LOGIN
Alas-sais ng umaga—
at nasa maling lugar si Cassandra De Villa. Kung may isang bagay na kinaiinisan niya, iyon ay ang gumising nang ganito kaaga. Pero mas malala ang sitwasyong kinalalagyan niya ngayon— nakasiksik sa loob ng isang bus na halos wala nang mahingahan. Sira ang kotse niya. Bigla itong nag-overheat sa gitna ng biyahe. At kung hihintayin pa niyang maayos iyon, aabutin pa siya ng bukas bago makarating sa San Fernando. Hindi pwede. Kasal ngayon ng matalik niyang kaibigang si Abby. Siya ang maid of honor nito. At nasa kanya ang wedding gown. Tatlong buwan na ang nakalipas nang ipatahi iyon ni Abby—sakto sa dati nitong katawan. Pero nagbago ang lahat. Buntis na ito ngayon. At kagabi lang, halos mangiyak-ngiyak na tumawag sa kanya. “Cassie… hindi na kasya.” Bilang isang bridal designer at may-ari ng sariling shop, sanay si Cassandra na kontrolado ang bawat detalye—mula sukat hanggang sa huling tahi. Kaya hindi siya nagdalawang-isip. Hindi na niya kayang ulitin ang buong gown sa loob lang ng isang gabi, pero kaya niyang iligtas ito. Inayos niya. Pinaluwag ang disenyo. Iningatan ang bawat detalye para hindi mawala ang ganda nito. At ngayon—dala niya ang gown na siya mismo ang nag-adjust. Kaya kahit ganito ang sitwasyon, hindi siya pwedeng ma-late. Mahigpit niyang niyakap ang kahon habang pilit na sumisingit sa loob ng bus. “Diretso na ho! Sa dulo!” sigaw ng konduktor. Pero parang imposible. Siksikan. Mainit. At sari-sari ang amoy—pawis, mantika, at matamis na pabango na nakakapanakit ng ulo. Huminga siya nang malalim. 'Konti na lang…' At doon niya naramdaman— isang mainit at matigas na bagay ang biglang dumikit sa kanyang pang-upo. Natigilan siya. Hindi agad nag-sink in. Hanggang sa—napagtanto niya kung ano iyon. Halos umusok ang ilong niya sa inis. “Bastos!” Lumingon siya—at doon niya nakita ang lalaking walang hiya. Matangkad ito—halos nangingibabaw sa lahat. Para siyang anino na biglang nagka-katawang-tao sa gitna ng siksikan. Ngunit nang humarap ito— napa-atras si Cassandra. May peklat sa kaliwang pisngi nito—malalim, pahaba, at halatang iniwan ng isang matalim na bagay. Isang marka ng nakaraan na hindi basta-basta. Ngunit imbes na makabawas— lalo pa itong nagbigay ng kakaibang bigat sa aura nito. Malalim ang mga mata—matalim, malamig, at parang kayang basahin ang kahit sinong tumingin dito. Walang emosyon. Matangos ang ilong, matigas ang linya ng panga, at ang mga labi nito ay bahagyang nakatikom—parang sanay magpigil ng kung ano man ang nasa loob. Hindi ito ‘yung klase ng lalaking papansinin. Ito ‘yung klase ng lalaking— kusang iniiwasan. At kahit hindi ito nagsasalita— ramdam na ramdam ang presensya nito. Mabigat. Mapanganib. At sa hindi niya maintindihang dahilan— hindi niya magawang umiwas agad ng tingin. “May sinasabi ka, Miss?” Mababa ang boses nito. Malamig. At parang babala. Biglang natuyo ang lalamunan niya. “W-Wala.” Agad siyang lumipat ng upo nang may bumaba. Pero hindi siya iniwan ng lalaki. Tumayo ito sa gilid ng upuan niya, isang kamay ang nakahawak sa hawakang bakal, tila walang balak umalis sa pwesto nito. Tahimik. Masyadong malapit. “Sir, sa dulo ho—” Naputol ang konduktor. Isang tingin lang ng lalaki—at biglang namutla ito. “P-Pasensiya na… hindi ko alam na ikaw ‘yan…” Nangilag ang mga tao. Umiwas. Parang may hindi nakikitang pader sa paligid ng lalaki. Napakapit si Cassandra sa bag. 