Maraming katanungan ang bumabagabag sa isip ni Ysabela.Bakit paiimbestigahan ni Greig si Alhaj?Alam niyang maliit lang ang porsyento ng mayayamang pamilya sa buong Pilipinas kumpara sa mga naghihikahos. Pero imposibleng magkakilala na si Alhaj at Greig noon pa man.Alam niya iyon. Dahil iba ang line of work ng dalawa.Tahimik silang pareho sa loob ng sasakyan habang nagmamaneho ito. Mariin ang pagkakahawak ni Greig sa manibela at alam niyang galit pa rin ito.Pero ano ba ang ikinagagalit nito?Hindi niya pa rin lubos na maunawaan ang rason nito.Maybe it's his ego that's hurting? Tanong niya sa sarili.Sa bagay, hindi nga pala sanay si Greig na nakikita siya kasama ang ibang lalaki. Dahil noon pa man, iniiwasan na niyang maging malapit sa ibang lalaki.Palagi niyang iniisip na possessive si Greig. Kahit naman lihim lang ang kanilang relasyon, mapang-angkin pa rin ito sa kaniya.Why is it that he always act like a jealous husband but he's doing so much worse?Kinagat niya ang ibabang
Galit na pinagmasdan ni Greig ang matayog na gusali na pagmamay-ari ng pamilya ni Alhaj Jimenez. This is where their main office is located.Hindi lamang kalayuan sa kaniyang kompanya. Hindi niya halos napapansin ang gusaling ito, pero ngayon na ibinigay sa kaniya ni Christoff ang impormasyong ito ay hindi na maalis sa kaniyang isip.He knew Alhaj's parents. Pamilyar sa kaniya ang pangalan ng mga magulang nito at alam niyang may mga pagkakataon na nakakasalamuha niya ito sa malalaking event.Napapabilang ang pamilyang Jimenez sa mayayamang angkan, pero ngayon lang mas naging malago ang negosyo nito. But that wasn't enough.Mapait siyang napangiti. He could easily trick this small company to bankruptcy.Kung gugustuhin niya, baka wala siyang itira kay Alhaj at sa pamilya nito. Hanggang sa maging palaboy na lamang sila, o umalis nalang ng bansa para makaiwas sa kaniyang poot.Ikiniling niya ang kaniyang ulo at halos matawa sa sarili.Why would he do that?‘I've never seen the monster in
Tahimik sa hapag kainan nang gabing iyon. Masama ang loob ni Ysabela dahil hindi siya pinayagan ni Manang Lora na bumalik ng apartment.Iyon daw ang bilin ni Greig.Sigurado siyang kahit pilitin niyang umalis ng villa ay hindi rin siya makakalabas. Mayroong guard na nakabantay sa may gate at alam niyang hindi siya pagbubuksan nito kung hindi iniutos ng lalaki.Nasa hindi kalayuan ang mga katulong, naghihintay na pagsilbihin siya.Pagod siyang sinulyapan ang mga babae at wala sa sariling napabuntong-hininga.Sapat na noon na silang dalawa lang ni Greig sa bahay, pumupunta lang ang mga kasambahay kapag wala na sila at kailangan maglinis. Palagi naman silang nasa trabaho kaya halos hindi na sila magpang-abot ng mga kasambahay.Pero simula nang umalis siya, nanatili na pala ang mga kasambahay sa bahay nito.Sa bagay, kailangan nga pala ni Greig ng magsisilbi sa kaniya lalo at wala na siya.Hindi niya pa nauubos ang pagkain nang marinig ang pamilyar na mga yapak.Hindi na niya kailangan ti
