Mag-log inDalawang palapag ang bridal shop ni Cassandra sa Sampaloc, Manila. Nagsisilbi na rin itong bahay niya, dalawa ang staff, sina Emma at Judith, pero uwian naman ang mga ito. Kaya mag isa lang siya sa gabi.
Tuwang tuwa ang dalawa nang i-abot niya ang mga pasalubong na buko pie at kapeng barako. Matapos lantakan ng mga ito ang buko pie ay nagsipagbalik na sa trabaho. Sa kanyang design room, abala si Cassandra sa pag sketch ng kanyang mga bagong design, kumatok si Judith sa pinto, nakangiti ito at may hawak na bouquet of roses, "Ma'am Cassie, flower delivery for you, from Sir Janus!" "Palagay na lang diyan Judith, salamat." inginuso niya ang mesa. Tumalima naman ang huli. Saktong paglabas ni Judith, tumawag ang nobyong si Janus, kinukumusta nito ang pagpunta niya sa San Fernando at kung natanggap niya ang padalang bulaklak. Balak niya sanang magsangguni sa nobyo ng ibang detalye tungkol sa kasal nila sa susunod na buwan, ngunit tila hindi nito gusto ang paksang iyon dahil mabilis na nagpaalam at pinatay na ang tawag. Napabuntong hininga si Cassandra at napatingin sa mannequin kung saan nakasuot ang elegante at napakagandang wedding gown, na siya mismo ang nagdesign at ito ang nakaplanong susuotin niya sa kasal nila ni Janus. Ewan ba, pero parang hindi na siya nasasabik na suotin ang damit pangkasal! Lumabas siya ng design room, dahil nakarinig si Cassandra ng tila naghuhurumentadong kliyente at naroon iyon sa fitting room. "Emma, anong nangyari?" tanong niya sa tauhan. "Ma'am Cassie, lahat na ng gown nasukat niya pero walang magkasya, malaki na kasi yong..." inginuso ni Emma ang customer na buntis pala, tantiya niya nasa tatlo o apat na buwan na ang tiyan nito. Pinipilit ng babaeng isuot ang wedding gown kahit masikip na at iniipit ang tiyan. Pinipigilan ito ni Judith, na lalong ikinakagalit nito. Kalmadong nilapitan ni Cassandra ang customer, "Hello mam, I'm Cassandra designer and the owner of this boutique, kung gusto niyo po ang design na ito pwede kong i-adjust ang beywang at-----" "No need! maghahanap na lang ako ng ibang boutique!" padaskol na sagot ng babae, hinubad ang gown at kinuha ang handbag. Dinukot ang cellphone at may tatawagan. Dahil padabog ang kilos nito, nalaglag ang cellphone. Si Cassandra ang yumuko upang kunin iyon, at i-abot sa buntis. Wala naman siyang pakialam sa personal na buhay nito, ngunit napakunot ang noo niya ng makita ang wallpaper ng phone nito. Ang babae ang naroon, at may kayakap itong lalake... Kamukha iyon ni Janus! "Akin na nga yan!" inagaw nito ang cellphone sa kamay ni Cassandra, at nag-dial ng number. "Hello..Janus babe," maarteng sabi ng babae sa kausap. Nagkatinginan sila ni Judith, nakita rin pala ng staff niya ang kasama ng buntis sa wallpaper ng phone nito. Coincidence lang ba? Upang masagot ang mga agam-agam, nagpasya si Cassandra na puntahan ang nobyo sa opisina nito. Sabi ng sekretarya ni Janus, naroon ito sa private office nito, ngunit may bisitang kamag-anak, kaya naghintay siya sandali. Maya-maya'y nakarinig siya ng tila nagtatalo sa loob, napilitan siyang pumasok tutal bukas naman ang pinto. "Janus!?" nasambit ni Cassandra. Naabutan niya ang nobyo na sukol sukol sa pader ng isang galit na lalake. May dugo ang gilid ng labi ni Janus at nakataas ang dalawang kamay na para bang sumusuko dahil may nakatutok na baril dito! Nakatalikod sa gawi niya ang gustong pumatay sa nobyo, kaya hindi niya makita ang mukha. Kung bakit bigla na lang siyang lumapit sa mga ito at pumagitna, iniharang niya ang katawan upang takpan si Janus. "Huwag!" matapang niyang isinigaw, kahit na ang kanyang mga mata ay kusang pumikit, hindi kayang saksihan ang maaaring mangyari. "Nagtatago ka sa saya ng babae Janus!?" pamilyar ang nakakatakot na tinig ng lalakeng may hawak ng baril. "Uncle Ismael, sinabi ko ng wala akong kasalanan," wika ni Janus. Doon napamulat ng mga mata si Cassandra. "Ismael?" Si Ismael nga!! ang bayolenteng lalakeng may mahabang peklat sa pisngi, ang bestman ni Marvin na nakadaupang palad niya 3 days ago. Uncle? Tiyuhin ito ni Janus!?Sa di-kalayuan...Mabibilis ang hakbang ni Ismael habang akmang susundan si Senyor.Ngunit napahinto ang mga paa niya nang makita ang mag-ama sa gilid ng kalsada.