Compartir

Chapter 2

Autor: Ms. Nerie
last update Fecha de publicación: 2026-03-17 17:24:33

"Teka, Cassie ano yong sinasabi mo kanina, tatawag ng pulis, bakit may nangyari ba?" naalalang tanong ni Marvin.

"Ahm..." lumingon siya sa estranghero "wala," napayuko si Cassandra.

"Tiyak na matutuwa si Abby na makita ka ngayon Cassie," turan ni Marvin.

Tipid ang naging ngiti niya.

Tumikhim si Ismael. "Marvin, anong oras ba ang kasal mo?" seryosong tanong nito.

"Alas dos," sagot ni Marvin. "Tara na sa hacienda, may dala akong pick-up sumabay na kayong dalawa sakin," sabi nito, kinuha ang mga dala niya.

Sa back seat ng pick up ni Marvin naunang pumasok si Cassandra. Dahil bakante ang katabing upuan ng driver's seat, inakala niyang doon uupo ang bestman ni Marvin. Kung bakit sumunod ito sa kanya at sa backseat din naupo. Nagsumiksik si Cassandra sa pinto ng sasakyan, kahit nalaman niyang kakilala ito ni Marvin, natatakot siya rito.

Ang mga titig, salita at kilos ng lalake ay para bang manlalamon ng buhay!

Napansin siya ni Marvin. "Naku, pasensiya na hindi ko nga pala kayo naipakilala sa isa't-isa. Ismael, siya si Cassandra De Villa, best friend at maid of honor ni Abby. Cassie, siya naman si Ismael Vergara, kaibigan ng pamilya at bestman ko."

"Ismael," naglahad ng kamay ang lalake.

Atubiling makipagkamay si Cassandra.

"Hindi ako nangangain ng tao." sabi nito, matigas ang tinig.

"C-Cassandra" mabilis lang siyang nakipagkamay, pagkatapos nagsumiksik muli sa gilid ng sasakyan.

"Cassie, ang ganda!" bulalas ni Abby ng maisukat ang damit pangkasal. "Thank you, best friend talaga kita!" napayakap ito sa kanya.

"Hindi mo lang alam ang naging kalbaryo ko para lang magawa at maihatid on time yang wedding gown mo." nakalabing sumbat niya.

"Sorry na, babawi ako sayo promise!" iminuwestra pa nito ang hinliliit.

"At paano ka namang makakabawi, aber?" natatawang tanong ni Cassandra.

"Ipapakilala kita sa mga kaibigang haciendero ni Marvin."

"Ano? Abby nakakalimutan mo yatang ikakasal na rin ako," saway ng dalaga.

"Ayun na nga eh, para umurong ka na sa kasal at palitan mo na yang nobyo mo!"

"Abby!"

"Hay, ewan ko ba Cassie! wala talaga akong tiwala kay Janus," tukoy nito sa nobyo niya.

Napabuntong hininga si Cassandra, Isang taon na rin niyang nobyo si Janus. Katabi lang ng boutique niya ang isa sa mga establishment na pag-aari nito, kaya niya nakilala. Kung noon, at nasabi iyon ni Abby baka kinontra niya ang kaibigan, dahil tingin niya kay Janus ay perfect boyfriend- Gwapo, mayaman, responsable at mabait kaya nga kahit ilang buwan pa lang silang magkarelasyon at nagpropose na ng kasal si Janus, agad siyang pumayag na magpakasal dito. Pero habang tumatagal, tila nag-iiba ang ugali nito at nauugnay sa iba't ibang babae. Kaya nagkakaroon na siya ng doubt kung tama ba ang desisyong magpakasal siya rito.

Bente-otso anyos na si Cassandra, nasa tamang edad at stable na. Pangarap na lang niya ngayon ay ang maikasal sa tamang lalake at makabuo ng masayang pamilya. Solong anak din siya, ang mga magulang niya ay masagana at tahimik na namumuhay sa Bohol. Maging ang mga ito, matagal na rin siyang kinukulit na mag-asawa na.

