Share

Chapter 178.3: End

Author: Purplexxen
last update Last Updated: 2025-02-20 21:30:26
“But you know… I still feel so insecure.” Mababa ang boses na sabi niya.

Kumunot ang noo ni Ysabela. Umayos ito ng upo para magkaharap sila ng tuluyan.

Sinulyapan niya ang kambal at napansin na abala pa rin ang dalawa sa pagkain. Ngayon naman, ang cake ang pinagdidiskitahan.

“Insecure of what?” Tanong ni Ysabela.

Ibinalik niya ang tingin sa babae at tiningnan ito sa mga mata. Nakita niya ang pag-aalala sa maganda nitong mga mata.

Pinilit niya ang sarili na huwag ngumiti.

“I’m still insecure because… we got married in bizzare way.” Sagot niya.

“What do you mean?”

“What I mean is… kung hindi dahil kay Lolo, hindi mo sana ako pinakasalan.” Malungkot niyang saad.

“What?” Nagtaas ng kilay si Ysabela.

“Alam mo ba kaya hindi ako nagtrabaho sa isang design studio kahit na design naman ang kinuha kong kurso ay para makita ka araw-araw? Naging assistant mo pa ako para lang mapalapit ako sa’yo!”

Ngumuso siya, pilit pa sinusupil ang kaniyang ngiti dahil sa tahasang pag-amin ni Ysabela.

Purplexxen

See the first comments you have to read it. I will leave a comment for all the readers!♥

| 99+
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (85)
goodnovel comment avatar
Thelma Ayson
Wow thank you i love it..Ang ganda sulit ang laging pagpupuyat nakaka in love. Yes Creig and Ysabela together again with their twins love it talaga...more more more..
goodnovel comment avatar
Shery May SAi DEn
wow! thanks author really loved the story.........️
goodnovel comment avatar
Cely Aguirre
And they live happily ever (⁠✿⁠ ⁠♡⁠‿⁠♡⁠)thanks author sa story mong cute at makapigil hininga :⁠-⁠P(⁠♡⁠ω⁠♡⁠ ⁠)⁠ ⁠~⁠♪⊂⁠(⁠◉⁠‿⁠◉⁠)⁠つ
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 225

    Hinawakan ni Rizzo ang kamay ni Anais at inalalayan itong makababa sa stage. Sa gilid sila dumaan, kaya sinalubong sila ni Yara. Ngumiti sa kanila ng may pang-aasar ang babae bago nagbaba ng tingin kay Coleen na nakakapit naman sa kamay ni Anais. "Hi there, little angel." Yara sweetly smiles at Coleen. Ngumiti rin pabalik si Coleen. "Hi, Tita Pretty." Ngiting bati ni bata. Napangiti na rin siya nang makita na masaya ang kaniyang anak na makita ulit ang Tita Yara nito. Ngunit dahan-dahan din na naglaho ang kaniyang ngiti nang maalala na si Yara nga pala ang nag-alaga kay Coleen noong baby pa ito. Dahil hindi niya pa kayang mag-alaga ng sanggol, humingi siya ng tulong kay Yara. Coleen is so fond with Yara na noong una, naisip nito na si Yara ang totoo nitong ina. Yara has no experience of taking care a baby, but his sister willingly help him to take care Coleen when she was an infant. Tatlong buwan pa lang nang ipinapanganak si Coleen ay ibinigay na ito sa kaniya ng ina

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 225

    Parang kinukurot ng pino ang puso ni Archie habang pinagmamasdan si Anais at si Rizzo sa stage kasama si Damian Galvez. Nagtatagis ang kaniyang bagang at gumagalaw ang kaniyang panga. Hindi niya makontrol ang kaniyang nararamdaman. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganito na lamang ang galit na nabubuhay sa kaniyang dibdib. They are both wearing mascara, but why could I see their happy faces? Mapait niyang bulong sa sarili. Kahit na nakatakip ang mukha ni Anais at ni Rizzo ay nakikita niya ng malinaw ang masayang mga mata ng dalawa. Kahit na maliit lamang ang pagkakangiti ni Anais, ramdam niya na totoo ang ngiti nito. Hindi napipilitan at hindi nag-aalangan. She looks so happy. Even her smile is so familiar to him. "Archie?" Lumapit sa kaniya si Reinella. Mukhang kanina pa siya nito hinahanap dahil pawisan na ang babae Nakilala siya nito pagkatapos ng ilang segundong paninitig sa kaniya. "Where have you been?" Mahina nitong tanong nang makalapit. He tore off his gaze