Sa hallway pa lamang ng ospital ay nagkasabay na sila ni Ada, lumabas saglit ang babae para dalhin ang bagong gamot ni Natasha sa nurse station.“Mabuti naman bumisita ka na, Greig.” Ngumiti ito sa kaniya.Hindi niya nasuklian ang ngiti nito. Lalo pa't hindi maganda ang mood niya. Binuksan ni Ada ang pinto ng silid ni Natasha at agad niyang natanaw na nakahiga ito sa hospital bed pero dilat na dilat ang mga mata.Lumingon sa kanila si Natasha at nang makita siya ay agad na nanlaki ang mga mata.“Greig.” Napapaos nitong saad.Naglakad siya palapit sa babae samantalang pilit naman itong bumangon. Inalalayan ni Ada si Natasha dahil nahihirapan itong makaupo.“You're here.” Malungkot nitong sabi, pilit ang ngiti.“Do you need water, Natasha?” Tanong ni Ada.Tumango ng marahan ang babae. Ibinigay ni Ada ang isang basong tubig at pinangalahatian naman iyon ng huli.“T-thank you, Ada.”“How do you feel now?” Tanong niya sa babae.Nanatili ang pilit na ngiti nito at pagkaraan ay bumaling kay
“Nat, huminahon ka.” Lumapit si Ada at hinawakan ang kaniyang balikat.Tiningnan niya ng masama ang babae. Mabilis naman nitong itinikom ang bibig.“How can I calm down, Ada?! He just walk away like that. Hindi pa nga siya nag-iisang oras ay umalis na agad!”Huminga ng malalim ang babae.“Hindi ba babalik din naman siya? Iyon ang sabi ni Greig.”“Shut up!” She fired back.“May pakiramdam akong hindi na babalik si Greig. Aalis na iyon.”Umiling si Ada, pilit siyang kinukumbinsi.“Calm down, okay? Baka mamaya ay biglang bumalik si Greig at makita ka sa ganiyang disposisyon.”Natigilan siya dahil sa sinabi nito. Totoong galit siya at mahirap siyang mapakalma, pero dahil sa sinabi nito'y parang nahimasmasan siya.Kinagat niya ang ibabang labi at nanubig ang gilid ng kaniyang mga mata.“I feel so tired, Ada.” Naiiyak niyang sabi.Ang totoo'y mas lalo siyang nagiging emosyonal dahil sa ilang gamot na iniinom kahit wala naman siyang karamdaman. Alang-alang kay Greig ay tinitiis niya ang peke
Pagkatapos nang gabing iyon ay hindi na sila halos magkita ni Greig. Palagi na mag-isa siyang kumain sa hapagkainan at pagkatapos ay maghapon na siyang nagkukulong sa kuwarto.Noong nakaraan ay bumisita si Gretchen, isinima siya sa mall para mag-shopping ng ilang oras.At kagaya ng sabi nito, puno ng pananabik ang puso nito sa anak na babae kaya naman kahit na pagod na ang kaniyang katawan magsa-shopping ay pinakita niya pa rin na ayos lang.“This looks good on you, Ysa.”Itinaas ni Gretchen ang isang puting signature bag.Umiling siya.“Mom, tatlo na ang nabili nating bag.” Nahihiya niyang sabi.Hindi niya itatanggi na magaganda ang mga pinipili nitong bag, pero hindi bababa sa kalahating milyon ang mga presyo no’n.Hiyang-hiya na siya na mas marami ang dala niyang paperbag kaysa sa babae.Ngumiti ito sa kaniya ng masuyo, hindi pa rin ibinabalik ang hawak na bag.“You don't have enough bags on your closet.” Sabi nito.Natawa siya ng bahagya at lumapit sa babae.“Hindi ko naman po iyo
Tahimik sila buong byahe. Nasa magkabilang dulo silang dalawa at parang may pader na nakapagitan sa kanila.Ngunit napapapikit siya sa tuwing nanunuot sa kaniyang ilong ang pamilyar na pabango ni Greig.It was still so good, she thought.Ngunit sa tuwing nadadala ang kaniyang emosyon ay mabilis niyang kinukurot ang sarili.Parang pabango lang! Nababaliw na talaga siya.Ilang minuto ang lumipas at nakarating din sila sa wakas.Hindi na niya hinintay na pagbuksan siya ng pinto. Lumabas siya at agad napansin na hindi pamilyar sa kaniya ang lugar.Maliit na clinic lamang iyon katabi ng ilan pang establishmento.Naglakad si Greig papunta roon at sumunod naman siya. Nasa likod siya nito nang tumigil ang lalaki dahil nagvibrate ang cellphone nito.He fished it out. Hindi sinasadyang nasulyapan niya ang screen ng cellphone at nakita ang pangalan ng tumatawag.Nakaregister ang pangalang “Snow” sa screen.Saglit na parang tinusok ang kaniyang puso sa nakita. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at
