“But you know… I still feel so insecure.” Mababa ang boses na sabi niya. Kumunot ang noo ni Ysabela. Umayos ito ng upo para magkaharap sila ng tuluyan. Sinulyapan niya ang kambal at napansin na abala pa rin ang dalawa sa pagkain. Ngayon naman, ang cake ang pinagdidiskitahan. “Insecure of what?” Tanong ni Ysabela. Ibinalik niya ang tingin sa babae at tiningnan ito sa mga mata. Nakita niya ang pag-aalala sa maganda nitong mga mata. Pinilit niya ang sarili na huwag ngumiti. “I’m still insecure because… we got married in bizzare way.” Sagot niya. “What do you mean?” “What I mean is… kung hindi dahil kay Lolo, hindi mo sana ako pinakasalan.” Malungkot niyang saad. “What?” Nagtaas ng kilay si Ysabela. “Alam mo ba kaya hindi ako nagtrabaho sa isang design studio kahit na design naman ang kinuha kong kurso ay para makita ka araw-araw? Naging assistant mo pa ako para lang mapalapit ako sa’yo!” Ngumuso siya, pilit pa sinusupil ang kaniyang ngiti dahil sa tahasang pag-amin ni Ysabela.
Habang-buhay na maaalala ni Yvonne ang maingat at magaan na haplos ni Archie sa kaniya. Bawat halik nito'y parang kasinggaan lamang ng balahibo.Bata pa siya at hindi pa alam ang kahulugan ng totoong pag-ibig, pero unang kita pa lamang kay Archimedes Garcia ay talagang napahanga na siya ng husto.Guwapo ito, matangkad, matalino, maganda ang pangangatawan at tila nakakadala ang mga ngiti.“You will soon marry Archie Garcia,” nakangiting sabi ng kaniyang Mommy.Kinagat niya ang ibabang labi at napakunot-noo.Hindi ba't ayaw niyang maikasal ng maaga? Ayaw niya sa arrange marriage na iyan, pero bakit may kumikiliti sa kaniyang puso?Bago pa man sila magkakilala, itinakda na silang ipakasal sa isa’t isa. Hanggang sa hindi namamalayan ni Yvonne na nahuhulog na siya nang tuluyan kay Archie.Mabait ito, maalaga at kung minsan ay mapang-asar. Walang araw na hindi niya pinangarap na makita ang binata, kaya minsan ay tumatakas pa siya sa university nila para lang puntahan ang kalapit na universi
Sinubukan niyang supilin ang kaniyang mga ngiti. Alam niyang hindi papayag ang kaniyang Daddy na pumunta siya sa condo ni Archie at doon matulog.Yes, they’re engaged. But still not married.Kahit naman naka-arrange marriage na sila ni Archie ay konserbatibo pa rin ang kaniyang mga magulang. Pumapayag itong magdate sila at magkita, pero hindi papayag na matulog siya sa condo ng lalaki.“We’re planning na mag-overnight sa bahay ni Jane. Malapit na kasi ang presentation namin sa isang subject, kaya naisip namin na mag-overnight para matapos na namin ang lahat ng documents na ipapasa at i-pre-present. Don't worry, kasama ko naman si Ysabela.” She said.Umayos ng upo ang kaniyang Daddy at tiningnan siya ng maigi. Kumunot ang noo nito at sumandal sa swivel chair.“Bakit hindi nalang dito sa bahay, Yvonne? Aalis naman kami ng Mommy mo para sa training kaya walang mang-iisturbo sa inyo. Invite your friends here. Dito nalang kayo.”“Hindi papayagan si Jane.”“Why not?” Kunot-noong tanong ng k
Unti-unting bumaba ang tingin niya sa mariin na nakatikom na bibig ni Archie.“Bakit bawal? We’re already engaged, it doesn't matter—”“No.” He said firmly. “It matters to me, Yvonne.”Sa tuwing Yvonne na ang tawag sa kaniya ni Archie, seryoso na ito sa pakikipag-usap.Kaya naman huminga siya ng malalim. Pumikit siya.Isa sa nagustuhan niya kay Archie ay ang pagpapahalaga nito sa kaniya. Kahit na wala naman ibang makakaalam sa mali nilang gagawin, naninindigan pa rin ito sa tama.Binuksan niya ang mga mata at pinulupot ang kaniyang mga kamay sa batok ng lalaki.“I really like you.” Amin niya.Kumunot ang noo ni Archie at medyo dumaan ang gulat sa mga mata nito.Siguro ay hindi inaasahan na bigla na lamang siya magsasabi ng ganoon.“I like you very much, Archimedes Garcia. I might be your fiancee now, but I also want to become your girlfriend.” Matapang niyang sabi.“But you’re already my girlfriend.” Sagot nito.Siya naman ang nagulat sa sinabi ng lalaki.“Huh? Kailan pa?” Tanong niya