'Sino ba siya…? Masamang tao… o isang kriminal?' Umandar ang bus. Mabilis ang takbo. Paikot-ikot ang kalsada. Sinubukan niyang kunin ang cellphone niya, ngunit hirap siyang hanapin iyon sa loob ng bag, dahil sa dami ng abubot. Biglang— preno. Wala siyang oras para kumapit— napahilig si Cassandra pakaliwa. At sa lakas ng pwersa—napadikit ang kaliwang pisngi niya sa— ibaba ng nakaumbok na bahagi ng katawan ng lalaking nakatayo sa gilid niya. Nanlaki ang mga mata niya. Mainit. Matigas. At ramdam na ramdam ni Cassandra. Biglang uminit ang pisngi niya—hindi niya alam kung sa galit o sa hiya. Dahan-dahan niyang inurong ang mukha at iniangat ang paningin. Nakatitig ito sa kanya. Tahimik. Pero hindi inosente ang tingin. Parang may alam itong hindi niya alam. Bahagyang yumuko ang lalaki—kaunti lang, sapat para marinig niya ang bawat salita nito. “Ikaw ang lumapit,” mababa nitong sabi, halos pabulong. Biglang naghalo ang galit, takot, at kahihiyan sa loob niya. “Ang kapal mo!” mariin niyang sabi, mabilis na lumayo. Ngunit kahit may distansiya na siya— hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib niya. “Para ho! Bababa ako!” sigaw ni Cassandra. Pagkababa niya, halos tumakbo siya. Kinakabahan. Hindi mapakali. “C’mon, Abby… sagutin mo na…” bulong niya, halos manginig ang kamay habang hawak ang cellphone. Nang lumingon si Cassandra—napasapo siya sa dibdib. Bumaba rin ng bus ang estranghero—at nakasunod sa kanya. “Lintik…” bulong niya. Binilisan ni Cassandra ang lakad. Halos madapa. At saka— bangga. “Cassie?” Napatingin siya. “M-Marvin?” ang nobyo ng kaibigan ang nasalubong niya. Para siyang nakakita ng sagot sa problema. “Anong nangyari? Bakit parang—” “May sumusunod sa’kin!” putol niya. “Tawag ka ng pulis—” “Ismael!” baling ni Marvin sa lalaki sa likuran niya. Tumigil si Cassandra. “Good thing nakarating ka,” dagdag ni Marvin. Dahan-dahan siyang napalingon. “Kil—kilala mo siya?” nanginginig niyang tanong. Ngumiti si Marvin. “Siya ang best man ko.” Nanlamig si Cassandra. Biglang bumalik sa isip niya ang nangyari sa bus—ang lapit nito, ang boses nito… Napahiya siya. Pero mas nangingibabaw ang kaba sa dibdib niya. Dahil sa sandaling iyon—naintindihan niya kung bakit takot ang lahat sa kanya. At kung bakit… ito pa lang ang simula.Pagkapasok na pagkapasok sa kanyang silid, agad na isinara at ni-lock ni Elena ang pinto.Tiniyak muna niyang walang makakarinig bago siya marahas na napabuntong-hininga.“I'm sick of pretending. I wanted to hurt Cassandra the moment I saw her. How much longer do I have to keep acting?” gigil niyang sabi.Mabilis siyang humarap sa malaking salamin.Walang pag-aalinlangang hinawakan niya ang gilid ng prosthetic silicone mask na nakadikit sa kanyang mukha. Dahan-dahan niya iyong hinila, kasabay ng bahagyang pag-angat ng artipisyal na balat mula sa kanyang tunay na mukha.“Ugh...”Napangiwi siya sa hapdi habang unti-unting natatanggal ang medical adhesive na nakakapit sa kanyang balat.“Ouch! If this weren't necessary, I would never put myself through this.” padabog niyang reklamo habang patuloy na inaalis ang prosthetic.Nang tuluyan niya itong mataggal ibang mukha na ang bumungad sa salamin.Unti-unting umangat ang sulok ng kanyang mga labi sa isang malamig at mapanganib na ngiti.KRIN