“Janus?”Nanlaki ang kanyang mga mata.Nakahandusay ang pamangkin sa bisig ni Arsenio. Maputla ang mukha ni Janus at duguan ang damit, habang tila wala nang buhay.Sandaling natigilan si Ismael.Napahigpit ang kanyang panga.Janus...Ngunit sa kabila ng pagkabigla, mabilis niyang ibinaling ang tingin sa papalayong sasakyan ni Senyor.Nasa kamay nito sina Mirasol at Cassandra.Kailangan niyang magmadali.“Indira!”Madiin ang kanyang tawag.Agad na lumapit si Indira.“Dalhin n'yo si Janus sa pinakamalapit na ospital. Ngayon na!”Tumango si Indira at agad na lumapit kay Arsenio.Hindi na nag-aksaya ng oras si Ismael. Mabilis siyang sumakay sa sasakyan at isinara ang pinto. Kumapit ng mahigpit ang mga kamay niya sa manibela, habang mariing nakatitig sa direksiyong tinahak ni Senyor.Hindi niya alam kung ano ang maaaring gawin ni
“Papa, bakit mo ginawa ’yon?” napakamot sa batok si Janus habang palinga-linga sa paligid. Pilyo siyang ngumiti, ngunit kapansin-pansin ang kaba sa mga mata. “Paano kapag nalaman ni Senyor na ikaw ang tumulong sa kanila at namaril sa mga tauhan niya?”Tahimik na ibinaba ni Arsenio ang baril na hawak niya.Nakatayo siya sa likod ng makakapal na puno, bahagyang natatabingan ng mga dahon ang kanyang katawan. Gusot na ang manggas ng suot niyang dark polo, at bahagyang nakataas ang laylayan nito dahil sa mabilis na pagkilos kanina. “Hindi niya malalaman.”Mababa ngunit matatag ang kanyang boses.Saglit siyang tumingin kay Janus.“Panahon na para pabagsakin si Senyor.”Natigilan si Janus.Unti-unti niyang naunawaan na hindi basta-basta ang ginawa ng kanyang ama.Hindi ito aksidente.Hindi rin ito simpleng pagtulong.Matagal nang pinag-isipan ni Arsenio ang sandaling ito.Muli siyang sumilip sa pagitan ng mga dahon.Sa malayo, nakita ni Arsenio si Rey na pilit na pinoprotektahan sina Miraso
“Rey, sino sila?” kinakabahang tanong ni Cassandra habang mahigpit na hawak ang kamay ni Mirasol sa tabi niya sa backseat.Mula sa likuran, sunod-sunod na umalingawngaw ang mga putok ng baril. Pinaulanan ng bala ng mga itim na sasakyang humahabol sa kanila ang sasakyan ng mga tauhan ni Rey.Napalingon si Mirasol sa likuran.Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang mga sasakyang mabilis na sumusunod sa kanila.“Cassandra...” mahina nitong sambit, bakas ang panginginig sa boses.Saglit na napatingin si Rey sa side mirror bago muling ibinalik ang tingin sa daan. Kumuyom ang kanyang panga habang mas mahigpit na kumapit sa manibela.“Mga tauhan sila ni Senyor,” sagot niya.Biglang bumilis ang paghinga ni Cassandra.“Ano?!” halos sabay na gulat na tanong nilang dalawa ni Mirasol.Sa sobrang kaba, napayakap si Cassandra kay Mirasol. Agad naman siyang niyakap ng matanda, pilit na pinapakalma ang sarili.Sa likuran nila, lalo pang lumalapit ang mga itim na sasakyan.“Rey...” nanginginig na sa