“Ugh… Archie… Ugh.” She moaned mindlessly. Napuno ng ungol at sigaw ang kuwarto habang kinakain nito ang kaniyang maselang parte. Napapaliyad siya at hindi alam kung saan pa kakapit upang makakuha ng lakas. Para siyang inaalisan ng lakas at katinuan. Archie was so good at this. Hindi na niya halos namamalayan na namumuo na ang tensyon sa kaniyang puson at tila bombang sumabong iyon sa kaniyang loob. Tumirik ang kaniyang mga mata. Umawang ang kaniyang bibig at napasabunot na lamang siya sa buhok ni Archie habang nanginginig ang buo niyang katawan dahil sa unang orgasm na kaniyang naranasan. Para siyang nasa alapaap ng ilang sandali. Nilubayan siya ng reyalidad at dinala siya sa ibang dimensyon. Nakalimutan niya lahat. Parang gulay na naging lupaypay, hindi na niya nabuksan ang kaniyang mga mata. Naramdaman niyang binuhat na lamang siya ni Archie at inayos ang kaniyang pagkakahiga sa kama. Wala na siyang lakas. Naubos na lahat. Pumikit siya at sandaling kinalimutan ang la
“V-von.” Ang nanginginig na tinig ng Mommy ni Yvonne ang bumati sa kaniyang pandinig.Alas dose y media, nasa bar pa rin siya kasama si Agatha at Luna, ang kaniyang mga pinsan, nang makatanggap ng tawag mula sa kaniyang Mommy.“Von, your D-dad’s… he’s in the hospital now.” Iyak nito, halata ang pinipigilang hikbi.Nanlamig ang kaniyang mga kamay.Unti-unti niyang iniangat ang tingin at madaling hinanap si Archie sa VIP lounge.Nakita niya itong nakahilig sa barandilya kasama ang isang babae. Nakakapit ang babae sa braso nito habang nagsasalita.Uminom naman ng whiskey si Archie at tinatanaw siya. Hindi maalis ang tingin nito sa kaniya kahit pa kinakausap ito ng babae.“I need y-you here, Yvonne. P-please.” Pakiusap nito, halata ang takot at pag-aalala sa boses.Halos tatlong taon na siyang nagrerebelde sa kaniyang mga magulang. Sanay na ito sa kaniyang ugali at bagong lifestyle.Ngunit hindi niya maitatanggi na ang balitang kaniyang natanggap ay talagang nakakapanginig ng laman.“Yvon
Bumaon ang kuko ni Yvonne sa kaniyang palad. Hindi siya makapaniwala na seryoso si Archie sa gusto nitong mangyari sa kanilang dalawa. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman na engaged na ito kay Lindsy Alcazar. Isang buwan na lang ay ikakasal na ito, bakit kailangan pa siyang gawing kabit ni Archie? Nanlamig ang kaniyang kalamnan nang mapagtanto na mas malayo pa sa kabit ang alok nito sa kaniya. Ang tanging gusto lamang ni Archie ay gawin siyang parausan. Gusto lamang nitong sirain ang kaniyang bait at dungisan ang kaniyang puri. Ngunit kagaya nga ng sabi nito, kung patuloy siyang magmamatigas siya ay patuloy din siyang pahihirapan ng lalaki. “Archie… can you just stop it?! My Dad’s already in the hospital! Alam kong wala ka nang konsensya, pero pwede ba na itigil mo na ‘to? May kasalanan kami sa’yo, oo, pero kailangan ba talaga na humantong sa ganito?” Nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata. Gusto niyang isipin na nasa loob pa rin ng lalaking ito ang Archie na kaniyang nakilala.