Syempre at hindi iyon isinapuso ni Ysabela. Alam niyang binibiro lamang siya ni Patrick kaya hindi niya ito sinagot.Mas lalong lumaki ang pagkakangiti ng doktor at ikiniling pa bahagya ang ulo.“If you don't say anything I'll take that as a yes.”Nagsalubong ang kanilang tingin. Hindi napapawi ang ngiti nito kaya naman sasagot na dapat siya nang maunahan siya ni Greig.“Why don't you just do your job and stop messing around?” Malamig na saad ni Greig.Tumawa ang lalaki at pagkaraan ay tumango-tango ito.“Of course, I'll treat Ysabela now.” Masaya nitong sabi.Hindi na niya magawang sulyapan si Greig, pero nararamdaman niya ang paninitig nito sa kaniya.Inalis ni Patrick ang kaniyang benda at nakita nito ang sugat. Medyo natigilan pa ang lalaki at pagkaraan ay natahimik.“These would still hurt.” Saad nito.Namutla ang kaniyang mukha.Mababa ang kaniyang pain-tolerance iyon ang alam niya. Makakita lamang siya ng karayom ay parang mahihimatay na siya.At alam niyang alam din iyon ni Gr
"Are you alright, Coleen? Are you hurting somewhere?" Nag-aalalang tanong ng babaeng kasama ni Anais.Napatingin siya sa mukha nito, ngunit hindi niya agad na namukhaan ang babae dahil sa suot nitong mascara. Hindi rin pamilyar sa kaniyang pandinig ang boses nito ngunit ramdam niyang kilala niya ito.Sumulyap si Coleen sa babae at mahina itong sumagot."Yes, Tita Agatha."Agatha...Yvonne's cousin?Tinitigan niya ng matagal ang babae.Naramdaman niya ang biglang pag-akyat ng asido sa kaniyang dibdib. Hanggang ngayon ay naaalala niya pa rin kung paano siya ipinagtabuyan ni Agatha nang minsan siya nitong makita na aaligid-aligid sa mansyon ng mga Santiago habang ibinuburol si Yvonne at Adonis.Malaki ang galit nito sa kaniya. Dahil kay Agatha, naging mahirap para sa kaniya na makalapit kay Yves Santiago. Kahit na nasa ibang bansa ito nitong mga nakaraang taon ay mahigpit pa rin nitong pinapabantayan si Yves Santiago laban sa kaniya.Kung hindi lamang siya mapamaraan ay hindi sana niya
Hindi siya nakatanggap ng imbitasyon, sapat na iyon para malaman niya na hindi siya gustong imbitahan ni Damian Galvez sa kaarawan nito. Nitong lumipas na mga taon, nagkakaroon naman sila ng kaunting interaksyon ni Architect Damian Galvez. Nakakameeting niya rin ang ibang Galvezes. Ngunit hindi gaanong maganda ang relasyon niya sa kanila. Tila mahirap na magkaroon ng malapit na koneksyon sa pamilyang Galvez. Ang totoo niyan, hindi niya rin gusto na magkaroon ng koneksyon sa mga Galvez dahil nagpupukos na siya ngayon sa pagpapalawak ng kaniyang negosyo sa labas ng bansa. Kaya hindi na niya kailangan ng koneksyon sa mga negosyanteng lokal. May negosyo rin naman ang mga Galvez sa ibang bansa, ngunit hindi kagaya niya na mas malawak ang negosyo sa labas ng Pilipinas. "Good evening, Atty." Bati ng isang lalaking miyembro ng security team. Inilahad ni Reinella ang hawak nitong invitation card at ngumiti ng matamis. "Here's my invitation card. Do I still need to show you my ID?