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 224

    Hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman. Malamig ang kaniyang sikmura at mabilis ang tibok ng kaniyang puso. Nahawi ang mga tao nang dumaan siya. Pinagtitinginan siya ng lahat, at kahit na nakamaskara siya, tila nakikilala pa rin siya ng mga tao. Is Anais Acosta real? Parang may bumubulong sa kaniya. Totoo nga ba si Anais? Nakikilala ba siya ng mga tao bilang si Anais? O nakikita pa rin nila si Yvonne sa kaniya? Sinalubong siya ni Rizzo nang umakyat siya sa maliit na entablado. Inilahad nito ang kamay sa kaniya para tulungan siyang umakyat ng ligtas, tinanggap naman niya ang kamay nito. Nang maglapat ang kanilang kamay, nagpalakpakan agad ang mga panauhin. Lumingon siya sa mga bisita at pilit na ngumiti. Muling nagsalita si Damian Galvez sa mikropono. Pinakilala siya nito sa masiglang tono. "Anais Acosta is a granddaughter of Uranus Rodriguez Acosta. A prominent man from Cebu." May pagmamalaking saad ni Damian Galvez. Ngumiti siya. Anais Acosta is not a gra

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 224:

    "What's a lunatic, Sir?" Inosinteng tanong ni Coleen, tila unang beses na makarinig ng ganoong salita. Humakbang siya para tuluyang makalapit sa dalawa. Sa saglit lamang na pag-uusap ay nagiging kuryuso na sa hindi magagandang salita ang bata. Dapat lang na ilayo na niya agad si Coleen kay Archie dahil wala itong nadudulot na maganda mapamatanda man o bata. "Coleen." Tawag niya sa pangalan ng bata. Sabay na lumingon sa kaniya si Coleen at si Archie. Nagtama saglit ang tingin nila ni Archie. Hindi man lang ito nagulat na sumunod siya sa kanila. Bagkus, ikiniling nito bahagya ang ulo at sinuri siya ng tingin. Bumaba sa konkretong upuan si Coleen. "Mommy." Mahinang sambit nito. Humakbang siya at inabot ang kamay ni Coleen para hilahin na ito pabalik sa mansyon. Ngunit tumayo si Archie at nahuli ang kaniyang kamay na nakahawak sa kamay ni Coleen. "We're still talking." Malamig na saad ni Archie. Nagtagis ang kaniyang bagang. Pinukol niya ito ng nakakamatay na tingin.

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 223.2:

    Natahimik si Klaus, hindi ito nakapagsalita agad. Ngunit alam niya na gusto nitong tumutol.Muli nilang nilingon si Yvonne at saka lang nila napansin na wala na ito sa kinatatayuan nito kanina.Sh*t. Where is she? Tarantang tanong ng kaniyang isip.Agad na dumaloy sa kaniyang sistema ang pag-aalala at pagkabahala. Inilibot niya ang tingin para mahanap si Yvonne, ngunit hindi na niya nakita maski ang anino nito.Samantala, lingid sa kaalaman ni Agatha at Klaus, lumabas ng mansyon si Yvonne nang makita nitong sumusunod si Coleen kay Archie. Nasa gitna sila ng pagdadasal para simulan ang programa nang magmulat si Yvonne ng mga mata at nasulyapan si Coleen na tila may sinusundan.Nang makita niya kung sino ang sinundan nito ay saka niya napagtanto na si Archie iyon.Tumambol ng malakas ang tibok ng kaniyang puso at para siyang mahihimatay sa kaba!Hindi ba't pinaakyat nila si Coleen at Loly sa kuwarto? Bakit nasa baba na naman si Coleen?At talagang sinusundan pa nito si Archie?!Halos ta

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 223:

