공유

282

작가: RIDA Writes
last update 최신 업데이트: 2025-12-31 11:45:14

NAGLALARO sina Uno at Dos sa labas ng bahay, kasama ang mga kalaro nila.

"Taya ka, Uno," sabi ng isang bata nang maabutan.

"Hala! Bakit ako?" Maktol na tanong ni Uno. Nilapitan siya ni Dos.

"Hoy! Huwag ninyong awayin ang kakambal ko! Ako ang makakalaban niyo!" Sigaw ni Dos.

"Hindi namin inaaway ang kapatid mo. Siyempre siya na ang taya. Ang arte niyo. Palibhasa, anak mayaman kayo. Pero wala naman kayong tatay."

Napatiim si Dos at kumuyom ang dalawang kamao.

"Hindi kami maarte! Bawiin mo sinabi mo! May Daddy kami!"

Nilapitan ni Dos ang kalaro at itinulak. Tumumba ito at nang tumayo ay susugurin sana ito nang may humarang.

“Don’t touch my son. That’s enough.”

Napahinto ang lahat.

Napatingala si Dos sa lalaking humarang sa kanya. Matangkad ito matikas, at may matang nagbabanta kahit pigil ang galit.

Hawak nito ang braso ng batang kanina pa nanunulak, mahigpit pero hindi nananakit.

“Anong problema?” malamig na tanong ni Jav.

Nanginginig ang batang lalaki.

“N-naglalaro lan
이 책을.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (1)
goodnovel comment avatar
Nhen'z Seguera Caj
ay sos elorda ikaw nag pilit kay jav na pumonta sa party tapos mag iinarte kana ng walang malinaw kung totoo ba o hindi ang nangyari
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   292

    ANG bilis ng tibok ng puso ni Jav habang nasa loob ng eroplano. Tinawagan siya ng kanyang ina. Pinapauwi siya. Importante raw pero ayaw nilang sabihin sa kanya kung bakit. Agad siyang nagpabook ng flight pauwi ng Pilipinas. Kanina pa siya hindi mapakali sa kanyang kinauupuan. Nasa tabi siya ng bintana at nakatingin sa mga ulap. Parang gusto na niyang hilahin ang eroplano para makauwi na kaagad sa kanilang mansyon. Habang sa nasa biyahe si Jav, nakahiga na si Elorda. Hindi siya dalawin ng antok. Naiiyak pa rin siya na malamang hindi galit ang magulang ni Jav sa kanya. Tinanggap sila ng mga ito. Hinihintay niya si Jav na dumating. Gusto niyang umasa na uuwi ang asawa para sa kanila. Muli silang mabubuo. Umaga, pinapa-breast ni Elorda ang kanyang bunsong anak, nakaupo sa sopa. Habang sina Dos at Uno ay nakaupo sa sahig, nagkukulay sa kanilang coloring book. "Magmeryrenda muna kayo ng mga bata," sabi ni Honeylet nang makalapit sa mag-iina. Napaangat ang tingin ni Elorda sa biyenang b

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   291

    NAGULAT si Honeylet nang makita ang manugang at mga apo. "Elorda..." mangiyak-ngiyak niyang sambit at napatingin sa mga apo. "Mom, puwede po bang makausap kayo?" Pakiusap ni Elorda sa ginang. "Oo naman. Pumasok kayo." Pinunasan ni Honeylet ang kanyang mga luha at nilapitan si Elorda. "Ito na ba ang apo ko?" Tumango si Elorda bilang sagot. "Puwede ko ba siyang makarga?" Hingi ng permiso na sabi ni Honeylet. Hindi na nagsalita si Elorda at ibinigay si Joy sa biyenang babae. "Pasok na kayo. Tiyak na matutuwa si Jason kapag nakita kayo..." sabi pa ni Honeylet. "Lola..." tawag ni Dos. Napabaling ang tingin ni Honeylet sa kambal. "Ang lalaki na ninyo ni Uno. Babawi si Lola." Wika niya Napangiti ang magkapatid sa sinabi ng ginang. Bahagyang yumakap si Honeylet sa kanila kahit karga pa si Joy, wari’y ayaw pakawalan ang sandaling matagal niyang ipinagdasal. “Pasok na kayo,” ulit niya, masuyo ang tinig. Tahimik na pumasok si Elorda kasama ang mga bata. Pagdating nila sa sala ay suma