Tumayo si Cassandra sa kinauupuan at suminghap ng sariwang hangin. Mula sa terrace ng kwarto nina Abby, matatanaw ang ganda at lawak ng ekta-ektaryang lupain na pag-aari ng pamilya ni Marvin. Masaya siya para sa kaibigan, mabait ang mapapangasawa nito, maging ang angkan ni Marvin. Bukod sa alam niyang nagmamahalan sina Marvin at Abby, naiintindihan niya kung bakit mas pinili ng kaibigan na manirahan malayo sa maingay at mabilis na mundo ng Maynila. Kahit pa kung tutuusin sa kanilang dalawa, si Abby ang inaakala ng marami na hindi tatagal sa ganito katahimik na lugar, dahil liberated ito, at sanay sa night life. Samantalang siya ay may pagka-Maria Clara, konserbatibo at sa bridal shop lang umiikot ang mundo niya. Hindi nga nila alam kung paano silang naging magkaibigan, gayong magkaiba ang hobby nila.

Nasa ibaba ang mga tauhang abala sa paghahanda sa magaganap na engrandeng kasalan mamaya. Naroon ang lalakeng si Ismael, bukod tanging si Marvin lang at mga biyenan ni Abby ang lumalapit at nakikipag usap sa lalake. Dahil ang karamihan ay ilag at umiiwas dito.

"Hindi nakabawas sa gandang lalake niya ang peklat niya sa pisngi nu?" sinundan pala siya ng kaibigan at may himig tudyo ang tinig nito.

"Ha!?" napalingon siya kay Abby.

"Kaibigan siya ni Marvin, siya si Ismael Vergara, 35 years old lang pero siya na ang pinakamayamang haciendero dito sa San Fernando, mabait yan si Ismael," komento ni Abby.

"Nagkakilala na kami kanina,"

"Talaga!? nag meet na kayo kanina?"

Tumango si Cassandra, "long story at mabait? kung mabait yang bestman ni Marvin, bakit parang takot na takot sa kanya ang mga tao rito?"

"Cassie, may masamang tsismis kasi rito tungkol kay Ismael ang pinaniniwalaan ng mga tao, pero kami ni Marvin at ang pamilya niya naniniwalang mabuting tao si Ismael." paliwanang ni Abby.

Nagkibit balikat siya.

Naramdaman marahil ni Ismael na ito ang pinag-uusapan nila, kaya tumingala ang lalake, saktong nagtama ang mga mata nila. Hindi naging komportable si Cassandra, hinila niya si Abby pabalik sa upuan.

Natapos ang seremonya ng kasal, maging ang masaganang kainan sa malawak na bakuran ng hacienda. Kasalukuyang nagaganap ang paghagis ng bouquet ng bride sa mga kababaihang gusto ng isunod na makasal. Kung bakit si Cassandra na nasa dulo na at ayaw namang makipag-agawan sa bouquet, siya pa ang nakasalo!

Nayakap siya ng bride na si Abby sa labis na tuwa. "Happy for you Cassie! ikaw na ang susunod na ikakasal, pero huwag sana kay Janus!" sabi nito.

Napailing si Cassandra.

Ayon sa host ng kasal, pagkatapos ng traditional bouquet toss, garter toss naman ang gagawin ng bride at groom. Kung saan, kukunin ng groom ang garter na nasa hita ng kanyang bride at ihahagis iyon sa mga unmarried male guests.

Naupo na ang bride na si Abby sa bride chair, habang ang nobyong si Marvin ay pilyong lumuhod na rin sa harap nito. Tilian at hiyawan ang mga bisita, nang i-angat na ni Marvin ang laylayan ng wedding gown ng kanyang bride at kunin ang garter sa pamamagitan ng bibig. Si Abby panay ang hagikhik.

Habang si Cassandra ay kinakabahan, ang ibabatong garter ay isusuot sa kanya ng sinumang makakasalo, dahil siya ang nakakuha ng bouquet ng bride.

Naghanda na si Marvin upang ihagis sa mga nagkakantiyawang eligible bachelor's ang garter, nasa likod niya ang mga ito. Lahat ay napatingala upang alamin kung sino ang makakasalo. Walang iba kung hindi ang lalakeng tahimik na nakatayo sa dulo. Si Ismael!

