MasukBalak pa sanang makipag-agawan ng iba—
ngunit nang makitang si Ismael ang nakasalo, isa-isa silang umatras. “Cassie!” nilapitan siya ng excited na bride. “Alam mo ba ang paniniwala? Kung sino man ang pares na nakasalo ng bouquet at garter, sila ang magkakatuluyan!” Hindi pa nakakapag-react si Cassandra nang hilahin siya ng kaibigan—at pinaupo sa bride chair. “Abby!” pabulong na saway niya. Kinindatan lang siya nito. “It’s your turn, Ismael!” kinikilig na sabi ni Abby. Lumapit si Ismael, seryoso at tahimik lang—tila alam na alam ang gagawin. “Relax,” mababang sabi nito, marahil napansin ang bahagyang panginginig niya. Napakapit si Cassandra sa upuan nang yumuko ito, at maramdaman ang mainit na hininga ni Ismael sa binti niya. Nagtayuan ang mga balahibo niya sa batok. Akala niya’y isusuot ang garter gamit ang bibig gaya ng ginawa ni Marvin. Pero hindi. Maingat lang nitong inilagay iyon gamit ang kamay. Pero pakiramdam ni Cassandra—may kakaiba. Tahimik lang si Ismael… pero parang mas lalo siyang kinakabahan. Pagkasuot—agad na tumayo si Cassandra. “O-okay na,” sabi niya, pilit na kinakalma ang boses. Hindi na siya tumingin. Pero ramdam niya—nakatitig pa rin ito sa kanya. Tumayo rin si Ismael. At sandaling kumibot ang sulok ng labi nito. Nagpatuloy ang selebrasyon. Nakaupo si Cassandra sa isang bilog na mesa kasama ang ilang kamag-anak ni Marvin. Maya-maya—may lumapit na isa sa mga groomsmen. “Boyet Lagro,” pakilala nito. Anak umano ng mayor sa kabilang bayan. Ngumiti si Cassandra—magalang. Pero nang makipagkamay siya— napansin niyang humigpit ang hawak nito. May kahulugan. Pagkatapos akma pang hahalikan ang likod ng kamay niya. Agad niyang binawi. May kakaiba sa kilos ng lalaki. Mayabang. Presko. Umupo ito sa tabi niya—masyadong malapit. Inusog niya ang upuan palayo, inusog rin palapit sa kanya. “Mr. Lagro, may problema ba?” mariin niyang tanong, matalim ang tingin. Pero tila hindi iyon pansin ni Boyet. Nakatitig lang ito sa kanya, nakangisi. Tumingin siya sa mga kasama sa mesa, pero abala ang lahat sa panonood sa bagong kasal na sumasayaw. Ilang sandali pa, isa-isa silang tumayo upang magkabit ng pera para sa money dance— kasabay ng paglapit ni Ismael sa mesa nila. Blangko ang ekspresyon nito at mabigat ang presensya. Tumayo si Cassandra. Hindi siya komportable sa dalawang lalakeng kasama niya sa mesa. Magalang siyang magpapaalam sana, pero bago pa siya makahakbang—hinawakan at hinaplos nang bastos na si Boyet ang braso niya! Umigkas ang kamay ni Cassandra para sampalin ito. Ngunit bago pa dumapo ang palad niya— SHHHHK! may kumislap na bakal. Isang bread knife— nakaamba sa lalamunan ni Boyet. Kagagawan ni Ismael! Mabilis itong nakalapit, nagtatagisan ang mga ngipin. Isang maling galaw lang ni Boyet, tiyak na malalaslas ang lalamunan nito. “T-teka, Ismael!” natatakot na sabi nito, pinagpawisan ng malamig. Inawat si Ismael ni Don Marcial, ama ni Marvin. Lumapit din si Marvin kaya nahinto ang money dance ng bagong kasal. “Okay ka lang?” nilapitan siya ni Abby. Tumango si Cassandra, pero halata pa rin ang gulat at takot sa sistema niya. “Buti nga sa maniac na ‘yan! Kung ako kay Ismael, tinuluyan ko na ‘yan!” sambit ni Abby. “Abby!” saway niya. Naawat din kalaunan si Ismael at binitawan si Boyet. Sandaling kinausap ito ni Don Marcial—at maya-maya, tila maamong tupa na lumapit si Boyet upang humingi ng paumanhin kay Cassandra. Tinapik-tapik ni Marvin ang balikat ni Ismael para pakalmahin. Nang tuluyan itong humarap— saglit na nagtama ang mga mata nila. Pero agad ding umiwas ng tingin si Cassandra. Naiinis siya kay Boyet. Pero mas natakot siya at nagulat sa ginawa ni Ismael. Kaya pala takot ang lahat dito. Agresibo ito. Bayolente. Mapanganib. Ipinahatid si Boyet ni Don Marcial pauwi. Pagkatapos nag-abiso na ituloy ang kasiyahan. Nagbalik ang kasiyahan—parang walang nangyaring komosyon. Kinabukasan, pabalik na ng Maynila si Cassandra. Ihahatid siya