yo. Hindi ko na kayang ulitin ang mga pagkakamali ko noon. JE is yours. Ikaw ang dapat namumuno, hindi ako.” Napakurap si Jav, hindi alam kung matatawa ba o maiiyak ulit. “Dad, ang JE po? Sa akin na ulit?” Ngumiti si Jason, isang ngiting hindi niya madalas makita noon. Maluwag at walang pagdududa. “Yes, son. Your name, your vision, your company. Pinanghawakan mo ‘yon kahit kami ang dahilan kung bakit nawala sa’yo. Hindi ko hahayaang manatili

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   238

    HINDI nakapaniwala si Jav sa naging reaksyon ng Mommy at Daddy niya. Ang akala niya ay magagalit ang mga ito sa kanya. Pero kabaliktaran sa inaasahan niya. “Parang panaginip po na makita kayong masaya sa desisyon ko. Hindi ko po ito nakuha noon,” sabi ni Jav na maluha-luha. Natahimik sandali ang Mommy niya, bago dahan-dahang lumapit at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. “Anak. pasensya ka na kung hindi ka namin nabigyan noon ng suporta. Ang dami naming kinakatakutan, ang dami naming maling desisyon. Pero hindi kami tumigil magmahal sa’yo. At ngayon, gusto naming bumawi," mahinahon pero mabigat ang boses nito. Sumunod na lumapit si Jayson, inilagay ang kamay sa balikat ni Jav. “We weren’t the parents you needed back then,” aniya. “But we’re trying. Patawarin mo kami sa ginawa namin sa iyo noon, Jav. At ngayong nakita naming kaya mong tumayo at piliin ang tama para sa pamilya mo." Napanganga si Jav nang bahagya, hindi makapaniwala. “Dad…?” Tumango ang ama niya. “Yes, son. We’

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status