Sa private office ng beach house, tahimik na nagtipon sina Ismael, Rey, at Indira. Nakasara ang pinto upang walang makarinig sa kanilang pag-uusap. Sa harap nila ay isang malaking smart TV kung saan naka-video call si Severino."Kagaya ng inaasahan natin, matatakasan ni Senyor ang pagsabog." simula ni Severino.“Ang hirap namang patumbahin ng matandang 'yon. Para talagang kampon ni Satanas.” komento ni Indira. “Tiyak na mas lalo siyang magngingitngit ngayon,” dugtong ni Severino. “Pareho na nating nailayo sa kanya sina Mirasol at Cassandra.”“Kailangan nating magdoble-ingat at masusing magbantay,” sabi ni Rey habang ini-scroll ang mga file sa laptop.“Nagpakalat na rin ako ng mga tauhan sa paligid ng beach house,” ulat pa ni Rey.Tumango ang mga kausap.“Hindi pwedeng makalapit si Senyor kahit isang hakbang.” kumuyom ang kamao ni Ismael.“Wala naman kaming nakikitang kahina-hinalang galaw sa ngayon,” dagdag ni Rey.Saglit na natahimik ang lahat.Maya-maya'y muling nagsalita si Ismael
Alas siyete y media na ng umaga nang magising si Cassandra.Mataas na ang sikat ng araw.Inaantok pa niyang kinapa ang kabilang bahagi ng kama.Wala na roon si Ismael.“Ismael...” mahina niyang tawag, habang kinukusot pa ang mga mata.Dahan-dahan siyang bumangon at lumabas ng silid.Pagbukas pa lang ng pinto ng beach house, sinalubong na siya ng mainit ngunit banayad na sinag ng araw. Tumama sa kanyang balat ang preskong simoy ng hangin mula sa dagat, kasabay ng mahinang tunog ng mga alon sa puting buhangin.Sa di-kalayuan ay naroon si Mirasol, nakaupo sa kanyang wheelchair at nagpapainit sa ilalim ng araw. Nasa likuran naman nito si Elena, tahimik na nagbabantay.Lumapit si Cassandra.“Good morning, Mama.”Ngumiti rin siya kay Elena.Tumango naman ito bilang tugon.“Magandang umaga rin sa'yo, Cassandra,” masiglang sabi ni Mirasol. “Nagugutom ka ba? Naghanda na si Ismael ng almusal mo.”Bahagya pa itong umusog sa wheelchair na tila gustong tumayo at siya mismo ang mag-asikaso kay Cass
Mahinang umiihip ang hangin mula sa dagat.Sa isang maliit na gazebo sa gilid ng beach house, tanaw ang malawak na karagatan at ang mga alon na marahang humahampas sa dalampasigan. Napapalibutan ito ng mga punong niyog na banayad na gumagalaw sa hangin.Dahan-dahang itinulak ni Cassandra ang wheelchair ni Mirasol hanggang sa huminto sila sa loob ng maliit na pavilion.Napabuntong-hininga si Mirasol."Parang panaginip pa rin na nakawala na ako sa kamay ni Marcial."“Hindi ko akalaing matapos ang napakaraming taon na pagkulong niya saakin... mararanasan ko pa ang araw na ito.”Napalingon siya kay Cassandra.“Ang makasama ang anak ko... at makitang bumubuo na siya ng sarili niyang pamilya.”Napapikit siya atsaka ngumiti.“Matagal ko nang ipinagdarasal na makitang masaya si Ismael.”Tahimik na ipinatong ni Cassandra ang kanyang kamay sa balikat ng biyenan.“Mama...” garalgal niyang sambit.Ipinatong ni Mirasol ang kanyang kamay sa kamay ni Cassandra.“Salamat, anak... dahil nakilala ka ni