ni Mang Paeng, isa sa mga tauhan ni Don Marcial. Isinasakay na nito ang mga gamit niya sa sasakyan habang nagpapaalam siya sa kaibigan. Nakita ni Abby si Ismael na paalis na rin, papasok na sa isang itim na Suzuki Jimny. “Cassie! Paluwas din pala ng Maynila si Ismael! Gusto mo bang sumabay na lang sa kanya?” malakas na sigaw ni Abby, sadyang ipinarinig iyon sa lalaki. Napahinto si Ismael sa pagsampa at hinintay ang sagot niya. Todo iling si Cassandra. Naningkit ang mga mata ni Abby sa panunukso. Habang si Ismael, bahagyang napailing. Bago ito tuluyang makapasok ng sasakyan— saglit silang nagkatitigan. At sa sandaling iyon— may kung anong nagsabi sa kanya… hindi pa tapos ang lahat sa pagitan nila.Sa di-kalayuan...Mabibilis ang hakbang ni Ismael habang akmang susundan si Senyor.Ngunit napahinto ang mga paa niya nang makita ang mag-ama sa gilid ng kalsada.“Janus?”Nanlaki ang kanyang mga mata.Nakahandusay ang pamangkin sa bisig ni Arsenio. Maputla ang mukha ni Janus at duguan ang damit, habang tila wala nang buhay.Sandaling natigilan si Ismael.Napahigpit ang kanyang panga.Janus...Ngunit sa kabila ng pagkabigla, mabilis niyang ibinaling ang tingin sa papalayong sasakyan ni Senyor.Nasa kamay nito sina Mirasol at Cassandra.Kailangan niyang magmadali.“Indira!”Madiin ang kanyang tawag.Agad na lumapit si Indira.“Dalhin n'yo si Janus sa pinakamalapit na ospital. Ngayon na!”Tumango si Indira at agad na lumapit kay Arsenio.Hindi na nag-aksaya ng oras si Ismael. Mabilis siyang sumakay sa sasakyan at isinara ang pinto. Kumapit ng mahigpit ang mga kamay niya sa manibela, habang mariing nakatitig sa direksiyong tinahak ni Senyor.Hindi niya alam kung ano ang maaaring gawin ni
“Papa, bakit mo ginawa ’yon?” napakamot sa batok si Janus habang palinga-linga sa paligid. Pilyo siyang ngumiti, ngunit kapansin-pansin ang kaba sa mga mata. “Paano kapag nalaman ni Senyor na ikaw ang tumulong sa kanila at namaril sa mga tauhan niya?”Tahimik na ibinaba ni Arsenio ang baril na hawak niya.Nakatayo siya sa likod ng makakapal na puno, bahagyang natatabingan ng mga dahon ang kanyang katawan. Gusot na ang manggas ng suot niyang dark polo, at bahagyang nakataas ang laylayan nito dahil sa mabilis na pagkilos kanina. “Hindi niya malalaman.”Mababa ngunit matatag ang kanyang boses.Saglit siyang tumingin kay Janus.“Panahon na para pabagsakin si Senyor.”Natigilan si Janus.Unti-unti niyang naunawaan na hindi basta-basta ang ginawa ng kanyang ama.Hindi ito aksidente.Hindi rin ito simpleng pagtulong.Matagal nang pinag-isipan ni Arsenio ang sandaling ito.Muli siyang sumilip sa pagitan ng mga dahon.Sa malayo, nakita ni Arsenio si Rey na pilit na pinoprotektahan sina Miraso
“Rey, sino sila?” kinakabahang tanong ni Cassandra habang mahigpit na hawak ang kamay ni Mirasol sa tabi niya sa backseat.Mula sa likuran, sunod-sunod na umalingawngaw ang mga putok ng baril. Pinaulanan ng bala ng mga itim na sasakyang humahabol sa kanila ang sasakyan ng mga tauhan ni Rey.Napalingon si Mirasol sa likuran.Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang mga sasakyang mabilis na sumusunod sa kanila.“Cassandra...” mahina nitong sambit, bakas ang panginginig sa boses.Saglit na napatingin si Rey sa side mirror bago muling ibinalik ang tingin sa daan. Kumuyom ang kanyang panga habang mas mahigpit na kumapit sa manibela.“Mga tauhan sila ni Senyor,” sagot niya.Biglang bumilis ang paghinga ni Cassandra.“Ano?!” halos sabay na gulat na tanong nilang dalawa ni Mirasol.Sa sobrang kaba, napayakap si Cassandra kay Mirasol. Agad naman siyang niyakap ng matanda, pilit na pinapakalma ang sarili.Sa likuran nila, lalo pang lumalapit ang mga itim na sasakyan.“Rey...” nanginginig na sa