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   290

    "JAV, kung kailangan mo ang tulong namin. Tawagan mo lang kami ng mommy mo at susunod kami agad sa'yo," bilin ni Jason sa anak. Pilit na ngumiti si Jav. "I'm okay. Kaya ko po 'yon. Huwag kayong mag-alala sa akin. Saka, kasama ko naman po ang buong team." "Pero, anak, magpapaiwan ka raw pagkatapos ng business trip mo sa US. Totoo ba 'yon?" tanong ni Honeylet. Tumango-tang ng ulo si Jav. "Honey, hayaan mo na muna ang anak mo. Gusto lang niyang mag-enjoy. Alam mo ang pinagdaanan niya. Deserve niya na gawin ang gusto niyang gawin," sabi ni Jason sa asawa. Napahawak si Honeylet sa braso ng asawa. "Iniisip ko lang wala siyang kasama roon. Sinong mag-aasikaso sa kanya? Malayo ang America para makapunta tayo agad doon..." nag-aalalang sabi niya. Marahang huminga si Jason bago muling nagsalita. “Anak na natin si Jav, Honey. Matanda na siya. At kung sakaling kailanganin niya tayo, alam mo namang hindi siya magdadalawang-isip na tumawag.” Sandaling tumahimik si Honeylet. Kita sa mg

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   289

    NAPATITIG sa kawalan si Jav. Hanggang ngayon ay naiwan pa rin ang isip at puso sa San Carlos, kay Elorda at mga anak niya. Isang linggo na mula nang makabalik siya ng Manila. Pilit niyang binubuo ang lahat para sa kanya. Pakiramdam niya nawalan na siya ng buhay. Hindi ka niya kayang magsaya. "Sir Jav, may meeting po kayo after thirty minutes. I will ready the conference room. Papunta na po ang mga board of directors," sabi ni Ann, ang sekretarya niya. Tumango si Jav pero hindi niya agad narinig ang sinabi ng sekretarya. Nakatuon pa rin ang mga mata niya sa bintana ng opisina, tanaw ang magulong takbo ng lungsod, tila sumasalamin sa gulo ng isip niya. “Sir Jav?” muling tawag ni Ann, mas mahinahon. Napakurap siya at bahagyang tumango. “Ah… oo. Salamat, Ann. Ikaw na muna ang bahala.” Pagkaalis ng sekretarya ay napaupo siya nang mas malalim sa kanyang silya. Isang linggo na, pero parang kahapon lang nang iwan niya ang San Carlos. Ang mukha ni Elorda, ang mga mata ng mga anak niya.

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   288

    NAPATIKHIM si Jav nang tuluyan na siyang makatayo sa tapat ng bahay nina Elorda. Saglit siyang huminga nang malalim, pilit pinatatatag ang loob. Ito na siguro ang huling pagkakataon. Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto at kumatok. Maya-maya’y bumukas iyon at bumungad si Elorda. Natigilan ang babae nang makita siya. May hawak na bulaklak at dalawang supot ng pasalubong. “Jav…” mahinang sambit ni Elorda, halatang hindi inaasahan ang pagdating niya. “Hindi ako magtatagal,” agad niyang sabi, pilit na kalmado ang boses. “Gusto ko lang makita ang mga anak natin bago ako umalis.” Sumilip ang dalawang bata mula sa likuran ni Elorda. Nang makilala si Jav, sabay silang tumakbo palapit. “Daddy!” sigaw ni Uno, mahigpit na niyakap ang kanyang binti. Napayuko si Jav at lumuhod, yakap ang kambal. “May pasalubong ako sa inyo,” aniya sabay abot ng dala niyang supot. “Maging mababait kayo, ha? Makinig kayo kay Mommy.” Nang tumayo si Jav, napansin ni Elorda ang panginginig ng kamay ng asawa na

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   287

    "GOOD morning, Elorda," bati ni Manuel, sabay abot ng bulaklak. "Para saan ang bulaklak, Manuel?" "Wala lang gusto lang kitang bigyan. Masama ba?" Umiling si Elorda. "Hindi naman pero malinaw naman ang sinabi ko na ayoko munang pumasok sa relasyon at ayoko na masaktan kita," diretsong sabi ni Elorda. Ngumiti si Manuel, hindi nabura ang kabaitan sa mga mata niya kahit malinaw ang pagtanggi. “Alam ko,” mahinahon niyang sagot. “Hindi ko naman hinihingi na sagutin mo ako. Gusto ko lang ipaalala na may taong handang umintindi sa’yo, kahit hanggang dito lang muna.” Saglit na natigilan si Elorda. Hindi niya inabot ang bulaklak pero hindi rin niya tuluyang tinanggihan ang lalaki. “Manuel… ayokong magbigay ng kahit anong pag-asa,” mariin niyang sabi. “May mga sugat pa akong inaayos. May pamilya akong iniisip.” Tumango si Manuel. “At nirerespeto ko ‘yon. Hindi ako lalampas sa kung anong kaya mong ibigay.” Bahagya niyang ibinaba ang kamay na may hawak ng bulaklak. “Kaibigan lang. Wala

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status