Nang marinig na stable na ang lagay ng kaniyang Daddy pagkatapos itong atakehin sa puso, ay nakahinga ng maluwag si Yvonne. Pagod siyang sumandal sa malamig na pader at saglit na ipinikit ang mga mata.Si Agatha ang nagdala sa kaniya sa ospital, si Luna ay umuwi na kasama ang kaniyang Mommy. Galing pa sila sa bar at medyo may tama pa ng alak.Nakatulog na lamang si Agatha sa paghihintay, samantalang siya’y gising pa rin at ramdam ang pagpintig ng ugat sa kaniyang ulo.Magtatatlong oras na siyang nasa labas ng emergency room kasama ang isa niyang pinsan.Pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Archie sa bar, hinayaan siya nitong makaalis at sinabing tatawagan na lamang siya ulit kung kailan siya kailangan.Nagtagis ang kaniyang bagang.Gusto niyang ibabad ang sarili sa alcohol at alisin ang kaniyang balat. Hanggang ngayon, ramdam niya pa ang haplos at halik ni Archie. Nanginginig ang kaniyang kalamnan sa tuwing naaalala ang kababuyan nito sa kaniya.Inayos niya ang sarili at lumapit kay A
Hindi siya nakatanggap ng imbitasyon, sapat na iyon para malaman niya na hindi siya gustong imbitahan ni Damian Galvez sa kaarawan nito. Nitong lumipas na mga taon, nagkakaroon naman sila ng kaunting interaksyon ni Architect Damian Galvez. Nakakameeting niya rin ang ibang Galvezes. Ngunit hindi gaanong maganda ang relasyon niya sa kanila. Tila mahirap na magkaroon ng malapit na koneksyon sa pamilyang Galvez. Ang totoo niyan, hindi niya rin gusto na magkaroon ng koneksyon sa mga Galvez dahil nagpupukos na siya ngayon sa pagpapalawak ng kaniyang negosyo sa labas ng bansa. Kaya hindi na niya kailangan ng koneksyon sa mga negosyanteng lokal. May negosyo rin naman ang mga Galvez sa ibang bansa, ngunit hindi kagaya niya na mas malawak ang negosyo sa labas ng Pilipinas. "Good evening, Atty." Bati ng isang lalaking miyembro ng security team. Inilahad ni Reinella ang hawak nitong invitation card at ngumiti ng matamis. "Here's my invitation card. Do I still need to show you my ID?