Litong-lito na si Archie. Iba ang nakukuha niyang impormasyon sa impormasyon na gusto niyang matanggap. Kaya nang dumating na ang kaarawan ni Damian Galvez ay hindi na siya nag-atubiling dumalo sa selebrasyon para makakuha ng iba pang impormasyon tungkol sa nobya ni Rizzo Galvez. Kung dadalo siya sa birthday party ni Damian Galvez ay mas malaki ang tyansa na may makalap siyang impormasyon na makakatulong sa kaniya na mapag-aralan ng mabuti ang katauhan ni Anais Acosta. Sa tuwing naiisip niya na kamukhang-kamukha ng nobya ni Rizzo si Yvonne ay naaalala niya palagi na naging magkasintahan noon si Yvonne at si Rizzo. Posible na hanggang ngayon ay hindi pa rin makalimut si Rizzo kay Yvonne... kagaya niya. Baka nabaliw na rin ito kay Yvonne, kaya ngayon na may natagpuang babae na kamukha ni Yvonne ay pakakasalan nito agad. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman na papalit-palit ng babae ang mga Galvez. Habulin ng mga babae ang mga lalaking Galvez kahit na kasal na ang iba. Kaya para magpa
Gabi na nang makauwi si Archie mula sa hospital. Hindi man lang siya nakapagpahinga sa paghahanap ng kasagutan sa mga tanong niya. Ngunit ayon sa nakuha niyang impormasyon, lihitimong anak ni Rizzo ang batang naospital. Anak nito si Coleen sa pagkabinata. Sa Pilipinas ipinanganak ang batang babae, ngunit sa ibang bansa pinalaki. Maliban sa mga impormasyong iyon ay wala na siyang nakuhang iba pa. Hindi na rin nakapagbigay ng impormasyon sa kaniya si Patrick dahil iyon lang din ang laman ng database ng ospital. Binuksan niya ang kaniyang computer pagkauwi galing sa ospital. Sa kaniyang opisina siya tumuloy para tingnan ang pinadalang email ng kaniyang assistant sa kaniya. May sarili siyang office sa kaniyang condo unit. Gusto niyang nakabukod lamang ang kaniyang opisina sa kaniyang kuwarto para maging productive pa rin siya kahit na nasa condo lamang siya. Buong araw yata siyang hindi nagpakita sa kompanya. Nasa ospital lamang siya maghapon, naghahanap ng mga bagay na makakatulong s
Nang manganak siya kay Akhil, bumalik si Yvonne sa pagthetheraphy. Hindi na ito umuuwi sa kanila dahil sa takot na baka masaktan nito si Akhil. Naniniwala ito na hindi ligtas ang kaniyang anak kapag mananatili si Yvonne sa kanilang puder. Pakiramdam palagi ni Yvonne ay magdudulot lamang siya ng panganib sa mga paslit. Kaya kahit sa malayo ay hindi nito matingnan si Akhil. Hindi nito kayang pakinggan ang tawa at iyak ng bata. Agad itong inaatake ng anxiety at parang nababalisa agad. Madalas ay nagkukulong ito sa kuwarto ar hindi na sa kanila nagpapakita. Nang hindi na nito makayanan ay nagpa-alam itong aalis muna para humingi ng tulong sa therapist nito. Nitong nakaraang buwan lang bumalik si Yvonne sa kanila. Hindi pa gaanong maayos ang babae kahit pa halos apat na buwan itong nawala para magtheraphy. Alam niyang malalim ang pinangggalingan nitong sakit kaya hindi niya pwedeng hayaan na lang mas lalong maexpose sa mas mahirap na sitwasyon ang kaniyang pinsan. "I know where yo