Banayad na umiihip ang hangin mula sa dagat.Sa di kalayuan, maririnig ang mahinang paghampas ng mga alon sa dalampasigan habang ang sikat ng araw ay kumikislap sa malawak na bughaw na karagatan.Sa harap ng isang beach house, isang babae ang tahimik na naghihintay sa kanyang wheelchair.Si Mirasol.Bagaman payat at maputla pa rin ang kanyang mukha dahil sa mahabang panahon ng pagkakasakit, makikita ang saya at pananabik sa kanyang mga mata.Sa likuran niya ay nakatayo ang kanyang personal nurse na si Elena. Marahan nitong itinulak ang wheelchair upang maiharap si Mirasol sa daanan.Maya-maya'y may isang sasakyang pumasok sa bakuran ng beach house.Napangiti si Elena.“Nandiyan na si Ismael,” malumanay nitong sabi.Agad na napatingin si Mirasol sa direksiyon ng paparating na sasakyan, nangilid ang luha sa kanyang mga mata.Sa loob ng sasakyan, napalingon si Ismael kay Cassandra.Mahimbing na naman itong natutulog sa passenger seat na nakababa ang sandalan.Nakatagilid ang ulo nito, h
Kasabay ng makapal na usok na mabilis na pumuno sa silid, hinablot ni Indira ang kamay ni Divina.“Takbo!”Halos magkandadapa silang lumabas ng kwarto.Mabilis nilang tinahak ang makitid na pasilyo ng safe house. Kumukurap ang mga ilaw sa kisame habang patuloy na umaalingawngaw ang alarma sa buong bahay.Sa likuran nila, sunod-sunod ang sigawan ng mga tauhan ni Senyor.Paglabas nila sa likurang pinto ng safe house, sinalubong sila ng mainit na hangin ng tanghali.Mabilis silang tumakbo sa makipot na daanang napapalibutan ng matataas na damo at malalagong puno hanggang marating ang bakanteng lote sa likod ng bahay.Naroon na ang isang itim na SUV.Nakahawak na si Rey sa manibela, at nakaandar na ang makina.Binuksan niya agad ang pinto.“Ayos na, Rey!” hingal na sabi ni Indira habang halos itulak na papasok ng sasakyan si Divina.“Magaling, Indira.”Agad na pinaandar ni Rey ang sasakyan.Kasunod nila ang isa pang sasakyan na lulan ang ilan sa mga tauhan nilang nakaligtas sa paglusob.I
Balak pa sanang makipag-agawan ng iba— ngunit nang makitang si Ismael ang nakasalo, isa-isa silang umatras. “Cassie!” nilapitan siya ng excited na bride. “Alam mo ba ang paniniwala? Kung sino man ang pares na nakasalo ng bouquet at garter, sila ang magkakatuluyan!” Hindi pa nakakapag-react si Ca
“Teka, Cassie… ano ‘yong sinasabi mo kanina? Tatawag ng pulis—may nangyari ba?” naalalang tanong ni Marvin. “Ahm…” napalingon siya sa estranghero. “Wala,” maikling sagot ni Cassandra, sabay iwas ng tingin. “Tiyak na matutuwa si Abby na makita ka ngayon, Cassie,” dagdag ni Marvin. Tipid lang an
“Ismael…” mahinang tawag ni Cassandra habang kumakatok sa pinto ng silid. Palinga-linga pa siya sa paligid, halatang kinakabahan.Saglit lang, bumukas ang pinto.Nagulat si Ismael nang makita siya.Bago pa siya makapagsalita, mabilis na pumasok si Cassandra sa loob at agad na ni-lock ang pinto.Kun
Payapa ang paligid ng kubo.Mahina ang ihip ng hangin mula sa batis habang unti-unting dumidilim ang langit. Sa labas, tuloy pa rin ang mahinang apoy ng bonfire na ginawa ni Ismael kanina.Nakahiga si Bulldog malapit doon, paminsan-minsang nagtataas ng ulo bago muling pumipikit.Samantalang sa may