Litong-lito na si Archie. Iba ang nakukuha niyang impormasyon sa impormasyon na gusto niyang matanggap. Kaya nang dumating na ang kaarawan ni Damian Galvez ay hindi na siya nag-atubiling dumalo sa selebrasyon para makakuha ng iba pang impormasyon tungkol sa nobya ni Rizzo Galvez. Kung dadalo siya sa birthday party ni Damian Galvez ay mas malaki ang tyansa na may makalap siyang impormasyon na makakatulong sa kaniya na mapag-aralan ng mabuti ang katauhan ni Anais Acosta. Sa tuwing naiisip niya na kamukhang-kamukha ng nobya ni Rizzo si Yvonne ay naaalala niya palagi na naging magkasintahan noon si Yvonne at si Rizzo. Posible na hanggang ngayon ay hindi pa rin makalimut si Rizzo kay Yvonne... kagaya niya. Baka nabaliw na rin ito kay Yvonne, kaya ngayon na may natagpuang babae na kamukha ni Yvonne ay pakakasalan nito agad. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman na papalit-palit ng babae ang mga Galvez. Habulin ng mga babae ang mga lalaking Galvez kahit na kasal na ang iba. Kaya para magpa
Gabi na nang makauwi si Archie mula sa hospital. Hindi man lang siya nakapagpahinga sa paghahanap ng kasagutan sa mga tanong niya. Ngunit ayon sa nakuha niyang impormasyon, lihitimong anak ni Rizzo ang batang naospital. Anak nito si Coleen sa pagkabinata. Sa Pilipinas ipinanganak ang batang babae, ngunit sa ibang bansa pinalaki. Maliban sa mga impormasyong iyon ay wala na siyang nakuhang iba pa. Hindi na rin nakapagbigay ng impormasyon sa kaniya si Patrick dahil iyon lang din ang laman ng database ng ospital. Binuksan niya ang kaniyang computer pagkauwi galing sa ospital. Sa kaniyang opisina siya tumuloy para tingnan ang pinadalang email ng kaniyang assistant sa kaniya. May sarili siyang office sa kaniyang condo unit. Gusto niyang nakabukod lamang ang kaniyang opisina sa kaniyang kuwarto para maging productive pa rin siya kahit na nasa condo lamang siya. Buong araw yata siyang hindi nagpakita sa kompanya. Nasa ospital lamang siya maghapon, naghahanap ng mga bagay na makakatulong s
Nang manganak siya kay Akhil, bumalik si Yvonne sa pagthetheraphy. Hindi na ito umuuwi sa kanila dahil sa takot na baka masaktan nito si Akhil. Naniniwala ito na hindi ligtas ang kaniyang anak kapag mananatili si Yvonne sa kanilang puder. Pakiramdam palagi ni Yvonne ay magdudulot lamang siya ng panganib sa mga paslit. Kaya kahit sa malayo ay hindi nito matingnan si Akhil. Hindi nito kayang pakinggan ang tawa at iyak ng bata. Agad itong inaatake ng anxiety at parang nababalisa agad. Madalas ay nagkukulong ito sa kuwarto ar hindi na sa kanila nagpapakita. Nang hindi na nito makayanan ay nagpa-alam itong aalis muna para humingi ng tulong sa therapist nito. Nitong nakaraang buwan lang bumalik si Yvonne sa kanila. Hindi pa gaanong maayos ang babae kahit pa halos apat na buwan itong nawala para magtheraphy. Alam niyang malalim ang pinangggalingan nitong sakit kaya hindi niya pwedeng hayaan na lang mas lalong maexpose sa mas mahirap na sitwasyon ang kaniyang pinsan. "I know where yo
"You've already met him?" Tanong niya sa babae. Tumibok ng mabilis ang kaniyang puso at nanatiling malamig ang kaniyang palad. Hindi niya nakita si Archie sa labas. Pero dahil sa sinabi nito, mas lalo siyang naging kabado. Natahimik saglit ang babae. Hindi ito sumagot, ngunit ramdam niya na hindi na niya kailangan na marinig mula sa labi nito ang kasagutan sa kaniyang tanong. Nagkita na nga ang dalawa. "You know that this would happen, right?" Marahan niyang tanong. Huminga ng malalim si Anais bago pagod na pumikit. Umangat ang dibdib nito nang humugot ng malalim na hininga. "I know." Sagot nito pagkaraan. "But I couldn't let my fear control me, Agy." Mahina nitong sambit, tila nabibigatan. "For the past five years, I tried my best to overcome everything that once held me back. Ang tagal kong nagtago. Ang tagal kong natakot." Huminga na naman ito ng malalim. "But I was able to face him without showing much of my fear. I was able to fake my reaction when I saw him." Bumalin