"You've already met him?" Tanong niya sa babae. Tumibok ng mabilis ang kaniyang puso at nanatiling malamig ang kaniyang palad. Hindi niya nakita si Archie sa labas. Pero dahil sa sinabi nito, mas lalo siyang naging kabado. Natahimik saglit ang babae. Hindi ito sumagot, ngunit ramdam niya na hindi na niya kailangan na marinig mula sa labi nito ang kasagutan sa kaniyang tanong. Nagkita na nga ang dalawa. "You know that this would happen, right?" Marahan niyang tanong. Huminga ng malalim si Anais bago pagod na pumikit. Umangat ang dibdib nito nang humugot ng malalim na hininga. "I know." Sagot nito pagkaraan. "But I couldn't let my fear control me, Agy." Mahina nitong sambit, tila nabibigatan. "For the past five years, I tried my best to overcome everything that once held me back. Ang tagal kong nagtago. Ang tagal kong natakot." Huminga na naman ito ng malalim. "But I was able to face him without showing much of my fear. I was able to fake my reaction when I saw him." Bumalin
Marahan siyang umiling. Alam niyang mabigat na naman ang loob nito. Ayaw niyang maramdaman muli ng babae ang parehong sakit na naramdaman nito noon, kaya hinaplos niya ng magaan ang likod ng palad nito bago maliit na ngumiti."I know how you feel now. Alam kong nag-aalala ka ng husto kay Coleen, but everything's fine now. Maayos na si Coleen, wala ka nang dapat na ipag-alala."Tumitig siya ng mabuti sa mga mata ni Anais. Gusto niyang makita nito ang sensiridad niya.Kung maaari lamang na pawiin ang lungkot at pagsisisi sa puso nito ay gagawin niya. Ngunit alam niya na kahit anong subok niya, hindi niya iyon magagawa, dahil tanging ito lamang ang mag kakayahan na gawin iyon. Si Anais lamang ang may kakayahan na itaboy ang lungkot sa puso nito at gamutin ang mahapding sugat na dala ng pagsisisi."And a failure doesn't define you as a person. It doesn't define you as a mother. Because motherhood is not a perfect thing. Kahit ako, I'm still learning how to take care of Akhil. May mga pagk
Samantalang kabado si Agatha nang makarating sa pasilyo ng private pediatric ward. Sa elevator pa lang ay hindi na siya mapakali kaya nagmamadali niyang tinahak ang pridadong silid ni Coleen .Naabutan niyang nasa labas si Rizzo at may kausap sa telepono.Nakita niyang tensyunado ang lalaki at mukhang hindi komportable sa taong kausap nito. Hinilot ng lalaki ang sintido bago bumuga ng hangin.Hindi man lang nito napansin ang kaniyang presensya."Dad, I know it's an important meeting. Pero hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang ang anak ko. Coleen has a severe allergy reaction. She needs me now. I don't care about anything else, I just want to make sure that my daughter is safe."Saglit na natahimik si Rizzo, tila pinapakinggan ang sinasabi ng taong nasa kabilang linya."It's not her fault, Dad." Matigas na tugon nito pagkaraan."It's not her carelessness or my daughter's recklessness that caused this. Coleen is fond with furred animals, while Anais is unaware about Coleen's allergy w
Nang mawala sa kaniyang paningin si Agatha ay saka lamang siya bumalik sa kasalungat na pasilyo kung saan naghihintay si Archie sa impormasyon na ibibigay niya. Mabagal ang bawat niyang hakbang habang inaalala ang tensyunadong ekspresyon ng mukha ni Agatha.Bakit nga ba magiging tensyunado si Agatha?Wala naman siguro siyang nagawang kasalanan? Bulong niya sa hangin. Muli niyang naabutan si Archie na tulalang nakaupo sa bench. Malayo ang tingin nito at walang partikular na bagay na tinitingnan. Halatang malalim ang iniisip nito. Pagkalapit sa kaibigan ay naupo na siya sa katabing upuan nito. "The patient's name is Malia Coleen." Panimula niya para makuha ang atensyon ni Archie. At kagaya ng kaniyang inaasahan, mula sa pagkatulala, ay napaangat ito ng tingin sa kaniya. Napansin din sa wakas ang kaniyang presensya, at tila ngayon pa lamang naputol ang sumpa nito na matulala sa kawalan. "Malia Coleen Javier Galvez is her fulle name. She's still young. Her biological father is Riz