Dumoble ang kaba ni Cassandra...

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Falling In love to my Ex Dangerous Uncle    Chapter 15

    Napaatras si Cassandra, at sa sobrang taranta, dumulas mula sa kanyang katawan ang tuwalya. Tumambad kay Ismael ang hubo't hubad niyang katawan. Nakita niyang lumunok si Ismael, at sa takot na baka siya ay sungaban, kusang pumikit ang kanyang mga mata nang lumapit ito. Ngunit sa halip na gawin ang inaakala niya, pinulot lamang ng kanyang asawa ang nahulog na tuwalya at marahang ibinalot muli sa kanyang katawan. "Hindi ka pa daw naghahapunan, sabi ni Manang Saning. Tapusin mo na ang pagligo mo; dinalhan kita ng pagkain," sabi nito at tumalikod na. Pulang-pula ang mukha ni Cassandra sa hiya. Nasa bedside table nga ang pagkaing binanggit ni Ismael, ngunit bago pa man niya ito magalaw, may kumatok. Pumasok si Ismael, bitbit ang isang baso ng gatas, na itinabi nito sa tray ng pagkain. "Bakit hindi ka pa kumakain?" tanong nito. "Papatuyuin ko muna ang buhok ko," sagot niya sabay labas ng hair dryer. Umupo si Ismael sa gilid ng kama, habang siya naman ay nasa harap ng dressing

  • Falling In love to my Ex Dangerous Uncle    Chapter 14

    "Bakit ka nandito? Sinong kasama mo?" ulit tanong ni Ismael, kunot ang noo, mababa pero nanunukat ang tinig. "Ah..ano si Noriel, sige aalis na ko" nataranta siya. "Sino? Cassandra!" tawag ng asawa. Hindi na siya lumingon, diretso siya sa mabilis na paglalakad. Pagbalik nila sa malaking bahay, may mga taong nagla-landscape na ng hardin. Nang malapit nang matapos ang gawain at naglalagay na lamang ng mga halaman at bulaklak, tumulong at nagbigay ng mungkahi si Cassandra. "Ang ganda nito! anong bulaklak to?" bulalas na tanong ni Cassandra kay Noriel. Ibinigay sa kanya ang kulay rosas-mahogany na bulaklak. "Waling waling orchid po, tanim ito sa bahay namin 'kako baka magustuhan mo kaya dinala ko," sagot nito. "Salamat Noriel," nakangiting pasasalamat ni Cassandra. "Pwede pong ilagay sa vase yan," ani Noriel. "Sige ilalagay ko sa flower vase ng kwarto ko, salamat ulit." Nagpitas din ng mga pulang rosas si Cassandra, plano niyang idagdag sa ilalagay sa plorera. Hindi si

  • Falling In love to my Ex Dangerous Uncle    Chapter 13

    "Namatay yong mga alagang manok, nakawala sa kulungan, napagdiskitahan ni Bulldog, nakapasok pa sila dito sa bahay kaya nagkalat ang dugo, para hindi mamaho kinatay na ni Ismael kagabi ang mga manok at ayun, pinamigay sa mga tao dun sa sakahan." paliwanag ni Manang Saning ang sinasabing Bulldog ay ang alagang aso ni Ismael. Napabuga siya ng hangin at tila nabunutan ng tinik. "Hindi po ba napapadpad dito sina Tito Arsenio at Janus?" "Yong step brother at pamangkin ni Ismael? Bawal sila rito, tiyak na magkakagulo," halata na ang pag iwas ni Manang Saning sa paksang iyon dahil nagpaalam ng may iba pang gagawin.. Oras ng hapunan, Parang fiesta sa dami ng pagkaing nakalatag sa dining table. Pero mag isa lang yatang kakain si Cassandra. "Hindi pa po ba nakabalik si Ismael?" tanong niya sa kasambahay. "Hindi pa hija," sagot ni Manang Saning. "Hindi uuwi ng bahay si Ismael ngayon, sa kubo siya matutulog," isang parating na babae ang sumagot sa tanong ni Cassandra. All black ang suot,