    "Ito ang ikinakatakot ko." Mahinang sambit ni Agatha. Lumalamlam ang kaniyang mga mata dahil sa pag-aalala. "Hindi ka niya patatahimikin. Alam mo ‘yan. He's so crazy, and no one could stop him." Sa halos limang taon nilang pagtatago, hindi naging madali ang lahat ng kanilang mga pinagdaanan. Yvonne is traumatized by what happened five years ago.Dumagdag pa na huli na para maipagluksa nito ang pagkamatay ng ama nitong si Adonis. Hindi rin ito matahimik dahil naiwan nila sa Pilipinas si Yves. Nang malaman nito ang naging resulta ng nangyari sa inang si Yves ay mas lalo lamang na nahirapan si Yvonne na tanggapin ang lahat. Masakit para sa kaniya na makitang hirap na hirap si Yvonne. Ilang beses nitong sinubukan na tapusin na ang paghihirap, pero palagi niya itong napipigilan. Marami na itong peklat sa pulsuhan at kamay. Hanggang ngayon, kapag nakikita niya ang mga puting linya sa pulsuhan nito ay naaalala niya ang malalalim na sugat na ginagamot niya noon. Palagi siyang umiiyak, k

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 222.2: Familiar

    Sa boses pa lang ay nakilala na agad ni Agatha si Archie. Ganoon din si Yvonne.Nagtungo sila sa likod ng mansyon, at dahil pareho silang nakamaskara, hindi nila nakuha ang atensyon ng ibang bisita. Walang pumansin sa kanila dahil hindi rin naman sila nakilala."Loly, dalhin mo sa kuwarto si Coleen. Mamaya na kayo bumaba kapag nagsimula na ang party." Utos niya sa Yaya."Mommy..."Humigpit ang hawak ni Coleen sa kamay ni Yvonne. Tumigil naman sila sa paglalakad para matingnan ng mabuti ni Yvonne ang bata."It's okay." Mahina niyang saad."Tita Agatha and I have to entertain some guest. I don't want you to run around the premises and bump the guests. That would hurt you, and you know that I don't want you to get hurt again." Puno ng sensiridad niyang saad.Kaninang umaga pa lang sila nadi-discharge sa ospital. Maayos na ang paghinga ni Coleen at masigla na ulit ito. Wala na ring mga pantal ang balat nito.Ngunit hanggang ngayon, ang pagsisisi ay nariyan pa rin sa kaniyang puso dahil sa

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 222: Familiar

    "Are you alright, Coleen? Are you hurting somewhere?" Nag-aalalang tanong ng babaeng kasama ni Anais. Napatingin siya sa mukha nito, ngunit hindi niya agad na namukhaan ang babae dahil sa suot nitong mascara. Hindi rin pamilyar sa kaniyang pandinig ang boses nito ngunit ramdam niyang kilala niya ito. Sumulyap si Coleen sa babae at mahina itong sumagot. "Yes, Tita Agatha." Agatha... Yvonne's cousin? Tinitigan niya ng matagal ang babae. Naramdaman niya ang biglang pag-akyat ng asido sa kaniyang dibdib. Hanggang ngayon ay naaalala niya pa rin kung paano siya ipinagtabuyan ni Agatha nang minsan siya nitong makita na aaligid-aligid sa mansyon ng mga Santiago habang ibinuburol si Yvonne at Adonis. Malaki ang galit nito sa kaniya. Dahil kay Agatha, naging mahirap para sa kaniya na makalapit kay Yves Santiago. Kahit na nasa ibang bansa ito nitong mga nakaraang taon ay mahigpit pa rin nitong pinapabantayan si Yves Santiago laban sa kaniya. Kung hindi lamang siya mapamaraan ay

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 221.3: Identification

    Hindi siya nakatanggap ng imbitasyon, sapat na iyon para malaman niya na hindi siya gustong imbitahan ni Damian Galvez sa kaarawan nito. Nitong lumipas na mga taon, nagkakaroon naman sila ng kaunting interaksyon ni Architect Damian Galvez. Nakakameeting niya rin ang ibang Galvezes. Ngunit hindi gaanong maganda ang relasyon niya sa kanila. Tila mahirap na magkaroon ng malapit na koneksyon sa pamilyang Galvez. Ang totoo niyan, hindi niya rin gusto na magkaroon ng koneksyon sa mga Galvez dahil nagpupukos na siya ngayon sa pagpapalawak ng kaniyang negosyo sa labas ng bansa. Kaya hindi na niya kailangan ng koneksyon sa mga negosyanteng lokal. May negosyo rin naman ang mga Galvez sa ibang bansa, ngunit hindi kagaya niya na mas malawak ang negosyo sa labas ng Pilipinas. "Good evening, Atty." Bati ng isang lalaking miyembro ng security team. Inilahad ni Reinella ang hawak nitong invitation card at ngumiti ng matamis. "Here's my invitation card. Do I still need to show you my ID?"

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status