Marahan siyang umiling. Alam niyang mabigat na naman ang loob nito. Ayaw niyang maramdaman muli ng babae ang parehong sakit na naramdaman nito noon, kaya hinaplos niya ng magaan ang likod ng palad nito bago maliit na ngumiti."I know how you feel now. Alam kong nag-aalala ka ng husto kay Coleen, but everything's fine now. Maayos na si Coleen, wala ka nang dapat na ipag-alala."Tumitig siya ng mabuti sa mga mata ni Anais. Gusto niyang makita nito ang sensiridad niya.Kung maaari lamang na pawiin ang lungkot at pagsisisi sa puso nito ay gagawin niya. Ngunit alam niya na kahit anong subok niya, hindi niya iyon magagawa, dahil tanging ito lamang ang mag kakayahan na gawin iyon. Si Anais lamang ang may kakayahan na itaboy ang lungkot sa puso nito at gamutin ang mahapding sugat na dala ng pagsisisi."And a failure doesn't define you as a person. It doesn't define you as a mother. Because motherhood is not a perfect thing. Kahit ako, I'm still learning how to take care of Akhil. May mga pagk
Samantalang kabado si Agatha nang makarating sa pasilyo ng private pediatric ward. Sa elevator pa lang ay hindi na siya mapakali kaya nagmamadali niyang tinahak ang pridadong silid ni Coleen .Naabutan niyang nasa labas si Rizzo at may kausap sa telepono.Nakita niyang tensyunado ang lalaki at mukhang hindi komportable sa taong kausap nito. Hinilot ng lalaki ang sintido bago bumuga ng hangin.Hindi man lang nito napansin ang kaniyang presensya."Dad, I know it's an important meeting. Pero hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang ang anak ko. Coleen has a severe allergy reaction. She needs me now. I don't care about anything else, I just want to make sure that my daughter is safe."Saglit na natahimik si Rizzo, tila pinapakinggan ang sinasabi ng taong nasa kabilang linya."It's not her fault, Dad." Matigas na tugon nito pagkaraan."It's not her carelessness or my daughter's recklessness that caused this. Coleen is fond with furred animals, while Anais is unaware about Coleen's allergy w
Nang mawala sa kaniyang paningin si Agatha ay saka lamang siya bumalik sa kasalungat na pasilyo kung saan naghihintay si Archie sa impormasyon na ibibigay niya. Mabagal ang bawat niyang hakbang habang inaalala ang tensyunadong ekspresyon ng mukha ni Agatha.Bakit nga ba magiging tensyunado si Agatha?Wala naman siguro siyang nagawang kasalanan? Bulong niya sa hangin. Muli niyang naabutan si Archie na tulalang nakaupo sa bench. Malayo ang tingin nito at walang partikular na bagay na tinitingnan. Halatang malalim ang iniisip nito. Pagkalapit sa kaibigan ay naupo na siya sa katabing upuan nito. "The patient's name is Malia Coleen." Panimula niya para makuha ang atensyon ni Archie. At kagaya ng kaniyang inaasahan, mula sa pagkatulala, ay napaangat ito ng tingin sa kaniya. Napansin din sa wakas ang kaniyang presensya, at tila ngayon pa lamang naputol ang sumpa nito na matulala sa kawalan. "Malia Coleen Javier Galvez is her fulle name. She's still young. Her biological father is Riz
Pagkatapos na makuha ang impormasyon ng pasyente ay lumabas si Patrick para kausapin muli si Archie. Sigurado siya na hindi aalis ang kaniyang kaibigan hangga't hindi nito nakukuha ang gusto.At alam niya kung gaano kadesperado sa impormasyon ngayon si Archie.Alam niya ang pakiramdam nito ngayon. Dahil kagaya ni Archie, hindi rin siya mapakali noon nang malaman niyang may anak si Suzzane.Alam niyang kung may anak ito ay malaki ang tyansa na kaniya ang batang iyon.Ngunit kahit gaano kadesperado ang kaniyang kaibigan na makilala ang batang pasyente ay hindi niya maaaring hayaan na lamang itong gawin kung ano ang maisipan nitong gawin. Istrikto ang ospital. Malaking bagay ang privacy ng mga pasyente sa ospital na ito.Kaya kung papasok ito sa isang pribadong silid para lamang makita ang pasyente nang walang pahintulot mula sa pasyente o sa pamilya ng pasyenteng ay magdudulot lamang ng malaking gulo.Pabalik na siya sa upuan kung saan naghihintay si Archie, nang bigla siyang matigilan