“What makes you think that just because you caught me, you've already won?”Patuloy sa paghuhuramentado si Nicole habang pilit siyang ipinapasok ni Indira sa isang maliit na silid sa pinakadulong bahagi ng beach house.Walang gaanong laman ang kuwarto—isang lumang kahoy na mesa, isang matibay na upuan sa gitna, at isang maliit na bintanang may makakapal na bakal na rehas. Tahimik at malamig ang silid, halos walang ibang maririnig kundi ang yabag ng kanilang mga paa at ang mahinang langitngit ng pinto.“Ang ingay mo, Nicole! Naririndi na ang tenga ko sa'yo,” reklamo ni Indira.Mariin nitong itinulak si Nicole papasok at pinaupo sa upuan. Kumuha ito ng matibay na tali at mabilis na itinali ang magkabilang pulsuhan ni Nicole sa likuran ng sandalan. Sinigurado niyang mahigpit ang pagkakatali upang hindi ito basta makawala.“What the hell! Let me go!” sigaw ni Nicole habang pilit na nagpupumiglas.“Pakawalan? In your dreams!” sarkastikong sagot ni Indira bago tuluyang lumabas ng silid.Mab
May kakaibang ikinikilos ang nagpapanggap na Elena, mula pa kanina ay tila balisa ito at palinga-linga.Kanina pa iyon napapansin ni Cassandra.Palihim niya itong sinundan habang papunta sa silid na inookupahan nito sa beach house.Tahimik na isinara ni Elena ang pinto.Huminto si Cassandra sa labas at marahang lumapit, halos hindi humihinga upang hindi makagawa ng anumang ingay.Narinig niyang may kausap ito sa cellphone.Fluent na fluent itong nagsasalita sa Ingles.Kumunot ang noo ni Cassandra.'Bakit parang pamilyar ang boses niya? At sino ang kausap niya?'Mas lalo pa siyang lumapit sa pinto.Halos idikit na niya ang tainga habang pinakikinggan ang usapan sa loob, ngunit hindi malinaw sa kanya ang pinag-uusapan ng mga ito.Makalipas ang ilang sandali, tumahimik ang silid.Narinig niya ang mahinang kalabog ng isang pinto.'Pumasok siya sa banyo...'Hindi nagtagal ay narinig niya ang lagaslas ng tubig mula sa shower.Napalunok si Cassandra.Unti-unting nanaig ang kanyang kuryosidad
Sabay na napalingon sina Mirasol at Elena nang makita ang humahangos na si Ismael.“Ismael, hijo, may kailangan ka ba?” nagtatakang tanong ni Mirasol.Napahinto si Ismael ilang hakbang ang layo sa kanila.Marahan siyang huminga upang pakalmahin ang sarili.Nang makitang maayos at ligtas ang kanyang ina, bahagyang gumaan ang kanyang pakiramdam.Ngunit palihim na kumuyom ang kanyang kamao.Nasa likod lamang ng kanyang ina ang babaeng nagpapanggap na Elena—isang impostor na tiyak na tauhan ni Senyor. Tahimik itong nakaalalay sa wheelchair ni Mirasol na tila walang anumang itinatagong kasamaan.“K-Kumustahin ko lang po sana kayo,” sabi ni Ismael, kinokontrol ang sarili. Pagkatapos ay ibinaling niya ang tingin kay Elena.“Tungkol din po sa nangyari kanina.”Saglit na nagtama ang kanilang mga mata.Bahagyang namula ang pisngi ni Elena at mahinhin itong yumuko, tila nailang sa titig ni Ismael.Ngunit sa likod ng inosente nitong anyo, alam ni Ismael na ibang tao ang nasa kanyang harapan.“Si
“Ismael…” mahinang tawag ni Cassandra habang kumakatok sa pinto ng silid. Palinga-linga pa siya sa paligid, halatang kinakabahan.Saglit lang, bumukas ang pinto.Nagulat si Ismael nang makita siya.Bago pa siya makapagsalita, mabilis na pumasok si Cassandra sa loob at agad na ni-lock ang pinto.Kun
"Divina,"“Ismael!” Halata ang pagliwanag ng mukha ng babae nang sa unang pagkakataon ay lumapit si Ismael sa kanya.Ngunit agad ding naglaho ang ngiti niya nang mapansing malamig at walang itong emosyon."Nandito ako sa paboritong lugar ni Mama Mirasol… ah, ng Mama mo," napalunok si Divina nang ma
Balak pa sanang makipag-agawan ng iba— ngunit nang makitang si Ismael ang nakasalo, isa-isa silang umatras. “Cassie!” nilapitan siya ng excited na bride. “Alam mo ba ang paniniwala? Kung sino man ang pares na nakasalo ng bouquet at garter, sila ang magkakatuluyan!” Hindi pa nakakapag-react si Ca
“Teka, Cassie… ano ‘yong sinasabi mo kanina? Tatawag ng pulis—may nangyari ba?” naalalang tanong ni Marvin. “Ahm…” napalingon siya sa estranghero. “Wala,” maikling sagot ni Cassandra, sabay iwas ng tingin. “Tiyak na matutuwa si Abby na makita ka ngayon, Cassie,” dagdag ni Marvin. Tipid lang an