  • Falling In love to my Ex Dangerous Uncle    Chapter 12

    Natakpan ni Cassandra ang bibig, pigil ang mapasigaw. Nang biglang lumingon sa gawi niya si Ismael, tumakbo siya paakyat sa silid niya at ni-lock ng maigi ang pinto. Alam niyang walang tigil ang katok nito sa labas, ngunit hindi siya nagbukas ng pintuan. Maliwanag na sa labas, mahihinang katok ang nagpagising kay Cassandra. Ayaw pa sana niyang pagbuksan si Ismael, pero walang mangyayari kung iiwasan niya ito. Binuksan niya ang pinto. "Ismael kung----" "Magandang umaga hija, ako si Manang Saning isa sa mga kasambahay, dinala ko na ang almusal mo," nakangiting bati ng isang matandang babae, marahil ay nasa singkwenta na ito, may dalang tray ng pagkain. Natigilan si Cassandra. "M-magandang umaga rin ho..salamat sa pagdala ng pagkain," atubili siyang abutin ang tray. "Walang anuman, kung may kailangan ka, nasa ibaba lang ako," nagpaalam na ang matanda. "Manang Saning, nasaan po si I-Ismael?" habol na tanong ni Cassandra. "Nasa bakahan, may manganganak kasing inahin, mamaya uuwi l

  • Falling In love to my Ex Dangerous Uncle    Chapter 11

    Napatingin si Cassandra kay Ismael. "Pero, hindi ko po siya.." nalito siyang bigla. "Cassandra, nag li-live in na kayo ng nobyo mo, kahit pa ba nasa tamang edad kana masama pa ring tingnan ang nagsasama na kayo ng hindi pa kasal," sabi ng ina, dito niya namana ang pagiging konserbatibo. Through video call lang nakakausap ng mga magulang niya si Janus, at madalang pa, kaya hindi siguro matandaan ng mga ito na hindi naman talaga niya nobyo ang lalakeng kasama kagabi. Muli siyang tumingin kay Ismael upang kunin ang opinyon nito, pero kaswal lang naman ang kilos nito. Maya-maya'y nagpaalam si Ismael na may tatawagan. Civil wedding ang naging kasal nila, mga magulang ni Cassandra, ang judge at dalawang kakilala lang ni Ismael ang kanilang mga saksi. Suot pa rin ni Cassandra ang pangarap at ginawa niyang wedding gown, natuloy din ang kasal niya mas maaga kaysa sa orihinal na petsa, ang kaibahan. Iba ang naging groom niya.. Ang kinatatakutang tiyuhin ng dati niyang nobyo! Matapos ang

  • Falling In love to my Ex Dangerous Uncle    Chapter 10

    Iba ang sensasyong hatid sa kanya... Kusang kumilos ang labi niya upang gantihan ang bawat galaw ng labi ni Ismael. Dahilan upang uminit ang pagitan nila.. Dahan-dahan silang bumangon sa sofa, at hindi niya alam kung paanong mabilis nilang natawid ang kama at naihiga siya roon ni Ismael, habang walang puknat ang mga labi nila sa isa't isa. Walang ideya ang dalaga kung saan napunta ang pagkailang at takot niya sa lalake, basta ang alam niya gusto niya ang ginagawa ni Ismael at gusto niyang higitan pa nito ang pagpaparamdam sa kanya. Mabilis na natangggal ni Ismael ang suot niyang bestida, maging ang kanyang bra, tanging underwear lang ang naiwan.. Nakaramdam siya ng hiya pero mas nananaig ang nag-iinit sa loob niya. Bumaba ang mga halik ni Ismael sa leeg niya, nang bumaba pa iyon sa bilugan niyang mga d*bd*b, napaliyad si Cassandra. Kiliti..sarap ang nararamdaman niya... Higit ng sips*pin nito ang tuktok sa kanang d*bdib niya, habang nil*lamas naman ng ekspertong kamay

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status