“What makes you think that just because you caught me, you've already won?”Patuloy sa paghuhuramentado si Nicole habang pilit siyang ipinapasok ni Indira sa isang maliit na silid sa pinakadulong bahagi ng beach house.Walang gaanong laman ang kuwarto—isang lumang kahoy na mesa, isang matibay na upuan sa gitna, at isang maliit na bintanang may makakapal na bakal na rehas. Tahimik at malamig ang silid, halos walang ibang maririnig kundi ang yabag ng kanilang mga paa at ang mahinang langitngit ng pinto.“Ang ingay mo, Nicole! Naririndi na ang tenga ko sa'yo,” reklamo ni Indira.Mariin nitong itinulak si Nicole papasok at pinaupo sa upuan. Kumuha ito ng matibay na tali at mabilis na itinali ang magkabilang pulsuhan ni Nicole sa likuran ng sandalan. Sinigurado niyang mahigpit ang pagkakatali upang hindi ito basta makawala.“What the hell! Let me go!” sigaw ni Nicole habang pilit na nagpupumiglas.“Pakawalan? In your dreams!” sarkastikong sagot ni Indira bago tuluyang lumabas ng silid.Mab
May kakaibang ikinikilos ang nagpapanggap na Elena, mula pa kanina ay tila balisa ito at palinga-linga.Kanina pa iyon napapansin ni Cassandra.Palihim niya itong sinundan habang papunta sa silid na inookupahan nito sa beach house.Tahimik na isinara ni Elena ang pinto.Huminto si Cassandra sa labas at marahang lumapit, halos hindi humihinga upang hindi makagawa ng anumang ingay.Narinig niyang may kausap ito sa cellphone.Fluent na fluent itong nagsasalita sa Ingles.Kumunot ang noo ni Cassandra.'Bakit parang pamilyar ang boses niya? At sino ang kausap niya?'Mas lalo pa siyang lumapit sa pinto.Halos idikit na niya ang tainga habang pinakikinggan ang usapan sa loob, ngunit hindi malinaw sa kanya ang pinag-uusapan ng mga ito.Makalipas ang ilang sandali, tumahimik ang silid.Narinig niya ang mahinang kalabog ng isang pinto.'Pumasok siya sa banyo...'Hindi nagtagal ay narinig niya ang lagaslas ng tubig mula sa shower.Napalunok si Cassandra.Unti-unting nanaig ang kanyang kuryosidad
Sabay na napalingon sina Mirasol at Elena nang makita ang humahangos na si Ismael.“Ismael, hijo, may kailangan ka ba?” nagtatakang tanong ni Mirasol.Napahinto si Ismael ilang hakbang ang layo sa kanila.Marahan siyang huminga upang pakalmahin ang sarili.Nang makitang maayos at ligtas ang kanyang ina, bahagyang gumaan ang kanyang pakiramdam.Ngunit palihim na kumuyom ang kanyang kamao.Nasa likod lamang ng kanyang ina ang babaeng nagpapanggap na Elena—isang impostor na tiyak na tauhan ni Senyor. Tahimik itong nakaalalay sa wheelchair ni Mirasol na tila walang anumang itinatagong kasamaan.“K-Kumustahin ko lang po sana kayo,” sabi ni Ismael, kinokontrol ang sarili. Pagkatapos ay ibinaling niya ang tingin kay Elena.“Tungkol din po sa nangyari kanina.”Saglit na nagtama ang kanilang mga mata.Bahagyang namula ang pisngi ni Elena at mahinhin itong yumuko, tila nailang sa titig ni Ismael.Ngunit sa likod ng inosente nitong anyo, alam ni Ismael na ibang tao ang nasa kanyang harapan.“Si
"Divina,"“Ismael!” Halata ang pagliwanag ng mukha ng babae nang sa unang pagkakataon ay lumapit si Ismael sa kanya.Ngunit agad ding naglaho ang ngiti niya nang mapansing malamig at walang itong emosyon."Nandito ako sa paboritong lugar ni Mama Mirasol… ah, ng Mama mo," napalunok si Divina nang ma
“Teka, Cassie… ano ‘yong sinasabi mo kanina? Tatawag ng pulis—may nangyari ba?” naalalang tanong ni Marvin. “Ahm…” napalingon siya sa estranghero. “Wala,” maikling sagot ni Cassandra, sabay iwas ng tingin. “Tiyak na matutuwa si Abby na makita ka ngayon, Cassie,” dagdag ni Marvin. Tipid lang an
Alas-sais ng umaga— at nasa maling lugar si Cassandra De Villa. Kung may isang bagay na kinaiinisan niya, iyon ay ang gumising nang ganito kaaga. Pero mas malala ang sitwasyong kinalalagyan niya ngayon— nakasiksik sa loob ng isang bus na halos wala nang mahingahan. Sira ang kotse niya. Bigla
Dalawang palapag ang bridal shop ni Cassandra sa Sampaloc, Manila. Nagsisilbi na rin itong bahay niya, dalawa ang staff, sina Emma at Judith, pero uwian naman ang mga ito. Kaya mag isa lang siya sa gabi. Tuwang tuwa ang dalawa nang i-abot niya ang mga pasalubong na buko pie at kapeng barako. Mata







